Hindi dapat ako mag po-post today kasi wala naman bago sa buhay ko at kakapost ko lang mag post the other day pero alam niyo naman na itong pag bo-blog lang ang outlet ko sa mga nararamdaman ko.
It all happened yesterday morning (September 24)… isang text message ang bumulaga sa akin habang nasa work ako and it says:
“..h0n.d2 aq emergency.d q n kya xkt tlga eh..”
Para sa hindi marunong bumasa ng short cut way ng pag te-text ito yung sinasabi
“..hon dito ako sa emergency. ‘di ko na kaya yung sakit eh..”
May sakit si gerlpren ko at hindi basta basta yung sakit na nadarama niya now… Ayon sa kanya nag low blood ulit siya(as in super low blood), umatake ulit ang UTI niya(super grabe din), nahihilo at nasusuka yata(Hoy hindi buntis si gerlpren!!!). Bigla ko lang na alala, kasi magkasama kami the whole day before at mukhang okay naman siya, di ko naman siya pinagod that day kahit isang tambak ang ginagawa namin project niya… tapos mababalitaan ko na lang sa kanya na nasa emergency hospital siya.
Sa tagal ko na siyang kakilala, 3 times na siyang nasugod sa hospital dahil sa sakit niyang UTI at pagiging low blood at this time mukhang lumala kasi kailangan daw niyang mag pa ultrasound(teka teka teka ang kulit niyo ah! Sabi nga’t hindi siya buntis…) Kailangan niyang mag pa ganun kasi baka may kidney stone na siya kaya nagkakaganun na siya.
Kahapon nung nag text siya parang gusto kong mag out na sa work para pumunta sa kanyang tabi at bantayan siya habang dinadanas niya yung pain na yun. Pero ano naman ang sasabihin ng mga magulang niya at ano naman ang sasabihin ko sa kanila?
Bigla akong napa imagine:
Ako: “Excuse me po, ah ako po yung BF ng anak niyo… kamusta na po siya?”
Tatay Niya: “Teka Bf ka niya? Iho hindi namin pinapayagan pa siyang mag BF… kaya habang maaga pa lang iwan mo na siya”
Peste! Kita niyo na? Ah wait ‘di ko pa yata nasasabi sa inyo na illegal kami sa side ng gf ko kasi “strict” daw ang parents niya… Anyway, ngayon ko lang na realize yung situation namin… before kasi, ayus naman kami kasi theres no need para mag kita o ipakilala ako sa mga magulang niya at okay na ako sa ganung set up(di pa lang siguro ito yung right time para ipakilala ako)pero biglang nag iba ang ihip ng hangin kasi heto ako ngayon at nag ta-type sa harap ng computer at siya naman ay nakahiga sa isang hospital bed at nahihirapan… gets niyo ba yung pakiramdam ko? I know it’s not my fault pero I just wish may nagagawa ako for her tulad ng pag bantay niya sa akin nung na hospital ako… ‘di niya kasi ako iniwan habang nagdidiliryo ako sa hospital.
Para kasing unfair ako eh and I really hate this feeling… I should be right there sa tabi niya now taking care of her, holding her ‘till the pain subside pero nasaan ako?…Gusto kong dumalaw pero hindi talaga pwede kasi ayokong malagay siya sa alanganin kasi if that happens tiyak akong sasabunin siya ng mga magulang niya at baka pahintuin siya sa pag aaral…ayokong mangyari yun.
Kanina nga naisip kong isuot ulit yung uniform ko ng Jollibee at mag panggap na isang delivery guy para lang makita ko siya at makamusta… pero parang sobra naman yun… ewan ko ba, natutuliro lang ako… Hope you understand me.
Guys… if okay lang sa inyo… if may time kayo kahit 20 seconds lang, pag pray niyo si Michelle…Alam kong powerful ang prayer kaya lumalapit ako sa inyo para ipag pray natin siya. Salamat sa mga mag dadasal… salamat.
*Get well soon honey…. I love you… hope to see that smile again across your lovely face.
Pain makes us forget so many things… Madalas sa sobrang pagka intense ng pain sa heart natin nakakalimutan na natin yung iba pang aspeto ng buhay tulad ng love, understanding, faith, endurance at forgiveness… at kadalsan kahit di natin sadya nawawala na yung pagiging positive natin sa buhay… madalas tinatanong natin “kalian ba ito matatapos?”
