12/8/09


Pag pasensyahan niyo na kung di ako nakapag post ng matino lately kasi kina career ko ang trabaho ko at si gerlpren pero teka anung petsa na ba? Di ba December 8 na? Ano nga pala meron ngayon? Ah yung ISANG MINUTONG SMILE... mamaya na nga pala yun... makakahabol pa yata ako wala pa naman alas otso eh..

Pero bago ang lahat halos dalawang linggo din akong di nakaka ngiti... naku kaw kaya makangiti if namamaga ang gums mo dahil sa pinag tripan ng dentista ang ngipin mo.OH kitams ang hirap mag smile di ba?

Pero mabalik tayo sa usapang ngitian...

Nung isang araw lang napadaan ako sa isang tulay sa may amin, napansin at napatulala ako sa mga batang naglalaro sa gilid ng kalasada...madudungis at nanglilimahid(Tila ba di sila naliligo ng mga ilang linggo na). Sa totoo lang di sila kanaisnais tignan kasi nga madudumi sila pero may nakita ako sa kanila na wala sa mga karamihan ng tao... Ang ngumiti.

Sabi ng nanay ko dati pera lang ang tanging source ng kasiyahan pero bakit sila(yung mga bata) masaya at puro tawanan lang ang madidinig mo. Tila ba para silang walang problema, tila ba di nila inaalintana ang mainit na semento sa ilalim ng talapakan nila dahil wala silang mga tsinelas na suot, bakit nakukuha nilang magsaya habang kumakalam ang mga sikmura nila? Ano ba ang sekreto sa likod ng mga ngiti nila?



Sa totoo lang di ko alam kung gaano ako katagal nakatunganga sa kanila at napapangiti na din ako habang pinag mamasdan ko silang maglaro ng... teka anu nga pala tawag dun sa .... ahhh wait alam ko na... nilalaro nila eh yung piko. Parang nakakahawa yung mga ngiti nila at kahit wala naman reason eh napapatawa na din ako(mukha lang akong tanga ngingiti sabay tawa habang nakatayo sa kalasada)

Lahat tayo may mga problema tulad ng mga musmos na batang nakita ko at sa tingin ko mas grabe pa problema nila kaysa sa atin pero matuto sana tayong tawanan at ngitian ang mga problema sa buhay... matuto tayong maghanap ng iba't ibang reason para ngumiti. I'm sure lahat tayo may happy memories na pwedeng alalahanin sa tuwing binabagyo tayo ng kamalasan at problema. Mag papadaig ka ba sa mga batang langsangan na nakita ko?

"NGITIAN mo lang ang bawat problema dadating sa buhay mo..."

*pasensya na wala akong pics alam niyo naman na saksakan ako ng hiya sa harap ng camera.

26 comments:

Deth said...

oh my i love their smiles...

ikaw ba kumuha ng pic? ang galeng!:D

December 8, 2009 at 10:58 AM
2ngaw said...

Hehehe :D Ang kulit ng ngiti, sana madalas tayo makakita ng ganyan no, nakakabawas stress ang mga batang ganyan :)

Salamat sa entry na to :) update ko mamaya ung list at nasa barracks pa ako :D

December 8, 2009 at 11:03 AM
saul krisna said...

@deth
naks naman ganda ng smile noh ahehehehe

ate lapit na ang pako... ehem ehem ehem..

size 8 ang paa ko huh... tska large ang damit ko just incase ma alala mo ako sa pasko... hahahaha joke

@LORD Cm
anung list? yung sa post mo? hehehe thanks...

sarap nilang pag masdan eh

December 8, 2009 at 11:09 AM
Life Moto said...

mabuti nga nung wala tayong masyadong pera masya na tayo sa konting libangan. kaya lang habang lumalaki ang kaban natin ay parang ang hirap na ngumiti.
dahil kasi nakapokus lang tayo minsan sa pera para sa kinabukasan. kailangan ay hayaan natin mamoblema ang bukas ang dapat harapin ay ang ngayon na may ngiti sa bawat araw.

December 8, 2009 at 5:55 PM
saul krisna said...

@life moto
napakagandang comment... hehehe, tama ka nga... siguro masyado lang na occupied ang mga utak natin sa mga earthly things... naks lalim nun ah...

if im not mistaken yung sinabi mo sa comment mo eh galing sa bible.

December 8, 2009 at 6:08 PM

..♥ SMILE :))

bst asset ko un ahh..joke :)..piz

tama..tama un lhat..

ngitian lan ang problema..sarap mkakita ng mga ganon bata lge nkangiti..un kapatid ko lan msarap lge paiyakin..haha :D

..masarp ngitian ang mga problema at mging positive..

kaya more more happiness en smiles lan dapat..:))

nice post daddy..ilove you..:*

December 8, 2009 at 8:53 PM
Admin said...

hahah!


Lagi naman akong nagssmile e! hehe :)


Smile tayo!

December 8, 2009 at 9:16 PM
cyndirellaz said...

hmm ako kahitstress ay smile pa din! at kahit sa part time job ko ay kailangan palaging naka smile.. hehe tuwing sunday lang naman yun! nakakatuwa naman ang mga batang yan, naaalala ko ang mga kapatid ko, sila kasi ang madalas na source of happiness ko eh kasi they just make me feel young again... ^__^ smile!

December 8, 2009 at 10:51 PM
The Pope said...

I love that smiling emoticon you have there, it's cute.

Life is Beautiful, keep on smiling.

God bless you.

December 9, 2009 at 4:14 AM
BatangGala said...

nyahahahahahaha... ay teka mali, smayl lang pala...hindi pala laf... :D... makiki-smayl lang din...kahit leyt na.. :D ^_^ :)

December 9, 2009 at 8:15 AM
saul krisna said...

@honey ko
hehehe nice post daw... parang di naman eh... mas magaling ka pa din magsula kaysa sa akin...

ILOVEYOU honey

mwaaah...

WILL YOU MARRY ME SOMEDAY?

December 9, 2009 at 11:28 AM
saul krisna said...

@mangyan
basta pre smile ka lang ng smile para okay..

salamat sa pag dalaw..

@cyndirellaz
bata ka pa naman di ba?

nasaan ba mga kapatid mo?

December 9, 2009 at 11:29 AM
saul krisna said...

@pope
maganda ba talaga? hehehehe
nahanap ko lang yun kay pareng google eh

@dalaganggala
hehehehe oh anu busy ka pa ba? mukhang natabunan ka na ng snow jan ah

December 9, 2009 at 11:31 AM
Superjaid said...

ang ganda naman ng mga ngiti nila kuya..^__^

December 9, 2009 at 1:06 PM
Unknown said...

Wow! Galing ng shot! I love how those kids smile while playing ang living such a simple lives. Kaya ngayon meron na cgruo tayong dahilan para laging ngumiti, dahil ang mga batang yan ang magiging inspirasyon natin sa bawat ngiti ntin. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

December 9, 2009 at 5:05 PM
saul krisna said...

@sis jaid
naks nagandahan ka din pala sa mga ngiti nila... hang kyut nila noh?

December 9, 2009 at 6:53 PM
saul krisna said...

@solo
tama ka dun dapat gayahin natin ang mga musmos na bata na tila ba parang wa sila care sa mga problema...

December 9, 2009 at 6:56 PM
Unknown said...

:-) nice blog ha.. ehehehehe..
sana mag.improve rin blog ko... kalian pa??

www.opinionstoday.blogspot.com

December 11, 2009 at 7:20 AM
Avee said...
Reagan D said...

naman tol.

bakit mo pinost yung old pics ko? hehehe.

smile lang ng smile.
healthy na, makakaganda pa ng kapaligiran.

libre pa!

December 11, 2009 at 9:51 PM
fiel-kun said...

wuy parekoy! pasensya na at medyo late na tong reply ko... pero like you, di ko din nakalimutan ngumiti nung Dec 8 ^__^

glad to know na ok na yung pinabunot mong ngipin hehe! makakakain ka na sa Noche Buena!

ang mga bata talaga, walang problema. kain at laro lang ayus na!

btw, Maligayang Pasko! you have an award... check out my blog :)

December 12, 2009 at 9:47 AM
iya_khin said...

tama ka besfwend, der r always a reason to smile,ayaw lang natin gawin minsan! saya naman nila sana laging tayong maremind kasi wala tayong excuse na di ngumiti o ngitian lang ang problema dahil di lang tayo ang namomoblema may iba pang masmalala pero carry paring magSMILE!

December 12, 2009 at 4:50 PM
Jag said...

Na-touch naman ako doon sa pictures ng mga bata...

Merry Xmas!

December 12, 2009 at 6:46 PM
saul krisna said...

@pilosopong noypi
naks naman... di naman maganda blog ko ah... tsaka dinalaw ko blog mo at maganda naman... don't feel bad about it... hehehehe

@avee
thanks ng madami... hahaha natuwa ako sa comment mo kasi pakiramdam ko nung una parang isa na naman na walang kwentang post ito pero thanks kasi naintindihan mo yung point ko sa post ko... salamat ate

December 12, 2009 at 7:11 PM
saul krisna said...

@reigun
teka anung old pics mo? hehehehe... teka wala ng libre sa mundo now except siguro ang pag ngiti... salamat sa pag dalaw parekoy

@fiel
naks naman may award ako sa iyo... tenk u ng madami... next time na lang ako babawi sa iyo sa award... thanks ng madami talaga

December 12, 2009 at 7:14 PM
saul krisna said...

@BESTFWEND iya
hehehe tama yung mga sinabi mo... minsan wala tayong dapat sisihin if malungkot tayo kasi tayo naman ang master ng sarili natin ... in short... it's just a matter of looking positively sa buhay... oha oha oha english yun.... takte dumugo ilong ko dun ah

@parekoy jag
naks nakak touch naman talaga yung pics... hehehe kahit na tadtad sila ng problema eh carry pa rin ngumiti... smile tayo jan parekoy

December 12, 2009 at 7:16 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz