2/8/09

It's raining again... and somehow parang I was transported back in time... Lahat kasi ng mga memorable memories that I have happened while it was raining... as in lahat. All my break ups, kapag iniiwan ako ng mga kaibigan ko, pag may mga sad moments na dumadating sa buhay ko... not to mention it was also raining when my best friend died... It is as if parang nararamdaman ng langit yung mga panahong malungkot ako... nakakatuwang isipin na parang pati ang langit nakikisabay sa kalungkutan ko...

While I was cleaning my drawers, a letter fell down on the floor... I recognize it immediately... It was from my best friend, my first love letter ever... my very first love story..


It was raining hard that day.. I could still clearly remember those events that changed my life completely... there she was... lying on the cold asphalt... Basang basa dahil sa ulan at sa sarili nyang dugo... wala na sya... hindi ko man lang nasabi how much I love her...hindi bilang as my 'lil sister kundi mahal ko sya as.... teka anu nga ba? Basta all I know mahal ko siya ... kaso wala akong guts para ipag tapat yung feelings ko for her... natatakot kasi ako na pag umamin ako na mahal ko siya... tuluyang lumayo na siya at magbago yung pakikitungo niya sa akin... pero look at me now... hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya...

Nang matapos na akong kunan ng statement ng mga pulis... this officer came walking towards me holding this letter.. it was found in her bag... i started reading it as soon as the officer gave it to me. It read.....


Dear kuya saul,

Gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, sa pag iintindi mo sa mga tantrums ko, sa pagiging moody ko, sa mga problems ko, salamat talaga. Sobrang naging blessing ka sa akin, ever since I met you lagi mo na lang ako pinasasaya in everyway you can (sorry nga pala kasi pangit ang handwritten ko) Anyway lately I've been feeling kinda weird, ewan. Kaw kasi eh! Ano ba talaga ginawa mo sa akin at parang 'di ka maalis sa isip ko.... alam kong parang walang sense itong letter ko. actually first time akong gumawa ng letter... kuya... sorry sa sasabihin ko pero parang pag 'di ko ginawa ito... baka tuluyan ka ng mawala sa akin.... kuya remember when you told me that walang mag sisinungaling at no secrets dapat... sorry ha kasi... kuya mahal na kita... I know hindi dapat, pero kuya sobrang in love na ako sa iyo at hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa akin. Kaw kasi ang torpe torpe mo... year 2000 na at dapat hindi ka na torpe... kuya sana hindi ka magalit sa mga sinabi ko.... kuya kailangan kita... ikaw na yung matagal ko ng hinahanap.. remember yung time na sinabi mo na pag na feel ko na nahanap ko na yung guy na mag papasaya sa akin... grab that opportunity.. kaya kuya... will you be my boyfriend? Wala akong alam sa mga proposal pero kuya mahal kita at lahat gagawin ko maging tayo lang... sana after you read this tanggapin mo ako as your girlfriend... and not as your little sister. Maraming salamat talaga sa love na pinaparamdam mo sa akin... ikaw ang reason kung bakit ako nag bago... gusto kong maging worthy para sa iyo... mahal kita... at kahit hindi maging tayo... patuloy pa rin kitang mamahalin... kuya kasi kita eh...


hoping to be your girlfriend,
Sally


After I read that, I can't stop crying ... mahal pala niya ako... pero nawala siya ng hindi niya alam na mahal ko din siya....


* So if you think you found your true love don't hesitate to tell them how you feel... don't let your love story end just like mine... wala na palang ulan.... Walang kinalaman ang present love life ko sa post ko today(lolz)..... I just thought na dapat sigurong ishare ko lang ito para sa mga taong nag dadalawang isip pa rin. Pasensya na if 'di ako nakakapag post lately medyo may madramang problem lang ako(what's new?) hahahaha....