But pain also makes us remember one thing, our offender. He or she seems to be the villain in our life, ang KONTRABIDA sa buhay natin. Halos isumpa mo na yung taong iyon, at ilang appointment na sa mangkukulam ang ginawa mo para lang magkasakit siya, magka pimples, o magka dandruff(eewww). Wala na sa vocabulary mo ang salitang pag papatawad.
Habang nagbabasa ako ng isang libro este reader’s digest kanina, napadaan ako sa isang kwento na parang tinamaan ako… share ko lang sa inyo baka sakaling tamaan din kayo;
Let me tell you a story ‘bout a father. He’s very rich. He has a kind and lovely daughter. One night, a robber entered his house and took away all their money, jewelries and important belongings. He raped his daughter and killed her. He mourned for a long period of time for her daughter’s death. Finally the police caught the robber and put him to prison. But to the robber’s surprise, the father freed him from the prison, sent him to school, and supported his financial needs. He couldn’t explain his feelings of shame, joy, and gratefulness to the father. But the father wholeheartedly forgave him for what he has done.
Ewan ko ba… alam ko naman kathang isip lang ang kwentong iyon pero tinamaan talaga ako, Nagawa pa kasi niyang patawarin yung lokong taong iyon after patayin yung anak niya… he’s forgiving despite the intense pain na pinagdaanan niya. Nagawa niya mahanap yung positive side ng problem instead mag dwell sa mismong problema niya at hayaang sirain siya ng sarili niyang feelings(Hatred).
Isa lang ang natutunan ko… Forgiveness healed the pain, not time. We can never forget our experience, especially if masyadong nakaapekto yun sa atin… kaya nga why waste our time in trying to forget something bad from the past?
Accept that it happened tapos na yun at wala ka ng magagawa dahil past is past(diba), forgive the person who had done it and go on with your life! Mga anak kayo ng jueteng sumunod kayo sa akin… ala naman mawawala di ba?
SIDETRACK muna tayo: Usapang keso muna tayo
Tutal parang usong uso yung word na cheesy at keso.... wala lang naisip ko lang itong storya na ito
Nakasimangot ka na naman. Ang tagal mo na kasing naghihintay sa labas ng gate ng school namin eh.
“Sabi ko naman sa iyo, huwag mo na akong sunduin!”
“Wala naman akong ginagawa sa bahay eh… tambay lang kasi pang gabi ako.”
“Wala ka pa rin naman ginagawa dito.”
“Wala nga pero kasama naman kita…”
Ayan ka na naman ! Nagsisimula ka na naman sa mga sweet mong mga hirit. Pamatay ka talaga! Kinikilig tuloy ako.Napangiti tuloy ako nang wala sa oras.
Masaya ako kapag nandiyan ka. Ang taas-taas ng energy ko. Kaya lang, hindi malinaw kung bakit mo ginagawa ito. Mahal kita aminado ako. Pero sa tuwing dinadalhan mo ng mga ngiti ang mga labi ko, kasabay nito ang pangambang baka umasa lang ako sa wala. Umasa na baka nagmumukha na akong tanga. Pero wala akong magagawa, hindi mo naman sinabing “MAHALIN KITA”. Pero heto, ginagawa ko pa rin.
“Huwag mong sabihing mahal mo ako?!”
“Hindi no!”
Mukhang hindi ko talaga ma aamin sa iyo. Ngunit aasa pa rin ako, maghihintay na mahalin ako… ng boyfriend ng ate ko.
Mali sa paningin ko, mali sa paningin ng iba, pero anu magagawa ko? Kalimutan na lang kita. Ililihim ko na lang sa iyo na mahal kita….
BABALA!!!! Isang napakahabang kwento pero if wala kayong magawa sige lang basa lang kayo... Trip ko lang gumawa ng story kaya heto... hahahaha(Ang tumawa gigilitan ko ng leeg at di ko bati) Parang bata lang ah... hahahahahaha
I felt the soft breeze as I was leaning against the trunk. The birds were singing, soothing my aching soul.
Its peaceful here… too peaceful.
Four? No five. Every day, as I sat under the tree, I saw five people passing this area. Mang KOSA was always one of those five people. Every afternoon, he passed this place where I was, carrying his tools: his shovel, his sprinkler and plastic gloves. I straightened up to greet him with a warm smile. He just looked ahead to where he was going, not paying any attention to me. I figured he didn’t notice me. For so many years now, it had always been this way, everyday… I would never leave this place. This small place I called sanctuary. My home where I waited for the realization of one promise;
“I promise I’d be back.”
The moment I met you, I knew I found the perfect girl; but not at the perfect time. You made me happy in a way that no one else could. So many things to be done…so many obstacles to overcome. So with an aching heart, I did something I knew I would never regret.
“I promise I’d wait.” My heart, my love, my life… we needed to wait for the right time. As to what time it would be… no one could ever tell… That solemn promise; it was a promise between two lovers. A promise we had sworn not to break. Not much was spoken after those words had been given, for we both knew how much we meant each word.
And so I waited… I waited until a month was over… I waited until almost a year had passed… I waited for another couple of years… I waited and waited…
But it didn’t even scare me one bit when you failed to come each day. Yes, I felt pain… Severe pain knowing that I had to spend another day without you by my side. The pain almost killed me, wasn’t it ironic? Everyday, I was lost. Everyday, the pain would slowly kill me. There’s just one promise that kept me alive. Loving is waiting. And I didn’t understand that ‘till I met you. I was lost on my thoughts that I didn’t notice that a car had already parked beside the road. A pretty girl in her twenties came out. Her eye, they were too familiar; TOO FAMILIAR. One look and my knees begun to shake, my hands trembled. She’s BACK!
How lonely her eyes had become. She started to quicken her pace towards me and stopped a few feet away. Her eyes mirrored such agony as she looked up to the heavens and kneeled. She bowed her head until it almost touch the ground. She was sobbing as she hugged herself. “I told you I’d be back didn’t I!” She shouted.
Pain filled her voice and almost in a whisper, she added, “You told me you’d wait… but you didn’t.” She was sobbing so hard. I could do nothing but to sigh. I went beside her, my face inches away from her face. I looked at her and went closer, my lips close to her ears. “But I did wait. I’m still here waiting for you. I have never doubted you and your love. Thank you for coming back… I LOVE YOU.” Her eyes widened. I knew she felt my cold cheek when she touched her cheek with her hands.
“I’m still going to wait for you… up there.” I stood up. “You made me happy, you always do.”
A light enveloped me; I gave you one last look and I saw you standing over my grave as you wiped your tears.
I still knew that you’re my soul mate. I just knew it. Fate might have been succeeded in parting our ways… but it never succeeded in stopping my love for you. I knew that fate couldn’t stop me… for 5 years I had waited for you, and forever, I will wait for you until “our time” comes… The right time.
Kaninang umaga naisipan kong mag kalkal ng mga basura sa mga cabinet ko kasi parang isang malaking basurahan na ang kwarto ko (teka muna alam niyo ba na kulay PINK ang room ko? Hahaha kikay)… sa sobrang sinop ko sa mga gamit parang wala na yata akong tinapon dahil ang katuwiran ko ay “wag mong itapon yan… may sentimental value yan sa akin” kahit na ang tinutukoy ko ay isang balot ng BAZOOKA BUBBLE GUM(Inabutan niyo pa ba yung babol gam na yun). Teka napaghahalata na yata ang edad ko sa mga pinag sasasabi ko ah… change topic na nga… hahahaha
Anyway buong tapang kong binuksan ang 2 cabinet ko, hawak ang isang stick at dahan dahan kong binuksan ang unang drawer…baka kasi may ahas na naninirahan na sa loob o baka may daga na kasing laki ng pusa(Iba na ang boy scout “laging handa”)
Pagkabukas ko laking pasalamat ko ng walang tumuklaw sa akin… pero nagulat naman ako sa dami ng mga basura sa mga drawer ng cabinet ko, may mga balat ng kendi(TARZAN bubble gum-pamana ng tiyo ko vintage na daw kasi yun, JUDGE, STORK, HALLS, MAXX na pula, at ang pinaka paborito ko… BAZOOKA babol gam kasi may comic strip yun sa likod ng balot niya), mga papel na ginamit ko bilang scratch paper sa pag gawa ng mga love letters at kodigo pag may exams(expert ako sa pag gawa ng mga kodigo), mga lumang litrato ng mga babae(Hoy mga kinakapatid ko sila! UTANG na loob!!! Baka may mag selos… peace honey…love you), mga ballpen na walang tinta, Isang kahon ng pirated CD’s, mga bagsak este mga mabababang class cards nung college pa ako(ahh wait… bagsak pala ako sa P.E 4 kasi di daw ako marunong mag ballroom, kaya nasagot ko ang Prof. ko, “ano naman ang koneksyon ng ballroom dancing sa pagkukumpuni ng mga sirang eroplano?”), at ilang dangkal ng mga comics ko.
