3/31/10


hmmmm matagal kong pinag isipan kung ippost ko ito kasi medyo papasilipin ko kayo kung ano ba talaga ako(heller?!? tao kaya ako) What i mean is kung ano ang isa sa mga naging bisyo ko....

Bente anyos ako nung una kong humihit na pinag babawal na usok(usok ng yosi huh).... di dahil sa udyok ng barkada.... di dahil sa problema at lalong di ako lasing that time.... di daw kasi ako ggraduate sa ROTC pag di ko naubos yung 2 stick na marlboro... kaya ayun.... sige na nga.... nanginginig ang mga labi ko nung inilalapit ko yung sigarilyo... at nang sinindihan na nila eh ayun.... akala ko pa ihip ang gagawin ko yun pala pa hitit ... kaya nung humitit ako eh sabay buga... binatukan ako nung commandant ko dahil daw dapat lulunukin ko daw yung usok(nilulunok ba ang usok? hehehe) Sinubukan ko ulit at this time nilunok ko nga... at ANAK NAMAN NG JUETENG halos ilabas ko na yung baga ko sa kakaubo at naku naman bigla akong nahilo... Di ko maalala kung ano na talaga yung mga details pero dun na nag simula ang bisyo ko....

Nag simula na akong hanapin ang kakaibang pakiramdam pag humihithit ng usok... lahat yata natikman ko na... Marlboro na pula, puti at lights, Hope at Philip, Winston na lights at pula, ultimo nga yung mga medyo mumurahin nasubukan ko na din... Mighty na puti at pula, Fortune, pati yung mga may flavor... DJ mix na stawberry na lasang Rebisco na strawberry(yung biskwit)...

Bakit nga ba ako nag yoyosi dati? Ewan... di kasi ako makapag isip ng maayos pag wala yun, pangontra sa antok, pangpainit, at kung anu ano pang mga walang kwentang rason ... nag simula sa 1 stick at habang tumatagal padami ng padami.... 2,3,4, at hanggang umabot ako sa 3 kaha isang araw... di ko na mapigilan....

Lahat yata ginawa ko para lang matigil itong bisyo na ito, mag kendi daw ako pero walang epekto, mag bubble gum daw ako pero ganun din ang resulta.... pero may isang bagay este tao pala na nakagawang pahintuin ako.... hehehe Si GF ko lang pala ang magpapahinto nito... nakaka tawang isipin na mas takot ako sa gf ko na magalit siya dahil sa pag yoyosi ko kaysa sa mga sakit na pwedeng maidulot ng paninigarilyo... hehehehe

Right now matagal na akong di nag smoke... mga 2 weeks joke lang!!!!! mga 8 months na.... hehehe

Pasintabi sa mga naninigarilyo.... hehehehehe

salamat honey!!!!

19 comments:

Rico De Buco said...

ah...mabuti tinigilan mo na mabuhay ka..sana magtuloy tuloy yan..

missed being here

March 31, 2010 at 3:30 PM
gege said...

nako...
GOODBOY!!!
napakaswerte ni GF.
masunurin.

masakit yan sa lungs!
wag ganyan.
maging mabait sa sarili.
AKO DIN!
natry ko na...
as in TRY lang!
dalawang stick.
haha!!!

^ - ^

March 31, 2010 at 4:49 PM
lucas said...

never learned to smoke... and i have no plans of learning to. siguro dahil nalaman ko kung anu-anong kemikal ang nasa stick ng sigarilyo--cyanide, arsenic, acetone, at kung anu-ano pa...

March 31, 2010 at 4:51 PM
saul krisna said...

@sis ayu
hehehe salamat sa pagpapa alala sis

@rico
sana nga parekoy mag tuloy tuloy na ito.... yari ako sa gerlpren ko ahehehehe

March 31, 2010 at 9:35 PM
saul krisna said...

@sis gege
naks naman swerte ba si gf sa akin? ahehehehehe

upakan kita pag nag try ka ulit mag smoke ahehehehehe

@bro lucas
huh? yun ba ang laman ng sigarilyo? hala.... thanks sa info bro

March 31, 2010 at 9:37 PM
mr.nightcrawler said...

congrats parekoy! healthy living dapat tayo ok?

March 31, 2010 at 10:16 PM
Rah said...

Funny pero isa nga talaga sa effective na pagqquit ng yosi e yung girl friend. Ako man, nagquit na 2 months narin. Ang sarap ng pakiramdam diba?

April 1, 2010 at 12:32 AM
Kosa said...

very good!
buti naman natigil na sa paninigarilyo... congrats!
Hindi lahat eh nagagawang tumigil dyan... and the credit goes to.. GF? hehe hindi naman.. pareho siguro kayo. kahit patigilan k ni shota kung ayaw mo eh di wala rin.

April 1, 2010 at 5:20 AM
bad_mj97 said...

Hmm kakaadik kasi ang yosi...

April 1, 2010 at 9:37 AM
BatangGala said...

yon, beri gud!hehe:)) wala rin naman kasing magandang maidudulot ang sigaret sa ating yuman badi. alerdyik ako dyan e, sins bert. wala lang, syeyr ko lang,hehe.... buti na lang kuya nakaiwas ka, at natigilan mo na habang maaga pa, teynks kay ate mitch! =D

ps.
dalawin mo naman blag ko kuya!long taym no si na der e. hehe =D

April 1, 2010 at 12:52 PM
pau : ) said...

kua saul.. ngaun lang ako nkpag open ng blog ko.. sori...
kktpos lang kc ng finals nmen..

hnd ako tga dasma...

sa bacoor lang ako..

April 1, 2010 at 5:55 PM
RED said...

dahil jan titigil na rin ako..

ng paggigf

para walang bawal bawal. hehe

April 1, 2010 at 6:13 PM
saul krisna said...

@night crawler
hehehe kaya nga nag ttryakong mamuhay ng maayos eh...naku yari talaga ako pag nagkasakit pa ako ehehehe

@rah
naks new visitor
anyway tama ka dun.... sarap sa pakiramdam pag walang usok sa dibdib hehehehe

April 1, 2010 at 7:01 PM
saul krisna said...

@parekoy kosa
hehehehe very good ba ako? tagal ko na din kasi nagpupumulit itigil yun eh hehehehe

@bad
super nakaka adik kasi yun.... sana nga mag tuloy tuloy na mawala sa sistema ko yun eh...

April 1, 2010 at 7:05 PM
saul krisna said...

@batanggala
salamat sa pag sesermon ahahahaha.... nag comment ako sa last post mo ah.... nag tataka nga ako bakit di lumalabas eh

April 1, 2010 at 7:08 PM
saul krisna said...

@sis pau
musta na? long time no visit ah.... pasado ba ang mga test mo? hehehehe

@stupe
hehehe akala ko pag yoyosi ang ititigil mo yun pala pag ggf ahehehehehe

April 1, 2010 at 7:10 PM
Reagan D said...

ayos yan, apir!

bilang nars, naiinis talaga ako sa mga nagyoyosi. (pero maski di ako nars, e mababadtrip pa rin talaga ako. hehe)

kasi naman, magususunog baga na lang at magpapakamatay, eh nandadamay pa ng ibang tao. sana higupin na lang nila lahat yung usok, wala nang bugahan diba.

(ok, papatayin na ko ng mga smokers, now na)

ktnxbye

April 2, 2010 at 8:38 AM
gege said...

woi!!!
haha!
HINDI NAPO.
ahaha!

nako... swerte talaga si GF!
(penge piso...)

oi!
anung kapansin pansin sa mga post ko?
haha!

na curios ako dun!

April 3, 2010 at 5:14 PM
Renz said...

nice..
love na love talaga si GF :)

April 4, 2010 at 12:09 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz