6/25/09


Ang kwentong ito ay tungkol sa defending winner ng isang contest, ang "Search for Mr.Astig 2009" kung saan naghahanap ang defending winner ng papalit sa trono niya bilang bagong pinaka astig na tao.

CHARACTERS:
  • Rakistang Tunay
  • The Ultimate Pasaway
  • Mr. Fraternity Guy
  • Ang Hari ng Hardcourt
  • DotA Boy
  • Defending Winner
SETTING:

Sa isang pa astigan contest na ginanap sa isang bulok na stage

QUESTION & ANSWER PORTION:


Defending Winner: "Ngayon po mga kaibigan ay masasaksihan natin ang question and answer portion ng SEARCH for Mr. ASTIG 2009. At ang tanong po para sa kanilang lahat ay, "Paano mo masasabing astig ka?" Ipaliwanag ng mabuti ang inyong sagot.

At lumakad si Rakistang Tunay papunta sa mic para sumagot, nakasuot siya ng walang kamatayng Che Guevarra na T-shirt, itim at tusok na pantalon, isang pares ng maiitim at ubod ng duming Chuck Taylor, at may nakasabit na isang damakmak na kadena sa iba't ibang bahagi ng kanyang suot.

RAKISTANG TUNAY: "Astig ako kasi rakista ako! Astig ang porma ko at ang mga kantang pinapakinggan ko. Metallica, Korn, Slapshock, Chicosci, Greyhoundz at lahat ng hardcore metal na banda, lahat yan pinapakinggan ko. Malupit ako! Lahat ng gigs na kayang puntahan, napuntahan ko na, ilang islaman na rin ang napagdaanan ko, kilala ko lahat ang malulupit na banda!"

DEFENDING WINNER: "Talaga? Sa tingin mo ba astig ka na kung ganyan ang pinapakinggan mo mong tugtog? Mga kantang grabe ang mga mensahe, Mga kantang puro mura.Masyado nang marami ang nakikinig nyan. Kung sasali ka pa sa kanila, magiging isa ka lang sa " Rakistang Tunay" kung tawagin nila. Bakit hindi ka maging kakaiba?"

Umalis si RAKISTANG TUNAY na malungkot. Ang sumunod naman ay si THE ULTIMATE PASAWAY, simple lang ang suot pero mukhang 2 linggo ng hindi naliligo.

THE ULTIMATE PASAWAY: "Astig ako kasi pasaway ako, Barumbado ako. Sinasagot ko ang mga magulang ko. Bagsak lahat ang grades ko; nag bibisyo ako. Lahat pinag titripan ko.Lahat ng kalokohan alam kong gawin at nagawa ko na. Sa katunayan ilang taon na ako sa college at hanggang ngayon hindipa ako guma-graduate!"

DEFENDING WINNER: "Kung sinasabi mong astig ka, MAHIYA KA NAMAN SA SARILI MO!!! WAlang dereksyon ang buhay mo! Hindi na ako magugulat kunh isang araw makita kitang isang matagumpay na basurero!"

Pagkaalis ni The Ultimate Pasaway ay pumasok kaagad si Mr.Fraternity Guy. Maraming tao ang biglang nag palakpakan at himiyaw dahil hinakot niya ang buong fraternity niya. Simple lang ang suotniya, pero tila ba parang dyaryo ang katawan niya sa dami ng tatoo... natutukso tuloy itanong ni Defending winner kung anong headline... para kasing dyaryo eh, may tahi pa sa ulo niya siguro remembrance ng huling rambol niya.

MR. FRATERNITY GUY: "Astig ako kasi kasali ako sa isang frat. Maami akong katropa. Mahilig akong makipagbugbugan sa kanto. Malakas ako! Sa katunayan kinaya ko ang lahat ng palo nila noong initiation. Mabuti naman ang hangarin at misyon ng frat ko... 'kung ano iutos nila ay susundin ko kahit ikamatay ko pa"

DEFENDING WINNER: "Hindi ka pa rin astig! Ano kamo? Mabuti ang misyon niyo? Mga bayolente kayo! Bakit hanggang ngayon ay may namamatay pa rin sa mga hazings niyo? Bakit kailangan niyo pang manakit ng ibang tao? Hindi kayo astig! Mga baluktot ang mga pag iisip niyo!"

Sumigaw ng boo ang mga tao dahil sa sinabi ni defending winner pero biglang natigilan sila ng mag hiyawan ang mga babae na parang nakakita ng artiista... Lumabas na kai si Hari ng Hardcourt.

PLAYER: "Astig ako kasi magaling akong mag basketball. Varsity ako sa school namin.Sikat ako sa mga tao lalong lalo na sa mga babae. Lahat sila nag kakandarapa sa akin at kahit sinong babae kaya kong pasagutin"

DEFENDING WINNER: " Iyan ba ang sukatan mo ng pagiging astig? Ang babaw mo naman! Magaling ka nga sa hardcourt pero bokya naman ang lahat ng grado mo. Tulad ng bola, puro hangin ang ulo mo!"

Halos maiyak si Hari ng Hardcourt sa sinabi ni Defending Winner... Dumating na din ang pinaka huling kalahok... si DoTa boy....Walang pumalakpak siguro dahil walang nakakakilala sa kanya dahil araw araw na siyang laman ng computer shop

DOTA BOY: "Ako ang tunay na astig! WAlang makakatalo sa akin sa DOTA at heto pa, magaling din ako sa klase... kung gaano ako kagaling sa DOTA ganun din ako kagaling sa Physics!"

DEFENDING WINNER: "Akala mo ba astig ka na ng lagay na yan? Ano ba ang naitutulong mo sa nanay mo? Nagkakandahirap na siya sa pagtatrabaho tapos ikaw puro pag cocomputer ang ginagawa mo... hindi mo man lang maisipang tumulong sa kanya.. Batugan ka sa bahay niyo!"

Umalis si DOTA Boy at bumalik si Defending Winner at nag salita....

DEFENDING WINNER: "Ngayon ay nais kong sabihin na walang nanalo sa contest na ito. Walang astig sa inyong lahat. Mga rebelde kayo! Pasaway, barumbado, basagulero, mga tamad at mga batugan. Ang tunay na astig ay naiiba.Ang tunay na astig ay hindi natatakot gumawa ng tama kahit puro mali ang ginagawa ng mga taong nasa paligid mo. Ang tunay na astig ay hindi nagpapadala sa agos ng buhay. Sa mundo natin ngayon masasamaa na ang lahat ng mga tao. lahay nagkakasala, nawawalan ng moralidad. At kung makikisama ka lang sa kanila ay para ka lang isang patay na isda na nagpapadala sa agos ng tubig. Bakit hindi mo subukan hindi mag rebelde? Gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo. Magsimba ka! at hindi lang basta pasok sa simbahan... isapamuhay mo ang bawat salita na maririnig mo.Mas hahanga pa ako pag nagpakatino ka sa harap ng mga pasaway mong barkada... IYON ANG TUNAY NA ASTIG....

12 comments:

ransom said...

nice story pre keep it up nakaka enlighten ka sa karamihan. Astig ka pre!!!

June 25, 2009 at 11:05 AM
DETH said...

aba, aba, aba...asteeg to ah!

mabuhay si Saul! Astig!

June 25, 2009 at 11:29 AM
Lord CM said...

Saul?Ikaw ba yan? lolzz

Mukhang naka drugs ka ah at nagbago tema ng entry mo :D

June 25, 2009 at 12:01 PM
saul krisna said...

@ ransom
musta na bro? hahaha salamat sa papuri huh... naks na tatats ako ah

@ deth
hala asteeg daw oh... hahahaha

June 25, 2009 at 12:10 PM
saul krisna said...

@ lord
hyahahaha nakahithit ako ng medyas kanina eh hahahaha... nakaka high kasi....

June 25, 2009 at 12:12 PM
HARI NG SABLAY said...

kung ganun ako pala ang nanalo, dahil ginagawa ko mga sinabi mo tunay na astig ako. wuhoooo!!!

npkamot ako ng ulo,teka ginagwa ko nga ba yun?lols

June 25, 2009 at 2:30 PM
kheed said...

galing nun uh. parang patama sa lahat.. akala ko astig na kapag magaling sa dota haha

June 25, 2009 at 9:47 PM
Kosa said...

saludo ako kay defending winner..hehe

June 25, 2009 at 10:10 PM
Ish said...

that is so true! :) like ko.

June 26, 2009 at 1:01 AM
collen said...
.skyflakes. said...

LUPET.

la na ako masabi..
ay, meron pa pala.


LOOOOPPEEEET.

June 28, 2009 at 8:14 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz