11/12/09



Pangarap… teka bago ako magsimula… ano ba ang pangarap niyo? Lahat naman siguro tayo may pangarap diba? Anak kayo ng jueteng pag wala…

Nung bata ako gusto ko maging piloto at dinala ko yung pangarap nay un hanggang mag college ako pero dahil sa di inaasahang pagkakataon nahinto ako kung kelan 1 taon na lang at bibigyan na ako ng diploma…

Naglaho ang pangarap kong lumipad. Habang tumatanda ako este nag mamature ay nababago din ang pangarap ko… nakita ko na mahirap ang buhay at mabuhay… dati kasi mula elementary hanggang mag college na ako eh puro hingi lang ng baon ang ginagawa ko at puro bilyar lang alam ko. Hindi nga ako nanghihinayang sa pinapabaon sa akin. Kick back doon kick back dito, gala doon gala dito.


SIDETRACK MUNA TAYO:

Alam niyo ba dati maaga kong nadiskubre na may talent ako sa pag kick back(lolz). Confession ko ito na up to now wala pang nakaka alam… sana hindi binabasa ito ng tatay ko(cross fingers). Sa totoo lang 4 na araw lang ang pasok naming nung college pa ako pero ang alam sa bahay ay 7 araw, pag nag eenroll ako gumagawa ako ng sarili kong resibo, di nauubusan ng projects sa skul.

Mabalik na tayo sa storya ko, ngayon simple na lang ang pangarap ko, makabili ng sariling kotse, isang malaking bahay na may 2 swimming pool… hahaha joke lang… pangarap ko lang makaipon para sa kinabukasan ko… masustentuhan ko ng mabuti ang tatay ko, makapag patayo ng bahay kahit maliit lang para sa future family ko… at pangarap ko na maging parte siya ng future ko(oha oha ang cheesy).

Kung alam ko lang na ganito kahirap ang buhay sana nagtino ako dati, nag ipon at nag aral ng mabuti… ngayon alam ko na para maabot mo ang pangarap mo… dapat haluan mo ng sipag at tyaga… takte 25 na ako pero lupa pa lang sa paso ang meron ako(joke lang)

Minsan nga parang kahit anung sipag ang gawin ko eh di pa din ako nakakaipon ng malaki… dami kasing gastos eh… basta hopefully in 5 years time matupad ko na yung pangarap ko…makataya nga sa lotto... baka sakaling tumama ako.... joke lang.

23 comments:

bea trisha said...

wow..
innumerable ang pangarap ko...

don't worry pare..
amtutupad din mga pangarap mo..
dream believe and you'll survive...
haha...di original..
basta yun..
alam mo na yun..

kaya yan!
sipagan mo lang!

(comment ka rin sa posts ko kung mat time ha..thanks!)

November 12, 2009 at 7:12 PM
saul krisna said...

@bea
hahaha naku daya di sinabi yung dream... teka parang star struck yun... last year nag try ako dun kaso na ubusan na ako ng form... hahahaha

joke lang yun huh... wala akong "k" sumali dun... wala akong face value eh.... hehehehe

November 12, 2009 at 7:22 PM
iya_khin said...

sikapin mo pilitin mong tibayan ang iyong puso,tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas....Gary V.

naks o ayan kintahan pa kita! kaya mo yan basta't may tiyaga may nila, at pag may nilaga siguradong nandoon si Iya! wahaha!

November 12, 2009 at 7:41 PM
saul krisna said...

@iya
hahaha natawa ako sa comment mo ah... napag hahalatang may itinatago kang hilig sa pag kain... hehehehehe

at bout sa song mo... napag hahalata din kung ilang taon kana.... same age group ata tayo eh

November 12, 2009 at 7:54 PM
Superjaid said...

matutupad din yang mga pangarap mo kuya..dont worry..basta work hard and do your best..maaabot mo rin ang mga pangarap mo..

November 12, 2009 at 8:18 PM
saul krisna said...

@sis jaid
hehehe naku naman nakaka inspire naman yung sinabi mo hehehehehe... don't worry matutupad ko in yun

November 12, 2009 at 8:27 PM
Anonymous said...

naman oh, matutupad yan kuya. dont cha wori. hahaha =) smile and pray. sipag at tyaga. :) basta pag natupad mu, wag mu kame kalimutan ah. hahaha

mahilig din ako mag kick back. super. kaya siguro nakakarma ko, hehe..

November 12, 2009 at 11:54 PM
RaYe said...

aim high para if ever di matupad, mataas-taas pa rin.. hehe

sa pangarap ko naman - own my own bar... para libre na gimik ko.. hahaha

November 13, 2009 at 12:11 AM
Deth said...

habang may pangarap may pag-asa! ahahaha, sipag at tiyaga, naks Manny Villar ikaw ba yan? jowk!

naku bro, panghawakan mo yang pangarap mo, tama yun tsaka libre yan, pero dapat samahan mo yan ng pagsusumikap para matupad, walang imposible sa mundo:D

November 13, 2009 at 9:05 AM
saul krisna said...

@ kox
adik ka kox... mamahagi ka naman ng grasya mo sa kickback... hahahaha
naku... wag ka ng kumickback... bad yun... dapat mga 500 lang kada bayaran ng tuition... hahahaha

@raye
bar? naku di ako mahilig dun... maaga kasi ako kung matulog(echos) hahahaha

November 13, 2009 at 9:58 AM
saul krisna said...

@ate deth
syempre pag may tyaga may sinigang(yaw ko ng nilaga wala kasing lasa eh)
salamat sa payo... naks naman... hahaha

November 13, 2009 at 9:59 AM
egat said...

hello msta ka na???? miss ko yung mga comments mo bro..

November 13, 2009 at 2:40 PM
Unknown said...

naku, mangarap ka lang tol. ;D Kasi once you dream and you believe on it. You will get it. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

November 13, 2009 at 4:31 PM
saul krisna said...

@ate egat
ay sorry po ate.... medyo naging busy kasi ako lately eh... nag comment na ako sa latest post mo... sorry talaga

@solo
thanks parekoy... parang star struck lang noh? dream... believe... survive....

November 13, 2009 at 8:19 PM

ako din gusto ko ng house and lot at car. naipundar ko na ang iba kaso kelangan ko ng house and lot at car so kelangan ko ng magandang work :)

November 14, 2009 at 5:29 AM
Reagan D said...

wow naman..ok yang pangarap at plans mo..pero kalimutan na ang lahat ng planning, wag lang ang family planning. lols

November 14, 2009 at 11:58 AM
Unknown said...

wow, the dreamer. Hey thin gs has its own time and i know one day soon your dream will be fulfilled, it is just we need to believe in it.. stay safe..

November 14, 2009 at 5:49 PM
saul krisna said...

@sis snappy
hmmm mukhang masipag ka naman ah... teka diba call center agent ka? laki kita yata dun ah... basta kaya mo yan...

@reigun
naku yun ang number na iiniisip ko... yung family planning... hahahaha

@tim
kuya kim kaw ba yan este tim pala? joke... anyway salamat sa magandang commento mi amigo... at salamat sa pag dalaw sa munti kong tahanan dito sa blogsphere

November 14, 2009 at 10:11 PM
bangz said...

adik k kua saul..

manlibre k nman ng mcdo

ung all large aba...

cge ggwin kong skolar ang anak m kpg dun ng-aral s eskwelhan ko lols..

adik tlga

November 14, 2009 at 10:15 PM
PaJAY said...
This comment has been removed by the author. November 14, 2009 at 11:02 PM
PaJAY said...

Kumain ka ng Gulay pre...ika nga..makulay ang buhay s asinabawang gulay...hahaha..Joke lang din...


bata ka pa dre kayang kaya yan...kung gusto mo ng mas magandang design ng bahay na may 2 pool sabihin mo lang..bebentahan kita ng plano at kikickback din ako sayo!..nyahahahaha..kidding apart,focus lang pre sa anuman ang gusto mo..possible yang pangarap mo.

November 14, 2009 at 11:04 PM
cyndirellaz said...

naku naku, oo naman meron akong pangarap sa buhay! sangkaterbang pangarap! may kasabihan nga eh, "the future belongs to the one who believe in the beauty of their dreams"

share ko lang naman, kasi ako motto ko yan at it still inspires me!

November 15, 2009 at 12:55 AM
April said...

Go,go,go!!! Kaya yan! Ako din nangarap kaso ngayon palang uumpisahan. Go ka lang sa dream mong yan! ;D Support kmi. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

November 16, 2009 at 5:21 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz