"Doc wag poh.... wag niyo gagawin yan... doc masakit talaga eh... dahan dahan naman po please"
Yan ang sinabi ko nung pinag titripan ng dentista ko ang mga ngipin ko kamakailan lang... Pasensya na kayo if 'di ako nakaka gala or nakakapag post lately medyo este sobrang sakit talaga ng ngipin ko. Aba akalain niyo 6 na ngipin ang pwersahang tinanggal sa kawawang bibig ko...
Na aalala ko pa yung sinabi ng dentista ka habang sinisimulan na nyang sentensyahan ang mga ngipin ko...
"Oh krisna sasaksakan na kita ng anesthesia... masakit ito"
"ate jenny wala bang anesthesia para sa unang tusok ng karayom"
"aba lokong bata ito ah...(sabay tusok sa gums ko)
Matatakutin talaga ako sa pagpapabunot kaya nga as much as possible sariling sikap ang ginagawa ko eh... hangga't pwedeng ugain ko ng mag isa ang teeth ko gagawin ko wag lang magpunta sa dentista.
Nang nakahiga na ako sa upuan o yung tinatawag nilang dentist chair pakiramdam ko bibitayin na ako lalo na nung makita ko yung mga gamit niya sa pag bunot... Bigla nga akong nagdalawang isip nung makita ko yung parang pliers na isa't kalahating dangkal ang haba, mga matutulis na pang tusok at isang tabong bulak...
Ooperahan ba ako at parang lahat ng bulak sa cabinet niya eh kinuha? Naku po! At di nag tagal nag simula na syang pagdiskitahan ang mga ngipin ko... tusok dito tusok doon tapos itatanong niya sa akin if "masakit ba?" Aba loka din siya... siya kaya tusukin ko at itanong sa kanya if masakit... Kung inalagaan ko lang teeth ko... haaay di na kayang isalba daw kasi... tsaka may hinahabol akong deadline... may interview kasi ako sa December 12 at may debut akong aatendan sa december 5 kaya kahit masakit eh GO lang ako... bahalana si batman.
Sa totoo lang medyo pinadamihan ko yung lagay ng anesthesia sa akin para di na talaga ako makaramdam at yun nga... di ako nakaramdam ng sakit kahit katiting except nung ginamitan na ako ng pliers... At makalipas ang 4 na oras at isang kilong bulak... natapos na din kami at guess what... may libreng ice cream ako(bata?) hahahaha
Siguro next time makakapag post na ako ng maayos... hintayin ko lang gumaling ito...
*pahabol lang... bigla kong naalala yung sinabi ni gf na cortal daw ang inumin ko pag sumasakit.. ako naman si walang malay... sige... hala bili ako ng 6 na piraso... kaya pala ang sama ng tingin ng tindera sa akin... ginagamit daw yata yung cortal sa pangpalaglag(ewan ko kung myth ito o hindi). Pang padugo daw yun... hala ako...
"Hon pag ako dinugo... yari ka sa akin... joke lang..." pero kidding aside... duduguin ba ako? nakaka 3 beses na akong umiinom nun today eh...
31 comments:
aw! ang sakit naman basahin neto..haha! Pero ako willing na willing ako pabunot ngayon..sakit ngipin ko eh..pati ulo ko kasama..haynaku! sana bakasyon na para makapa bunot na ako!
November 29, 2009 at 10:28 PMsali ka naman sa fan sign for llamas ko..
http://llamasjournal.blogspot.com/2009/11/show-your-love-tp-llamas.html
huh?
November 30, 2009 at 1:04 AMandami naman ng pinabunot mo parekoy... magkakatabi ba yan?
sa pagkakaalam ko kase, hindi pwedeng bunutin ng sabay-sabay ang mga ngipin na hindi magkakatabi lalo na kung ganyan karami.
pangalawa,
eh di bungal - bungi ka na..lolz
ang kyut!!! smile naman dyan!
pangatlo,
magpapapustiso ka ba?
pang-apat,
payo lang, kung kaya pang isalba ang mga ngipin, instead na bunutin, isalba nalang---pasta o di kaya ay rootcanal(na masmasakit pa daw gawin.).hehehe
@parekoy kosa
November 30, 2009 at 7:15 AMnaku pwede daw yun hangga't kaya ng pasyente... tska may hinahabol akong deadline...
naku dapt kasi rrotcanal o jacket ba yun ang gagawin kaso sabi ni dentist sayang daw yun kasi nid na talaga daw alisin yung mga ngipin kong sira... oo tama ka at wag kang tatawa... medyo di naman halata yung pagkawala ng ngipin ko... except dun sa isang front teeth ko... hahahaha
naku bad trip talaga...
@mister llama
hehehe wag kang mag alala ... nakikiramay ako sa sakit ng dulot ng ulo mo...
ano brod, dinugo ka ba? dinugo ba ung pinagbunutan ng ipin? lolzz
November 30, 2009 at 7:26 AMwaah! ang sakit naman nyan... waat? anim na ngipin *nginig* ako sa isang ngipin pa lang na binunot sakin, halos atakihin na ako ng nerbyos ahaha. may phobia din kase ako sa dentista lolz. anyways, im glad na nagpapagaling ka na parekoy.
November 30, 2009 at 7:46 AMand about sa cortal, sa pagkakaalam ko may kinalaman talaga yun sa feminine part ng mga babae ^_^
@LORD CM
November 30, 2009 at 7:53 AMadik... di masyado akong dinugo sabi nung dentist...pero anak ng jueteng ang sakit talaga...
@fiel
hahaha parehas pala tayong may takot sa mga dentista...nid ko kasing ayusin ito eh...hahahaha basta tom(tuesday) magpapa cleaning na ako...
tae! grabeng ngipi yan,, anim? sakit!! grr... hahaha.. mag tututbrush kc kuya! jowk! :D
November 30, 2009 at 11:24 AM..hon..d ko knaya post mu..
November 30, 2009 at 2:52 PMewww..dmi blood..knikilabutan ako..hehe,..
btw..joke lan un cortal..kc nga d ba ininom un ni algeon nung masakit un teeth nia..hehe
dinugo ka ba?joke..piz tau daddy..
i love you.sana mging ok ka na..
advance happy anniversary sa 1st chapter.mua
Actually... Nung bata ako... dapat bubunutan ako ng ngipin kasi nabubulok na pero hindi yun nagawa ng dentist kasi nagwawala ako..
November 30, 2009 at 5:23 PMNow... Yung mga supposed to be bubunutin ay wala na... May mga naiwan na nga lang.
Takot lang kasi ako sa mga dentist e...
naku parekoy! i have braces on at hanggang ngayon eh hindi pa rin kami friends ng dentist ko. bad sila. hehe. ang sakit naman niyan parekoy. kain tayo ng maraming ice cream para ayos na :P
November 30, 2009 at 6:55 PMwaaa. grabe ha. super dami naman ata kuya? hahaha. sakit lang. naku. last n nagpabunot ata ako sobrang bata ko pa. mga 7 yta ako nun. LOL. Thank God ayos pdn ang mga ngipin ko. bka d q matake pg binu2tan ako ng mdami hahaha.
November 30, 2009 at 8:09 PMkuya,grabe naman pala ang nanyare sayo... sabi na sayo pumikit ka eh...pare di mo makita pinaggagawa ng dentista mo...haha.... ganyan kasi ginagawa ko eh...haha... nwey, sana gumaling na yang sakit ng ngipin mo, at gumaling na rin sana ang sakit ko...pero sa ngayon sabay tayo magpagaling...hahaha
December 1, 2009 at 12:25 AMAnim??? Kung isa nga halos himatayin ako, baka pag anim, comatose na ako...
December 1, 2009 at 6:09 AMAng tibay mo ehehehehe
nyaks..ang daming ngipin nun ah...hindi ba masama yun... ;)
December 1, 2009 at 9:31 AMcortal?...ginagamit nga yun dun...pero inpeyrenes ha, dapat tinanong mo yun doktor meron ba kayong anistisya na de-pahid lang...yung inde ginagamitan ng karayom... ahehehe... :)
yoko nang blood... don't like d' pix w/ blood... not a big fan of blood... eniweiz.. hope u feelin' better nah... ingatz... Godbless! -di
December 1, 2009 at 10:29 AM@sis kox
December 1, 2009 at 11:22 AMnag tututbrush naman ako ah... sadyang epekto yata ito ng yosi ko dati
@honey ko
hahaha kaw pag nalaglag ang bata dahil sa cortal... yari ka sa akin... kakagatin kita ... love you poh...
happy 1st anniv sa atin.... love you ulit
@mangyan
December 1, 2009 at 11:24 AMnaku parekas pala tayo ng situasyon... di ko pinabunot ito kaya ayun... tsk tsk tsk... dapat pala nagpabunot na ako dati
@nightcrawler
wow may sampayan ka pala sa ngipin mo... hmmm pag ako may ganyan tiyak papayat ako kasi magiging conscious ako sa kakainin ko...
@sis joni
December 1, 2009 at 11:26 AMhahahaha anu kaya itsura mo pag bubunutan ka now... mag wawala ka siguro at iuumpog mo ulo ng dentist sa pader..
@dalaganggala
naks oh ayan dalaga sinulat ko huh..
masakit pa ba yun *toooot* mo?
kasi next time lagyan mo ng alcohol para gumaling agad...
pumasok ka ba today(dec1)?
@glentot
December 1, 2009 at 11:29 AMparekoy... muntik na akong mapaaway sa dentista ko dahil pwersahang bunutin ba naman yung anim na ngipin ko... para daw masukatan ako agad ng *toooot*...
mya punta ulit sa dentist... haaaay....
@SUPER G
naku ano ka ba... lahat yata ng uri ng pampamanhid itinapal sa mouth ko... pero wa epek kasi ayun masakit pa din
@ 'lil sis dhianz
ngek bakit ayaw mo sa blood?
yung cortal eh yun ung gamot na isinasabay nila sa softdrinks pampalaglag..kaya masama ang tingin sayo nung pharmacist kuya..anyway..bat ang dami naman ng binunot sayo kuya..grabe naman..sobrang sakit nun..waaahh..pagaling ka po..
December 1, 2009 at 1:05 PM@sis jaid
December 1, 2009 at 9:13 PMpampalaglag yun noh? hahaha
eh kasi pasaway si kua saul mo kaya nasira mga teeth niya... hehehehe... medyo magaling na ako... sakit nga lang ulo ko palagi
Salamat sa pagbisita sa blog ko... sensya na nagkataon kasing sira ang computer ko kaya di ako nakakadalaw sa blogworld... Ingats!
December 2, 2009 at 9:22 AM@Xprosaic
December 2, 2009 at 9:54 AMoph bakit sira? may lagnat lang siguro pc mo... hehehe salamat sa pag dalaw bro
Oh no! Dami ng teeth na inalis sa iyo..Katakot! ;D
December 2, 2009 at 3:20 PMSolo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Ouch! Naku sakit nmn nyan. Ako after xmas nalang papabunot. Para di istorbo sa kainan ang sakit ng bunot haha. Pagaling ka Saul! ;D
December 2, 2009 at 4:16 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
Nakikiramdam (empathize) po ako. Mas maigi siguro kung martilyo na lang ang ginamit para mas mabilis natanggal ung ngipin ano?
December 2, 2009 at 11:44 PMsalamat sa pagbisita... sorry ngayon lang ako napadaan kasi mjo busybusyhan ng konti. :)
December 2, 2009 at 11:50 PM@solo
December 3, 2009 at 7:24 AMnaku dont worry tapos na ang paghihirap ko hahahahaha katakot ba talaga?
@mommy basyon
naks concern ang inay ko ah.... dyahe nga eh... pumapayat ako dahil di ako makakain ng tama... huhuhuh nawawala na bilbil ko
@glampinoy
December 3, 2009 at 7:26 AMhahaha ayoko ng martilyo... mas masakit yun... hehehehe
salamat sa pag dalaw.
@ate roanne
ayus lang yun if medyo di ka nakakadalaw.... basta ingat huh....
hahahahah sobra ako natawa sa pag kwento mo nito kuya. parang na iimagine ko yung mukha mo nung nag papabunot ka :P
December 3, 2009 at 1:09 PMhehehe, pero kidding aside.. ok na ba teeth mo now? :)
@krisha
December 3, 2009 at 1:45 PMokay na poh teeth ko... napapagaling na lang poh ako... sakit pa din eh hahahahaha
Post a Comment