4/5/10


Maaga akong nagising kaninang umaga kasi dadalawin ko yung isa kong kinakapatid… medyo matagal tagal ko ng hindi nadadalaw yun kaya naisipang kong pasyalan siya sa bahay nila..

Tok Tok Tok!!!! Tao poh…

“Nandyan po ba si Mikah?” pasigaw kong sinabi sa nanay niyang may pag kabingi.

“Oh Saul, buti na lang at dumaan ka(hikbi hikbi hikbi)” sabi ng nanay niya.

“Bakit po? Ano pong nangyari?

“Si Mikah.. nag tanan kasama ang boyfriend niya” humahagulgol na sabi ng nanay ni Mikah

After ng ilang oras na pag papakalma sa nanay niya ako’y umuwi na at habang naglalakad ako… biglang pumasok sa utak ko… “What if kami ng jowa este gf ko ang mag tanan… mag kano kaya ang gagastusin ko?” Dahil hindi ako mapakali sa kakaisip kung mag kano ba talaga ang gagastusin napag desisyunan ko na pumunta sa kapit bahay kong mall na SM City Taytay(walking distance lang sa amin yung mall kasi eh)

Pag pasok ko(hmmm lamig) pumunta ako agad sa Abenson at iba’t ibang mga appliance center at ako ay nawindang sa mahal ng mga gamit… hahahahaha

Plantsa: 500(standard…(tatak standard… tibay standard)

2 Electricfan: 600/pc(Fukuda)

Refrigerator: 10,000

5 Plato, 5 Baso, 5 pares ng kutsara at tinidor, 3 Mangkok, mga Platito,at kung anu-ano pa: 650

1 Normal size na Cabinet: 450

Sala Set: 8,000

Dining Set: 4,000

Television: 6,500

Radio: 1,200

1 Queen Size bed w/ 4 Pillows at isang malaking Kumot: 9,500

Gas range at Tangke ng Gas: 500(double burner) + 1,250 (Tangke ng gas)

Toilettries: 200

Apartment: Base ito sa mga available apartments dito sa may amin…

4,000 monthly kaso dapat 2 months Deposit at 2 month Advance so that means: 16,000(grabe ang mahal)

Budget para sa pag kain for the next 6 months: 150/day x 30 days x 6 months:27,000

Kuryente for the next 6 months: ipag palagay natin na 600/ months x 6 = 3,600

Tubig for the next 6 months: 21 pesos/ cu meter... ang isang cu meter ay katumabas ng 5 drum: 504 pesos

TOTAL: tumataginting na 91,054... pinag palagay ko na 6 months kasi alangan naman na after a week lang eh tag hirap na kami agad... dyahe yun...

Grabe!!! Ayoko ng mag tanan or kahit mag asawa(joke lang)… hahahaha.Naku wag na lang... hintayin ko na lang yung right time... mag iipon muna ako tapos ... GO!!!!! joke lang...


love you so much honey... advance happy 15th monthsary sa atin...

18 comments:

Null said...

nice talagang kinompute! hahaha

April 5, 2010 at 10:32 AM
eMPi said...
Choknat said...

tama saul, pag-ipunan mo muna, para sa kasal hindi sa tanan. hehe

di masyadong malaki gastos ah. lol

April 5, 2010 at 11:55 AM
BatangGala said...

haha:))talagang kumpleto ang kompyuteysyon kuya!hihi:)) bakit nga ba tanan lang?hindi pa kasal? hihi:))

April 5, 2010 at 12:59 PM
Ayie Marcos said...

Nyahhaha! Yan ang talagang panakot sa gustong magtanan/mag asawa, gastos!

Hello po!

April 5, 2010 at 1:11 PM
darklady said...

sana maraming makabasa nito para maraming matakot na magtanan.hehehe..akala kasi ng iba ang pagtatanan ay parang laro laro lang. Kita mo na, dami mo nakompyut.hehehehe.pati ako natakot mag asawa ah..hihihihi..

Tama ipon muna..^_^
Nga pala nilagay na kita sa blog roll ko kaya makakabisita na ako dito palagi..^_^

April 5, 2010 at 1:45 PM
saul krisna said...

@ate roanne
syempre dapat lahat kasama sa pag pplano... hehehe salamat sa pag dalaw ate este sis pala ahaha

napapadalas na ang dalaw mo ah.... hehehehe salamat talaga...

@marco
ngek di pwede,,, pang dalawahan lang yung kama na bibilihin ko eh... alangan naman if 3 tayo sa kama... hehehehe walang privacy

April 5, 2010 at 4:02 PM
saul krisna said...

@choknat
tama tama di nga malaki yung gastos... sa kabaligtaran haha

salamat sa pag dalaw sis

@batanggala
hindi ah! naisipan ko lang what if mag tatanan ako... kakayanin ba ng kuya saul mo? hehehe parang di pa yata eh... salamat sa pag dalaw sis

April 5, 2010 at 4:04 PM
saul krisna said...

@ayie
hi din po ate... salamat sa pag dalaw... mukhang 1st time mong dumalaw dito kaya madaming thank you...

hehehe kakatakot ngang mag tanan what more yung kasal...

April 5, 2010 at 4:05 PM
saul krisna said...

@dark lady
hala natakot ba kita? hehehe sana nga madaming makabasa nito... anyway salamat sa pag add mo sa akin sa blog roll mo... dalaw dalaw na lang ako ulit sa blog mo huh...

April 5, 2010 at 4:06 PM
gesmunds said...

ang mahal ah! haha! cool post! :)

April 5, 2010 at 6:30 PM
KESO said...

hahahha. pasaway. natawa ako dto ah, kinompyut tlga. haha.

April 5, 2010 at 6:41 PM
Kosa said...

hahaha.
wag masyadong mahal ang bilhin. pili lang ng medyo mura kung sakali.

parang nabasa ko na to dati?
repost ba parekoy? hehe

April 6, 2010 at 4:20 AM
saul krisna said...

@sis gesmund
naks naman cool pala yung post ko na akala ko eh alang kwenta ehehehehe

@keso
hehehe syempre iba na yung laging handa... dapat sigurista ako kaya nag compute na ako agad... hehehehe

April 6, 2010 at 9:36 AM
saul krisna said...

@parekoy kosa
oo repost to... wla na kasi ako maisulat.... heheheheh tuyong tuyo na ang utak ko kasi

April 6, 2010 at 9:36 AM

wow naman congrats ! :)

April 22, 2010 at 1:20 PM
Anonymous said...

bago kau magtanan kuyta siguraduhin mo na lang nakapangholdap kana hahaha grabe ang mahal..wahahaha

June 6, 2010 at 9:32 AM
Anonymous said...

haha..dumaan sa bahay mo..:) pers taym ko dito..:) at talagang kinompyut lahat... haha..ang mahal palang magtanan. balak ko pa namang itanan bf ko..waappaakk!.. hehe..

June 7, 2010 at 6:56 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz