Hmmmm medyo naging malaking impact pala ang ginawa kong ka abnormalan the other day dito sa blogsphere at actually nahihiya na akong mag post dito sa blog ko... hindi ko alam if titigil na ako for good or what.... ewan.... okay na ako now at unti-unti na akong nag ta-try baguhin ang pesteng pag uugali ko... I guess wala palang nakakaintindi sa akin dito... hehehehe ayos lang yun... I'm not really expecting na may makakaintindi sa akin dito. Na alala ko pa nung una akong nag blog dito... iniisip ko kung bakit ba ako mag susulat, hindi naman ako isang manunulat at hindi mataba ang utak ko. Naisip ko lang na medyo makaka alis ng stress ang pag susulat... and it really helps. I've been writing stories, poems, songs at diary since God knows when... I really love to write pero dahil sa katangahan ko nung isang araw parang tinamad at the same time natatakot na akong ipahayag(WOW!!!! Lalim nun ah) yung nararamdaman ko. Medyo napalakas ang mga tama sa akin ng mga batok niyo eh... heheheh... Natauhan, nasaktan at nalungkot ako sa mga comments niyo... Ooops I forgot to tell you guys na natutuwa ako kasi dinagukan niyo ako at nagising ako sa kahibangan kong ito.... Thank you talaga. You know what, I'm happy kasi walang nakakaunawa sa akin sa mga pinag dadaanan ko kasi if nagkataon na may nakaunawa sa akin that means naranasan niyo na yung pinag dadaanan ko and AYOKONG nahihirapan kayo. Kahit hindi ko kayo kakilala or nakikita somehow napamahal na kayo sa akin at it would really break my heart pag nakikita ko kayong nagkakaproblema. Aaminin kong mahina ako at walang tiwala sa sarili. Matagal ng nawala yun dahil sa mga experiences ko sa buhay, maaga akong pinabayaan ng mga magulang ko at nung nag hiwalay sila at napadpad ako sa nanay ko mas tumindi ang kalbaryo ko... araw araw akong binubugbog ng step dad ko at ng nanay ko, kinailangan kong mag trabaho para lang may ipang sugal sila, I'm sure naranasan niyo ng murahin ng magulang niyo pero ewan ko lang if naranasan niyo ng duraan ng sarili niyong ina sa mismong mukha niyo dahil wala kayong na iuwing perang pang sugal nila.... Lumaki akong nag iisa at kahit may mga kapatid ako... pakiramdam ko ginagawa lang nila akong utusan at punching bag... at nang mag high school na ako nakilala ko ang kaisa-isang taong nag pahalaga sa akin that time... lagi niya akong pinapayuhan tulad ng ginagawa niyo sa akin... pero sadyang pang telenovela ang buhay ko.... maaga siyang kinuha and it's my fault... she died in my own arms that night.
Aaminin kong wala na akog tiwala sa lahat at lately pa lang ako nag ta-try mag bago ng mga pananaw, hindi madali pero nagsusumikap akong mag bago... Kaya nang mabasa ko ang mga comment niyo at yung post ng ibang taong nagmamalasakit sa akin hindi ko alam ang gagawin ko... pakiramdam ko wala ng may gustong makipag kaibigan sa akin dito... I know nasabi niyo lang yun dahil nag aalala lang kayo sa akin at gusto niyo akong mag bago... tama ako 'di ba? Pero I really didn't expect na ganun ang mga sasabihin niyo.... don't get me wrong I'm not mad 'ni hindi nga sumagi sa utak kong magalit sa inyo... Tama lang kayo sa mga sinabi niyo sa akin, masakit pero yun lang ang way para matauhan ako.
Pag pasensyahan niyo na itong post ko if medyo mahaba, gusto ko lang sulitin itong time na ito para ilabas lahat ng mga nararamdaman ko. Kanina habang binabasa ko ang post ng isang kaibigan ko 'bout me, 'di ko maiwasan masaktan, matuwa at ma dissappoint sa mga sinabi niya... Alam kong lahat tayo may problema pero siguro ang pag kaka iba lang natin... may nakakaramay kayo, may mga magulang at pamilya kayo, may mga kaibigan kayo at naging medyo maganda ang mga experiences mo sa life... Tama lahat yung mga sinabi niyo sa akin.
Gusto ko lang mag pasalamat sa inyong lahat sa mga payo at mga words of encouragement sa akin, salamat kay AMOR at Oracle.... Saqlamat din kay MITCHY sa nakaka touch na comment mo sa akin, pajay, kosa at lord pasensya na kayo sa mga kadramahan ko... at sa lahat sorry talaga... After this post hindi ko alam if ipag papatuloy ko pa itong pag susulat ko... what do you think? mag susulat pa ba ako? Para kasing biglang nag bago na ang lahat eh... ahhh ewan... salamat salamat salamat sa inyong lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)