5/23/10

Ayun oh buhay na naman ako after ng ilang panahon ng pananahimik... Ano ba pinag kaka abalahan ko? As usual wala naman puro trabaho at gerlpren lang ang kina-carrer ko..

Wala naman talaga akong balak mag post now pero biglang umandar na naman ang munti kong utak at na alala ko yung mga nasaksihan kong kalokohan habang sinasamahan ko si gerlpren sa pag eenroll lat... teka kelan nga pala yun?(memory gap)

Habang nakaupo kami ni gf sa may harapan ng registrar ng skul nila... biglang tumabi sa akin si Petty sa amin at tinanong si michelle kunga magkano ang kupit este kickback niya.... kasi daw siya 2 thou daw...

Ano kamo? kickback? bigla bumalik ang memorya ko nung college student pa lang ako.... inaamin ko na naging past time ko ng gumawa ng diskarte para maka kick back... Tulad ng karamihan sa umpisa lang ako matino pero habang tumatagal na ako sa aking eskwelahan eh parang nahahawa na ako sa sakit ng bayan... ang kumick back sa magulang nila...

Na aalala ko tuloy na sa tuwing mag eenroll ako... nag sisimula na akong mag handa ng pekeng resibo with matching pekeng pirma ng matandang hukluban na si Mrs. Villa(registrar namin siya)... kailangan ko din makiusap sa janitor namin para ikuha ako ng 3 pares ng skul uniform namin kasi half lang ang pice nun dahil nga illegal ko makukuha yun... hehehehe...
Usually sa entrada ng pasukan makaka kick back ako ng 5 thou sa tuition pa lang at mga 1 thou sa uniform at another 2 thou sa mga kung ano anong project kuno...

That time di ko naisip na masama yun at parang laro lang yun for me... pero ngayong matanda na ako(teka bata pa pala ako) nauunawaan ko na yung mga ka abnormalan na ginagawa ko that time... di ko kasi naisip na perang pinag hirapan ng magulang ko ang inuubos ko dahil sa kagustuhan ko lang may pera ako... di ko naisip na pinahihirapan ko sila sa ginagawa ko...

Kaya nga ngayon... medyo naiinis ako sa mga kabataang tulad ko dati eh malakas mag nakaw sa mga magulang nila... sana di ito nababasa ng tatay ko ahehehehe

21 comments:

hala! lgot k pgnbsa yn ng dadi mo..

d nga aq nknkick-back :DD

hhehehe..:))

May 23, 2010 at 9:24 PM
Anonymous said...

tama! haha buti pa ikaw kuya nakakakupit ako kahit piso pinagkakait ng magulang ko haha

May 23, 2010 at 9:52 PM
mr.nightcrawler said...

haha... buhay estudyante nga naman... huwag aamin sa blog na nagkikick-back, baka mabasa ng magulang. love you ma... wahahaha

May 24, 2010 at 1:21 AM
이 은별 said...
This comment has been removed by the author. May 24, 2010 at 10:53 AM
이 은별 said...

boom galing sa new blog ko saul saul saul hhahaha
naku naalala ko tuloy dati yung college ako 3thou kickback ko bwahahah...at nahuli ako ni inay buti di ako nakickout sa bahay haha..
link kita sa new blog ko ha hehe...

May 24, 2010 at 10:54 AM
BatangGala said...

Kuya sauulll!! Yu'r bak na!!!angtegal mong nag vanish!nyahahaha:))sensya naman,namiss ko lang mangulit!haha:)) astig ka pala mag kick back dati,kuya!Ako,hanggang pipti peysos lang,tapos inaamin ko agad,di ko keri e ambigat sa konsensya.wahahaha:)))) eniwey,musta naman kuya?:D

May 24, 2010 at 11:15 AM
kikilabotz said...

maniwala kayo sa hindi hnd ako nakapagkick back..wala kasi alam ko kasi pano nghihirap sila mama at papa pagpaaral sa akin..

wala lng nkwento ko lng

May 24, 2010 at 1:32 PM
darklady said...

Hindi ako maka kickback kahit hindi tinitingnan ng mom ko yung resibo, siguro sadyang mabait lang ako!!! Ano daw????ahahaha.(buhat silya na naman). Pero minsan yung rebate sa pagbabayad ng tuition yun na ang napupunta sa akin.^_^

May 24, 2010 at 2:06 PM
Superjaid said...

hehe ako bihira akong kumickback hirap kasi kami sa pera eh..pero gawain k rin to..^_^

May 26, 2010 at 2:39 PM
Kosa said...

marami kayo parekoy... este tayo pala (ako minsan lang) hehe. pero atleast eh natuto tayo..hehe

May 27, 2010 at 6:00 AM
Pirate Keko said...

aray. haha kuya tinamaan mo ko.

May 27, 2010 at 10:16 AM
saul krisna said...

@honey ko
hahaha ayus lang yun.. parang alam na naman yata ni ama na nangungupit ako dati eh... silent mode nga lang siya hehehehe... love you poh

@vanessa
naks naman good gurl pala siya... hehehe aba dapat lang... yari ka sa akin pag nangupit ka ahehehehe

May 27, 2010 at 5:47 PM
saul krisna said...

@ nightcraler
adik ka sabi mo wag aamin pero parang guilty ka din ahahaha ... love you ma ... ahahahaha natawa talaga ako dun hehehehe

@comment deleated
bakit mo binura ? heheheheheh

May 27, 2010 at 5:51 PM
saul krisna said...

@sis yunnie
adik ka naman bakit 3 thou kickback mo? yari ka pag nabasa ng mama mo yan hehehehe gugulpihin ka ahahahaha

@batanggala
naks naman na miss ako ng sis ko ah... na miss din kita... ayun buhay pa naman ako... hehehehe wow gud gerl ka din pala... pakabait ka huh... upakan kita pag naging bad ka.. nyahahaha

May 27, 2010 at 5:53 PM
saul krisna said...

@kikilabotz
naks naman hang bait mo pala... buti ka pa hehehe ako medyo pasaway kasi ako dati eh...

@darklady
naks naman bakit puro mababait ang mga babae dito sa blogsphere ahahahaha

May 27, 2010 at 5:55 PM
saul krisna said...

@tekla
ahahaha akala ko naman gud gurl ka.... medyo sablay ka din pala.... musta na sis? musta na kayo ng asawa mo?

@parekoy kosa
naks naman minsan ka lang kumick back? weh? maniwala sa iyo? ahahahahaha

May 27, 2010 at 5:56 PM
saul krisna said...

@pirata keko
uuuyyyy sis musta na? na miss ka ng comment box ko ah ahahahah..

salamat nga pala last time huh... ingat palagi... bawal kumick back ineng

May 27, 2010 at 5:57 PM
krn said...

lakas ng kick back mo!!LOL

May 27, 2010 at 9:36 PM
Anonymous said...

haha! grabe ka naman saul.. ang mga kumikick back galit sa kapwa kickbackers. hahahhaa! :P

May 29, 2010 at 12:20 AM
saul krisna said...

@sis chikletz
ganon ba? ang malakas ma ngickback galet sa kapwa niya kickbackers?

eh di galet galet muna tayo ahahahaha... joke lang sis..

bakit ayaw mong palitan pics mo dito... dapat yung kagaya ng sa fb o para kita fez mo hehehehe

@ate karen anne

di naman po ako malakas kumickback... yung tama lang.. yung saktong pang sine, pang kain, pang load ng 1 month, pang bili ng buks ahahahaha yung sakto lang

May 30, 2010 at 9:46 AM
Renz said...

dumating ka na talaga kuya sa isip matured ^^ That's good. Narealize mo na ang tama at mali

June 1, 2010 at 6:58 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz