“Hiwalay na kasi parents ko eh, kaya siguro nagkakaganito ako,” Sabi sa akin ng isa kong kaibigan kamakailan lang. Weird pero instead na magalit ako kasi unti-unti niyang sinisira ang buhay niya eh parang I feel his pain… hiwalay na din kasi magulang ko.
Isa lang siya sa libo libong teenager na dumadanas ng ganitong situasyon sa buhay; isang broken family. Kadalasan isa sa mga resulta ng paghihiwalay ng magulang ay isang anak na rebelde.
Natatandaan ko pa nung araw na bigla akong pinauwi ng titser ko(akala ko sinisipa na ako sa skul o wanted na naman ako sa guidance hahahaha) yun pala pinapauwi na ako ni itay dahil nga ayun… maghihiwalay na sila…
Nung una di ko pa naiintindihan yung separation issues na yun, akala ko isang malaking trip lang yun ni inay at itay pero nagkamali pala ako… final na daw yun…
“Bakit? Ako ba ang dahilan kung bakit kayo mag hihiwalay? Mabait naman ako ah kahit na medyo malakas akong mangupit” tanong ko sa kanila…
“Hindi ikaw ang may dahilan… di na kasi kami mag kasundo ng nanay mo at kapag nag tagal pa ako dito eh sa dahon ng saging na tayo kakain dahil nabasag na ng nanay mo ang mga plato kakahagis sa akin”
Nakuha pang mag patawa ng tatay ko nung mga oras na yun pero bakas sa mga mata niya na ayaw niyang umalis… Di nag tagal ay tuluyang umalis na ang tatay ko at dun na nagsimulang magkawindang windang ang pamilya namin…
Sabi daw ng mga tao na ang mga anak daw ang numero unong na aapektuhan ng pag hihiwalay ng isang mag asawa…Hmmm tama siya kasi di nag tagal eh unti unti na akong nalihis ng landas… di ko naman masisi ang mga magulang ko kasi kagustuhan ko yung mga ginagawa ko… iguro nag rerebelde lang talaga ako sa mga nangyayari sa pamilya naming.. Natatakot akong di ako maint Ayoko kasing mapasama ako sa libo libong pamilya na matatawag na “Broken Family” Baka kai hindi ako maintindihan ng ibang tao. Bakit ba sila nag hihiwalay? Wala na bang perang maibigay si ama kay inay?, May babae ba si ama o nanlalalaki si inay ko?, o sadyang nawala na yung love nila sa isa't isa?
Bakit ba kasi kailangan humantong sa hiwalayan ang lahat… hindi ba pwedeng pag usapan ng maayos? Di ba nila kami inisip that time? O baka pang sariling kapakanan lang ang inuuna nila…
Heto ako ngayon at kami na lang ng tatay ko ang magkasama sa hirap at ginhawa… mag iisang dekada ko ng di nakakausap ang mga kapatid ko at ang bungangerang nanay ko(kaya nga gusto ko dati ay piping asawa... para tahimik...lolz)… although nakita ko sila last year pero di nila ako pinansin… lalo na yung bunso naming… di na niya ako matandaan… samantalang ako nag papatulog at nakikipag laro sa kanya nung bata pa siya… wala lang, naisip ko lang mag muni muni ngayon…
Happy monthsary nga pala sa amin ng gf ko…..
love you honey... mwah mwah mwah
love you honey... mwah mwah mwah
20 comments:
ako din, hiwalay na sila.. huhuhu.. pero never akong nag rebelde ng dahil dun. hehe :D
November 16, 2009 at 7:49 PMhapi monthsary sa inyong dalawa ^^
November 16, 2009 at 10:11 PMyung akin naman sa awa ng Diyos ay nagsasama pa din sila, natutuwa ako kahit papano dahil napapakisamahan pa din nila ang isat isa. minsan nga pag nagaaway sila ay ako na ang nagiging referee.
sa tingin ko isa sa mga dahilan kaya nagre rebelde ang isang tao ay dahil nga sa mga pangyayari sa loob ng bahay, minsan kasi di rin natin sila masisisi, there's no such thing as a perfect family at minsan kahit di nila kagustuhan ay kailangan mangyari.
hahaha
November 17, 2009 at 1:07 AMtawanan mo lang yung mga sitwasyon na ganun... ANAK lang naman kase tayo kaya wala tayong magagawa kung gusto nilang maghiwalay.
oo tama ka siguro parekoy. anak ang unang naapektohan pero hindi parin ako agree sa pagrerebelde.. hahaha
tulad nga ng sabi ni bob ong, IKAW pa rin ang talo kung sakali. sa huli... ikaw at ikaw lang din ang magiging kawawa. hindi pwedeng ituwid ng pagkakamali ang natapos ng pagkakamali. dahil kapag nagkataon, talo ka pa rin..
yun yun eh.
stay happy parekoy!!!!
@sis kox
November 17, 2009 at 8:40 AMnakow... ikaw din hiwalay na... hehehe ayus lang yan.. ako nga nakapag move on na eh... heheheh
anyway bee happee... text text na lang..
@cynderellaz
naks anu yun sideline mo yung pagiging referee? may bayad ba yun... tama ka sis... theres no such thing as perfect... nagiging perfect lang ang isang bagay, tao, relationship depende on how you see it... basta gulo... kahit ako di ko naontindihan ang comment ko... hahaha
@parekoy kosa
November 17, 2009 at 8:41 AMhmmm tama ka nga... di ko nga alam kung bakit ako nag rerebelde that time... ewan... praning pa kasi ako nung mga panahong iyon kaya ganun...
salamat sa pag commento parekoy... mukhang seryoso ka dito ah... hehehe di bagay sa iyo... joke lang
Waaah!!nakakareleyt naman ako dito.haha.nwei,ayos lang po yan,kasi d b,buo man ang pamilya nyo,tulad ko,pero lagi namang nag aaway ng bonggang bongga ang peyrents nyo e di siguro mas mabuti na din po ung nagkalayo sila para at least parehong tahimik ang mga layp nila,then ang magagawa na lang ng mga anak siguro is pray na maging maayos ang lahat at go on,lib layp, and SMILE!:D hahaha
November 17, 2009 at 9:05 AMhate ko ang hiwalayan isyu na yan! hmpt.
November 17, 2009 at 9:39 AM@battanggala
November 17, 2009 at 10:13 AMnaku... hayaan mo na sila.. mahirap talaga mag palaki ng magulang.... hehehe
@marco
uy bakit hate mo yung hiwalayan issues? share mo naman
ok lang yan..
November 17, 2009 at 11:57 AMpart talaga ng buhay yan but i won't be a reason for you to trash your life and give up...
kaya yan!!!
be strong pare!
wag ka ng masad kuya..dapat masaya ka kasi monthsary niyo ni ate michelle..^__^ ang kyut nung almost kiss picture nyo..inggit ako..hahaha
November 17, 2009 at 12:19 PM@bea
November 17, 2009 at 2:19 PMsyempre naman.. dapat maging strong... hmm napapaisip lang ako kaya ito ang post ko... salamat sa pagbabasa...
@sis jaid
naks naman... inggit ka? bakit ka naman inggit? eh may bf ka naman... actually scripted yung picsa na yun... kunwari daw mag kikiss kami para daw kilig kilig... hahahaha
belated happy aniv sa inyo
Ay naku, no comment sa hiwalayan lolz. Hndi, kasi nasa anak yan kung magrerebelde, sisirain nya buhay nya ng dahil lang sa mga magulang na naghiwalay. Hndi nmn cguro tama yon. Although diko hawak ang feelings ng mga anak ng mga hiwalay. Pero 1 thing is for sure. I know hot it feels, alam ko kung paano ang lagay ng mga broken family. Pero you can choose kun gsto mo ng maayos na kinabukasan o ng wasak din. ;D Kaya yan friend. ;d
November 17, 2009 at 4:25 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
Uiy, kulang ang comment ko haha. Happy 1oth monthsarry sa inyo ni gf. Naku malapit ng mag 1 year haha. galing! ;d At oo nga pala, kilig nmn ung almost kiss shot nyo. Makagawa nga ng ganyang shot with hubby haha. ;D
November 17, 2009 at 4:27 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
@mommy basyon
November 17, 2009 at 6:16 PMnakow salamat ng madami... lapit na ngang mag 1 year eh... at this time di na daw siya lalayo sa akin... hehehe (sana nga) nakow pag ako iniwan ulit nun... wala lang iiyak lang ako pero di na magugunaw mundo ko.... dont ask y di na magugunaw... hehehehe mahabang torya yun...
hayyzz.. wala ka naman sigurong mai-post Krisna.. Tigilan na kasi ang ka-BITTER-an.. Tapos na din naman yun, hindi kailangang balik-balikan ang mga panget sa buhay..
November 18, 2009 at 9:35 AMLaging maging thankful ka na lang kay Papa God.. Wala siyang hinangad sa buhay natin na ikasasama natin, may mga reason siya bakit nangyayari yun at hinahayaan niyang mangyari yun.. And wala tayong rights para i-question yun.
@rincel
November 18, 2009 at 10:34 AMwala naman akong pinag rereklamo... nilabas ko lang naman yung past feelings ko... past feelings yun... if magbabasa ka lang ng tama at iintindihin mo yung mga words na gamit ko... puro past participles lahat ang gamit ko...
hindi ako bitter sa totoo lang answered prayer yung nag kahiwalay kami ng mama ko kasi masisira lang ang buhay ko pag siya ang kasama ko...
blessing in disguise yun...
ingat na lang at salamat sa pag comment... medyo mali nga lang pagkakaintindi mo sa post ko...
all in all happy ako sa nangyayari sa buhay ko.... in love ako kay GOd, sa gf ko, happy ako with my work at sidelines.... basta happy ako... gets... till next time...
im blessed that i don't belong to a broken family kaya gusto ko rin na kung sakali magkaroon ako ng pamilya, sana kasing tibay yung ng pamilya namin, sing-tibay ng magulang ko sa lahat ng pagsubok at temptasyon...
November 18, 2009 at 11:18 AMbagaman totoo na naapektuhan ang anak sa paghihiwalay, doble ang responsibilidad ng magulang na gampanan ang paggabay sa kanila pero hindi rin ako agree na gawing dahilan ng mga anak ang pagrerebelde dahil sa paghihiwalay ng magulang...bagkus dapat matutunan nila ang pagtanggap, mas lalo nilang istrive na maging mabuting tao, para sa mga magulang mo na nagkulang o kahit para sa sarili mo na lang at para sa future family mo...
sad naman ako sayo..pero ok lang yan life mst go on ika nga, ayusin mo nalang ang sarili mo at ng di mangyari sayo yun, tama na ang isang pagkakamali. ako din,parents ko di magkasundo di man sila hiwalay pero parang ganun na din kasi malayo ang loob nila sa isa't isa. So now, i have my own family i see to it na maayos ang samahan namin together syempre with God! he should be the center of the family so it will last!
November 18, 2009 at 8:19 PMTalaga naman, ayaw talagang patalo.
November 19, 2009 at 9:10 AMSabi ko nga po. Hahaha!!!!
Hay, buti na lang.
Alam mo thankful talaga ako kay Papa God, as in!
Hehehe.
Sige ingat din.
And God bless you indeed.
Post a Comment