Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula sa post ko na ito... wala naman talaga akong balak mag post dahil di pa ako okay sadyang may nangyari sa akin kanina na sa tingin ko ikakabago na ng buhay ko... or whats left sa sira sirang buhay ko...
Sa last post ko natuwa ako sa mga taong nag comment at nag pakita ng pag aalala sa akin... kung iisipin natin hindi naman tayo magkakakilala personally pero somehow aminin ko man o hindi naging parte kayo ng buhay ko... Nung una akong pumasok sa blog 16 months ago hindi ko inakala na makakahanap ako ng mga taong makakaintindi or nag ta-try intindihin yung mga baluktot kong paniniwala sa buhay, pero naging masaya ako talaga for having all of you... Mga anak kayo ng jueteng wag kayong tatawa sa post na ito... pakiusap pakibasa ng mabuti...
Sa buong buhay ko madami ng dumating at lahat sila nag paalam din. Ultimo nanay ko at dalawang kapatid ko ay iniwan ako at pinag pamigayan sa ibang tao. "Bakit?" yan ang lagi kong tanong sa sarili ko... madalas na iinggit ako sa mga taong may kasama sa buhay, may nasasabihan ng mga problema... unlike me tangin blog lang ang napag sasabihan ko ng mga hinanakit ko sa buhay.. may mga pagkakataon na lagi akong nag iisa at minsan masaya na ako sa ganun pero sa di inaasahang pag kakataon ang munti kong puso ay biglang nangarap na may makasama. Lumipas ang ilang panahon at nakita ko na siya... i'm sure kilala niyo siya dahil ilang pung beses ko ng na itatapal ang maganda niyang mukha sa mga post ko...
Okay naman kami... madalas masaya at nagkukulitan tulad ng mga ordinaryong couple...
Minsan may tampuhan minsan naman masaya kami... Pero siguro nag tataka kayo kung saan papunta ang post na ito... actually hindi ko nga alam... sobrang nalulungkot lang talaga ako now. Gusto ko lang may makinig sa akin kaya ako nag sulat.
Minsan nangarap ako sa salitang habang buhay... kasi pag ako nag sabi nun pinaninindigan ko.... Pero sadyang malupit ang mundo... may mga bagay na kahit anong gawin mong hawak sa isang tao at kahit anong gawin mo.... sooner or later mawawala din yung nararamdaman niya sa iyo... yun ang sad part sa laro ng buhay....
"Masarap ang pakiramdam kung mapatawad mo ang isang tao ng dahil sa pagmamahal, di ko lang alam kung anong pakiramdam kung sa susunod na pagpapatawad ay ang nakaraang pagkakamali NA NAMAN ang dahilan...masarap pa rin kaya?" sabi yan ni Lord Cm sa akin last time... Hindi ko alam kung anu ang meron at tinamaan ako sa comment niya... siguro nakakarelate lang ako sa sinabi niya...
Hindi ako yung matatawag niyong ideal guy... madami din akong mali sa buhay at madaming baluktot na pag uugali... pero ..... haaay parang di ko na kayang ituloy ito....
Sa mga sumabaybay sa blog ko... salamat... salamt dahil dahil sa inyo nailabas ko ang mga nararamdaman ko... salamat talaga....
at para sa iyo(kilala mo kung sino ka)
I'm so sorry if hindi ako naging knight in shining armor mo, sorry if naging pasaway ako, sorry if selfish ako(sabi mo nga selfish ako)... gusto ko lang malaman mo na sobrang sa iyo ko pinaikot ang mundo ko.... ikaw ang unang taong iniisip ko sa pag gising at sa pag pikit ng mata ko ikaw pa rin ang laman ng utak ko.... hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko now that your gone... 3 days ago lang okay pa tayo at masaya pero look at me now.... basag ulit... sana wag mo akong iiwan kasi HINDI ko talaga kakayainin pag nawala ka... ikaw ang lahat sa akin... at ikakamatay ng puso ko pag nawala ka sa piling ko... mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko... wag mo akong iwan honey...
At para sa inyong lahat.... paalam na din... di ko lama if makakabalik pa ako dito sa blogsphere.... salamat sa lahat lalong lao na kay
- lord cm
- kosa
- 'lil sis dhianz
- marco
- ate deth
- ate yanah
- celine
- chikletz
- kryk
- aisa
- chase
- pau
- crayola este acrylique
- gello
- dolly
- jepoy
- kheed
- kissha
- sis kox
- ate niqabi
- mommy peach
- donna
- pajay
- purple
- reigun
- sis joni
- collen
- cayy
- sis jelai
- shen
- panda
- kuletz
- yza
- skyflakes
- hari ng sablay
- waleey
- superjaid
Ingat kayong lahat....
hon please stay....
i'm lost without you
23 comments:
haaay..di ko alam ang buong istorya, pero from what i have read, i have a glimpse of whats happening..i hope maging ok ang lahat at sana di kayo maghiwalay..
July 31, 2009 at 10:54 AMthings will fall back into its place when its really meant to be there in the first place..dont lose hope kuya, kaya mo yan, nandito kami para sayo..kahit di tayo magkakakilala personally..kaibigan at kuya ang turing ko sayo, sa inyong lahat..Ü
hihintayin ko ang pagbabalik mo kuya..Ü
nakakalungkot naman to pare,gustuhin ko man na wag kang umalis pero nasa sayo pa rin yan baka kailangan mo nga siguro ng panahon para mkapag-isip ng mabuti,pero umaasa parin akong bumalik ka sa tamang panahon,
July 31, 2009 at 11:47 AMparang nahawa ako parang gusto ko na din mag-emo,hehe hay... lilipas din yan bata kapa,marami pang pweding mangyari..
salamat din sayo smile tsong! :)
Pre, xensya na sa comment ko kung may naging epekto sayo...Hindi pa nangyari sa akin ang tulad ng naging sitwasyon mo kaya sinubukang kong ilagay ang sarili ko sa pinagdadaanan mo, at yun nga, ayan ang masasabi ko...
July 31, 2009 at 12:07 PMPero alam mo ba kung sa akin mangyari yun? di ko pa alam kung ano ang mga gagawin...Kung aasa ba ako sa sinasabi ng utak ko o ang ibinubulong ng puso ko...Mahirap din kasi magsalita kung wala ka sa sitwasyon..
Eto na lang pre, kung talagang mahal mo ipaglaban mo, wag kang susuko at walang goodbye, pero tandaan mo rin na ang lahat ng bagay may limitasyon, kung kinakailangang tumigil, tumigil ka, magpahinga at ipagpatuloy muli ang buhay, o kung maaari pa eh bagong buhay, bagong simula...
Walang kasalanan ang blog mo pre, naging sandalan mo pa nga ito nung araw na gusto mo maglabas ng sama ng loob..tuloy tuloy lang sana ang pagsusulat dahil marami naghihintay sayo sa blogsphere...
Eto na lang brod,
Wuaaaaa...Bat wala ako?1 Joke hehehe..Hayzz..Sana maging ok na ang lahat sa inyo, at sana mag-kaayos kayo. =D
July 31, 2009 at 2:13 PMSummer
A Writers Den
The Brown Mestizo
U can still write naman at hindi iiwan ang blogosphere... dahil sabi nga natin dito natin mailalabas ang totoong nararamdaman ng ating mga puso.
July 31, 2009 at 2:20 PMKornik man para sa iba at na-o-OA-han man sila... wag nang intindi dahil at least nailabas natin ang nararamdaman natin sa pamamagitan ng pagsusulat.
Parekoy, ingat ka palagi at ingatan ang iyong sarili!!!
God Bless!
PS
Sana'y sa iyong pagbalik ang makikita namin ang ngiti sa iyong mga labi... naks! may ganon pa enoh!!! heheheehe!
Alam kong kaylangan moh ngayon ng time para sa sarili moh.Pero parang mas maganda kung mag-stay ka lang sa blogsphere. Pra at leas may masasabihan ka ng mga prob mo.At makabawas man lang kmi sa sakit na nadarama moh.Alam koh kakayin moh yan, at sana maayos ang tungkol sa inyo ni ano..hehe lam moh na db.. ;D
July 31, 2009 at 4:35 PMSolo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
@suprjaid
July 31, 2009 at 6:17 PMwow ikaw ang unag nagcomment sa akin ah... thanks poh...hmmmm salamat sa magandang comment at payo mo sa akin...
@hari ng sablay
adik!!!! emo ka jan... di ako emo.... dramtic actor lang ako.... hmmm babalik din ako soon... ayusin ko muna buhay ko... thanks parekoy....
@lord cm
July 31, 2009 at 6:22 PMhmmm salamat sa napaka habang comment na punong puno ng payo.... actually okay naman ako(uy denial) mahirap pag madaming may ayaw sa relationship namin.... mahirap pag pinapipili siya kung ako ba or yung ....(secret) haaay
pero isa lang ang natutunan ko.... masarap mag mahal kaya kahit masakit ... gugustuhin ko pa din umibig... may point ba? parang wala eh...
Lord isa ka sa mga iniidolo ko dito at tinatratong kaibigan kaya nga bow ako sa iyo... thank you sa mga naitulong mo sa akin.... mula nung una up to now di ka nauubusan ng payo sa akin....
@summer
July 31, 2009 at 6:24 PMsalamat parekoy... xenxa na if di ka nakasama.... hehehehehe sorry.... bawi na lang ako sa susunod
@marco
don't worry parekoy... di ako mag reresign sa blogsphere... nag file lang ako ng vacation at sick leave.... i'll be back again...
haaaayyyy!!!!!! napaka hopeless romantic mo naman. bakit ngayon lang kita nakilala, at sa internet blogosphere pa. ahehehehehe! Mukha yatang bumata ulit ako. what can I do to make you stay? Payag ako maging girlfriend mo..... (yun nga lang, pwede mo na ring lola, nanay, tiyahin, at biyenan... magsesermon sa iyo, magkukwestyon sa iyo, etc., etc.) At sa inyong mga ususiro, di ko balak mangaliwa sa mister ko 'no. Sayang lang kasi talento nitong kumag na 'to. Magaling pa naman siyang sumulat.
July 31, 2009 at 7:44 PMSige na, change your mind na, please?????
aww.. sayang di man lang tayo nagkakilala ng lubos.
July 31, 2009 at 9:06 PMaw, anong ngyare? nakakalungkot. :( di ako nakapag o.l ng ilang araw tapos madami na ding umaalis? anu b yan kuya? wag nman, sana mag kaayos kau..
July 31, 2009 at 9:08 PMnaman oh! parang nung kelan lng, ang sweet nyo pa sa mga kwento mu, tpos biglang wala na.
waaaahh.. ipaglaban mu xa, pero kung wala na talaga. mag start ka uli ng bagong buhay, baka may ibang para sa inyo.. kuya.. :((
sabi nga nila, ang buhay eh parang kape... hindi kumpleto kung matamis lang... dapat may pait din!
July 31, 2009 at 10:40 PMok lang yan.. alam ko maayus din! kailangan nyo lang mag-isip pareho.
aabangan ko sa susunod na post mo ang pagbabalik ng dati mong sigla parekoy.
ingats
at
tumupad sa pangako.
pangako mo kay
pareng Amor
pareng LordCM
at sa akin?lols
alamunayun!
live
July 31, 2009 at 10:50 PMlove
blog!
be happy.....
it'll pass...
Oist Umayos ka!
August 1, 2009 at 2:40 AMAyokong isiping suicidal entry to. I will not encourage you to keep your hopes up kung merong break up na nangyari, but instead keep your faith up! I'm sure hindi ka papabayaan ni Papa Jesus.
Pag nag mahal ka mag tira ka para sa sarili kahit 10% lang tapos yung 90% yun ang ibigay mo.
Sana maging ok ang lahat sa iyo!
Keep blogging pre ;-D Hindi mo man kame nakikita pero nandito lang ang mga tropa mo sa speryo ok!
tahan na :-D
sana wag mo kaming iwan dito. ikaw na ang nagsabing blog mo ang tinakbuhan mo noong araw. at mga tao dito ang sumubok na intindihin ka. ngayon walang pinagbago sa sektor na un. matatakbuhan mo pa din ang blog mo at iintindihin ka pa din ng mga tao dito..
August 1, 2009 at 5:40 AMmamimiss ka namin.. nasa sayo yan saul.
sorry sa mga nangyayari ngayon. wag ka sanang mawawalan ng tiwala.
Kuya, hay, sana bumalik ka. Hihintayin ko 'yun. I really love your blog, cute at minsan nakakarelate ako. :D Hay..
August 1, 2009 at 9:43 AMIngat nalang po at God bless...
@Malejandria
August 1, 2009 at 5:51 PMhmmm ate nakakatouch naman yung mga sinabi mo sa akin...hehehehe uy di ako hopeless romantic.... siguro hopeless oo pero romantic hindi... hehehehe
thank you at salamat sa pag dalaw.... ingat ka ate, nanay, tiya, lola, at mommy
@elay
hmmm wag ka mag alala elay... babalik din ako at mukhang mapapabilis ang pag babalik ko.... hintayin mo lang ako
@sis kox
August 1, 2009 at 5:52 PMhmmm wag ka mag alala ma aayos ko din ito... sana lang pumayag siyang ipag laban ko at wag niya akong tuluyang talikuran.... haaaayyy
@parekoy kosa
August 1, 2009 at 5:54 PMalam ko yung ibig sabihin mo at di ko nakakalimutan yung pangako ko sa inyo dati... wag kang mag alala di na ako babalik sa pagiging suicidal kasi i know may pamilya pa ako sa blogsphere... at isa ka sa mga kapamilya at kapuso ko... naks ang sweet hahahahahaha taena walang iyakan parekoy... oh tissue.... singa ka muna at tumutulo na... hahahahaha
@jepoy
August 1, 2009 at 6:00 PMadik!!!! anung tahan na? anu ako bata? wahahahahaha tumutulo na nga pati sipon ko habang binabasa ko yung mga comment niyo eh.... taena jepoy di ko akalain na love mo pala ako... woooottt!!!! hehehehehe pero parekoy salamat sa pag aalala wag kang mag worry magiging ayus din ang lahat....salamat talaga parekoy
@sis chikletz
hmmm wag ka din mag worry sis... so far medyo okay na "yata" pero i still have to asses everything... babalik din ako baka bukas hehehehehe
hoy hoy. are you serious? wew. nk2lungkot naman un. em always reading ur post p naman. *sad
August 1, 2009 at 6:54 PMIs it final? well, ntry ko ndn mgstop s pgblo2g pero bumalik dn aq. sna ikaw dn. malay mo nli2to klng s ngaun. well be waiting for you. ingat ka. goodluck ^_^ daan knlng ulit s blog ko pg ngbago isip mo. hehe
kaibigan,.. haizzzz... yung music na dying young sa blog mo ay talaga namang tinusok ang puso ko habang nagbabasa ng post mo....
August 1, 2009 at 7:31 PMpagsubok lang yan.. sabi nga ni Lord CM, bahagi ng Dapit Hapon... maging matatag ka sana kaibigan (oh diba? libreng plugging para kay kuya CM..hehehe).. yung mga problems sa relationship, pag nalampasan niyo yun, mas lalong magiging strong ang relationship niyo.. nakakasawa kapag paulit ulit nalang ang dahilan pero sabi nga sa favorite passage ko sa bible,
Question: How many times should I forgive my brother, husband or wife that had sinned?
Answer:I do not say to you, up to seven times, but up to seventy times seven”
this is from the story of Hosea and Gomer..
msakit.. alam ko... nakakabwisit pa nga kasi paulit ulit.. di ka naman bato.. pero kasi, pagnagmahal ka, kasama na yun.. package deal ika nga..
sana wag kang huminto sa pagbblog kaibigan... :)
Post a Comment