bye

8/11/09


Hmmm heto na ulit ako at magsusulat ulit sa huling pag kakataon... una sa lahat pasensya na if nawala ako, pangalawa para sa mga nag dududa if totoo ba ang mga nasa blog ko wala kayong pakialam hindi ako tanga para gumawa lang ng mga storya kaya pwede tigilan niyo na ako.

Wala na kami ng gf ko after 8 months at kahit sandali lang kami naibuhos ko sa kanya ang lahat lahat ng pag mamahal ko. Hindi ko akalain na matatapos din ito na akala ko pang habang buhay, sobrang mahal na mahal kita at napaka sakit sa akin na sa ganito kami natapos... sa isang text lang... pero dahil mahal ko siya pumayag ako pero umaasa pa din akong magkaayos kami.

Honey,

Una sa lahat gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong mali sa iyo kung meron man, alam mo simula nung nawala ka sa buhay ko tila ba ang hirap ng gumising sa umaga o kahit matulog sa gabi... naging parte ka na ng systema ko. Mahal na mahal talaga kita... actually nahihirap na ako... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.... ayaw kong umuwi sa bahay kasi punong puno ng mga memories mo ang bahay ko.... at sa tuwing iniisip ko yun parang gusto kong mag breakdown at umiyak na lang ng umiyak.... Hon kailangan kita sa buhay ko, sabi nila madaming isda sa dagat in short hindi ka lang daw ang nag iisang babae sa mundo... oo inaamin kong hindi ikaw lang ang babae sa mundo pero nag iisa ka lang... Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sumusulat sa iyo kasi alam ko naman na ayaw mo na... alam mo honey sana binigyan mo ako ng pag kakataon para ipaglaban kita at itong nararamdaman ko... di ko talaga kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko... kahit anung gawin ko o kahit saan ako mag punta puro alala mo ang nakatatak dun... sa sta. lcia, sa mcdo, sa bench natin sa 3rd floor, sa jeep, sa tikling, pag tatawid ka... yung mga tawanan natin, mga kulitan, mga times na nagtutulungan tayo gumawa ng mga assignments mo, pag nag iinternet tayo, pag nag luluto ako ng adobo at susubuan kita,, yung sinasabi mong adobong hotdog at sinigang na hotdog na di ko ma imagine ang lasa nun, yung pag sundo ko sa iyo this past 8 months sa school, pag kukulitan natin pag wednesday, mga libo libong text natin sa isa't isa.... LAHAT yun ma mimiss ko... sana lang di ka sumuko... bakit? bakit mo ako iniwan?

Honey alam ko may nag sabing makipag date ako sa iba pero di kaya ng konsensya ko yun kasi nag promise ako sa iyo na di ako mag loloko sa iyo kahit wala na tayo kasi forever kitang mamahlin, alam mo iniisip ko if nahihirapan ka ba or masaya ka dahil wala na tayo? Honey i love you ... at hindi ako mag sasawang mahalin ka... patawad.... sana wag kang sumuko... wag mo akong isuko... sa iyo lang ako nakadama ng ganitong klaseng saya... at never akong nag sisi na ikaw ang minahal ko at patuloy ko pang mamahlin, thankful ako dahil naging tayo... honey wag mo naman isara ang pintuan mo sa akin... kailangan kita.... mahal kita.... pwede pa ba akong bumalik sa iyo as your khizmhet?please i'm begging


MAHAL NA MAHAL KITA...



Para sa lahat na nagtataas kilay at pinag dududahan ang mga storya ko... wag kayong mag alala... iiwan ko na ang blogsphere... wala na kayong pag didiskitahan.Wala na ang saul krisna villanueva na blogger as of today. Wala na!!!! salamat sa lahat ng blogmates ko.... LORD, kosa, marco, patola, chase, kryk, at sa lahat... salamat at paalam na.... nag sasawa na akong magsulat puro batikos na lang inaabot ko dito sa blogsphere at isa pa wala na din akong reason para magstay dahil wala na kami....at sa lahat ng nagtataka bout sa pics ng gf ko... may permiso yun at gf ko mismo at nag sabing itapal ko sa blog yung pics niya...paalam na sa lahat


HONEY I LOVE YOU

10 comments:

msdianeg said...

Be strong! I listened to your audio. I understand how you feel. Mahirap talaga if you cannot have who you really want. Pero sometimes you just have to accept the things you cannot change. Be strong. Try to let go and move on. I know it's easier said than done but you have to love your self before anyone else. Take care!

August 11, 2009 at 1:36 PM
Superjaid said...

i knew how hard it is to be left by the one you truly love, pero kaya mo yan kuya..wag kang susuko..if you need time to heal your wounds, then go..but always remember may mga kaibigan ka dito sa mundo nating 2..i hope someday makabasa ulit ako ng mga kwento mo..hihintayin kita kuya saul, kaya mo yan!Ü

August 11, 2009 at 1:52 PM
Hari ng sablay said...

kaya mo yan,dalawang taon lang naman pala,mabilis lang yun,maraming pweding magbago sa loob ng 2taon, smile tsong :)

August 11, 2009 at 2:49 PM
Kosa said...

parekoy.
sorry sa madalas kong pangingialam sa buhay mo.

hindi tayo magkakilala, pero sa munting pagsasama natin dito makakakilala tayo ng mga kakagaanan natin ng loob.
tulad mo, tulad nila..

KAYA MO YAN! wag kang magpapatalo sa kung anu man gumugulo sayo.

alam ko na babalik ka pa rin at magiging masaya sa piling ng mahal mo.

kitakits parekoy.
ingats
palamig ka muna!

August 11, 2009 at 3:53 PM
patola said...

hindi ko alam kuya.... una, kung totoo man to at hindi kalokohan, nararapat siguro na pakawalan mo na siya.. wag kang sumuko sa buhay dahil lamang sa isang tao na iniwan ka.. marami pa diyan... pangalawa, kung kalokohan man to at gawa gawa lang (sana hindi naman), ewan.... hindi naman kami bato kuya para paikutin at paglaruan... (naks! parang teleserye! wahahaha)...


pero kung totoo man eh there's more to life... hindi lang kayong dalawa ang tao sa mundo... hindi siya ginawa para saktan ka lang... tinuruan ka naman niya ng mga bagay na somehow ittreasure mo at magpapagrow sayo bilang isang mabuting tao.. hindi siya binigay sayo ni God para maisip mo na siya na talaga, minsan binibigay satin ni GOd yung mga tao sa buhay natin para maturuan tayo ng lessons sa buhay,maging handa tayo sa mga surprises na ibibigay niya at para mapalapit sakanya...


yung mga bata na nasa luneta kung saan ka pumunta nung nawala ka,... hindi lang gf yung wala sakanila.... karamahin sakanila, walang pagkain, gamot, damit, bahay pati narin magulang... ikaw, may bahay ka pa na mauuwian, may tatay ka na naghihintay sayo, may kinakain ka sa araw araw, eh sila? kahit barong barong na bahay di nila kaya. kahit tatay wala sila.. marami pang importanteng bagay na dapat ipagpasalamat kahit wala ka ng gf kuya...maswerte ka pa kasi ang iba diyan wala na... kumpletong inabandona...


ayoko maging one sided tong kwento na to... paulit ulit kasi... parang isang nabubulok na sistema na paulit ulit pero yung mga tao hindi parin natututo... wag mong pilitin yung hindi talaga pwede... ganun lang yun kasimple... kung iniwan ka ng paulit ulit, isa lang ibig sabihin niyan, hindi siya para sayo... makikinig kaming mga bloggers sa kwento pero sa pinaka huli, ikaw lang makakatulong sa sarili mo...


mahaba tong comment ko.. dinaig ko pa nga yata yung post mo.... ang sakin lang,... matuto ka poh sana... tumayo ka.. magpakatapang ka.. patunayan mo yung mga bagay na sa tingin mo kailangan mong patunayan... maraming makikinig sa hinanakit mo pero yung solusyon, di nagagawa yun ng mga tenga at mata ng iba, ikaw mismo ang gagawa nun..


salamat kung babasahin mo to..
ingatz..

August 11, 2009 at 6:21 PM
Unknown said...

Hey! bkit ka nman nagkaganon? Bkit naghiwalay na kayo? Alam koh kapit kayong dalawa ah..Bkit nagkaganon?! Baka nman may pag-asa pa? Still hoping na maging kayo ulit fren..

At bout nman sa mga bumabatikos sa iyo. Wag moh sila intindihin, dahil pag nakinig ka saknila at inalis moh ang blog moh ibig sabihin is talo ka sa kanilang mga sinasabi bout sayo! Remember we cannot please everyone! So tlgang may mga atribida sa buhay ng tao. Inggit lang sila sayo dahil may gf kang nagpapakuha ng photos sayo..hehe Tawa ka namn jan hehe..=)

Stay in blogworld fren. You can do it! Be strong! =)

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

August 11, 2009 at 6:40 PM
Reagan D said...

regarding sa breakup issue, mahirap talaga yan. sooobrang hirap. milyon-milyong tao na ang nakaranas ng nararamdaman mo ngayon.
ako mismo nanggaling dyan, maraming beses na rin, kaya may "K" ako na magkwento sayo.

marahil, mas marami pa ang mas malala.

Pero, cliche man, pero kaya mo yan. Lahat ng sugat, naghihilom. Lahat ng sakit, humihinto. Lahat ng pag-ibig, hindi wagi, meron ding bigo.

Maraming dahilan para maging masaya. Unahin mong isipin ang pamilya mo.

Tungkol naman sa pagblog mo,:

"Ang blogging para sa akin ay isang BISYO na mahirap talikuran at tuluyang iwan o ibaon sa limot, pati na din ang mga tao dito sa bl0gsphere sadyang mahirap iwan... kaya after two days na pag kawala ay nagising ako sa bangungot at nag balik na ako.... PERMANENTLY!"

=alam ko sinabi mo yan nung iba pa yung sitwasyon. Pero, di hamak na mas makakatulong yan, Ang blogging ay isang form of therapy. Dont mind the detractors. Hindi lahat ng makakasalamuha nating tao sa mundo ay ngingiti satin at magiging mabait. Yan ang buhay.

Sabi nga ni Santino, May bukas pa. At sabi naman ni Jollibee, bee happy.

apir tayo!

August 11, 2009 at 8:31 PM
Eli said...

kuya, don't leave the blogsphere dahil lang sa mga hindi magandang sinasabi ng mga tao... pag nag stay ka or kahit umalis ka man meron at meron silang sasabihin kaya mas mabuti gawin mo ung mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo (blogging).

August 12, 2009 at 9:31 AM

malamang ay may mga mas magaganda silanga dvices sa sayo. pero ito lang ang masasbi ko...

1. pinakamsarap magsulat habang ikaw ay broken hearted o depressed.

2. most ng sikat na songs are about broken love.

i guess what i'm saying is- continue writing kahit hindi sa blog.

August 14, 2009 at 12:55 AM
Jepoy said...

Ok it's my turn naman.

Alam kong hindi ako magaling mag advice ang sakin lang Parekoy, may mga bagay na hindi nating kayang i-control at hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin pero hindi ibig sabihin noon ay matatapos na ang pakikibaka sa buhay para maging masaya at matiwasay ang pag lalakbay sa daan ng buhay.

Oo, Mahirap ito at Hindi madali. Pero ibaling mo ang iyong tingin sa mga ibang tao na nakaagapay sayo. It's not the end of the world. Kung desisyon mo talagang ihinto ang pag blog gawin mo nalang private ang blogspot mo at mag sulat ng sarili lang, wag mo ng ishare para kung sakaling naka move on ka na pwede mo ulit itong ishare sa blogosperyo.

Kaya mo yan! Walang binibigay si Papa Jesus na hindi natayong kayang lagpasan. If you surpass this, you will be a new being kung baga ibang level na

August 15, 2009 at 6:19 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz