Bago ko simulan ang post na ito, gusto kong magpasalamat sa mga mga nag commento sa huling post ko… salamat kasi mukhang okay na si gerlfren… natauhan yata.
Right now medyo kinakabahan ako…correction KINAKABAHAN TALAGA AKO! Bakit? Kasi kamakailan lang sinabi ni gerlfren sa akin na gusto daw akong makilala ng nanay niya ngayong darating na Linggo(October 18)… HUWAT!?! Teka alam kong nakaraan lang eh nag dasal akong sana maging legal na kami sa side niya pero ‘di ko akalain na sasagutin agad ni Bro ang hiniling ko sa kanya. Anak ng jueteng, simula nung sabihin niya sa akin yun eh madalas di ako mapakali… para bang natutuwa ako, natatakot na medyo may halong kaba… What if ‘di nila ako magustuhan, what if sabihin na “Ayaw namin sa iyo bilang Bf ng unica hija namin,what if sabihin na layuan mo na ang anak ko? Naku po Bro wag naman sanang ganun(THINK positive…)
Isang araw na lang at pakiramdam ko eh hahatulan na ako at sana wag naman bitay ang ipataw sa akin na kaparusahan… sana life sentence with their daughter na lang(ang cheesy naman oh). Pero bago humaba ito, may itatanong ako sa inyo at sana matulungan niyo ako…
“Ano ba ang isinusuot sa mga ganun okasyon?”
WALA AKONG SENSE OF FASHION kasi.
Sanay lang ako sa pambahay attire kahit nasa opisina ako… Oo nga’t pumapasok ako na naka polo at slacks sa opis pero pag patak ng 11pm nag papalit ako ng pambahay at naka tsinelas na lang ako at kung minsan naka alpombra lang ako(al-pom-bra. Isang uri ng tsinelas na walang kanan o kaliwa) ‘Di ko talaga feel pumorma, ayus na sa akin yung maong, sneakers na puti, at black na t-shirt.
Wala kasi akong ibang kulay na alam kundi itim… Eh kung mag Itim na polo at black slacks na lang ako(Parang may ibuburol naman), Itim na T-shirt, blue denim at black na chucks(Hahaha EMO?)Itim na long sleeves na may neck tie na black?(Putek para naman akong ahente sa punerarya).
Isang araw na lang at Linggo na. Kinakabahan na talaga ako, sana kung magkataon nga na ipakilala ako ni gf sa mga magulang niya eh wish ko lang(sabay cross ng fingers) sana pumasa ako sa standard nila…
22 comments:
it's nice to be yourself pero i read a lot of times and heard from parents na kung imimeet nla ung bf ng only child nila, 1st impression really means a lot. so porma na kung porma just to look decent ba... doesn't necessarily mean u won't be yourself anymore... kumbaga you're just dressing appropriately. honestly, jeans and polo will do with black shoes... no need for slacks unless formal or semi lang ang trip nio sa day na un lol ... but being neat is enough. :)
October 17, 2009 at 1:11 PMthink positive kuya :) gudlak. magugustuhan k nila. sure ako. hehehe. :D pray lang. be simple. be you. :) go kuya! :)
October 17, 2009 at 10:07 PM@traveliztera
October 18, 2009 at 9:26 AMnaks naman... may tips pa ah... anyweay thank you sis... hmmm i think i'll go with the polo ang jeans thingy... salamat.... naku sunday na today at nmamaya na yung big day
@sis kox
hahaha mukhang nabuhay ka ah... musta na?parang commercial lang ah... "think positive"
If the meeting is going to happen at night, BLACK is perfect. Very formal-looking. Take note that a long sleeved shirt a;ways look formal.
October 18, 2009 at 11:14 AMBut if the schedule of meeting is day time, a long sleeved shirt will look nicer and more serious. Black pants will be okay with black leather shoes (no sneakers, please!) or even brown leather shoes are just perfect. If you're complexion is rather fair, yellow, red or blue shirt will do the trick. If your complexion is darker or at least in the exotic brown (a smash hit here in north America), then a lighter colored shirt will be fine.
But, the most important thing is BE YOURSELF. As Shakespeare once said: "Be familiar, but by no means vulgar."
For instance, when they ask you to eat with them, make sure that you eat WITH CLOSED MOUTH. Don't put your arms on the table. That's bad manners! And make sure you are respectful.
If they would not be impressed by these things, I don't know what would.
Finally, relax. Don't be nervous. They're just simple folks just like anyone else. Hinting how you care and respect their daughter will give you higher points.
Good luck to you. I'm sure you're going to be fine.
naku ngayon na yun diba? sana humabol pa itong suggestion ko, try to look neat and clean.white polo will be better a little print on it pwede,tapos dark jeans or lighter ng konting-konti, sa shoes don't wear sneakers,formal white shoes or cream or di kaya black shoes...naks ang gwapo mo sa imagination ko! ehehe!
October 18, 2009 at 3:24 PMjust be yourself sa pagharap sa kanila, don't forget the power words! PO and OPO!
omg im sorry kung late na to pero anyway mukhang di na ako aabot, sabi nga ng iba just be yourself lang. at!!! gud luck!!! ^__^
October 18, 2009 at 4:53 PMthere! i have changed my blog's url. please re-link me. :) thank you! Ü <3
October 18, 2009 at 10:20 PMalpombra pala ang tawag dun?
October 18, 2009 at 11:11 PMnauso yan dati naalala ko.. mga 90's yata nun!
parekoy,
wala sa isusuot yan...
nasa paraan kung paano mo ipapakilala ang sarili mo.
kahit pa suot mo ang pinakabagay sayong damit kung hindi pa rin papasa sa kanilang panlasa, bagsak pa rin!
mag-suot ka ng kumpportableng damit para sayo... yung tipong hindi ka naiilang at hindi ka nahihirapan..lols
basta yun na yun!
Naks! so by this time tapos na ang pamamanhikan (Naks! pamanhikan na daw... jijijijiji)mo sa kanila... so ano na nagyari?! jijijiji
October 19, 2009 at 12:34 PMwow ang galing naman ipapakilala ka na ni girlfren...congrats! yun sa susuotin mo, sa aking palagay ok lang ang jeans at shirt... be natural...
October 20, 2009 at 1:29 PMat saka ang importante ay i-greet mo si parents nya pag dating mo ng magandang hapon or gabi (with smile)
if u like, bili ka ng cake sa goldilocks or sa red ribbon kahit un pahabang cake lang...chocolate flavor hahaha...pampabango ke mommy ^_^
kala ko ba may kakambal gf mu? bakit unica hija? hehehe
October 20, 2009 at 4:19 PMpost mu agad kung ano ngyare!
-ysh-
@cool canadian
October 20, 2009 at 5:54 PMnaks naman.... salamat sa pag dalaw ulit sa blog ko... anyway, ano ba itatawag ko sa iyo? "cool canadian" ba o ate o kuya?
dont worry sinuod ko payo mo
@best friend iya
bakit bawal ang sneakers? hahaha too late bestfriend...
adik sinong gwapo? ako? di naman eh
@cyndirellaz
October 20, 2009 at 5:57 PMhehehe salamat sa pag papalakas ng loob ko.. musta na kayo ni hubby mo?
@sis kryk
anu nangyari at nag palit ka ng URL?
@kosa
oo alpombra tawag dun at napag hahalata tuloy mga edad natin ah.... nagkaroon ka ba nun dati?
@ Xprosaic
October 20, 2009 at 5:58 PMuy anung pamamanhikan? naku di ah.... bata pa si gf eh... anyway salamat sa pag dalaw sa blog ko.... 1st timer ka ba?
@ate meryl
cake? hmmm teka bakit chocolate?
@ysh
October 20, 2009 at 6:00 PMlalaki ang kakambal niya at lahat ng kapatid niya ay puro boys.... hehehehe
ayun naman e. hehe. kaya mo yan kuya! Just be yourself. Ipakita mo lng natural mo. at isuot mo lang ung nkasanayan mo. yun ang payo ko. Di mo naman kailangan pa pumorma. baka isipin pa qng sng party ka aattend hehe. ayun ayun. Goodluck. I know kaya mo yan :)
October 20, 2009 at 10:12 PMAnyways. Sorry qng ngaun lng nakabisita. mejo ngaun lang sinipag magblogloglog ulit e. hehe. btw my new post nga pla ko :P Bisita k minsan if my time. Ingat :)
ahahha ... brother.. nakakatawa ka talaga..
October 21, 2009 at 1:13 AMhmmmmmmm :)
hmmm...bakit nga ba chocolate? naisip ko lang din hehehe...
October 21, 2009 at 9:00 AMiyon kc ang favorite ng karamihan...since hindi mo pa alam ang gusto ni mommy eh chocolate na lang muna. kamusta na pala ang pagpapakilala sa iyo?
Wuaaaa..I am sooo late! kainis! hahaha Just kidding. Kasi nmn busy mode ako kaya di ako nakadalaw agad. Pero wait, msta nmn ang paghihingi ng kamay este, ang pagpapakilala? =D
October 22, 2009 at 1:25 AMApril
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
dropping by ^_^
October 23, 2009 at 6:19 AMcmplehan mo lang porma mo kua..
October 23, 2009 at 8:44 AMmas mganda pag cmple lang..
kya mo yan..
magugustuhan k nila..: )
hmm.. d k n ndlw sa blog ko..
bc bchan ka na...hehehe
huli na ba ko?? stay true but not so true. haha! gulo ko. basta behave ka lang. at agree ka lang sa mga sinasabi nila. hehehe..
October 25, 2009 at 7:32 AMkaya pala nawawala ang chatbox...may nananalanta dun.
Post a Comment