7/18/10


Ako si Saul Krisna Villanueva ipinanganak noong July 22, 198?... Pero lam niyo ba nagtataka ako... ikinasal ang mga butihing magulang ko nung January same year pero ipinanganak ako makalipas ang pitong buwan? Premature daw ako pero nito ko lang nalaman na bunga pala ako ng maagang pag bubuntis ni ina ko... hehehe anyway musta naman yun 3 araw na lang at kaarawan ko na... pero parang wala lang... 'di ako extited este excited pala. Bukod sa tatanda na naman ako(kasing edad ko nga pala si kosa) eh parang isang ordinaryong araw lang yun for me. Mas excited pa nga ako sa kaarawan ni gerlpren sa October 12 dahil debut na niya kasi.

Anyway wala naman ako maikkwento sa inyo kasi wala naman nangyari sa akin na maganda.. ay meron pala nung isang araw kasi 18th monthsary namin ni gerlpren.

Umaga pa lang eh maaga ako gumising kasi kailangan mag papogi dahil may date kami, plantsa dito, pabango doon, sabay naglagay ng gel sa bagong gupit na buhok ko... oo tama kayo bagong gupit ako after 4 months... 3 times a year lang ako kung mag pagupit kasi nagtitipid ako kaya imagine mo na lang from long hair eh halos gupit binata ulit ako hehehe.

Wala akong pera that day kaya todo ako sa pag pplano para lang magkasya yung kakaunting ipon ko... napag desisyonan namin na pumunta na lang sa greenhills para bumili ng slippers niya doon... so ayun first bus ride namin together kaya medyo happy happy ako... kadalasan kasi jeep lang at tricycle lang ang sinasakyan namin eh hehehehe. Dumating kami sa greenhills after ng mga isang oras at anak ng jueteng laki na ng pinag bago nung lugar na yun... pero nakakagulat nung malaman ko na may tsinelas pa lang nagkakahalagang 1,200... "Hav... Havai... ahhh ewan di ko alam yung spelling pero sounds like "habayanas" yata yun... Ano ba meron sa tsinelas na yun? Mukha naman ordinaryo lang siya, gawa sa mabahong goma(ahahaha). Di ako mahilig kai sa mga ganung bagay... sanay lang ako sa simpleng pamumuhay... yung tipo bang ang almusal ko eh 5 pandesal, tanghalian ay 6 na cups ng rice at 1 hotdog at sa hapunan dahil diet pa din ako eh 4 na cups na lang ng kanin at inihaw na ulo ng manok hehehe... joke lang... kuntento na kasi kung ano man yung meron ako... in short di ako mahilig sa mga mga mamahaling gamit... hehehehe.. nangangati balat ko pag branded ang damit ko, yung paa ko makati din pag nakapag suot ako ng mamahaling sapatos o tsinelas...

Pagkatapos makipag siksikan sa greenhills pumunta naman kami sa Robinson Galleria at tumingin lang ng mga daga... oo tama daga nga... ngayon ko lang nalaman na mahilig pala si gf sa mga daga... ayus next time na may makita akong daga sa bahay yun na lang ireregalo ko... hehehe habang nag lalakad kami biglang nakarammdam kami ng gutom kaya lumipat kami ng mall para mag tanghalian...

Megamall... masakit na talaga ang paa ko kakalakad pero dahil kasama ko si gf at may paholding holding hands pa siya sa akin at take note may pa sway sway pa eh nawawala yung pagod ko... Daming tao... dami din nilang pinamimili... puro mamahaling gamit, mga walang kwentang gamit naman... yung tipo bang di naman mapapakinabangan o wala naman maidudulot sa buhay pero hala sige bili lang ng bili...

minsan napapaisip lang ako... kapag ba bumibili sila ng mga mamahaling gamit pero wala naman kwenta yung bagay eh naiisip ba nila na sa halagang 1,200 na tsinelas o bag na tig 20,000 eh malayo na ang mararating ng perang iyon sa kamay ng mga mahihirap o kapus palad?Pwede na yung pang bili ng pag kain na tatagal sa loob ng ilang linggo di ba? Di naman ako kontra sa ganung klaseng pamumuhay... siguro dapat lang nila malaman yung mga mas importanteng bagay sa buhay... thats all lang...

Anyway isa pa sa mga nagpasaya sa akin nung araw na yun eh yung pinakain ako ni gf ng ice cream na nagkakahalaga ng tumataginting na 79 pesos eh samantalang pagkaliit liit lang nun pero sobrang sarap naman ahahaha..

Natapos ang araw namin na sobrang saya at punong puno ng pagmamahal... hehehehe

Lapit na kaarawan ko... ano gift niyo sa akin?



14 comments:

deh..d un daga.. sosyalin na daga un.haha.. hamster un :))

pati havaianas un :D

salamat po pla sa hapi monthsary..

mahal n mahal kita hon..mua..

July 18, 2010 at 8:59 PM
Unni-gl4ze^_^ said...

apir tau saul di ako mahilig sa mga branded na mga gamit,,,kuripot ako gaya mo bwahhaha,,sa pagkain lng ako bumabawi hlata ba?
nga pala 2 years lng tinanda ko sau noh di 3 adik much ka haha,,,noh handa mo?baka naman isang hansel at coke nanaman kakainin mo sa bday mo ha heehem,,,adik ka na pag ganun hehe,,,

happy bday with a boom hehehe,,,ingats ikaw~
stay inlove with your labidabi hehehe

July 18, 2010 at 9:48 PM
BatangGala said...

hello kuya!!! dumaan lang me...at... nag skip read, babalik ako ulit bukas, para basahin ng buong buo! at advance happy birthday ng bonggang bongga! wala pa yung piktyur greeting ko kasi ano...ahh...hindi pa ko nakakahanap ng jejegetap! hehe:))

July 19, 2010 at 1:20 PM
Jag said...

ang tweet tweet nyo naman nakakakilig hehehe...natawa naman ako dun sa tsinelas inabangan ko talaga na tapusin mo ang spelling pero nag end lang pala sa "souns like" hahahaha...adik!

Muling napadpad parekoy!

July 19, 2010 at 7:03 PM
darklady said...

hindi rin ako mahilig bumili ng mga branded na gamit hindi naman dahil sa ayoko talaga kundi wala talaga ako pera pambili.hehehe saka minsan nanghihinayang din ako. may mga tig P500 na damit pero kung bibili ka sa palengke sa P500 na yun malamang lamang 5 piraso pa mabili mo.nahahalata kuripot.hihihi.

July 19, 2010 at 8:11 PM
Kosa said...

happy birthday Tsong..
babalik ako mamaya para magbasa..sumaglit lang.hehe

July 20, 2010 at 6:13 AM
iya_khin said...

hallo!! nagbabalik! hehehe! wow bday mo na pala bukas,diba nag bday ka palang?! bilis talaga ng panahon....uy may tama ako dun sa blog mo,minsan kasi shopaholic ako pero di para sa akin para sa mga labs ko!barat ako pagdating sa sarili ko..ewan ko ba!

musta naman life-life mo?i'm hapi for u sa loviloves mo!!

July 21, 2010 at 3:36 PM
Renz said...

parekoy sa fb na bait ko ha :)) Yihee kasweet naman ninyo ni gelpren. Buti ka pa.. sana ako din :))

July 23, 2010 at 6:57 PM
veta said...

happy birthday saul:-)

July 23, 2010 at 8:52 PM
BLOGS NG PINOY said...

3 days to go 'til the next cycle of Hall of Fame! hurry,

invite your friends now to vote for your blog and get a

chance to be one of the "sikat" at BNP's Hall of Fame!

:)

August 19, 2010 at 2:48 PM
Anonymous said...

uy belated happy berday saul! ayeee!! tanda mo na ulit! hahaha! joke!

havaianas un friend! wala din ako nun eh. di ko afford. pang Rambo lang ako. bwahahaha!!

uber late naman ako noh? sensya na.. hehe.

August 20, 2010 at 2:36 PM
Fickle Cattle said...

Hahaha. Nice story. :-) It was incredibly sweet.

http://ficklecattle.blogspot.com/

August 24, 2010 at 1:30 AM
Anonymous said...

my kuya saul, is super inlove! :)
belated happy birthday mmitch :D

October 14, 2010 at 10:40 PM
Dhianz said...

right after u said na itoh ay isang napakahabang post eh nagscroll down na akoh... sori naman big bro.. inaantokz na akoh eh... halos pumipikit na mata koh hbang nagtytype.. happy 18th kay ms. mhizyhel... pwede na mag-asawa... lol.. gudlak sa pagmamahalan nyoh nd welkam back!!! ingatz... Godbless! -di

November 5, 2010 at 12:30 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz