11/7/10


Dahil malapit na ang ISANG MINUTONG SMILE bigla kong naisipang kong sumalat tungkol sa batgong pinag kakaabalahan ko ngayon kasama ang aking ama at ang aking butihing may bahay este gerlpren lang pala.

Mag dadalawang buawan na din ng una kaming maki bakas sa munting proyekto ng aking ama...

Wala kasi kami magawa ng gf ko sa bahay... lagi na lang kasing puro pag tulog ang pinag kakaabalahan namin nung mga panahong iyon pag nasa bahay kami, kaya ayun dahil boring eh sumama kami sa feeding program ng aking ama.

AKO: Deh malayo ba yung pinupuntahan mo sa feeding program mo? sama kamni michelle ala magawa dito eh.
DEH: ah malapit lang yun, sa may taas lang nitong subdivision natin.
AKO: ah sige sama kami...
DEH: buti pa nga at ng may magawa kayo ni michelle kesa puro tulog ginagawa niyo dyan sa kama mo.

Alas 2 nung umalis kami at di ko akalaing malalaman ko na napaka palad ko kesa sa ibang mga kapatid natin sa bundok.

Malayo pa ba deh?
Malapit na... ahm mga 2 bundok pa at 2 ilog na lang at nandun na tayo sa falls.

Akala ko nag bibiro lang siya pero nang malaman ko kung saan kami pupunta eh ayun nanglumo ako kasi may bitbit akong isang kahon na pag kain na tumitimbang ng 15 kils (naks ng jueteng ginawa pa akong kargador) ahahahaha

Makalipas namin akyatin ang 2 bundok at 2 ilog nakarating na kami sa paroroonan namin...
Namangha at nalungkot ako sa nakita ko, mga bahay na yari sa pinag tagpi tagping yero, mga ply wood na luma, mga bato, mga lona, etc. Wala akong makitang maayos na bahay at ang mga bata dun grabe nakakaawa ang sitwasyon, mga suot nila ay tila ba mga basahan, punit-punit at kadalasan wala pang saplot. Nasa Pilipinas pa ba ako?


Sinimulan na ni gf ang pag luluto ng lugaw na galing sa states salamat na din sa pakikipag tulungan ng KIDS AGAINTS HUNGER na isang organization na tumutulong sa pag papataba ng mga batang malnourish sa buong mundo.
At ng matapos na ang pag luluto ay sinimulan na namin magpakain sa mga bata, nakakatawa at nakakatuwa kasi may batang sumisigaw ng "KAKAIN NA!!! NANDITO NA SI PASTOR!!!"


Di nagtagal nagsimulang humaba na ang pila ng mga bata dala dala nila ang mga mangkok,plato,platito,baso at kahit tabo may dala din. Bakas sa mga mukha nila ang kasabikang makakain ng lugaw namin. Lahat sila nakangiti at tila ba isang maagang pamasko ang dala namin, bakas sa mga mukha nila na kahit gaano kahirap ang situasyon nila eh hindi sila nag papaapekto.

Bakit sila nakakangiti eh simpleng lugaw lang ang dala namin, bakit kung titingnan ko sila eh parang wala silang problema? Bakit? Tayong mga matatanda este kayo lang pala ang matanda ... bata pa ako eh twenteen six palang ako eh, bakit tayo di natin sila magaya na pag may problema o na ppressure sa dami ng iniisip, napahiya lang ako sa sarili ko habang iniisip ko yung mga bagay na yun... oo nga't wala silang pera, bahay na matino, o kahit pagkain lang na sasapat sa 3 beses isang araw pero heto sila at abot tenga ang mga ngiti nila.

May nakilala kaming dalawang magkapatid, si mac-mac at ron-ron... maagang nilisan sila ng ina nila, at ang napaka bait nilang ama eh walang ginawa kundi ang mag inom ng mag inom pero ng lumapit sila sa amin para iabot ang dala nilang plato para humingi ng pagkain eh bakas na bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan... wala silang tsinelas, maduduming mga damit na tila basahan ang suot nila pero bakit ganun nakangiti pa din. Nakatuwaan ni gf na bigyan ng cloud 9 yung si macmac at ayun tuwang tuwa na tila ngayon lang nakakain ng chocolate... at ng dumating ang kapatid niya eh hindi siya nag dalawang isip na hatian niya si ronron... kakatuwa talaga yung dalawang bata na yun... di mo mababakas ang kahirapan nila sa buhay dahil sa mga ngiti nila... bakit di natin sila tularan... alam kong mas nakaka angat tayo sa kanila, kumpleto ang mga damit at may mga brand pa, 5 beses nakakakain sa isang araw, may laman ang mga wallet, pero bakit di natin magawang ngumiti....

gayahin natin sila na pag may problema eh tinatawanan lang at nginingitian lang...

smile na kayo bawal naka simangot dito sa blogsphere....
picture yan ni gf nung nasa falls na kami


1601

12 comments:

2ngaw said...

galing galing naman, gusto ko yang mga ganyang project, di lang matuloy tuloy ang mga plano ko :( pero sana itong darating na december matuloy na sa tulong ng mga mabubuting tulad mo na mag-i-sponsor ng project namin :D

nga pala may pa contest ako sa Isang Minutong SMILE Page, sali mo pix ni gf dun, malay mo :)

November 7, 2010 at 10:29 AM
Superjaid said...

wow ang galing galing naman..^^ gusto kong sumama sa mga ganyang project..ang sarap kasi sa pakiramdam at ang dami mong matututunan..

November 7, 2010 at 11:04 AM
Dhianz said...

labs na labs moh tlgah si GF noh.... ramdam koh pagmamahal moh sa kanyah... nag-uumapaw... kung mabanggit moh ang gf eh mas maraming beses moh pa nabanggit keysa sau... lol... feeling koh blog ni gf moh eh... nde naman sau eh... lol

pangarap koh yan... makatulong sa mga batang tulad nilah... awa ni God mabigyan akoh nang pagkakataon na magawa yan.... nde lang food sana nga awa ni God even some clothes eh mabigyan silah... nd bigyan koh silah nang maraming maraming chocolates...

hanga akoh sa ginawa moh... salamat sa mga tulad nyoh sa pagtulong sa mga batang tulad nilah... hanga akoh sa inyoh... keep it up...

so yeah.. we should learn how to smile all d' time kahit may mga pagkakataon na gusto naten gumive up sa buhay... take care parekoy... ingatz kayo lagi ni GF ha... say hi kay GF moh... nd sige... wish koh ang best sa inyo ni GF... =)

Godbless!

November 7, 2010 at 1:05 PM
Renz said...

Nakakainsipre naman talaga ng tunay itong post mo.
ayan smile :) :) :)

November 7, 2010 at 5:19 PM
eMPi said...

Nice project!

Gusto ko rin makasama sa mga ganyan proyekto.

God Bless sa inyo, Saul!

November 7, 2010 at 5:31 PM
saul krisna said...

@lord cm
naks naman... hehehe if want mo parekoy e-mail ka lang sa akin if want mo humingi ng pang feeding... libre kong ibibigay yun sa inyo... hehehe... takte ginawa mo naman akong sponsor ahahaha... pero why not coconut diba? alam mo kung saan ako mahahagilap parekoy....

November 7, 2010 at 6:05 PM
saul krisna said...

@super tekla este jaid pala
hehehe medyo malayo ka kasi kayamahihirapan ka... pero why not sama ka sa amin minsan... pag kaya na ng paa mong umaakyat ng 2 bundok ahahahaha.. joke lang pinapatawa lang kita

@'lil si dee
napansin mo yun? ahahaha eh sa wala naman akong kaibigan dito sa amin eh... kaya puro si gf ang bukang bibig ko ahahaha... salamat sa pag dalaw... chocolates ba kamo? sige ipadala mo sa bahay ko at tiyak uubusin ko yun ahahaha...

November 7, 2010 at 6:08 PM
saul krisna said...

@renz
naks naman oh na inspire ka dun ahahaha... salamat ng madami parekoy

@marco
sige sama ka tapos dagdagan mo ng pang himagas yung pinapakain namin hehehe tulad ng ice cream at cake hehehehe rich ka naman yata eh... pamasko ko nga pala...

November 7, 2010 at 6:10 PM
BatangGala said...

"Bakit? Tayong mga matatanda este kayo lang pala ang matanda ... bata pa ako eh twenteen six palang ako eh"

defensive! haha! joks lang kuya! :D pero natouch ako sa entry mong ito. bakit nga ba minsan, ang hirap ngumiti kahit na halos lahat ng kelangan natin e nasatin na, while sila, sa simpleng lugaw, abot tenga na ang ngiti? layp! heniweys, ang kyut ng piktyur ni ate mitch sa taas. :D

November 8, 2010 at 6:20 AM
darklady said...

gusto ko sumama sa mga ganyan, gusto ko matulungan ang mga bata. ang gaan kasi sa pakiramdam na makatulong ka.

November 8, 2010 at 5:04 PM
Village Talkies said...

A great blog, it has a lot of useful information to me
Village Talkies a top-quality professional corporate video production company in Bangalore and also best explainer video company in Bangalore & animation video makers in Bangalore, Chennai, India & Maryland, Baltimore, USA provides Corporate & Brand films, Promotional, Marketing videos & Training videos, Product demo videos, Employee videos, Product video explainers, eLearning videos, 2d Animation, 3d Animation, Motion Graphics, Whiteboard Explainer videos Client Testimonial Videos, Video Presentation and more for all start-ups, industries, and corporate companies. From scripting to corporate video production services, explainer & 3d, 2d animation video production , our solutions are customized to your budget, timeline, and to meet the company goals and objectives.
As a best video production company in Bangalore, we produce quality and creative videos to our clients.

February 2, 2021 at 5:17 PM
Brandanimators said...

Thank you so much for your insightful post!
Brand Animators - Bringing Your Vision to Life with Innovative Video Solutions. From start-ups to large corporations, every business has a unique story to tell. At Brand Animators, our mission is to help you tell that story in a captivating and memorable way. As a top quality 3d, 2d animation video production company in Houston, Texas and best explainer video company in San Antonio, Texas and professional Healthcare & Medical animation video making studio in Dallas, Texas offer services such as 2d animation videos 3d animation videos, Motion graphics, 3d medical animation, Healthcare videos, Corporate films, Whiteboard animation videos, 3d Architectural walkthrough animation, Marketing and training videos, Product videos. And more! Whether you're looking to promote your brand, educate your audience, or simply convey information in an engaging and visually appealing manner, Brand Animators has you covered. Our video solutions are tailored to your budget, timeline, and company objectives.

August 24, 2024 at 7:39 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz