10/30/09



pag may nag tanong sa iyo:

"Bakit mo minahal yung
taong ayaw sa iyo eh
madami naman jan?"

isagot mo:

"kapag nauuhaw ka ba,
iinom ka ba ng tubig sa kanal
dahil tubig din yun?"


Wala lang ako maipost kaya ganyan ang itinapal ko dito sa blog ko.... ah WAIT!!!!! May tanong nga pala ako sa inyong lahat...

PAANO GUMAWA NG SCRAP BOOK?

kasi balak kong iregalo yun sa gerlfren ko... tag hirap na kasi ako kaya scrap book gagawin ko pero ng mag punta ako sa National bookstore kamakailan... nalaglag ang pustiso ko(joke) sa mahal ng mga materials... pero dahil cute eh binili ko na lang din(sana bag na lang binili ko)
Anyway nung bulatlatin ko yun pag uwi ko... na realize kong may sampung pahina ito at oh my gulay bigla ako napaisip...
ANONG THEME ANG GAGAWIN KO?

May naisip na akong mga ilang bagay na pwede kong ilagay dun sa tulong na din ni Doll at Marco Paulo...

  • How we met
  • things i love about her
  • reasons why i love her

Sa kasamaang palad yan lang ang nakayanan ng munti kong utak... baka may suggestion pa kayo... Ooops! Baka may mag suggest sa inyo na pics namin ang ilagay... for your info... hahahaha 3 lang ang existing na pics namin kasi camera shy ako(joke) sa totoo lang pakiramdam ko may lalabas na aswang pag tinututukan na ako ng camera kaya di ako mahilig mag pa picture and besides binura ng ex ni gf yung mga pics namin... damn him!

Patulong naman oh.... sino ba artistic sa inyo?

10/26/09


Bakit ba sa tuwing mag kakaroon ng period ang isang babae eh parang nag aala pusa sila(pasintabi sa pusang kaibigan natin dito sa blogsphere, parang dalawa lang yung pusang kilala ko dito… si pusang gala at si kox). Bakit parang napaka moody nila? Bakit ba sila nag susungit? Bakit ba sila nag kakaroon este nagkakaganon? Curious lang talaga ako, although may kapatid akong babae pero halos isang dekada ko ng di nakikita yun at wala na kaming communication sa isa’t isa.

Medyo na aaliw lang ako kasi sa mga babaeng tila ba nag me-menopause sa tuwing itataas nila ang kanilang pulang bandera kaya naisipan kong mag post ng ganito dito sa blog ko(inspired by my gf... peace hon). Ano ba talaga ang pakiramdam ng “merong ganun”? Sabi ni gerlfren eh masakit daw at halos mamilipit na siya sa tuwing dadalawin siya ng sumpong este ng period niya.

Madami din naman akong natutunan sa halos isang taon namin na magkakilala ni gerlfren at medyo na ma-master ko na yung gagawin ko pag may dalaw na siya….

· Kapag malapit na yung takdang araw niya eh medyo nagiging good boy ako at hindi nag papasaway baka kasi pag mulan ng world war 3 yun.

· Kapag meron na siya at nagsisimula ng umatake yung “pain”, kusang lumalayo muna ako na para bang may malaking karatula na naka sabit sa leeg na nagsasabing “Wag kang pasaway”(peace).

· Kapag meron na, super alaga ako sa kanya at todo sa pag uunawa kasi masakit daw talaga.

· At ang pinaka best way kapag may na encounter kang tao ay wag mong sasabayan yung tantrums nila sa buhay… hahaba lang kasi yung gulo. I suggest unawain natin sila kasi masakit daw talaga(pasensya na kung laging “masakit” ang reason ko kasi yung lang ang isinisigaw ni gf sa akin pag may period siya)

Pag kakaalam ko nakapag post na ako ng ganito dati pero di ako satisfied sa mga explanation ng iba natin blogmates kaya paki bigyan ako ng crash course sa ganitong topic… Oh pano tapos na akong magkwento... sa susunod na lang ulit. Kailangan ko pang amuhin si gf eh...

"Honey yuhoo... asan kana? Bati na tayo pleasseeee...di na kita aasarin... (lolz)"



P.S

BTW baka mag comment ulit yung PUT@*%!N@ na blogger na pinaparatangan akong isa akong BABAE… putcha ka! makita ko lang na mag comment ka dito hu-huntingin kita ulit…

10/23/09

(paki click niyo na lang yung picture para mabasa ng malinaw)

Pag pasensyahan niyo na if medyo hindi ako nakakapag post sa kadahilanan na medyo busy ang inyong lingkod... kina-career ko kasi si gf at ang aking trabaho ng sabay. Walang tulog tulog... sa gabi kasi ang oras ng pasok ko at sa umaga naman eh dakilang taga hatid at taga sundo ako ng gerlfren ko(hahaha service man niya ako eh)

Ang sulat sa taas ay ang kaunaunahang sulat na natanggap ko mula sa kanya... 9 months in the making yan. Hindi ko alam if nababasa niyo yan kasi medyo maliit eh. Anyway magpost na lang ulit ako bout sa buhay ko siguro sa susunod na araw. Pinagod kasi ako ni gf este napagod pala ako dahil lumaboy kami ng gf ko kanina. Oh pano na? Matutulog muna ako... may natitirang 2 oras pa ako para mag beauty sleep.. hehehehe.

10/17/09


Bago ko simulan ang post na ito, gusto kong magpasalamat sa mga mga nag commento sa huling post ko… salamat kasi mukhang okay na si gerlfren… natauhan yata.

Right now medyo kinakabahan ako…correction KINAKABAHAN TALAGA AKO! Bakit? Kasi kamakailan lang sinabi ni gerlfren sa akin na gusto daw akong makilala ng nanay niya ngayong darating na Linggo(October 18)… HUWAT!?! Teka alam kong nakaraan lang eh nag dasal akong sana maging legal na kami sa side niya pero ‘di ko akalain na sasagutin agad ni Bro ang hiniling ko sa kanya. Anak ng jueteng, simula nung sabihin niya sa akin yun eh madalas di ako mapakali… para bang natutuwa ako, natatakot na medyo may halong kaba… What if ‘di nila ako magustuhan, what if sabihin na “Ayaw namin sa iyo bilang Bf ng unica hija namin,what if sabihin na layuan mo na ang anak ko? Naku po Bro wag naman sanang ganun(THINK positive…)

Isang araw na lang at pakiramdam ko eh hahatulan na ako at sana wag naman bitay ang ipataw sa akin na kaparusahan… sana life sentence with their daughter na lang(ang cheesy naman oh). Pero bago humaba ito, may itatanong ako sa inyo at sana matulungan niyo ako…

“Ano ba ang isinusuot sa mga ganun okasyon?”

WALA AKONG SENSE OF FASHION kasi.

Sanay lang ako sa pambahay attire kahit nasa opisina ako… Oo nga’t pumapasok ako na naka polo at slacks sa opis pero pag patak ng 11pm nag papalit ako ng pambahay at naka tsinelas na lang ako at kung minsan naka alpombra lang ako(al-pom-bra. Isang uri ng tsinelas na walang kanan o kaliwa) ‘Di ko talaga feel pumorma, ayus na sa akin yung maong, sneakers na puti, at black na t-shirt.

Wala kasi akong ibang kulay na alam kundi itim… Eh kung mag Itim na polo at black slacks na lang ako(Parang may ibuburol naman), Itim na T-shirt, blue denim at black na chucks(Hahaha EMO?)Itim na long sleeves na may neck tie na black?(Putek para naman akong ahente sa punerarya).

Isang araw na lang at Linggo na. Kinakabahan na talaga ako, sana kung magkataon nga na ipakilala ako ni gf sa mga magulang niya eh wish ko lang(sabay cross ng fingers) sana pumasa ako sa standard nila…




10/12/09

(Nag iisang pic namin ito na magkasama)


Bad trip ang araw na ito.... haaaay di ko nagawang happy ang araw ni gf.... birthday niya today pero nasaan ang happy sa happy birthday?

Lahat ginawa ko para maging happy siya... kahit mag mukhang clown ako sa pag papatawa ginawa ko... pero wa epek talaga...

I ask her if ano ba talaga ang problema.... at sabi niya....

Kanina umaga pa akong bad trip at sad... si mama pati si papa di ako binati , kahapon binigyan ng regalo yung kakambal kong pasaway pero ako wala... konti lang bumati at naka alala sa bday ko, kaya pakiramdam ko sasabog na ako dahil sa awa sa sarili

I said na "I'm here naman ah..."

sabi niya...

alam ko pero na iinggit na talaga ako sa kapatid ko... parang siya lang yung anak... 2 kaming nilabas ng nanay ko pero bakit ganun? Siya lang palagi



Haaay pasensya na if nag eexpect kayo ng maganda at kakakilig na kwento pero siguro next time na lang... wala din ako sa mood now...

*mahal na mahal kita... happy birthday ulit....

10/10/09


Glitter Words


Anak ng Jueteng sa LUNES na ang ka arawan ng aking iniirog(lalim nun ah! 'di ko maarok)... at up to now eh wala pa din akong pera... Oh my gulay! Ah bahala na si batman, isama mo na din si robin, darna , kapitan sino, captain barbel. Honestly medyo na p-pressure na ako... hahahaha kailangan kong maging maganada at memorable ang araw na yun.... sa totoo lang, simula daw nung bata pa si gf(teka bata pa rin naman siya ah) hate na hate na daw niya ang araw na yun kasi... ganito yun... ayaw ng tatay niya na may anak na babae... kaya medyo di ganung kaganda yung relationship niya with her dad... nung marinig ko yun sa kanya parang nalungkot at naawa ako sa kanya... di naman niya kasalanan na maging babae... Anyway mabalik tayo sa darating na kaarawan niya, sana lang magka mirakulo at mapasaya ko siya. Para kasing ala akong kwenta pag di ko siya napangiti at nabago yung way of thingking niya patungo sa araw na yun....

HOney,

hapi bertdei sa iyo.... bahala na si batman sa lunes... punta tayo sa.... (secret!)... love you so much
... honey thank you kasi naging tayo ulit.... see you soon... hope maging happy ka sa araw mo... i do love you



isa pang may Birthday ay si....





si Doll..

Happy Birthday sis(October 9)

Salamat sa mga pagtulong mo sa akin before nung emo emohan ako nung August,,, sa lahat as in lahat.... sa tawag mo sa phone, sa mga text, sa encouragement mo sa akin... salamat talaga.... bait mong kapatid talaga....salamat kasi nung nag dadramahan ako dati di mo ako iniwan at nakinig ka sa akin kahit paulit ulit na lang ang drama ko....



PARA sa mga blogmates ko:

Paki greet si gf ng happy birthday please... help niyo ulit akong mapasaya siya.... hahahaha salamat sa inyong lahat....


click here
FRIENDSTER NI GF

kahit simple comment lang sa fs niya o kahit dito na lang sa blog ko will do.... hehehe napaka demanding ko talaga..pasensya na mga kaibigan... ahahahaha

10/7/09


Bago ako mag simulang mag kwento sa inyo gusto ko lang mag pasalamat sa lahat na nagbasa at nag comment sa article ni gf kamakailan... natuwa siya sa mga comments niyo at salamat din kay cool canadian sa pag ko-correct ng mga maling grammar...

Wala naman akong mahalagang sasabihin sa inyo now pero gusto ko lang ishare yung nangyari nung October 1... Remember Dhana? Yung preggy na nakilala ko, nanganak na siya that day at laking gulat ko kasi kambang al anak niya.... swerte daw yun sabi ng mga matatanda pero para sa akin medyo gastos yun... instead kasi na isa lang yung baby niya eh naging 2, instead 1 lang ang iinum ng NIDO eh 2 na sila at ang pinaka malufet dun eh mag isa lang niyang itataguyod ang bagong family niya dahil up to now nawawala pa din yata yung ama ng mga anak niya... putek na lalaki yun ah.... Mahirap kasi ngayon sa mga kabataang katulad ko(ehem ehem) puro sarap na lang ang iniintindi at hindi yung consequence ng pwedeng mangyari sa gagawin nila...gets niyo ba punto ko?

Tinawagan ako ni Dhana ng saktong 11;30 ng gabi dahil daw pumutok na yung water bag niya(anu ba yun?) kaya dali dali akong bumangon at pinilit gisingin ang natutulog na utak ko para puntahan siya sa pinag dalan sa kanyang clinic... Nang makarating ako, laking gulat ko kasi naging kambal yung anak niya... buong akala ko isa lang. Dahil wala naman trabaho si dhana naisipan kong ako na ang umako ng gastos niya(anak ng jueteng di ko talaga alam kung anung espirito ang sumanib sa akin para gastusan siya) sa panganganak...

At dahil sa gastos na yun... heto ako, isang nilalang na walang pera(lolz). Next week na ang kaarawan ni gf at ni singkong duling wala ako... saan ako kukuha ng pera? Kailangan ko yatang sumayaw sa may night club sa may amin ah, ang tanong may kukuha ba sa akin?(joke lang yung hon). Kanina kasama ko si gerlfren at biniro ko siya bout sa ireregalo ko sa kanya.

Ako: "Honey sorry pero mukhang wala akong gift sa iyo this year, sorry talaga"
Gf ko: "Ayus lang yun, basta ang mahalaga magkasama tayo sa bertdei ko"
Ako: "Teka may naisip ako na ireregalo sa iyo, kaso may konting problema"
Gf ko: "Ano yun?"
Ako: "Ah hon, 9 na buwan mong dadalin yung ireregalo ko before mo mahawakan."(sabay batok sa akin)


PATALASTAS:

May ipapakita ako sa inyo na sana wag kayong magugulat






hahaha bahala na kayong mag isip kung anu yan... pero teka teka teka... hindi buntis si gf.... kung mababasa niyo yung name sa upper right hand corner nandun yung name ni gf... baka kai hindi niyo paniwalaan na sa kanya yan eh... ultra sound ni gf yan.

10/2/09


PUNAWA:
Bago ang lahat hindi ako ang nag isip ng post na ito... si gerlpren ang nagsulat nyan sa blog niya sa friendster... kayo na bahala humusga... hahahaha pero be gentle sa mga comments dahil gigilitan ko kayo ng leeg pag bad ang sinabi niyo.... wahahahahaha..

itong post na ito ay sinulat ni gf para sa skul paper nila kaso pangit daw kaya ayun di na natuloy.... i was hoping we could boost her confidence sa pag susulat... thanks mga fellow bloggers... anak ng jueteng napaka supportive ko talaga sa gf ko... hahahaha


"I AM A PEN"

There are times, while I am sitting on benches in the Promenade, deep in thought. I can’t stop asking myself; “What is my purpose in this School?” Questions continuously revolve around my mind, like a thirst waiting to be quenched. Am I only just like one of those “common students” going to and from every minute, laughing, thinking, playing, to get and finish a degree? Am I only just like the others, paying their tuition fees every semester in the cashier’s office getting and realizing nothing after all? Or, am I someone who can contribute “little bits”, piece by piece from which everyone can benefit?

It is quite hard time for me to think of the answer for every question in my head. I am burdened by the thought that many students refuse to speak, and act, and even if they do, they balk at the slightest challenge against their stand. And realizing it, I said to myself that as a concern fellow, I can lend a help to make changes even in hushed way where everyone can hear the cry of my little voice.

It is my pen, and every moment I find its ballpoint rolling on every empty space of a paper as I write my draft, is as hard as lifting an object exponentially greater than my weight. It is a fact that one cannot tell what is his/her minds unless he/she chooses to prove its significance by exposing it and let others see. And I think that was my intention here. It is not saying things just to encourage others to follow what I am thinking, but to inform. And the rest is letting them interpret my thoughts on their own, then act the way they should.

And yes, I am certainly aware of the constant appraisals and criticisms that I, as a writer, will encounter every time my pen slides on the smooth surface of my outline- but that is normal. It is normal in the sense that pleasing everyone is not easy to achieve, because even a maximum of one’s effort may not be enough for it. And that’s the toughest part on my reality.

I may face burden but I am aware that I can manage all things. I know that I, together with my pen, am not alone in pursuing my objectives. I know that there is still a place where free and active minds are generated and nurtured till they find their own dexterity.
And as a student fond of knowledge and learning. I always do have a protective shield for facing trials in everyday’s challenging path. That is my purpose why I am here. That is me as a part of this school. It is my pen which symbolizes my aim as a voice constantly trying to elicit responses from the students trapped under a rule of silence. I must sat that a mark on the paper is enough when this calls for everyone to be more of what they are now.

And from now on, I am a pen. That is my worth…………

 


Blogger Template By LawnyDesignz