Maligayang PASKO sa ating LAHAT... ayun nakalipas na naman ang isang pasko at guess what kung sino ka date ko? Aba syempre si gf... OHA!!! Last four years kasi puro na lang si Ronald McDonald or si jabi ang ka date ko tuwing sasapit ang bisperas ng pasko at ng bagong taon... pero this time naging GooD Boy daw ako sabi ni papa Jesus kaya ayun hinayaang magkasama kami that day...
Umaga pa lang kasi ng December 25 eh nangangatog na ang mga tuhod sa takot kasi di ako nakapag withdraw sa Atm ko kaya poor ako that day... hinu-hunting na kasi ako ng 2 kong inaanak. Si Camille at si Gerald na parehas 16 years ko ng di nabibigyan ng kahit anung gift... laging ang katuwiran ko... "kapag ikakasal ka na ,ako na ang sasagot sa handaan"(kuripot ko talaga). So ayun sinara ko lahat ng bintana ng bahay namin at nagtiis na di mag bukas ng computer sa takot na baka sumilip ang mga inaanak ko at makitang bukas ang monitor at mabibisto ako na nasa bahay lang pala at nag tatago...
Buti nalang nag text ang aking gerlpren at sinabing gusto niyang gumala... Nag isip ako bigla... nagpapahiwatig ba si gf sa akin na gusto niyang mag date kami? aba syempre wala ng patumpik-tumpik pa at sinabi ko na magkita kami ng mga after lunch.
Dahil pasko eh madatung si gerlpren kaya siguro nag yayang mag date at di ako nagkamali, ilang papel na ubod ng lutong at nakita ko sa wallet niya(namasko pa yata siya... parang overage na yata yun ah) so ayun dahil wala kaming maisip puntahan... napag tripan naming pumunta na lang ng Megamall at nag shopping sa St. Francis sa likod ng mall(bumili siya ng sapatos at nag hanap kami ng spongebob na t-shirt)
After mag gala, kumain lang kami ng tig isang 1 piece chickenpizza, pasta pero dahil ubod ng lakas kumain ng gf ko(sa kabaligtaran) ako na din umubos ng chicken niya at 2 kanin at nung matapos akong kumain parang 3 months preggy sa laki ng tyan ko(BUSOG!!!!) ayun nagulat na lang kami na gabi na pala kaya dali dali kong nilunok na lang yung pag kain ko at umuwi na kami pero dahil pasko super hirap sumakay ng jeep papauwi... kaya after ng isang oras ng kakahabol ng jeep eh pinalad din kaming makasakay...



All in all naging masaya ang pasko ko, first pasko namin na magkasama at first time kong mag pasko na may taong kasama at hindi isang statwa(tama ba spelling... na bobo na naman ako sa spelling eh) ok fine statue na lang. Isang masayang pasko ito para sa akin...
*kosa nasaan na yung regalo ko? daya mo ah... narecieve mo na ba yung load mo na trenta pesos? hahahaha