14 comments:

cyndirellaz said...

anu na nangyarii kay sally? wawa naman siya. at ikaw naman nag paka torpe ka lang! basta tandaan, no guts no glory ^^

February 8, 2009 at 3:22 PM
kosa said...

isa ba itong fiction?
totoo?
parang di ako kinapitan ng kaluluwa habang binabasa ko yung kwento..

pero yung sulat.. ang lupet.. nakakakilig... uso na din pala yung ganyan nun pa...
teka, anu na nga nangyari kay Sally? duguan?
basahin ko nga ulit....

February 8, 2009 at 3:33 PM
MarcoPaolo said...

wow... may ganito pala talaga sa totoong buhay... can't imagine... kaso huli na ang lahat...

February 8, 2009 at 4:31 PM
Marlon said...

Pangalawang blog napuntahan ko ito sa pag reminisce ng first love. wahaha nagkakataon lang ba to? pati nga iyong akin ganun. Niwey, ganun talaga ang buhay. sometimes, late na ang lahat for us to take anything back. Kahit ilang beses tayo sabihan na dapat seize the day! eh minsan kelangan talaga natin matuto sa sarili natin.

February 8, 2009 at 5:17 PM
jEn said...
This comment has been removed by the author. February 8, 2009 at 6:24 PM
Lord CM said...

tutuo ba to? sayang...ganyang relasyon pa nman ung nagtatagal talaga, ung nagsimula kayo as friends...nakilala nyo na ang isa't isa before pa kayo maging kayo...sayang talaga...

February 8, 2009 at 6:53 PM
a i s a :) said...

kuya, wat happened to Sally? bt wla sa kwento story why xa namatay?

uhm, anyway, sayang naman... you both love each other then, pero ndi na pursue...

kaya ung mga guys out there na torpe, u don't have to think twice, sabihin nio na sa minamahal nio na mahal nio sila before it'll be too late... wla nmang mawawala s inyo kung sasabihin nio, kung ndi man mgiging successful, atleast nasabi nio, kesa kinimkim nio lang...

hehehe, don't be afraid... and don't be shy... mas gusto ng mga gurls ung my lakas ng loob na magsabi ng nararamdaman... hehehe...

db gurls???

February 9, 2009 at 11:31 AM
jhosel said...

grabe. parang pam-movie. it could have been a beautiful love story na unfortunately di na umpisahan. tho, di nio fully na savor ang love nio sa isat isa ni Sally, i think she's happy now that you're also happy with Michelle. and yung letter. wow. saludo ako sa kanya. for a girl to profess her love like that, grabeng pagmamahal siguro ang nararamdaman niya para saiyo. at siya pang nagtapat. pero anyhow, God has a reason kung bakit niya kinuha kagad si Sally. siguro para batukan ka at turuan ang iba pang mga torpe. (hehe, peace!)but with that experience malamang it was able to make you stronger. so yan.

February 9, 2009 at 1:57 PM
vanvan said...

GAWIN KO RIN KAYA YANG GINAWA NI SALLY NOH..HAHAA.

AS IN..ANG HABA NAMAN NG HAIR MO..

February 9, 2009 at 8:02 PM
Mayyang said...

hmmmm... sobrang sakit naman yan. anong nangyari kay little sister sally?.. bakit may mga pulis pa?... marami kana tlgang npgdaanan bro...

sa huli, nasabi rin nya na mahal ka niya. Don't worry bro, ngayon?alam na niya na minahal mo rin siya.

Now, she is one of your angel na :)

Always take care bro :) Godbless!

February 10, 2009 at 1:35 PM
PaJAY said...

ano pa nga ba ang masasabi ko?.

ANG GWAPO MO! PARENG SAUL!..lolz..

kalungkot istorya..

pwede bang ikwento ang tungkol kai Sally parekoy?

February 11, 2009 at 2:18 AM
Ish said...

what happened to her?

February 11, 2009 at 4:04 AM
Anonymous said...
 


Blogger Template By LawnyDesignz