Sa wakas buhay na naman ako... saktong sakto sa araw ng mga patay... teka bakit nga ba ako nawala? ehem ehem... wala lang...akala niyo siguro naging good boy ako kaya kinuha na ako ni Lord noh? kailangan ko lang mag concentrate sa tunay na mundo... tsaka pinag handaan ko kasi yung kaarawan ng gerlpren ko kasi "DEBUT" na niya... naks pwedeng pwede na siya kasi dalaga na siya... HOY mga utak niyo wag berde!!! :)
Anyway saan ba ako mag sisimula? Siguro kwentuhan ko na lang kayo 'bout sa kaarawan ni gerlpren..
BABALA!!! Isang napaka habang post!!!
sa mga 'di nakaka alam.... HRM ang kurso ni gerlpren at napag kasunduan na ang finals nila sa mga major subjets nila ay mag daos ng isang party para sa 50 na katao at ang theme ay isang DEBUT na party... Nag kataon din na si Gf na lang ang di pa nakakapag Debut so instantly siya na yung "taya".
Dahil yun na din ang magiging celebration ni gf kasi October 12 kaya siya ang taya sa cake, mga invitations, giveaways at tarpaulin... at dahil medyo todo support ako sa kanya kaya ako na din ang nag volunteer gumawa ng mga invitation, giveaways at yung picture para sa tarpaulin niya(lugi yata ako) pati yung isusuot niya ako din taya... hehehe anyway nag simula ang kalbaryo ko nung sinimulan ko na yung pag gawa ng invitation, anak ng jueteng naman oh 50 piraso ang gagawin ko.... gupit dito gupit doon at pati daliri ko nagupit ko din(promise!) at makalipas ang 6 na araw eh heto na ang kinalabasan(pasensya malabo yung gamit na cam eh)
Medyo di na masama para sa first timer sa pag gawa ng invitation(hehehehe) at ng matapos ko iyo sinimulan na ang pag gawa ng damit niya at laking gulat ko na mag mumukhang diwata pala yung isusuot niya ahahaha isang malaking mariposa este paru-paro... nakita niyo ba yung pakpak? ahahaha gawa ko yun... may gusto ba umorder? 500 pesos lang ahahaha
Dumating ang mismong araw ng kaarawan niya at kabado ako kasi unang beses ko pa lang makaka attend sa mga ganitong ka ek ekan este mga pag diriwang. 'Di ko nga alam kung anu sinusuot sa isang semi formal na event event eh. Sanay kasi ako sa maong na butas butas, puting sapatos at puting damit... yung tipong pang bahay look ahahaha... Nagulantang na lang ako ng malaman kong katabi ko sa gf the whole time ng party, hehehe with matching spotlight pa.
OO ako nga yung parang engot na yun... yung naka pink na long sleeve, black slacks at black shoes, yung may hawak sa bewang ng celebrant teka sa bewang ba ako nakahawak? hehehehe. Kahit parehas kaliwa ang paa ko at naapakan ko ng 2 beses si gf eh hala sige pa din sa pag sayaw.... hehehe.
Sobrang memorable ang araw na yun kasit na medyo may pasaway na agaw eksena... Aba parang humihirit pa yata sa gf ko eh tapos na sila.... buti na lang nakapag pigil ako hehehehe.
I hope napasaya ko siya that day.... at sana may mag comment naman dito... aba juice ko po.... ahahahah parang awa niyo na mag comment na kayo ahaha...
oh paano mga parekoy next time na lang ulit...
*1601
14 comments:
Successful ang party ah congrats!! May bagong discover ka ng talent! Isa ka ng event coordinator! ^_^
November 3, 2010 at 7:20 PMhahaha,sino ung sumingit na hahalik sa gf mo sa last pix?
November 3, 2010 at 7:57 PMyes you're back! namiss ko ang blog mo! ang cute naman ng theme ng debut. :)
November 3, 2010 at 9:58 PMhmp..nakakainis naman!di ako nakapunta sa debut ni sis mich..haaay..sorry ah kuya kung di ako nakapunta..
November 3, 2010 at 10:23 PMhaaayy..nakakainggit naman kayo..ako wala ng sixteen..
Happy sa girlfriend mo, Saul! :)
November 4, 2010 at 8:03 AM@darklady
November 4, 2010 at 8:40 AMnaks naman hehehe akala ko sa tagal kong nawala eh di mo na ako maaalala... salamat sa pag bati.... senxa di na kita natetext masyado... hehehe
@Lord Cm
hmmm hindi naman sa hahalik siya pero ewan ko ba parang di ko gusto yung tabs ng dila nung mokong eh... nagpapahiwatig ata ahahahah salamat sa pag dalaw parekoy
@sis klomster
November 4, 2010 at 8:42 AMnaks naman na miss mo yung blog ko ehehe... cute ba? salamat sa pag dalaw.. sa uulitin...
@sis tekla
ayus lang yun sis... pero masaya pag nandun ka kasi ikaw ang mag opening prayer sana ahahaha... oh wag ng isipin yung 16... malay mo next time eh iba na ang numero mo...
@parekoy marco
November 4, 2010 at 8:43 AMnaks syempre naging happy siya... next time hagilapin ko yung dance number ni gf... hang kyut kyut nyang sumayaw... mas talented kesa sa akin ehehehehe
ayyy! sorry naman kuya, nalate ako sa pagbabasa! sa nextpost mo na lang ako babawi! hahaha:)))) ang soyo soyo nomoon ng bertdey ni ate mitch!belated happy birthday nga pala!!! :))) tapos, uhhhm, honggondo nomoon nong mga creations mo. btw, TUCKED IN na tucked in tayo ah! hihihi! joks lang! namiss ko lang mangulit dito! haha:)) o sya, uwi na ko sa bahay ko. hanggang sa muli! bubye! :D ingats! :)
November 4, 2010 at 12:27 PM@sis batanggala
November 4, 2010 at 6:17 PMadik ka talaga kahit kelan lakas mo mang trip... aba syempre dapat ganun talaga... para naman di lousy sa kaarawan ni gf... di nga ako makahinga ng maayos kasi super tucked in eh... lilitaw ang bilbil ko pag huminga ako ahahaha
muling napadaan dito sa tagal ng panahon pare. xlink pare... :D peace out!
November 4, 2010 at 9:43 PM@zeb
November 5, 2010 at 12:27 PMoo nga eh... musta na ang ikalawang taon ng blog mo? hehehe belated parekoy
Wow!may pagka artsitic side ka pla parekoy hehehe...nice naman ng concept ng debut...
November 6, 2010 at 4:32 PMCongratulations on your sweetie's 18th bday! :)
@jag
November 7, 2010 at 9:10 AMmusta na parekoy.... long time no visit ah... adik ka pa din talaga wala kaya akong artistic side ahahahaha anyway highway salamat sa muling pag dalaw parekoy
Post a Comment