BUHAY NA NAMAN AKO!!!!!
Akala niyo patay na ako dahil sa sipon at ubo? hehehe di ako basta basta namamatay...joke... teka buwan na pala ng mga puso ah... ang bilis naman.. di pa ako nakaka ipon eh... anyway anu ba ang pwedeng maikwento sa inyo? Wala naman kasi akong ginawa kundi humilata sa kama at lumamon ng lumamon.. hehehe
Pero sige magbabalik tanaw na lang muna ako kasi up to now di pa rin ako maka get over sa ganda ng sunset sa manila bay hehehe tapos ang tweet tweet pa kasi katabi ko si gerlpren with matching holding hands(keso!!!) Teka bakit nga ba ako napadpad ng manila bay eh taga rizal ako... kasi ganito yun....
May field trip si gerlpren sa FORT Santiago that day at sabi niya pwede daw mag sama ng outsider kaya ayun sige sama naman ako kaso mas nauna siya pumunta doon at yun ang problema ko HINDI AKO MARUNONG PUMUNTA SA MANILA!!!!
Lumaki kasi na puro bahay at eskwelahan(weh?) lang ang alam ko at nung panahong iyon eh sa Pasay ako nag aaral(airlink aviation school) kaya wala akong alam sa manila... pero sige exciting yun kasi panibagong experience...
Sumakay ako nun ng bus at akala ko malapit lang yun mula sa bahay namin pero di ko akalaing 2 at kalhating oras akong nag byahe(whew!)... at nang makarating ako eh hapon na kaya sa may intamuros na kami nag kita at naglakad lakad kami ng gf ko papuntang fort santiago at syempre PDA to the max si gf... ako naman si parang ewan... kinikilig ng sobra(ang baduy ko ah)
Pero di ko akalaing makikita at makakatitigan ko ang past este ex ni gf... hmmmm medyo di ako mapakali kasi ewan... bukod sa parang lalamon ng buhay kung makatingin si ex niya sa amin 2 eh parang na aangasan talaga ako... pero sabi ni gf deadmahin ko na lang daw...
Lakad lakad lang kami hanggang mapadpad kami sa luneta at doon ko na nasaksihan ang ganda ng sunset.. naku di ko nga maipaliwanag eh basta hang ganda ganda(kasi kasama ko si gf) hehehe PERO HINDI LANG SI GF KO ANG KASAMA NAMIN PATI DIN ANG BARKADA NIYA(magaganda din sila hehehehe)
Naging masaya ako that day talaga at thankful ako sa gf ko kasi wala siyang sawang ipush yung confidence ko.... kaya nga love ko yun eh... Natapos ang araw ko ng magkatabi kami sa jeep habang tulog siya sa balikat ko...
"Advance Happy Valentine's Day honey"
I Love You so Much
I Love You so Much
*P.S
kamakailan lang pinakilala ako ni gf sa tita niya kasama yung pinsan niya na si weng.. Mukhang unti unti na akong nakakapasok sa angkan niya ah hehehe galing naman...
12 comments:
ganda nga ng Manila Bay sunset...
February 1, 2010 at 9:32 PMang sweet naman ng gurlpren mo...
aww kakamis ang manila! advance hapi hearts day! Have fun with your honey :)
February 1, 2010 at 11:37 PMkuya saul!! yu ar bak na!haha:)) nakita kitang onlayn sa pesbuk at nagkoment ka pa sa post ko...nyahaha...wala lang...eniweys, buti naman at nagbalik ka na kuya, musta naman,magaling na ba yu?haha... ang ganda naman ng sanset sa manila bey. makapunta nga dyan minsan.haha. ang swit nyo naman ni ate mitch...yihee!swak na swak sa buwan ng lab... ayun. God Bless. =)
February 2, 2010 at 7:59 AMparekoy gaano ba kalake ang balikat mo at nakatulog sya jan? lolzz
February 2, 2010 at 10:01 AMHappy Valentines sa inyo pre
ako rin gusto kong mapanuod ang sunset..huhuhu kainggit..
February 2, 2010 at 12:37 PMiba talaga ang dating ng magandang sunset sa khit na sinong lovers.
February 2, 2010 at 2:03 PMandami mo namang nilibre sa mcdo!!! hahaha.
at goodluck sa pagpasok sa kanilang angkan!
haha ang sweet naman!
February 7, 2010 at 8:19 PMgalingan mo pa parekoy para in no time, part ka ng kanilang family ^_^
@glampinoy
February 8, 2010 at 8:37 AMuy salamat sa pag dalaw dito... hehehe uo nga eh next time punta ako ulit dun ... sana nga lang kasama ko ulit si gf ko hehehe
@ayu
sis ayus lang yun.. di naman ako nanniwala na ikaw talaga yun... tsaka immune na ako sa mga issue aba anak ng jueteng eh parang 5th time na yun na nangyari sa akin eh hehehe kaya sisiw na sa akin yun at kahit murahi pa ako di ako papalag kasi bad yun yaw ko ibaba level ko sa kanya heheheh
@roanne
February 8, 2010 at 8:39 AMuu nga ate eh teka naka alis ka na ba ng pinas? di kasi ako nakakadalaw sa kahit kaninong blog lately eh busy kasi super...
@batanggala
oy ganda! may ka date ka ba sa feb14? ahahaha adik mag aral ka muna ah... upakan kita pag bagsak at absent ka ulit ahahaha
@Cm
February 8, 2010 at 8:40 AMparekoy malaki balikat ko... kasya ka pa ahahahaha
@jaid
bakit? di ka pa ba nakakapunta ng baywalk? hehehe next time sama ka namin... hehehehe
@parekoy kosa
February 8, 2010 at 8:40 AMnakapasok na ako ahahahaha
uuyy! napadaan lang ulit, grabeh ang ganda pala ng "Sunset sa Manila bay no? Inshaallah if we have time makita namen ang sunset sa M bay, he!he! More power to ur coooooooool blog!
February 9, 2010 at 8:51 PMka blog, i add u to my yahoo. tnx!
Post a Comment