"Ang tao parang kahoy..kahit balutan mo ng kahit anung kolorete,pinturahan mo man yan at pakinisin mo ng liha...di mo maitatago ang tunay na saloobin nito..darating ang panahon susuko yan sa anay,rurupok,mabubulok,at tuluyang mawawala...gaya ko...lahat tayo may hangganan dito sa mundo."
"Magsuot ka man ng napaka daming maskara, punuin mo man ang mukha mo ng make up o itago mo ang iyong mukha sa likod ng sombrero... di mo pa rin mapepeke ang tunay mong nadarama... lilitaw at lilitaw ang katotohanan dahil magawa man nating mag sinungaling at sabihing okay tayo pero ang mga mata natin ay mananatiling totoo"
"Minsan hindi gamot ang kailangan ng isang may sakit.... kadalasan nag hahanap lang sila ng importansya na nanggagaling sa kanilang minamahal... Iparamdam natin na sila'y importante din bago mahuli pa ang lahat... Mahirap mag bigay importansya sa minamahal natin kung sila'y nakabaon sa ilalim ng lupa"
"Mahirap mamatay dahil sa isang sakit pero mas mahirap kung buhay ka nga pero unti unti kang pinapatay ng puso mong ang tangin kasalanan ay ang mahalin ka"
*Love you honey

10 comments:
masyado namang malungkot at seryoso yung post mo kuya..pero tama ka dun sa lahat,except lang dun sa una,hehehe kasi may mga kahoy na kahit kailangan di rurupok at masisira except kung itak o chainsaw ang gagamitin..Ü
August 7, 2009 at 8:05 PMparang sa tao din, lahat man tayo darating sa point na manghihina tayo pero may mga taong hinding hindi sumusuko..manghihina lang at hihinto pansamantala pero di susuko..Ü
grabeh naman gf u? tama nga parang proposal lang naman sagot jan..hehe! ang bilis ko naman mag isip nho? hehe!anyways, chocolate, flowers and ring..yeah pwede.. infareness..
August 7, 2009 at 8:08 PMshit dude, napapa "OO nga" ako sa bawat linya na binabasa ko..
August 7, 2009 at 8:45 PMsobrang tama ka dyan, ang galing.
shocks kuya! hahaha.. ang seryoso mu masyado ah! haha.. astig!
August 7, 2009 at 9:03 PMMay menu sa baba ng header ko pre, hanapin mo ung EMAIL na word, diretso sa yahoo ko yun...email lang, asahan mong kung kaya ko gagawin ko para sa kaibigan...
August 7, 2009 at 9:38 PMmay mga pagkakataon na mahina talaga ang tao.. nasa saatin nalang yun kung hahayaan nalang ba nating lamunin tayo ng kahinaan na yun o tatayo ulit tayo.. may iba na suko na pero may iba naman na sige parin..
August 8, 2009 at 9:29 PMang masaya lang, yung mga kahoy ay puno dati at wala siyang kamalay malay na sa pananaw ng nakakakita sakanila ay importatmnte sila.. katulad ng mga tao, di natin alam na kahit papano ay may napapasaya tayo.. hihihi... naks! seryoso.. :)
totoo yan minsan ang lungkot na nararamdaman natin naitatago ng ating mga ngiti.
August 9, 2009 at 2:16 AMnice post parekoy krisna
mahirap maging masaya...
August 9, 2009 at 9:02 PMtama kailangan ipakita ang pagmamahal habang nabubuhay pa at ipadama ito ngayon na sa ating minamahal...habang di pa huli ang lahat...
August 9, 2009 at 10:56 PMnga pala na reciv ko cmment mo and yep may ym me na add na kita...if you have problems...just buzz me lang...ready to help you sa abot ng aking makakaya...
ang galing ng pagkakabuo ng ideya...seryoso pero malaman...at naramdaman ko ang poste na ito
August 10, 2009 at 12:49 PMPost a Comment