Yan ang sinabi ko nung pinag titripan ng dentista ko ang mga ngipin ko kamakailan lang... Pasensya na kayo if 'di ako nakaka gala or nakakapag post lately medyo este sobrang sakit talaga ng ngipin ko. Aba akalain niyo 6 na ngipin ang pwersahang tinanggal sa kawawang bibig ko...
Na aalala ko pa yung sinabi ng dentista ka habang sinisimulan na nyang sentensyahan ang mga ngipin ko...
"Oh krisna sasaksakan na kita ng anesthesia... masakit ito"
"ate jenny wala bang anesthesia para sa unang tusok ng karayom"
"aba lokong bata ito ah...(sabay tusok sa gums ko)
Matatakutin talaga ako sa pagpapabunot kaya nga as much as possible sariling sikap ang ginagawa ko eh... hangga't pwedeng ugain ko ng mag isa ang teeth ko gagawin ko wag lang magpunta sa dentista.
Nang nakahiga na ako sa upuan o yung tinatawag nilang dentist chair pakiramdam ko bibitayin na ako lalo na nung makita ko yung mga gamit niya sa pag bunot... Bigla nga akong nagdalawang isip nung makita ko yung parang pliers na isa't kalahating dangkal ang haba, mga matutulis na pang tusok at isang tabong bulak...
Ooperahan ba ako at parang lahat ng bulak sa cabinet niya eh kinuha? Naku po! At di nag tagal nag simula na syang pagdiskitahan ang mga ngipin ko... tusok dito tusok doon tapos itatanong niya sa akin if "masakit ba?" Aba loka din siya... siya kaya tusukin ko at itanong sa kanya if masakit... Kung inalagaan ko lang teeth ko... haaay di na kayang isalba daw kasi... tsaka may hinahabol akong deadline... may interview kasi ako sa December 12 at may debut akong aatendan sa december 5 kaya kahit masakit eh GO lang ako... bahalana si batman.
Sa totoo lang medyo pinadamihan ko yung lagay ng anesthesia sa akin para di na talaga ako makaramdam at yun nga... di ako nakaramdam ng sakit kahit katiting except nung ginamitan na ako ng pliers... At makalipas ang 4 na oras at isang kilong bulak... natapos na din kami at guess what... may libreng ice cream ako(bata?) hahahaha
Siguro next time makakapag post na ako ng maayos... hintayin ko lang gumaling ito...
*pahabol lang... bigla kong naalala yung sinabi ni gf na cortal daw ang inumin ko pag sumasakit.. ako naman si walang malay... sige... hala bili ako ng 6 na piraso... kaya pala ang sama ng tingin ng tindera sa akin... ginagamit daw yata yung cortal sa pangpalaglag(ewan ko kung myth ito o hindi). Pang padugo daw yun... hala ako...
"Hon pag ako dinugo... yari ka sa akin... joke lang..." pero kidding aside... duduguin ba ako? nakaka 3 beses na akong umiinom nun today eh...