SIDETRACK TAYO:
Alam niyo ba na mahilig akong mangolekta ng mga comics… Marvel at DC. Hilig ko si Spiderman,Ghost Rider, Batman, gusto ko rin si Constantine… Pati si Superman… May tanong nga pala ako sa inyo… i-comment niyo mga sagot niyo ha… dapat may explanation yung sagot niyo(demanding)… heto tanong ko:
Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na magkaroon ng kapangyarihan… anong klaseng kapangyarihan ang gusto niyo magkaroon at bakit? Be creative ha!
For ex. Gusto kong makalipad…. Kasi para mas tipid sa pamasahe…
Balik na tayo sa post ko… ano nga pala ulit yun? Ahh yung makalat kong cabinet,ito na yata ang napapala pag masyado akong sentimental sa lahat ng mga basura este mga gamit ko…. Imagine ultimo resibo ng bawat date ko tinatago ko pa. Bakit ko nga ba tinatago ang mga bagay na yun?Siguro masarap alalahanin yung mga storya sa likod ng bawat piraso ng mga papel, sa bawat balat ng kendi, mga resibo at mga love letters… Lahat yun nagpapaalala sa akin kung gaano ako naging ka tanga, kung gaano ako naging mabuting kaibigan at kung paano ko nalagpasan ang bawat problema. Nahanap ko na din yung 2001 Diary ko…. Teka nagulat kayo noh? Yup tama ang pagkakabasa niyo… nagsusulat ako ng diary for the past 13 years… although minsan may mga panahon na di ako nakakapagsulat dahil may sakit ako or pag puyat sa work pero di pa naman lumagpas ang 3 araw na di ako nag susulat sa diary ko. Next time ko na lang ikukwento sa inyo kung anong laman ng diary ko nung 2001(Basta medyo madaming 1st nung taon na yun para sa akin).
Pinag iisipan ko kung itatapon ko ba yung mga basura ko o hindi… Anak ng jueteng parang nanghihinayang ako ah… siguro basura ito para sa iba pero para sa akin may nakalakip na kwento ang bawat basura na ito… maganda man o pangit ang kwento na yun… di ko maipagkakaila na dahil sa mga pangyayari na yun ay naging ganito ako… good or bad man yung experience na yun, still hindi ako magiging ganito katatag, hindi ako magiging ganitong kasaya o ganito mag-isip if not for those experiences…
Lumipas ang ilang oras at kahit isang basura ay hindi ko nagawang itapon… inayos ko na lang ang mga yun at tinago…hahahaha nakakatamad mag linis ng kwarto… next time na lang siguro pag may ahas at daga na sa loob ng cabinet ko tsaka ako maglilinis. Hahahahaha.
*ahhh sis chikletz naguguluhan ka sa akin sa mga post ko? hahahaha ako nga mismo naguguluhan eh... happy ako pero not totally happy...kaya nga dinadaan ko na lang sa mga happy post eh baka sakaling malibang ako... pero don't worry kaya ko ito.... magiging okay din ako... salamat sa concern sis...tats ako sa concern mo... takte ayaw ko magdrama now....!!!!
*at para kay kosa nabanggit mo na fan ka ng freestyle nung mga bagets pa tayo... takte halos magkasing edad lang pala tayo... heto at kumanta ka na lang parekoy...
ONCE IN A LIFE TIME
by
Freestyle
Been thinkin bout ya baby
And I don't know what to do
All I think about is you
Seems everything around me
Things I've never understood
They all make sense when I'm with you.
Refrain:
Oh, I've heard it all before
Finding so called love then you leave it behind
But now I feel so sure
I listen to my heart this time
(So I lay it on the line/ put my heart before my mind//
Chorus:
I know that what I've found is once in a lifetime
(and) I know there's no way out
Coz it's once in a lifetime
I've always been so lonely
No one there for me to hold
And every night was just so cold
Oh don't get me wrong i've been around
But i've resigned myself to thinking
Mine is just another story often told
Repeat refrain then Chorus:
Coda:
It's not like im runnin' outta time
I'm takin' everything in stride
It's just i never thought i'd find
What would make me change my mind
Repeat chorus:
* at para kay Mitch... salamat sa lahat... i love you
Kantahan muna tayo...masaya kasi ako now dahil magkasama kami ni Michelle for the past two days...wala lang tambay lang sa room ko... hoy mga anak kayo ng Jueteng! Wala kaming ginawa...mga utak niyo huh... lolz...
TILL I FOUND YOU
I was alone not long ago without a love to call my own I was afraid and thought it wasn't meant for me I didn't need anybody else that was what I would tell myself And I believed that that was how it would be
I used to think that I was fine, oh, that I was doin' okay I didn't know that I was blind I just went on along my way I didn't know what I was missing till I felt your tender lips Kissing my fears away I'm so glad you're here to stay
Chorus: I never had somebody I could lean on I never had a shoulder I could cry on till I found you baby Till I found you... And I never had somebody I would think about I never had someone I couldn't do without till I found you baby Till I found you...
I had been badly hurt before Ever since then I would ignore a chance for love- I thought it was a lie I learned to rely upon myself and I thought I was doing well until you came up with something I just cant deny
I used to think that I was fine Oh that I was doing alright I would go on and do my thing Everyday and every night I didnt know what I was missing till I felt your Tender love fillin me up inside I love you with all my might
Chorus: I never had somebody I could lean on I never had a shoulder I could cry on till I found you baby Till I found you... And I never had somebody I would think about I never had someone I couldn't do without till I found you baby Till I found you...
And I never knew how goo a love could feel.. Till I found you And I never thought that a love could be so real... Till I found you..
Haay nakakapagod today kahit wala naman kaming ginawa ni Michelle... kwentuhan lang, iyakan,bolahan... actually parang okay na kami... Pasensya na nga pala if nag post ako ulit... masaya lang kasi ako at wala akong mapag sabihang iba dahil wala naman tao sa bahay palagi...
Minsan ba nangyari na sa inyo yung nakatayo kayo sa isang mataong lugar and yet kahit mala langgam sila sa dami somehow pakiramdam mo nag iisa ka pa din?
Minsan ba pakiramdam mo kahit buo ang pamilya mo, may mga magulang, mga kapatid, mga kamag anak somehow nararamdaman mong para kang isang ulila?
Minsan ba kahit napapalibutan ka na ng lahat ng mga kaibigan mo still parang may kulang?
Minsan ba kahit nasa iyo na lahat ang mga magagandang gamit sa mundo pero kahit halos matabunan ka na ng mga ito parang may hinahanap ka pa din na isang bagay o tao na pupuno sa empty space sa puso mo….
Lahat tayo may hinahanap dito sa mundo… pwedeng pag mamahal galling sa magulang, appreciation mula sa mga kaibigan, attention at love galling sa special someone mo… or maybe hinahanap mo pa siya up to now.
Ano ba talaga ang hinahanap mo? Pag ibig? Attention? Pagkakalinga ng magulang? Madalas sa pag hahanap natin minsan sa maling lugar tayo nakatuon kaya hindi natin ito matagpuan kahit anong pilit natin. Minsan naman nasa harapan na natin yung hinahanap natin pero di mo lang pinapansin at na a-appreciate. Minsan naman nahanap na natin pero pinakawalan pa dahil sa impluensya ng mga tao sa paligid natin…
Pag nahanap na natin yung mga bagay na yun wag mong hahayaan na maagaw o mawala pa ito… baka hindi na kayo makahanap ng katulad nun. Ipaglaban niyo, at ipaalam niyo kung gaano sila ka importante. Hindi aksidente na nahanap mo siya… “Everything happens for a reason” Ano ba ang point na post na ito? Wala!!! Wala lang akong maisip, hindi ko nga alam kung may moral lesson itong pinag sasasabi ko dito eh. Gusto lang ng mga daliri kong mag exercise kaya nag type ako…
Oh ikaw anu pang hinihintay mo hanapin mo na siya kasi ako nahanap ko na yung taong kukumpleto sa akin... (ikaw yun Michelle)
P.S
ika 30 days na kaming wala... haaay.... Nakakapanghina na talaga... pero sige lang... kaya ko pa...
Habang binabasa ko yung mga lumang post ko bigla akong napadaan doon sa post ko bout sa “Ano ba yung 3 things na hinahanap ng isang gf sa bf niya na dapat ibigay?” Guess what guys… natupad ko yung isa sa tatlong bagay na yun… too bad kasi nagawa ko yun nung wala na kami… pero at least nagawa ko pa din at yun ang mahalaga… “Better Late than Never”
Nabuo yung plano na yun habang nakatulala ako sa kisame ng bahay namin at pinag mamasdan ko yung butiki…
“Teka magkano ba ang pera ko?”
“Anak ng Jueteng! 1000 na lang at matagal pa ang sahod… Panu kaya yun?”
“Bahala na! Basta bukas na bukas din kailangan kong maibigay yun”
Alas 4 ng hapon ang uwian niya kaya if ever na gagawa ako ng ka-kornihang bagay dapat mas maaga ako… Umalis ako ng bahay ng mga bandang alas dos ng hapon dahil mag hahagilap pa ako ng flowershop sa Sta. Lucia Mall or kahit sa Robinson MetroEast… Habang naglalakad ako papasok ng nasabing mall bigla na naman nag isip ang munting utak ko at tinanong ko ang sarili ko… “Worth it ba itong gagawin ko?” Napangiti na lang ako at binulong ko sa sarili na lahat gagawin ko maging masaya lang siya… “Worth it itong gagawin ko”
Sa wakas at nakahanap na din ako ng flowershop at dali dali akong nag tanong kung magkano ang 3 red roses?
Ako: “Miss excuse me po, magkano po ba yung 3 red rose?
Sales lady: “385 sir pag walang kahon, 595 pag naka box…”
Ako: “Takte ang mahal pala(bulong ko sa aking sarili) Ahh miss yari ba sa ginto yung kahon at ang mahal? sige na nga miss… kukuha ako ng 3 red roses pakilagay sa box”
Sales Lady: “Okay sir pakihintay na lang po”
Makalipas ang 15 minuto lumabas ako sa mall na may bitbit na bulaklak and take note ang get up ko… Naka black na slacks, black shoes at polo na kulay apple geen(Anak ng Jueteng para akong aakyat ng ligaw sa ex ko) pero sige lang sa pag lakad kahit pinag titinginan na ako ng mga tao.
Nagsimula akong mag hintay sa overpass ng 3:35pm at juice ko po! Alas 5:25 na dumating ang ex ko sa usual na babaan ng jeep… pero anu itong nakikita ko… may kasama siya. Hindi ko na i-elaborate yung details basta masakit! Ahh sige lang ako sa pag kuha ng tiempo para maibigay yung bitbit kong bulaklak pero habang sinusundan ko sila ng tingin eh biglang nalingat ako at pag balik ng tingin ko sa kanila ay bigla silang naglahong parang bula…Anak ng Jueteng ang tanga ko! Bakit sila nawala? Dali dali akong tumakbo at hinanap ko sila… Baka naman pumasok sila sa mall? Pumasok ako sa at… napahinto ako bigla… “Ano naman ang gagawin ko dito at paano ko siya mahahanap?”
Nagpunta ako sa customer service… yung lugar na nag p-page ng mga batang nawawala at pina page ko siya
“Ding-dong… Miss Michelle Bernardino please proceed to the customer service area someone is waiting for you”
Makalipas ang 15 minuto aba wala pa din… nanglulumo akong lumabas ng mall at halos umiyak na ako. Bigla ko na alala si BRO, ”Bro if nakikinig kayo, kailangan kong maibigay sa kanya itong regalo ko… kayo na bahala sa miracle…”
Sumakay ako ng jeep at habang pauwi na ako… bigla siya nag text(si ex).
“Sana sinabi mong susunduin mo ako para nahintay kita” sabi niya.
“Nasaan ka?” reply ko sa kanya.
“Malapit na sa Estrella"(lugar yun sa Cainta)text back niya sa akin.
Biglang tumalon ang puso ko kasi nasa Parola lang ako(Sa Cainta din yun mga 1 ½ kilometro lang ang pagitan namin dalawa.)
“Bumaba ka na ng Jeep!!!!! Hintayin mo ako may ibibigay ako sa iyo”
Anak ng jueteng di ako nag dalawang isip na bumaba ng jeep dahil traffic at takbuhin ko yung 1 ½ kilometro para lang ibigay ko yung bitbit kong mga rose. Pinag titinginan na ako ng mga tao dahil para akong si Jerry sa Meteor Garden na tumatakbo na tila ba may hinahabol niya yung leading lady niya. Di ko inisip yung tingin ng mga tao sa akin basta isa lang ang nasa utak ko that time… kailangan kong abutan siya at maibigay ko ito.
Makalipas ang 1 ½ kilometro at 1 timbang pawis, inabutan ko din siya…
“Hon, I love you”(habang kinakapos pa ng hininga dahil sa pagtakbo ko) sabay abot ng bulaklak… OHA!!!! Parang pelikula lang noh? Pero totoo ito at proud ako sa ginawa ko dahil naipakita ko na mahal ko siya talaga.
Speechless siya habang hawak niya ang mga bulaklak niya… sabay sabi ko… tara ihatid na kita pero hanap muna ako ng sari-sari store… nang makahanap ako ng tindahan bumili muna ako ng softdrink at nagpahinga…
“Michelle, hope you like your flowers…”
Di pa ako nakakatapos mag salita ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit sabay iyak…
“Sorry sa lahat ng pain na nagawa ko sa iyo… hon, babalik ako hintayin mo ako” sabi ni ex..
Takte sarap naming kunan ng video… sa pelikula ko lang kasi napapanuod itong eksenang ito eh…
Bait talaga ni BRO, gumawa siya ng way para maging maganda ang pagbibigay ng regalo ko sa ex ko.
The EnD
*The things I do in the name of love… try to beat that!!!!
*Kaso hindi pa din “kami” eh… kaya heto balik ako sa paghihintay ulit na maging kami…
*Love you honey hintayin pa din kita kahit abutin pa ako ng siyam siyam.... worth it naman eh....
Heto na naman ako at bumabalik sa magulo at masayang mundo ng blogsphere… Anak kayo ng JUETENG ano akala niyo sa akin patay na? Sorry na lang kayo kasi hindi ako basta basta namamatay o nananahimik(Masamang damo ito). Pasensya na if hindi ako nakapag paalam sa inyo na mawawala ako, siguro yung iba sa inyo alam na kung bakit ako nawala pero para sa ikakasaya ng lahat sasabihin ko kung bakit ako nawala… Inayos ko lang ang buhay ko kasi mukhang napapabayaan ko na ito dahil sa mga ilang kadahilanan.
Habang nag iisip ako kung ano ba ang magandang topic para sa aking pag babalik biglang napadpad ang aking munting utak sa kasabihang “Everything happens for a reason”
Nitong nakalipas na 3 linggo may nangyari sa akin na ikinasira na buhay ko, di ko na sasabihin kasi ayaw ko nga maalala yung nangyari eh. Anyway, dahil sa pangyayari na yun nawalan ako ng ganang mabuhay, nawalan ako ng will para ipagpatuloy ito… Pero you know what? Dahil din sa mismong problema na yun ay mas napalapit ako kay BRO, at sa paglapit ko sa kanya pinakita niya mas mapalad pa ako kaysa sa iba. Oo nawalan ako ng mahal sa buhay pero hindi dapat maging katapusan ng mundo yun.
Sa pagkawala niya may 2 taong pinakilala sa akin si BRO:
Dhana- Isang 20 years old na babae(takte obvious naman sa pangalan di ba?).Tulad ko iniwan din siya ng mahal niya nung Abril nitong taon na ito pero anak ng jueteng may iniwan namang bata yung pesteng BF niya sa sinapupunan ni Dhana. Mahirap lang sila at sa squatter lang siya nakatira, panganay sa 3 magkakapatid kaya imaginin niyo na lang kung gaanong ka dismaya ang mga magulang niya sa kanya. Ang tatay niya ay lasengo at walang trabaho, ang nanay ay labandera, Dahil sa kahirapan nila up to now hindi pa siya nagpapacheck up sa doctor. Kahit nga vitamins wala din. Nung nagkita kami minsan dahil sa awa ko pina ultra sound ko siya at pina general check up at laking tuwa ko ng malaman kong ayus ang kalagayan ng bata(babae ang anak niya). Sabi niya sa akin “siguro kung hindi kita nakilala hindi na ako makakapag pacheck up” (everything happens for a reason)
(Ngayon sino ang mas maswerte sa aming dalawa? Ako mahal sa buhay lang ang nawala samantalang siya halos nasira na ang buhay niya dahil sa x Bf niya)
Bitch- Isang dancer sa isang night club, Dahil sa kahirapan sa buhay napilitan siyang sumayaw at mag benta ng laman kahit 16 pa lang siya(Hoy mga utak niyo, hindi dahil nag break kami at sobrang depressed eh dumampot ako ng dancer. Sa mall ko siya nakilala). As usual mahirap din sila, siya ang madre de pamilya sa kanila. Ulilang lubos pero may tiyuhin na adik daw(san ka pa? Pang Maalaala Mo Kaya ang buhay niya). Nung araw na yun gusto na daw niya magpatalo sa laro ng buhay(gets?)Try niyo imagine yung situation niya… aba kahit ako magpapakamatay na ako pag ganun buhay ko) Pero dahil parehas kaming malungkot that time mabilis kaming naging mag kaibigan, nailabas niya lahat ng sama ng loob niya at after ng 3 oras na iyakan sa loob ng sinehan, dalawang order ng 1pc chickenjoy at sundae sinabi niya “Kuya salamat kasi nakilala kita at naging kaibigan, kasi kung hindi mamayang gabi tatapusin ko na ito”(everything happens for a reason)
(Ngayon sino ang mas maayos ang buhay, kahit papaano may trabaho ako at di ko kinakailangan gawin yung ginagawa niya.)
Minsan kailangan may mawala sa atin para malaman yung worth ng buhay at worth ng tao na yung sa buhay natin. Minsan kinakailangan matisod at madapa para lang ipaalala sa atin na mahina tayo pag di natin kasama si BRO. Kayo? Hahayaan niyo pa bang mawala sila bago niyo sila ma appreciate? Hihintayin niyo pa bang madapa kayo at mauntog para lang matauhan kayo sa kahibangang pinag gagagawa niyo sa buhay?
“Kung may isang daang rason para kayo bumitaw sa buhay… ABA!!! Anak kayo ng jueteng! Imposible naman na wala kahit isang magandang bagay na dapat kayong ipagpasalamat”
Speaking of pagpapasalamat, gusto ko lang mag pasalamat sa kapatid natin na si Doll, uy sis salamat sa lahat ng mga nagawa mo for me, sa pakikinig nung nag dadrama ako every night, salamat for being such a good friend to me, salamat sa mga payo mo sa akin.
Itong part na ito ay para sa mahal ko, kung gusto niyong basahin sige lang basa lang kayo…
*Salamat sa lahat michelle… kung hindi dahil sa iyo di ko marerealize na masarap palang mabuhay. Hihintayin kita tulad ng sabi mo. I love you… there’s such thing as forever tandaan mo yan. Alam mo thankful ako kasi up to now close pa din tayo at actually parang tayo pa din kaso di nga lang officially “tayo”. Wag ka mag alala dahil hihintayin ko ang pagbabalik mo… Mahal na mahal talaga kita… salamat nga pala sa magandang araw last time (September 02). Sobrang memorable talaga yung araw na yun para sa ating dalawa… I love you… Bigla ko lang na alala yung conversation namin ng friend ko:
Girl: “Bakit mo pa kasi siya pinaglalaban? Di ba iniwan ka na niya? It’s her loss not yours… kalimutan mo na siya…”
Ako:“Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo sa akin dati? Sabi mo ”that if I want something I got to fight for it and that’s what I’m doing right now… I’m fighting for something that is real is for the first time in my life”
Girl: “May tanong ako sa iyo… pinag lalaban mo siya pero pinaglalaban ka ba niya?”
Ako: “Oo naman... it’s just that medyo naguguluhan lang siya, basta ang alam ko mahal na mahal ko siya at mahal din daw niya ako. Actually I really don’t care if she loves me or not… libre kong binigay itong love ko for her”
Girl: “Last question, what’s so great about her aside sa pagiging maganda niya?”
Ako: “Wag mo ng itanong kasi hindi mo naman magegets eh”
Girl: “Try me… I just wanna know. Masama bang malaman kung bakit up to now eh mahal mo pa rin
siya. I’m sure may reason ka”
Ako: “Okay fine ang kulit mo talaga uupakan na talaga kita eh”
“Alam mo kasi, it’s like this….”
“Sa buong buhay ko I really don’t get the best things in life…”
“Actually I’m even not really great at…anything”
“But here was something that I was finally great at.”
“I was great being with MICHELLE.”
“I could make her laugh, I could guess what she was thinking, and I know how to say the right
words para icomfort siya….”
“And it was just…. great… It was really great.
Girl: “Ano pa?”
Ako: “And I just can’t wait to be great again… I can’t wait to show how much she means to me… ”
Girl: “Swerte niya sa iyo”
Ako: “You think so?”
Girl: “Oo naman…
Ako: “Sana bumalik na siya… It’s been almost a month na kasi since nawala kami…
Mahal na mahal ko talaga siya.
Girl: “Don’t worry babalik din siya if she values you at pag na aapreciate niya yung mga ginawa for her”
Michelle I really really love you… thanks for loving me… hope we’ll be back together soon.
isa lang ako simpleng tao na may simpleng pangarap.... gusto kong manalo ng 100M sa lotto!!! hahahahaha about me ba? enjoy lang kayo sa mga walang kwentang storya ng buhay ko at ng lablayp ko....