10/7/09


Bago ako mag simulang mag kwento sa inyo gusto ko lang mag pasalamat sa lahat na nagbasa at nag comment sa article ni gf kamakailan... natuwa siya sa mga comments niyo at salamat din kay cool canadian sa pag ko-correct ng mga maling grammar...

Wala naman akong mahalagang sasabihin sa inyo now pero gusto ko lang ishare yung nangyari nung October 1... Remember Dhana? Yung preggy na nakilala ko, nanganak na siya that day at laking gulat ko kasi kambang al anak niya.... swerte daw yun sabi ng mga matatanda pero para sa akin medyo gastos yun... instead kasi na isa lang yung baby niya eh naging 2, instead 1 lang ang iinum ng NIDO eh 2 na sila at ang pinaka malufet dun eh mag isa lang niyang itataguyod ang bagong family niya dahil up to now nawawala pa din yata yung ama ng mga anak niya... putek na lalaki yun ah.... Mahirap kasi ngayon sa mga kabataang katulad ko(ehem ehem) puro sarap na lang ang iniintindi at hindi yung consequence ng pwedeng mangyari sa gagawin nila...gets niyo ba punto ko?

Tinawagan ako ni Dhana ng saktong 11;30 ng gabi dahil daw pumutok na yung water bag niya(anu ba yun?) kaya dali dali akong bumangon at pinilit gisingin ang natutulog na utak ko para puntahan siya sa pinag dalan sa kanyang clinic... Nang makarating ako, laking gulat ko kasi naging kambal yung anak niya... buong akala ko isa lang. Dahil wala naman trabaho si dhana naisipan kong ako na ang umako ng gastos niya(anak ng jueteng di ko talaga alam kung anung espirito ang sumanib sa akin para gastusan siya) sa panganganak...

At dahil sa gastos na yun... heto ako, isang nilalang na walang pera(lolz). Next week na ang kaarawan ni gf at ni singkong duling wala ako... saan ako kukuha ng pera? Kailangan ko yatang sumayaw sa may night club sa may amin ah, ang tanong may kukuha ba sa akin?(joke lang yung hon). Kanina kasama ko si gerlfren at biniro ko siya bout sa ireregalo ko sa kanya.

Ako: "Honey sorry pero mukhang wala akong gift sa iyo this year, sorry talaga"
Gf ko: "Ayus lang yun, basta ang mahalaga magkasama tayo sa bertdei ko"
Ako: "Teka may naisip ako na ireregalo sa iyo, kaso may konting problema"
Gf ko: "Ano yun?"
Ako: "Ah hon, 9 na buwan mong dadalin yung ireregalo ko before mo mahawakan."(sabay batok sa akin)


PATALASTAS:

May ipapakita ako sa inyo na sana wag kayong magugulat






hahaha bahala na kayong mag isip kung anu yan... pero teka teka teka... hindi buntis si gf.... kung mababasa niyo yung name sa upper right hand corner nandun yung name ni gf... baka kai hindi niyo paniwalaan na sa kanya yan eh... ultra sound ni gf yan.

19 comments:

Lord CM said...

Hindi buntis si GF? pero nagpa ultrasound? ikaw ah :D may in-expect kang darating lolzz

Goodluck o Congrats na ba? hehehe

October 7, 2009 at 7:10 PM
♥superjaid♥ said...

oo nga bakit nagpailtrasound si ate michelle kung wala kayong inaabangan??

October 7, 2009 at 10:19 PM
Joni Rei said...

yay. anu to? bkit? haha. curious ako.

October 8, 2009 at 12:14 AM
saul krisna said...

@brod lord
hahaha wala kaming ineexpect.... basta ang gulo... next time ko ikkwento sa yio... hahaha.. pero di talaga buntis si gf

@sis jaid
hehe isa ka pa... wala kaming baby... trip lang namin... hahahaha

@ssiss joni
ano to? Ultrasound ni gf... hahahaha kita naman na walang nabuo diba? hahahaha

October 8, 2009 at 9:08 AM

hmmm..kapangalan niya un isa mong fren?
^_^ oist..wag mong sabihin na walang tatanggap sayo sa bar para magsayaw...ang sexy mo kaya ^_^ puro baby fat...^_^ ooops joke lang ha ^_^
sige wait ko next post mo tungkol dito sa ultrasound^_^

October 8, 2009 at 9:45 AM
saul krisna said...

@ate meryl
ngek... di na ako mtba... (denial) hahahaha medyo chubby na lang... anyway sige wait mo post ko huh ate.. salamat sa pag dalaw..
pero i repeat di buntis si gf.... may sakit kasi siya kaya need niya mag pa ultra sound

October 8, 2009 at 9:59 AM
Basyon said...

Hhmm, di buntis si gf? Naku baka nmn yan ung nung nagkasakit sya nung nakaraan? Abangan koh next post moh. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit

October 8, 2009 at 4:44 PM
ACRYLIQUE said...

Honga, marami akong kilala na nagpapa-ultrasound though hindi naman buntis. pero I am happy for both of you. :)

Sa PBA? I wanna go, kasi I wanna see you guys. i hope makapunta ako. Though may pasok ako that night. Bakit kasi di na lang ginawang weekend para super free ako. hehe. :)

October 9, 2009 at 5:30 AM
saul krisna said...

@mommy bayon
hehehe may kidney stone si gf kaya pina ultra sound eh...

@crayola
naku punta ka sa PBA kasi wala akong kasama dun... baka ma OP ako... hehehehe sana makita kita mya dun.... 5pm daw ang reg eh

October 9, 2009 at 8:10 AM
Kosa said...

isa kang bayani...

eh asan na si Dhana?
nasa bahay nyo? lolz

hindi ko maintindihan yung ultrasound...pero kung anu man yan, Ayus na ayus pa rin!

goodluck parekoy

btw;
nice background song..
pang=inlabzzzz

hahaha

October 9, 2009 at 9:01 AM
chikletz said...

anu daw? nalito naman ako dun. immaculate conception ba yan? hehe..

October 9, 2009 at 12:02 PM
Basyon said...

Ah ganun b. Kmsta nmn sya? Sana gumaling na sya at mawala na yung stone na yun. Kasi nmn eh bkit ba nalagay sa kidney nya ung stone? Db pang-daan lang yun? haha Just wanted you and your gf to smile. ;D Have a wonderful weekend. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit

October 9, 2009 at 4:25 PM
saul krisna said...

@kosa
ahahaha si dhana nasa bahay na nila... at ayus na siya kaso medyo di pa okay yung mga anak niya....

sana maging okay na siya....

bout sa ultrasound ni gf... hahaha di siya buntis... paraang i'm shooting blanks.... joke lang

@sis chiklets
saan ka naguluhan? hahaha nag absent ka lang eh naguluhan ka na? miss you sis

October 10, 2009 at 7:57 AM
saul krisna said...

@mommy bassyon
aba malaay ko dun sa gf ko... at malufet pa nyan eh tig 2 bato ang nilagay niya sa magkabilang kidneys niya...

ayun tuloy bawal ang maalat pero umamin siyang kumain siya ng oishi na maanghang the other day... kulitttttt niya talaga ....

October 10, 2009 at 7:58 AM
Rej said...

advance happy birthday kay gf. paburger ka naman :)

October 10, 2009 at 10:05 AM
DRAKE said...

Bro salamat sa pagdaan sa kwarto ko! Well tungkol sa ultrasound eh mamaya sa iyo pala yun at hindi sa GF mo!hehehe!

Ingat lagi at salamat sa pagbisita!

October 10, 2009 at 2:56 PM
saul krisna said...

@rej
burger? tag hirap nga ako now kasi nid ko pang mag ipon para sa regalo

October 10, 2009 at 8:12 PM
iya_khin said...
This comment has been removed by the author. October 10, 2009 at 9:00 PM
iya_khin said...

nice naman tinulungan mo yung preggy with da 2 babies...

medyo nalito ako dun sa ultrasound.siguro delay si gf 'no kaya nagpaultrasound pero ang findings wala naman laman! naku poh! ingat-ingat mahal ang gatas ngayon! nyehehe!

tenk yu pala sa koments mo...bestfriend na tayo! nyaahaha!chorvaness! blink!blink!blink!

October 10, 2009 at 9:00 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz