7/18/10


Ako si Saul Krisna Villanueva ipinanganak noong July 22, 198?... Pero lam niyo ba nagtataka ako... ikinasal ang mga butihing magulang ko nung January same year pero ipinanganak ako makalipas ang pitong buwan? Premature daw ako pero nito ko lang nalaman na bunga pala ako ng maagang pag bubuntis ni ina ko... hehehe anyway musta naman yun 3 araw na lang at kaarawan ko na... pero parang wala lang... 'di ako extited este excited pala. Bukod sa tatanda na naman ako(kasing edad ko nga pala si kosa) eh parang isang ordinaryong araw lang yun for me. Mas excited pa nga ako sa kaarawan ni gerlpren sa October 12 dahil debut na niya kasi.

Anyway wala naman ako maikkwento sa inyo kasi wala naman nangyari sa akin na maganda.. ay meron pala nung isang araw kasi 18th monthsary namin ni gerlpren.

Umaga pa lang eh maaga ako gumising kasi kailangan mag papogi dahil may date kami, plantsa dito, pabango doon, sabay naglagay ng gel sa bagong gupit na buhok ko... oo tama kayo bagong gupit ako after 4 months... 3 times a year lang ako kung mag pagupit kasi nagtitipid ako kaya imagine mo na lang from long hair eh halos gupit binata ulit ako hehehe.

Wala akong pera that day kaya todo ako sa pag pplano para lang magkasya yung kakaunting ipon ko... napag desisyonan namin na pumunta na lang sa greenhills para bumili ng slippers niya doon... so ayun first bus ride namin together kaya medyo happy happy ako... kadalasan kasi jeep lang at tricycle lang ang sinasakyan namin eh hehehehe. Dumating kami sa greenhills after ng mga isang oras at anak ng jueteng laki na ng pinag bago nung lugar na yun... pero nakakagulat nung malaman ko na may tsinelas pa lang nagkakahalagang 1,200... "Hav... Havai... ahhh ewan di ko alam yung spelling pero sounds like "habayanas" yata yun... Ano ba meron sa tsinelas na yun? Mukha naman ordinaryo lang siya, gawa sa mabahong goma(ahahaha). Di ako mahilig kai sa mga ganung bagay... sanay lang ako sa simpleng pamumuhay... yung tipo bang ang almusal ko eh 5 pandesal, tanghalian ay 6 na cups ng rice at 1 hotdog at sa hapunan dahil diet pa din ako eh 4 na cups na lang ng kanin at inihaw na ulo ng manok hehehe... joke lang... kuntento na kasi kung ano man yung meron ako... in short di ako mahilig sa mga mga mamahaling gamit... hehehehe.. nangangati balat ko pag branded ang damit ko, yung paa ko makati din pag nakapag suot ako ng mamahaling sapatos o tsinelas...

Pagkatapos makipag siksikan sa greenhills pumunta naman kami sa Robinson Galleria at tumingin lang ng mga daga... oo tama daga nga... ngayon ko lang nalaman na mahilig pala si gf sa mga daga... ayus next time na may makita akong daga sa bahay yun na lang ireregalo ko... hehehe habang nag lalakad kami biglang nakarammdam kami ng gutom kaya lumipat kami ng mall para mag tanghalian...

Megamall... masakit na talaga ang paa ko kakalakad pero dahil kasama ko si gf at may paholding holding hands pa siya sa akin at take note may pa sway sway pa eh nawawala yung pagod ko... Daming tao... dami din nilang pinamimili... puro mamahaling gamit, mga walang kwentang gamit naman... yung tipo bang di naman mapapakinabangan o wala naman maidudulot sa buhay pero hala sige bili lang ng bili...

minsan napapaisip lang ako... kapag ba bumibili sila ng mga mamahaling gamit pero wala naman kwenta yung bagay eh naiisip ba nila na sa halagang 1,200 na tsinelas o bag na tig 20,000 eh malayo na ang mararating ng perang iyon sa kamay ng mga mahihirap o kapus palad?Pwede na yung pang bili ng pag kain na tatagal sa loob ng ilang linggo di ba? Di naman ako kontra sa ganung klaseng pamumuhay... siguro dapat lang nila malaman yung mga mas importanteng bagay sa buhay... thats all lang...

Anyway isa pa sa mga nagpasaya sa akin nung araw na yun eh yung pinakain ako ni gf ng ice cream na nagkakahalaga ng tumataginting na 79 pesos eh samantalang pagkaliit liit lang nun pero sobrang sarap naman ahahaha..

Natapos ang araw namin na sobrang saya at punong puno ng pagmamahal... hehehehe

Lapit na kaarawan ko... ano gift niyo sa akin?



 


Blogger Template By LawnyDesignz