"I come from a broken family and I told myself that I don’t want my future family to have the same broken home as I did and maybe that is why in relationships I try by best to work hard for it. Settle differences and so forth. I don’t want to waste time of jumping from one relationship to another and most especially the thought that I don’t want to waste time. I remember my mother who cheated on my Dad when I was still in college, and this caused all the commotion in our home. It was terrible so you can just imagine how I am not fond of cheaters and the likes. I ended up being with my dad… and yet it feels like something’s still missing... I miss having a mom..."
“Hiwalay na kasi ang parents ko eh, kaya siguro nagkakaganito ako,” a rebellious student once said to me. I deeply sympathized with him… I felt sorry for him, for his parents’ separation broke his entire being… well actually nakakarelate din ako somehow sa kanya for I myself is a product of a broken family…
Hindi ko nga malaman kung bakit parang padami ng padami ang mga mag asawang nag hihiwalay, ito ba ang uso ngayon at bakit ba sila nag hihiwalay? Actually madaming reason kung bakit ‘di na sila pwedeng mag sama sa iisang bubong… siguro tied at first spot ay yung mga mister o misis na nangangaliwa at issues tungkol sa pera… Anyway hindi tungkol sa dalawang bagay na ito ang pag uusapan natin… It’s about the son and daughters that are caught right in the middle.
Minsan naiisip kong parang ang selfish ng mga ganung magulang… basta basta mag dedecide na maghihiwalay sila without ever considering yung mga anak nila… Bigla ko lang na alala nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko, pag nag aaway ang mga magulang namin lagi kaming ikinukulong sa isang kwarto para ‘di naming marinig yung mga sigawan nila( as if naman na ‘di namin maririnig ang boses nila habang their screaming on the top of their lungs)(naka lunok ata ng microphone ang mommy ko kasi ba naman ang lakas niyang sumigaw) Anyway kidding aside, habang may world war sa bahay namin, pilit ko naman pinapakalma ang kapatid ko sa pag iyak ayaw na ayaw niya kasing maririnig na nag aaway ang mga parents naming.
Naghiwalay ang mga magulang namin dahil sa pera at sa third party… ‘di na daw kasi sapat ang naibibigay ng dad ko sa mommy ko kaya ayun araw araw tila bang may gyera sa bahay namin. Hagis ng plato dito, hagis doon…. Murahan dito, murahan doon. Lumaki akong ganito ang naka sanayan ko hanggang one day nag decide na silang tapusin ang pag sasama nila. After that doon na ako nag simulang mag rebelde, inom dito, inom doon, yosi dito… yosi doon... in short sinira ko ang buhay ko.... nag rebelde ako at hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun... Siguro galit ako sa sarili ko, sa mga kapatid ko at lalo sa mga magulang ko.
Sa panahong ngayon parang padami ng padami ang mga nasisirang pamilya... Oo nga at minsan parang mas mabuti pang mag hiwalay na lang pero sana iconsider muna nila yung magiging resulta ng gagawin nila... sa ganitong case kasi... ang mga anak ang mag sa-suffer....
* wala lang... napag tripan ko kasing isulat ito kasi mag nine years ko ng di nakikita ang mga kapatid ang nanay ko simula nung nag hiwalay kaming lahat.... gulo ng buhay ko noh?
19 comments:
Hehehe :D Di ko pa nabasa ung sinulat mo pre...gusto ko lang sagutin ung comment mo sa pahina ko para agad mabasa mo...
April 17, 2009 at 11:24 PMHayaan mo pre, maghihinay hinay ako kung sa tingin mo napapalakas ung pagbatok ko sayo...di lang maghihinay hinay, ititigil ko na...
Brod alam ko may sarili kang pag iisip, at alam mo kung ano ang dapat gawin...may tiwala ako sayo, may tiwala kami sayo...kung ano balak mo, suporta lang kami kung kelangan mo...pero kung di mo kelangan, okey bigla mawawala AKO...
Iwan ko na lang tong natutunan ko...KUNG HINDI MO GUSTO MARAMING DAHILAN, PERO KUNG GUSTO MO MARAMING PARAAN...
apir tayu dyan parekoy!!!
April 18, 2009 at 8:51 AMmeron din akong pakiramdam na ganun kaya hanggang ngayun eh singgol pa ko..hehe
ako din...
pero siguro, hindi yun uso kundi talagang open lang...
Hindi na itinatago yun sa ngayun..
pero ganun pa man, lets just be happy for them(our parents).. atleast andito tyu... hehehe
tumingin ka sa mga napagdaanan mo at bilangin mo ang biyayang dumating sayu..hehe
nang malaman ko na may affair si daddy sa iba, sobrang sakit sa akin. only daughter lang ako, at ang mga nakikilala kong lalaki binabase ko sa ugali nya. kaya gusto ko syang isumpa nun....
April 18, 2009 at 12:35 PMmasakit, pero inintindi ko sya. dahil mahal ko si daddy. tinanggap ko ang pangyayari, at ni let go ko yung hatred ko sa kanya. hindi namin sya iniwan bagkus patuloy na pinakikita ang pagmamahal namin (hahahah..para makonsensya sya..hahaha)..teka teka...istorya kona ata ito..dapat sa blog ko isulat hindi dito...toink!
eto pala gusto ko sabihin:
tandaan mo kapatid, tayo ang humuhubog sa ating buhay. ang mga nangyayari sa ating paligid ay mga guidelines lang. nasa sa atin kung paano ito i-internalize.
ps
word verification: losing
May nagsasabi sa akin na kung may puwang ang pagiging single... doon daw siya nababagay! Ang reason niya ay yon nga ang paghihiwalay ng mag-asawa at kawawa ang mga anak.
April 18, 2009 at 12:48 PMNaisip ko rin yon, tama nga naman... magkakaroon ka nga ng kasama sa buhay mo pero at the end magkakahiwalay din kayo... masakit yon in both sides pero mas masakit yon para sa mga anak niyo.
Lahat ng mag-asawang naghihiwalay ay sabi mo nga may kanya kanyang dahilan... isa na dyan ay PERA. Unfaithful. O kaya na-realize nila na hindi na nila mahal ang isa't isa. Haaayyy nakakaawa nga naman pag humantong sa ganon ang samahan nila. Kawawa ang mga kids.
Salamat sa pag-share nito bro... :)
ouch. well, maybe it's time to see them na. Masakit. Mahirap pero let's move on. I grew-up in a problematic family too. Buti ka nga naririnig mo lang.It sucks, but still we have to be strong and forgiving.
April 18, 2009 at 1:10 PMok lang yan sis! be strong and be a better person for your future family and for your sisters na din!
April 18, 2009 at 2:18 PM"hiwalay na kasi ang parents ko.."
April 18, 2009 at 6:10 PM..pero it shouldn't be the reason para mag-rebelde ka. yes, it hurts pero anjan na yan. dapat andun pa din ang support and love mo sa parents mo.
im thankful naman at okay ang family ko. di ko pa nakikitang nag-aaway sina mama and papa.. tampuhan lang pero bihira pa din..
siguro the best lesson na lang in your life story is never enter a commitment kung di mo kayang panindigan.. lalo na for wedded couples kasi nagpromise sila kay God na magsasama ng habambuhay tapos in the end pala they'll break up lang naman.. mahirap ang married life so kelangan mag discern before entering it.
:)
mas magulo ang buhay kow.hehhehe..
April 18, 2009 at 6:33 PMsa totoo lang, mahirap naman talaga yung broken family eh, pero naisip ko lang, dahilan ba yun para mas lalo mo pang sirain ang buhay mo di ba? Di mo dapat isisi sa kanila
April 18, 2009 at 8:50 PMwala naman talagang perfect family eh, kaya alam mo kung magaasawa ka, dapat for better or for worse magsasama kayo anuman ang problema niyo. Hindi dahilan ang pera. Sabi nga nila pag apoy ang isa, maging tubig ka para magkaintindihan kayo. Mahirap magsalita pero kung mahal niyo ang isa't isa, hindi na dapat mangyari pa ang mga commotion.
para sa inyong lahat:
April 18, 2009 at 8:59 PMmatagl ng nangyari yun... at okay na ako sa life ko... dati medyo rebelde ako pero na realize ko a few years back na mali pala yung ginawa ko... naisulat ko lang ito kasi wala lang bwahahahahaha... joke... sinulat ko ito kasi isa ito sa mga reason kung bakit may mga nag rerebeldeng mga kabataan sa mundong ibabaw....
@ lord at kosa
April 18, 2009 at 9:02 PMyung mga nangyari sa akin sa past at para lang mga giant reminder sa akin kung gaano ka laki ang binago sa akin ni papa GOD.... thankful ako kasi na experience ko yung mga trials na yun... naging malakas ako dahil dun... teka lord, wag mo itigil yung pag babatok sa akin.... may passes ka! Kosa teka wala ka ba talagang jowa jan?
@ jez
April 18, 2009 at 9:04 PMnaks nasilip ko na din sa wakas ang buhay ng kapatid ko.... hirap ng broken family di ba? pero at least nagiging living proof tayo sa mga katulad natin na mga anak na pinag iwanan ng mga magulang.... masasabi natin sa kanila na HINDI SILA NAG IISA
@ marco
April 18, 2009 at 9:05 PMtama tama kawawa yung mga anak... sila talaga ang magiging biktima pag nag hiwalay ang mga magulang nila...... salamat sa pag commento parekoy
@ AMOR
April 18, 2009 at 9:12 PMayus lang yan... magiging ayus din ang mga problema mo... narinig ko dati nung nag sermon ang itay ko sa church namin... sabi niya "... dadaan lang tayo sa problema.... hindi natin kailangan mag stop over ng matagal sa problema"
may point siya... tayo ang master ng sariling buhay natin kaya if we decide to to nothing... aba talagang di tayo makaka alis sa problema natin... but if we decide na maging masya tayo ang if we try to look sa mga positive side ng life natin... mas magiging maayos ang pananaw natin sa buhay
TEKA AKO BA ITO? hahahaha NAGIGING POSITE NA AKO SA WAKAS!!!!!!!!! thanks to you... alam mo ba yung song na "thanks to you" dedicate ko yun sa iyo pati saina KOSA at LORD
Di na kelangan ng batok pre, kita naman sa mga reply mo na alam mo kung ano ang tama at mali...nasasapawan ka lang negatibong pag iisip kapag may problema...pero wag mong hayaang mangibabaw un...
April 19, 2009 at 11:34 AM@ lord
April 20, 2009 at 10:18 AMtama tama.... medyo naging praning lang talaga ako dati at di ko iniisip yung mga blessings sa akin at instead sa maging positive ako pinili kong maging negtive which is wrong..... musta na ang dakilang LORD CM?
gnun nman tlga eh.pag may problema nwwlan tyo ng direction. kc ung focus ntin na dpat nsa goal, nlilipat na sa pghanap ng solution ng problema. tpos, pinalala pa ng mga achievements ng mga taong nkapaligid satin, kya feeling ntin, tyo na ung pnakamalas na tao sa mundo pero hndi nman pla. poink
April 20, 2009 at 11:09 AMjowa?
April 20, 2009 at 11:51 AMlols
ang laswa naman nung term..
taena,
walang wala parekoy..
busy ako eh..
Ahahaha! Ganun ba?
April 20, 2009 at 11:57 AMWeh anu ngayon kung magulo ang buhay mo at hiwalay na ang parents mo at di mo pa nakikita ang mga kapatid mo???
Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganitong kaguluhan sa buhay. Ako, sila, at silang mas nagdarahop pa sa buhay.
I think you're old enough to be more responsible and take responsibilities, for your self, in your current relationship and for your future family. Bakit ka magpapaapekto sa paligid mo lalo na't alam mong hindi maganda?
Take control. And let God control over your life. Don't waste time thinking you can't be this os that. Walang magagawa ang awa, takot o pag-aalala.
Gumising ka nga jan! Batukan kita eh!
Post a Comment