4/28/09

Habang naglulto ako kanina bigla na lang pumasok sa kukote ko yung saying na Sa huli ang pagsisisi” . I’m sure lahat tayo na experience na yung ganitong bagay and we all wished na sana if inisip lang natin yung magiging outcome ng ginagawa natin eh ‘di sana hindi natin mararamdaman yung ganitong feeling ng pagsisisi. I know medyo magulo itong post ko na ito at kahit ako mismo ay natutuliro kaya medyo pag pasensyahan niyo na ako… It just so happen na right now biglang pinaalala sa akin ng munti kong utak yung mga troubles and pains that I’ve been through dahil lamang sa hindi ko iniisip yung magiging outcome ng ginagawa ko or gagawin ko…

Sabi nga nila mag mula sa pag dilat ng mga mata natin sa umaga until sa pag tulog, puro decisions ang ginagawa natin. We decide on everything that we do… laging ganito ang gagawin natin for the rest of our lives kaya if medyo hindi nagiging maganda ang takbo ng buhay natin or tila ba puro na lang problema ang dumadating sa atin don’t blame it sa mga taong nakapalibot sa iyo, but instead blame it on yourself… Ikaw mismo ang master ng utak at puso mo at walang kinalaman yung ibang tao sa gagawin mong desisyon.

Sa totoo lang, medyo weak ako pag dating sa pag dedecide sa sarili ko pero pag dating sa kapakanan ng ibang tao sobrang galing ko daw mag bigay ng mga payo(lalo na sa usapang pag ibig) yun ang sabi ng mga kapatid ko. Magaling daw akong mag payo bout sa mga simpleng problema ng buhay hanggang sa mga pinaka sensitive na mga problema. Ilang daang beses na akong nag sisi sa di mabilang bilang na mga desisyon na ginawa ko sa akin buhay, siguro if I would rate all those good decisions against sa bad ones, siguro sa bawat sampung desisions ko… lima dun ay mali.(lolz).

Sabi nga ng mga matatanda bago ka daw mag decide kailangan mo daw isipin ng 100 beses ito bago mo gawin yung bagay na yun.(dyan ako nag kulang)sige lang kasi ako ng ige pag dating sa mga ganung bagay. Pero alam niyo, kahit madalas hindi nagiging maganda ang resulta ng mga ginawa ko in the past… still I survive (Bait ni Lord noh?)…. Siguro kanina pa kayo napapaisip kung ano na naman bang wrong move ang ginawa ko lately at ito ang post ko… Well tama kayo, let’s just say na may very BIG problem ako now and it will really change my whole life as in WHOLE life pag nangyari yun. Pero I’m sure kung ano yung will ni GOD sa akin… yun ang masusunod… Kaya bilang kaibigan niyo, I hope pag isipan niyo muna ng mabuti yung gagawin niyo. Hindi lang isa… o dalawa… o kahit tatlong beses niyo kailangang pag isipan yung pinaplano niyo kundi 100 beses ‘cause when all hell breaks loose dahil nag kamali kayo… wala kayong dapat sisihin kundi ang sarili niyo… Pero when that happens… ditto lang ako para tumulong… (naks naman!!!!)

  • Isa na naman positive post… nagiging positive na yata ako ah… hahaha… thanks sa mga dumagok sa akin dati para ako’y matauhan(tagalong na tagalong ahh)

  • love you honey... advance happy monthsary( naks monthsary na namin sa MAY 1)

4/27/09

How far will go for the one you love? Yan ang isa sa mga madalas natin tinatanong sa sarili natin… correction! It is not “us” who ask this kind of questions… it’s our partners who ask this mind bending questions…. Natanong ka na ba ng ganito ng Gf/Bf mo? I’m sure natigilan ka nung tinanong ka niya nito… Gaano nga ba ka layo? Ano ba ang kaya kong ibigay sa kanya? How far will you go para sa taong mahal mo?

If your Gf/Bf will ask you to jump, will you jump? Syempre hindi noh! Ano ako baliw? Yan siguro ang magiging reaction mo sa kanya… Siguro naman wala pang nasa matinong pag iisip ang mag re-request ng ganyan sa kanilang Gf/Bf… Anyway, What if your Gf/Bf ask you to leave your friends dahil nawawalan ka na ng time sa kanya and your spending all your time sa barkada mo… will you leave them dahil sinabi ng mahal mo? What if biglang nag palit ng network ang mahal mo… will you do the same and leave all your friends and textmates? What if may dream ka and that’s to work abroad at pa alis kana… that means maiiwan mo ang mahal mo dito sa ‘pinas. What if she/he requested you not to go… Aalis ka pa ba? Will you give up your dream para lang ‘di na siya malungkot even though lahat ng mga papers mo ay ayos na? At kapag ang love story niyo ay tila parang storya ni “Romeo and Juliet” will you fight for your love kahit ayaw ng parents mo sa kanya? Will you chose your Gf/Bf over your family? Handa ka bang suwayin ang mga magulang mo?

Sa isang relationship ‘di natin maiiwasan na mag karoon ng mga pag kakataon na kailangan natin mamili… sabi nga nila.. “Love is somehow making choices… it’s either choosing pain for other’s happiness… or choosing happiness for other’s pain...”

Ikaw na ang bahala kung ano ang pipiliin mo… matitiis mo bang masaya ka samantalang yung mahal mo malungkot?

Ako… kaya mo ba akong tiisin?

* yan ang mga banat... matitiis mo ba ako? wahahahahaha....

4/26/09

A few weeks back napadaan ako sa mall ng makita ko itong cute na card na ito... actually hindi pa ako nakakapag bigay ng kahit anong love letter sa kahit kaninong gf ko(Past and Present) anyway, dahil nga cute yung card kaya binili ko ito agad... kaso habang ako'y palakad lakad sa Sta. Lucia mall dito sa amin... napansin kong parang may kulang sa binili ko... parang napaka plain kaya ayun bumili ako ng mga materials ng pang scrap book... Hahahaha basta in love ako medyo nagiging artistic ako bigla...

Pag kauwi ko galing sa mall umupo ako agad para mag isip kung ano ang pwede kong isulat dito... Isa... dalawa... tatlong oras na akong nakaupo pero peste bakit wala akong maisulat na matino... na ba-blanko ang munti kong utak... Pero after a few moments ng pag iisip ko bout sa kanya and what would I tell her pag mag kasama kami.... Ayun natapos ko na din ang 1st LOVE LETTER ko sa buong buhay ko...

Natutuwa lang ako sa sarili ko kasi di ko akalain magagawa kong makapag sulat ng isang (corny) na love letter... Ganun ba ang love? Wahahahaha kahit 'di mo nakasanayang gawin ang isang bagay, basta para sa minamahal mo... LAHAT kaya mong gawin.... Mahal ko yung batang iyon este girlfriend ko pala...

* hon ingatan mo yan huh... LOVE you... mwaaah

4/21/09

Nagulat ako kanina at biglang nag text ang girlfriend ko habang nakapila ako sa NBI at kumukuha ng NBI Clearance... sinabi niyang may naninira na naman dito sa blog ko... Nang mabasa ko yung text niya parang gusto ko ng umuwi at buksan ang munting tahanan ko dito sa blogsphere para makita kung sino na naman ang mapangahas na taong naninira sa akin...

ANAK NG TINAPA na may itlog na maalat!!!! May naninira nga... actually imbes na magalit ako sa kanila namely "WHATEVER" at "READER" ay natatawa pa ako... aba pag kamalan ba naman akong babae dahil tadtad ng picture ng jowa este girlfriend ko ang blog ko... Actually pakiramdam ko hindi kami related at siguro kakilala nila talaga ang gf ko... pero ewan... di ako sure dun... if may time kayo lahat ng mga message nila ay nasa SHOUTMIX ko pakihanap na lang kung gusto niyong matawa...

Hindi ako galit dun sa mga naninira sa akin... ang sa akin lang ay MAGBASA muna kayo bago kayo mag commento! Ang mundo ng Blogger ay para sa mga marunong mag basa lamang... Halata naman na hindi niyo pa nababasa ang lahat... as in lahat ng mga post ko, so HUWAG kayong mag commento ng di niyo alam ang tunay na nangyayari...

WHEW!!!! Saul ang puso mo(bulong ng aking konsensya). Tumataas na naman ang aking dugo pag may mga taong makikitid ang utak tulad nung dalawang mokong na yun... Huwag kayong mag kamaling dumaan ng TAYTAY at baka di na kayo makauwi(as if naman kilala ko kayo) hahahaha. Mga blogmates pag pasensyahan niyo na ako if tumataas na naman ang dugo ko... Naiinis lang ako sa sinabi ni "WHATEVER", sabi niya na nag iillusyon lang daw ang jowa ko este girlfriend pala na may nag mamahal sa kanya... hmmmm na pagkamalan niya kasi na ang gf ko ang owner at writer ng blog na ito. I'm sure mapapatunayan ni aisa na lalaki ako kasi tumatawag siya dati sa cellphone ko at si Adik na nagkasama na kami... hahahahaha... I'm sure mag co-commento yung 2 mokong na yun dito kaya kayo na bahalang humusga sa kanila... ARRGHHH!!!!

*anyway parang may topak ulit ang blog ko...

4/20/09

Dear Lord,

Here I go again Lord, lumalapit sa inyo at humihingi ng tulong. I know its unfair dahil pag may problem lang ako nakaka alalang lumapit sa iyo. Pag paesensyahan niyo na po if sa ganitong paraan ako nakikipag usap sa inyo.. Actually hindi ko nga po alam if papakinggan niyo ang isang katulad ko( isang makasalanan). I know this past few weeks medyo… hindi na po ako nakikipag usap sa inyo tulad ng dati… Patawad if I hadn’t been a good son to you, Lord I really don’t know whats happening to me… parang pagod na pagod na ako sa buhay… don’t get me wrong hindi na ako mag aattempt mag pakamatay.. I made a promise to You na hindi ko na babalewalian ang buhay na binigay niyo sa akin at nangako din ako sa girlfriend ko at kay Lord Cm at kosa na ‘di ko na babalakin gawin yung mga kalokohan na yun. Pero parang may kulang pa rin sa akin and I don’t have any clue kung ano yun… hmmm maybe I do know what it is, it’s just that nag bubulag bulagan lang ako…ALAM kong kayo ang kulang sa akin… Masaya naman ako with my life especially nakita ko na yuing dalawang bagay na lagi kong hinahanap… Ang girlfriend ko and my few friends, although ‘di ko pa nakikita yung mga tinatawag kong kaibigan still I know nandyan lang sila palagi. Pero with all of them around me, still parang may kulang pa rin.

I know palagi niyo akong hinihintay na lumapit sa iyo pero sadyang matigas ang ulo ko at habang lumalapit kayo, ako naman yung lumalayo sa inyo, I’m sorry for that. Alam ko din na gumagawa kayo ng way para matauhan ako sa mga mali kong ginagawa… Someone told me before that “ the day you call upon the Lord, He will set you free from all those bondages and pains that keep on weighing me down” Lord please help me, help me change my life… hindi ko na talaga kayang ayusin ito ng mag isa… I need You to fix ME… Lord I know I’m not perfect and I’m weak kaya humihingi ako ng tulong sa iyo…

You know very well na hindi ako ganito dati, we used to talk every minute of the day as if katabi lang talaga kita, I love being in the ministry… bigla ko tuloy na alala yung time na naging teacher ako sa mga kids at youth sa church… Hindi ko talaga maisip kung saan ba ako nag kamali… siguro sa LAHAT! Lord I know hindi niyo ako papabayaan… Please accept me again…

Sincerely yours,

Prodigal son

P.S

Please take good care of my girlfriend pati na yung mga kaibigan ko dito sa BLOGSPHERE... nakita ko itong entry ko sa diary ko a few weeks ago... wala lang... may natutunan nga pala ako sa pag kawala ko ng matagal sa blogspere... "count your blessing" tama si LORD CM.... siya ang nag sabi sa akin nun....

4/17/09

"I come from a broken family and I told myself that I don’t want my future family to have the same broken home as I did and maybe that is why in relationships I try by best to work hard for it. Settle differences and so forth. I don’t want to waste time of jumping from one relationship to another and most especially the thought that I don’t want to waste time. I remember my mother who cheated on my Dad when I was still in college, and this caused all the commotion in our home. It was terrible so you can just imagine how I am not fond of cheaters and the likes. I ended up being with my dad… and yet it feels like something’s still missing... I miss having a mom..."

Hiwalay na kasi ang parents ko eh, kaya siguro nagkakaganito ako,” a rebellious student once said to me. I deeply sympathized with him… I felt sorry for him, for his parents’ separation broke his entire being… well actually nakakarelate din ako somehow sa kanya for I myself is a product of a broken family…

Hindi ko nga malaman kung bakit parang padami ng padami ang mga mag asawang nag hihiwalay, ito ba ang uso ngayon at bakit ba sila nag hihiwalay? Actually madaming reason kung bakit ‘di na sila pwedeng mag sama sa iisang bubong… siguro tied at first spot ay yung mga mister o misis na nangangaliwa at issues tungkol sa pera… Anyway hindi tungkol sa dalawang bagay na ito ang pag uusapan natin… It’s about the son and daughters that are caught right in the middle.

Minsan naiisip kong parang ang selfish ng mga ganung magulang… basta basta mag dedecide na maghihiwalay sila without ever considering yung mga anak nila… Bigla ko lang na alala nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko, pag nag aaway ang mga magulang namin lagi kaming ikinukulong sa isang kwarto para ‘di naming marinig yung mga sigawan nila( as if naman na ‘di namin maririnig ang boses nila habang their screaming on the top of their lungs)(naka lunok ata ng microphone ang mommy ko kasi ba naman ang lakas niyang sumigaw) Anyway kidding aside, habang may world war sa bahay namin, pilit ko naman pinapakalma ang kapatid ko sa pag iyak ayaw na ayaw niya kasing maririnig na nag aaway ang mga parents naming.

Naghiwalay ang mga magulang namin dahil sa pera at sa third party… ‘di na daw kasi sapat ang naibibigay ng dad ko sa mommy ko kaya ayun araw araw tila bang may gyera sa bahay namin. Hagis ng plato dito, hagis doon…. Murahan dito, murahan doon. Lumaki akong ganito ang naka sanayan ko hanggang one day nag decide na silang tapusin ang pag sasama nila. After that doon na ako nag simulang mag rebelde, inom dito, inom doon, yosi dito… yosi doon... in short sinira ko ang buhay ko.... nag rebelde ako at hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun... Siguro galit ako sa sarili ko, sa mga kapatid ko at lalo sa mga magulang ko.

Sa panahong ngayon parang padami ng padami ang mga nasisirang pamilya... Oo nga at minsan parang mas mabuti pang mag hiwalay na lang pero sana iconsider muna nila yung magiging resulta ng gagawin nila... sa ganitong case kasi... ang mga anak ang mag sa-suffer....

* wala lang... napag tripan ko kasing isulat ito kasi mag nine years ko ng di nakikita ang mga kapatid ang nanay ko simula nung nag hiwalay kaming lahat.... gulo ng buhay ko noh?

4/14/09

As usual wala na naman ako giagawa kaya naisipan kong manuod ng movie… at ewan ko ba kung bakit ko pinili yung movie ni Richard Gere at Julia Roberts… “Pretty Woman”. I’m sure napanuod niyo na yun… sabi ng friend ko kasi maganda at isang classic daw yun, anyway it’s about a filty rich millionaire who fell in love with a prostitute (astig noh). Madami silang naging critic sa love affair nila dahil sa pagiging super rich and well educated man si Richard Gere not to mention medyo may edad na siya at isang young prostitute lamang si Julia Roberts and yet kahit inuulan na sila ng mga paninira, still in the end nagging sila pa rin… actually hindi naman ako isang fan ng mga love story pero theres something in their case( Julia and Richard) that I can relate on to. HEY don’t get me wrong hindi ganon yung girlfriend ko… Actually I haven’t been transparent with you guys sa affair naming ng girlfriend ko…
You see, okay naman kami sa lahat ng aspeto ng relationship namin ng girlfriend ko, mahal niya ako at ganun din ako sa kanya, we see each other almost thrice a week including Sundays(sabay kaming pumupunta sa church) and although we sometimes have some argument, ‘di naming pinapalagpas ang buong mag hapon na di kami nagkakabati… Actually okay naman ang lahat except for one tiny problem… Kasi ganito yun, I’m already 24 and she’s almost 17 pa lang( HUWAG niyo ako isusumbong sa DSWD or BANTAY BATA)(CHILD ABUSE)(hahahaha) so that means we have an 8 year gap sa age namin.
Hindi naman ako affected sa mga nag cricriticize sa amin… Hmm bawal nga pala mag lie dito sa blog ko… Okay okay okay… medyo affected nga ako…. Kasi ba naman nakikialam sila sa buhay namin ng gf ko… So what if mas matanda ako, actually wala naman perfect na relationship… lahat yun may isa o dalawang flaws and in our case, age namin. Naiinis talaga ako sa mga tao na nakapaligid sa amin, lalo na yung mga ka church mate ko. Ayaw ba nila na nakikita akong masaya? Bigla ko na alala yung isang member doon(Lola Eppie) haay sabihan ba naman na lumayo layo sa akin ang gf ko dahil di daw ako ang right guy for me… Ano paki niya? ‘Di ko talaga ma kuha yung point nila kung bakit sila ganun eh kung mismong ama ko nga ayus lang sa kanya yung relationship namin ng jowa ko este gf pala, sila pa kayang hindi ko ka anu-ano. Mind their own lives at wag nilang pakikialaman yung sa akin…
Ewan ko ba talaga pero for me, relationship shouldn’t be based sa AGE(eh ano if parang mag tiyo na kayo, so what), sa KAPAL NG WALLET MO or sa DAMI NG DIGITS SA PASSBOOK MO SA BANKO(eh ano if pulubi ka at saksakan ng yaman yung ka relasyon mo), sa LAYO NIYO SA ISA’T ISA(there are tons of ways now para ‘di maputol ang communication niyo. Bakit si Ariel(the little mermaid) may Prince Charming na taga lupa ) at lalong lalo na sa PHYSICAL APPEARANCE(eh ano if pangit ka at mala dyosa siya sa ganda. Bakit si Shrek may Princess Fiona?)… For me what matters most is yung LOVE for each other (tama ako ‘di ba?)
I hope if may kilala kayong mag jowa este mag boyfriend na medyo di ka sang ayon dahil sa hindi sila bagay… try not to say nasty stuff sa kanila… Hindi man sila bagay pero if yun lang ang nagpapasaya sa kanila then you should be happy for them… BOW!!!
Pag pasensyahan niyo na huh... medyo ayusin ko muna ang pag kasira ng blog ko... ayaw lumabas yung pinost kong article....

4/13/09

Blogger Template By LawnyDesignz