5/7/10


Kahapon.... teka ano nga ba ginawa ko kahapon? Wala naman masyado akong ginawa. Same old routine lang...

1Am - 8am ..... Pasok sa work
8Am - 9Am..... Mag babyahe pauwi
9Am - 10Am... Mag lalaba ng puting uniform ko
10Am - 3pm.... Matutulog
3Pm - 10Pm... mag pprepare para sumundo sa gf ko pinag oojtihan niya at mag on line ng ilang oras
10Pm - 12mn...uuwi na kami ni gf at kakain ng pansit
12mn - 1Am... byahe naman ako papasok ng work

OHA napaka productive ko diba? Anyway naiba ang daily routine namin ng gerlpren ko kagabi kasi instead sa bahay niya siya uuwi... eh sa bahay namin este bahay pala ng mga tita niya siya matutulog...(birthday ng lola niya eh)

"saang lupalop na ba tayo ng pilipinas honey?"
"Sa San Mateo na tayo.... at malapit na tayong bumaba."
"(Hala nasa pilipinas pa ba ako?)" Ah okay lapit lang pala eh.."

Nang makita ko yung lugar... hala bakit ang daming bata dito? Mahaba haba din ang nilakad namin at sa 5 minutong pag lalakad patungo sa bahay ng lola niya siguro naka 8 o 9 na batang babae siguro mga edad 16-20 ang nakita kong buntis....

"Uso ba dito yung dapat sabay sabay manganganak yung mga magkakabarkada?"

Habang nag lalakad kami ni gerlpren ko... unti unti na naman nag isip ang munti kong utak....

"DI BA NILA ALAM NA MAGASTOS AT MAHIRAP MANGANAK?"

Hindi ba nila alam na sa 1 oras na sarap eh ang kapalit eh habang buhay na resposibilidad...
HIndi ko alam kung bakit may mga unwanted pregnancies "daw".. UNWANTED? engot ba sila? eh ginusto nilang mag laro ng apoy tapos pag nabuntis unwanted tawag nila? Di ako mag mamalinis sa inyo pero ewan ko.... dati pag ginagawa ko yun naiisip ko yung kakahinatnan ng gagawin ko kung sakaling mapasobra o di inaasahang makapag deposit ako sa banko...

Banko? oo sabi ni gerlpren ko na yung pag jugjug o yung 739(bakit 739? subukan niyong bumuo ng salita sa keypad numbers 7,3 at 9... ang mabubuo niyo eh word na "sex")term namin yan sa pakikipag make love eh para ka daw nag babangko... dalawa lang ang pwede mong gawin... mag deposit at mag withdraw... kayo na bahala kung saan kayo liligaya...

Mabalik tayo sa walang kwentang post ko... napapansin ko lang na masyadong mapupusok ang mga kabataan ngayon... sugod ng sugod sa gyera na baril lang ang dala at walang bala...

Baril- yung *too-toot* nila
Bala- yung knowledge


At ang resulta ng kapusukan nila ay.... isang maagang pag dadalang tao... Di ba nila naririnig yung word na "Trust" or "withdrawal" o kahit yung "pills"? Sa tuwing makakakita ako ng mga ganung babae eh nalulungkot ako.... ano na lang ipapakain nila sa anak nila? Di man lang nila na enjoy ang kabataan nila...

Haaay kaya ako... wala lang hehehehe...


9 comments:

2ngaw said...

Wag ka makealam, masarap kaya! lolzz

Brod, sagabal ung welcome etchos mo sa kaliwang bahagi ng pahina mo, ang hirap magbasa..para sa akin lang yan pre ah ewan ko sa iba :)

May 8, 2010 at 7:10 AM
bad_mj97 said...

Hmmmpppp Sarap naman kasi ng 739 eh nakaka adik..hahaha

Yap tama si Lord CM hirap nga magbasa lagay mo nalang kaya sa Right Side???

May 8, 2010 at 8:37 AM
Superjaid said...

i also agree sa cutie penguin sa gilid..hehehe anyway..san part ba ng san mateo kayo pumunta?dapat sinabihan nyo ako..wahahaha joke!

may mga bagay talaga na tulad ng apoy sa isang gamugamo na nakakahalinang tingan pero kapag nilapitan eh nakakapaso..^_^

May 8, 2010 at 9:49 AM
eMPi said...

hahaha masarap daw pag maraming bata sa isang pamilya... hehehe

May 8, 2010 at 9:57 AM
mr.nightcrawler said...

haha.. natawa naman ako dun sa magbabarkadang sabay manganganak! nyahaha.. uso na pala yun ngayon... ang hindi buntis, hindi in! haha.

May 8, 2010 at 12:07 PM
Anonymous said...

baka ung iba na-rape kaya naging unwanted.. yikes.

anyway, usong uso nga yang mga maaagang nagbubuntis eh. buti na lang conservative at wholesome ako.. bwahahahaha! echos!

May 8, 2010 at 11:39 PM
darklady said...

Karamihan sa mga nabubuntis ay batang bata dahil ang akala nila isa lang tong laro,may kilala ako na wala pang 18 ay nabuntis na. basta ginawa lang daw nila yun. tinanong namin kung wala ba sila ginamit na pang kontrol wala daw. hays.. nakakalungkot talaga ang ganyang mga bagay.may tamang panahon naman para dyan at kung hindi nila mapigilan gumamit sila ng pang kontrol. at tama ka isang pang habambuhay na responsibilidad yun kapag natyempuhan.

May 9, 2010 at 11:22 AM
darklady said...

Happy Mother's Day sa mom mo..^_^

May 9, 2010 at 11:25 AM
BatangGala said...

hay nako kuya, ewan ko nga kung bakit madaming taong ganyan, ang hirap na nga ng buhay, andami pang beybis, tapos, kung sino pa madaming anak, sila pa yung walang work, kaya imbes na pwede silang maging asset, nagiging liability pa. anyway, masyado na kong napalayo. siguro depende din yun sa tao, kung sa ganoong paraan sila nagiging masaya,then let them be, right? anyhow,just dropped by to say HI! :)

May 10, 2010 at 2:28 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz