3/2/10


heto na naman ako at buhay na buhay pa...Kakatapos lang ng buwan ng Pebrero at nauso na naman yung mga bagets na naka porma na pang patay este naka pormal pala dahil sa JS prom nila... alam kong medyo late na itong post ko bout that pero hindi talaga ako makapigil kasi kasi ..... kasi wala lang ahahaha...

Noong nag high skul ako di ko naranasang sumayaw dun sa JS prom na yun... mahiyain kasi ako at medyo hebigats pa ako that time... yung tila bang pag na apakan ko yung paa niyo eh mapipisa dahil sa bigat ko... pero nitong nakalipas na araw tila bang bumalik ako sa pagka bata(teka bata pa naman ako ah... twenteen five pa lang ako ah)... Nung nakaraang araw pinasama ako ni gf sa Victory party nila at ayun lakas loob akong pumasok sa campus nila at nagpapanggap na isa akong isa sa mga studyante nila at ng papalapit na ako sa guard(salamat bro walang gwardya) pero nabigo ako kasi biglang sumulpot si manong guard na may mahabang pamatpat at mukhang nasa panig ko ang swerte kasi pina lagpas ako ng walang tanong tanong...

Nakapasok ako ng walang problema at ayun umattend na ako ng awarding ceremony nila at ng matapos mag salita yun president ng skul nila sinimulan na ang maingay na tugtog.... honestly mahilig ako sa mga dance songs kaya lang wala talaga akong talento sa pag sayaw kaya hanggang pakikinig na lang ang ginagawa ko hehehe... nag simulang mag sitayo ang mga tao at sinimulan na nila ang pagsayaw na tila ba wala ng bukas... nasiyahan naman ako kaso biglang bumagal ang tugtugin... hala bakit naging slow kung kelan napapaindak na ako sa upuan ko?

Isa isang nagsitayo yung mga mag boyfriend at girlfriend para sumayaw sa gitna... hala kinutuban na ako dahil sa mga nasaksihan.... pinag papawisan na ako ng bigla akong hinala nung kaibigan ni gerlpren at pinag tulakan ako sa gitna at pag lingon ko naka tayo na din si gf at papunta na sa akin hala... parang sa pelikula ko lang ito nakikita ah...

Dahan dahan kong inilapat yung 2 kamay ko sa may bewang niya at habang ginagawa ko yung nilagay ni gf yung arms niya sa may leeg ko at ayun na!!!! Isinandal niya yung ulo niya sa dibdib ko at sinimulan na namin ang pag sayaw... di ko maexplain kung bakit ako napapangiti habang ginagawa ko yun pero nakakatuwang isipin na umabot ako ng ganitong edad pero now lang ako naka experience ng ganun... Ang sarap pag masdan ng mga mata niya habang nakalapat ang katawan niya sa akin... sabay sabi ng "i love you"

hehehe wala lang, up to now di pa din ako maka get over sa nangyari that night....

oh panu alis muna ako at mag sasaing pa ako ng kanin eh...



P.S
Bakit nawawala yung mga ibang comments dito sa mga old post ko? WAAAAHHHHHHHH!!!!


10 comments:

Kosa said...

hahaha.
malas mo nalang parekoy kase hindi mo naranasan ang magJS prom sa HS.
Pero ayus na ayus naman kase kahit matanda ka na eh nasubukan mo pa rin yan!

Meron talagang HIMALA!

at kinikiligkilig ka pa? hahaha baduuuuy! lols

**peace**

March 2, 2010 at 3:29 PM
saul krisna said...

@kosa
takte ka anung baduy dun? heheheh wag kang mang asar ala si ako sa mood hehehe joke lang... haaay

March 2, 2010 at 6:08 PM

ayiie... :DD

ui..kilig!..hehe..

aun..super happy ako that night. :))

khit sandali lan ta sumayaw..sulot pa rin.

iloveyou..mua

March 2, 2010 at 9:01 PM
♥superjaid♥ said...

ayie naman..hehehe nakakainis di masyadong memorable yung first romantic dance ko..hahahaha

March 2, 2010 at 9:33 PM
Lord CM said...

25?!!!First Dance?!!! Lolzz, parekoy ag mo sabihing virgin ka pa?! :D

March 3, 2010 at 7:37 AM
Solo said...

Naks nmn! Ngayon ka palang nakasyaw sa campus? At patakas pa ah! haha Oks lang yan, sabi nga nila db. "Better to be late than never". ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunter

March 3, 2010 at 4:30 PM

wow.naalala ko tuloy ang JS prom experience ko...haha *smile*

March 3, 2010 at 9:50 PM
Jules said...

This post made me remember while i am at my high school years (smiles).


Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo

March 4, 2010 at 3:44 PM
manik_reigun said...

ayun yun eh!keep it up bro!

(yun lang masasabi ko. naalala ko kasi yung prom dance ko eh. waaaah! laslasmode!)

hoho

March 5, 2010 at 12:55 AM
fiel-kun said...

huwaw! ang sweet sweet naman ^_^

and about sa comments mong nawawala... karma yan ahaha /joke joke! kase di ka na bumibisita at nagkukumento sa blog ko... joke ulit XD

seriously, baka isa lang yan sa mga "bugs" ng blogspot... babalik din yan some other day. some other day daw oh ahaha!

have a nice day parekoy! pakikamusta na rin pala kay mhizyhel!

March 5, 2010 at 12:15 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz