12/12/09

Medyo matagal na yung last post ko 'bout sa mga pagkain na niluluto namin ni gerlpren tuwing dadalaw siya sa munti kong tahanan(wag kayo mag isip ng kung anu ano... dalaw lang talaga kaya siya nag pupunta dito... wag masyadong berde lolz)

Kanina napag diskitahan namin ni gerlpren na magluto na lang dito sa bahay kaysa kumain sa peyborit namin fastfood na si mcdo(para daw tipid... magpapasko na kasi kaya dapat tipid tipid na lang muna). So ayun sinundo ko siya sa may Sta. Lucia mall sa cainta para mag grocery at bilin yung mga ingridients na kailangan sa iluluto namin ulam. Siguro atat na kayo kung anu iluluto namin noh? Heto na!!!!!

TADAAAAN!

CHICKEN TEMPURA



Mga kailangan bilin:
  • 1/2 kilong chicken fillet(putek ang mahal na pala ng manok 170 per kilo na)
  • 2 itlog(yung tig li-limang piso para medyo malaki-laki)
  • 1 basong malamig na tubig(gagamitin daw yun sabi ni gerlpren sa batter, para daw mas malutong yung manok pag pirito na)
  • cooking oil(aba syempre kailangan mo yun... teka saan mo ba balak iprito yun? sa tubig?Adik!)
  • salt and pepper to taste(ahaha parang cooking show lang talaga ah)
  • Harina(mga halagang sampung piso lang)
Procedure sa pag luluto:
  • Hiwain yung chicken fillet sa mga bite size(yung magkakasya sa bibig niyo ah... baka kasing laki ng palad ko yung gawin niyo)
  • Pagkatapos hiwain ang mga manok, pakuluan ito ng 3 minuto para ma pre cook na ito(at habang nagpapakulo syempre lambingan muna kami... aba tagal din nung limang minuto ah)
  • Makalipas ang limang minuto at isang katerbang lambingan sa kusina i-set aside muna ang manok at simulan ng batihin ang itlog hanggang maging stiff(di ko alam yung term na yun basta sabi ni grlpren stiff daw... ang alam ko lang stiff eh yung sa stiff neck eh)

  • Pag nagsawa na kayong magbati ng itlog, simulan niyo ng ihalo ang paminta at asin sa harina para dun daw isasawsaw yung manok.
  • Nagyon tapos na lahat ang mga dapat gawin simulan na ang pag gawa ng TEMPURA natin.
  • Isawsaw ang pinakuluang chicken fillet sa harina at pagkatapos isawisaw na ito sa binating itlog at pagkatapos gawin yun ay itapon at prituhin ito sa kumukulong mantika hanggang sa ito'y magkulay brown.


At matapos ang ilang minutong pag pi-prito at isang daang *mwah* ayan tapos na ang simple pero masarap na tanghalian. Pero syempre mawawala ba ang malamig na ice tea at panghimagas na chocolate.


P.S
Isa pang dahilan kung bakit masaya ako kasi may bago akong pet....


boo-boo
ang name niya and I named it after sa kaunaunahang pet ni gf na pinatay niya este namatay lang pala...

24 comments:

RHYCKZ said...

yay!!! base ako...

hmmm, talaga! pagkain lang talaga ang niluluto nyo...

at talagang may kasamang tofiluk(fave ko nung college yan)...

hangkyut naman ng anak nyo este ni boo boo pala...

HAPPY SUNDAY DUDE!!!

December 13, 2009 at 8:43 AM
fiel-kun said...

Wuy parang Iron Chef ah yung napapanood ko sa tv ^_^

Whee, bonding moment kayo ni GF mu! ang saya nun! dapat nagpakitang gilas ka - nilublob mo dapat yung finger mu sa kumukulong mantika at kunwari, di ka napapaso. Pampa-impress ba haha /joke!

ang cute ni Boo-boo ^^

December 13, 2009 at 9:00 AM
saul krisna said...

@scofield jr
naks naman base ka dude... oo naman pagkain lang ang niluto namin... tska na yung *tooot*. pareoky napaghahalata edad mo... college ka nung nauso yung tofiluk? parang magka age lang tayo ah. hehehe

@fiel
adik ka din noh? hahaha di ako ganung ka yabang para magpatiwakal... joke. naku puro talsik nga ng mantika ang braso ko eh... hahaha
pero sulit naman yung ginawa namin ni gf... yung pagkain. salamat sa pag dalaw parekoy

December 13, 2009 at 9:15 AM
Rose Jane said...

Wow! sarap naman nito. hehhe. Pwde pa hingi...

Buti yon, aso hindi nasali sa pag luto... baka sa sobrang pagtalon, dumeretso sa kawali.oh no! buti nlang hindi..

btw, salamat sa pagdalaw and comments..

December 13, 2009 at 10:51 AM
BatangGala said...

makikisingit lang po...hahaha....penge naman... mukang masarap yan ah...hahaha...ang kyut naman ng pet mo kuya...ako hanggang pit su lang... lam mu b ung pit su?!? yung geym sa pesbuk, pitsusayiti....nyahahaha...korni...

hanggang hir n nga lng po...:)))

December 13, 2009 at 1:00 PM
Anonymous said...

awww ang kyut naman.. gusto ko din ng aso.. kaso mamamatay din sakin un pag ako nagalaga. haha!

nice cooking! :D

December 13, 2009 at 5:16 PM
saul krisna said...

@burn
salamat sa pag dalaw ate... hahaha pinasabit ko lang si doggie sa likod ni gf para kwela sa picture hehehehe... add kita huh i hope you don't mind

@batanggala
adik ka din noh? anung pitsu? natawa ako sa comment mo sis ah hahaha baliw ka talaga

December 13, 2009 at 6:42 PM
saul krisna said...

@chikletz
adik ka din noh? bakit mamamatay lang sa iyo ang aso? di mo pinapakain noh? hahahaha

buti at nabuhay ka ulit...

December 13, 2009 at 6:51 PM
Deth said...

waaah, kakainggit naman yang bonding tym niyo ni gf...

hangkyut ni booboo!

December 14, 2009 at 9:44 AM
Kosa said...

pagkain?
lagi nalang pagkain..
hehehe

kaya naman kitang kita ang resulta parekoy.

***********

angkyut naman ni BOOBOO,
pusang mukang aso?
dagang mukang pusa?
hehe
asong mukang pusa...

hangguloooooo!

December 14, 2009 at 10:30 AM
saul krisna said...

@ate deth
naku bonding ba yun? eh pinag hugas lang ako ng plato... hehehehe
pero syempre sarap ng fud na luto ni gerlpren

December 14, 2009 at 7:47 PM
saul krisna said...

@parekoy kosa
ADIK!!!! Pumapayat na kaya ako... nabawasan na ako ng 4 lbs in just 1 month,,,, kina career ko yung pag papapayat eh... salamat nga pala sa pag dalaw parekoy.. next time fave food mo naman ang ilalagay ko dito... anu nga ba fave food mo?

December 14, 2009 at 7:58 PM
Jag said...

pwede akin n lng yang pet nyo? heheh hangkyutttt!!!!jijiji...

December 14, 2009 at 11:05 PM
cyndirellaz said...

wow ang cute naman ng dog niyo. hmm ma try nga yan pag dumating uli d2 si sm dahi sa totoo lang isa sa mga problema namin sa araw2x ay kung anu ang uulamin, ilang oras pa ang ginugugol namin para mamalengke dahil ndi naman namin alamang susunod na lulutuin ^__^

December 14, 2009 at 11:41 PM
glentot said...

Recommended talaga ang Tofi-Luk advertisement ba itu heheheh

December 15, 2009 at 2:28 AM
Jepoy said...

@Saul Salamat at nakadalaw din!!!!

Ang dami ng kanin mo :-D Mukang appetizing ha! Pag tapos kumain anu naman ang nangyari?! hihihihi

December 15, 2009 at 2:51 AM
saul krisna said...

@jaqg
naku di pwede kasi anak na daw namin si booboo... ewan ko nga ba bakit ganyan gusto niyang maging itsura ng anak namin... hahahaha di naman ako balbon hahaha

@sis cyndi
ahhhh parang alam ko na medyo wala kayong talent sa pag luluto ni sm mo... hehehe alam mo nakakatuwa kayong dalawa... ka inggit naman kayo

December 15, 2009 at 9:44 AM
saul krisna said...

@glentot
naku how i wish may bayad ang pag advertise ko ng product nila... wahahahaha

@jepoy
anak naman ng juteng... hahaha wala kaming ginawa ni gf after kumain... ang tangin gnawa lang namin eh magkainan lang(utak mo) kain kain kain kain lang

December 15, 2009 at 9:48 AM
Superjaid said...

hehehe ang saya naman ng bonding nyo ni ate kuya saul..sweet!at ang kyut ni boo boo..girl ba si boo boo??ngapala para mas sumarap ang tempura dapat after isawsaw sa beaten egg eh ididip din sa breadcrumbs..^__^ tip lang naman..hehe

December 15, 2009 at 12:41 PM

@ hon :))

masarap ba tlga?..hehe..more more instructions on how to cook..haha..hang cute tlaga ni boo boo:))
HAPPY 11TH MONTHSARY..ILOVEYOU

@superjaid

kapag po ni deep un sa breadcrumbs tonkatsu n po twag dun..hehe..un egg white po un nging drumbs dun para mging crispy en dhil din s cold water..hehe..un lan po..

December 15, 2009 at 8:34 PM
dÖLL said...

ang cute ni boo-boo..

December 16, 2009 at 12:25 PM
saul krisna said...

@sis jaid
pag nanganak na si booboo after mga 1 year bgyan kita ng tuta... or mas maganda pag bibilin mo waahahahahaha

December 16, 2009 at 6:29 PM
saul krisna said...

@honey ko

happy 11th monthsary din sa iyo.... love you so much... talented ka talaga sa pag luluto... hehehehe

mwaaah mwaaah mwaaah

December 16, 2009 at 6:30 PM
saul krisna said...

@sis doll
naks naman si doll dumalaw ulit... musta na?

December 16, 2009 at 6:30 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz