5/30/10


SINUNGALING KA!!!!!!

Sino ba sa atin ang hindi pa nasasabihan nito o sino pa sa atin ang di pa nakakagawa ng ganito sa buong buhay nila?

Siguro wala naman mag mamalinis dito dahil di ko kayo bati pag nag comment kayo na di pa kayo nag sisinungaling... hehehehe

Anyway isang maiksing post lang ito promise(peksman mamatay man yung daga ng kapit bahay namin)

Madalas ginagawa nating escsape hatch yung pag sisinungaling para lang makalusot tayo sa ilang bagay...at di niyo ba napapansin na kapag ang isang kasinungalingan eh tinapalan mo pa ng isa pang kasinungalingan eh parang mas lalong gumagrabe ang situation mo...

Nakalimutan ko na kung sinong mokong ang nag sabing

"walang kasinungalingan ang di nabubunyag"

Naniniwala ako dito kasi kahit na..... hmmm okay aaminin ko na nung bata pa ako eh malufet akong mag sinungaling... yung tipo ba na may back up plan este lies ako to support the first lie... pero wala pa din epekto kasi after ilang araw nabubunyag pa din ang kasinungalingan ko hehehe...

Kaya isa lang ang natutunan ko.. hangga't maaari eh wag mag sisinungaling...
trust me,,, ilang beses na akong nadapa dahil sa kasinungalingan...

6 comments:

Anonymous said...
This comment has been removed by the author. May 30, 2010 at 12:54 PM
Anonymous said...

am mo kuya saul..manhid na ako sa salitang ganyan dahil lagi lagi akong sinasabihan nyan ng aking ina lalo na pag PERA ang pinaguusapan T_T haha

May 30, 2010 at 12:55 PM
darklady said...

kapag nagsisinungaling ako madali ako mahuli.hehe, kaya pagpapraktisan ko na pag nagsinungaling ako e hindi halatain na sinungaling nga ako.hehe

May 30, 2010 at 2:21 PM
Jag said...

That's so true buddy! Wala talagang naidudulot n maganda ang pagsisinungaling.

May 30, 2010 at 7:29 PM
Kosa said...

sir, eh paano naman yung mga lies for a cause? sa ibang salita eh white lies? yung kuto na nakukuha sa buhok? hehe

jokes.

asan na yung picture greeting ko? hahaha. excited ako eh:D

May 31, 2010 at 11:48 PM
Renz said...

hindi natin maiiwasan magsinungaling kasi nature na ng tao yun pero kaya natin ma REFRAIN yun at tama ka masamang magsinungaling. Sa una lang may benefits pero paglumabas na lahat ng consequences masakit sa ulo

June 2, 2010 at 6:07 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz