7/18/09


What if ito na yung last day mo na mabubuhay ka…. Sino ang gusto mong makasama? Kanino ka hihingi ng kapatawaran? Ano ang gagawin mo sa last 24 hours ng buhay mo? Try to visualize this thing and try to put yourself sa lugar ng libo-libong tao na bilang na ang mga araw nila dito sa mundo. Nakakatakot ‘di ba? Habang binabasa mo ano ang naiisip mo? Imagine that we only have 24 hours para mabuhay anu-ano yung mga gusto mong gawin? I’m sure madami kang gusto gawin, madami kang taong gusting makasama at madami kang dapat ihingi ng tawad sa mga nasaktan mo…. Naisip ko lang itong isulat dahil sa pesteng pelikukang “If Only”.
Parang hindi ko yata alam ang una kong gagawin if I only have a day to live… siguro hihingi muna ako ng tawad sa mga magulang ko sa lahat ng mga sakit ng ulo na naidulot ko sa kanila at mag papasalamat na din ako sa lahat ng mga ginawa nila sa akin… and about my mom… hahanapin ko siya at patatawarin ko na siya sa lahat ng pains na naibigay niya sa akin tapos yayakapin ko siya… gusto naman na kahit sa huling pag kakataon masabi ko sa mga magulang ko na mahal ko sila. Gusto maksama lahat ng mga kaibigan ko at mag spend ako ng kahit ilang oras with them, gusto ko mag pasalamat sa lahat ng mga ginawa nilang pag uunawa sa akin, sa walang kasawa-sawang pag bibigay ng payo sa akin, sa pag bibigay ng love at hope sa akin whenever I’m down. Siguro mag load ako ng madami sa cellphone ko at tatawagan ko lahat ng mga kaibigan ko pati na din sa mga kaaway ko para humingi ako ng sorry and hopefully mapatawad nila ako. Lastly, I wanna spend my remaining days ditto sa mundo with my girlfriend, I want to tell her how happy I am for having her as my girl, mag papasalamat ako sa kanya for teaching me to trust again… for teaching me how to love again. I wanna tell her na because of her nag bago ako… I’m not the saul I used to be… dati hindi mo ako makikitang tumatawa or kahit ngumiti man lang pero ever since I met her biglang nagbago lahat, gusto ko siyang yakapin ng matagal just for her to feel my heart beating for her… She’s the answer sa lahat ng mga tanong ko sa buhay…
Masyado yatang malakas ang imagination ko kasi tumutulo na ang luha ko habang sinusulat ko ito… I really don’t know what’s happening to me kung bakit ako nag kakaganito… Dati-dati wala akong paki alam sa buhay… at para sa mga hindi nakaka alam 9 times na akong nag try mag pakamatay(4 na laslas, 2 overdose ng gamot, at 3 times na pinag sabay ko yung pag lalaslas at pag inom ng isang boteng sleeping pills) and yet I’m still here. I don’t value my life before pero hindi ko talaga alam if anong nangyari at bigla akong nagkakaganito. Siguro dahil nga sa pesteng movie nay un kaya ako nag kakaganito.
Madami pa akong gusting gawin before my 24 hour deadline ends pero siguro enough na yung makahingi ako ng tawad, makasama yung mga minamahal ko sa buhay at makasama ko ang girlfriend ko ‘till my last breath.
Ikaw? Ano gagawin mo if you only have 24 hours to live? Will you say sorry sa mga naka away mo, will you hug your family? Will you spend your remaining hours with your special someone? Kung iisipin natin parang masyado natin nababalewala ang bawat araw na dumadaan sa atin… madalas sinasabi natin na “ bukas na lang ako makikipag bati… or bukas ko na lang gagawin yun” pero what if wala ng bukas na dumating sa iyo… what if last day mo na ito? Ipagpapaliban mo pa ba yung pag sasabi ng mahal mo siya, ipagpapabukas mo pa ba yung pag tawag sa magulang mo at hihingi ka ng tawad, hihintayin mo pa ba yung bukas para lang maparamdam mo sa mahal mo how much you love them?
Sa tingin ko lang we should live our lives na para bang wala ng bukas… tulad ng post ko dati… hindi natin hawak ang oras natin… pwedeng ito na nga yung last day natin so I suggest that you stop wasting your time and start spending time with your loved ones, start saying sorry’s sa lahat ng mga naka away mo at start expressing your love sa mga taong importante sa iyo…. Time is running out…

16 comments:

Superjaid said...

after reading this, parang gusto kong magwala, umiyak, magtatatalon, at sumugod papuntang qatar, pangasinan at san mateo to tell my loved ones how much i loved them..haaay..kapag bilang na ang oras ko, i will gather my friends, family and my blanco para makapagkwentuhan at sabay sabay kaming kakain for the last time..yayakapin ko sila isa isa at sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin to them..i will thank them, apologize to them and hug them again..

July 18, 2009 at 5:00 PM
saul krisna said...

@ sis superjaid
naks naman mukhang madaming makaka miss sa iyo pag nawala ka... pero dahil isa kang bloggera... di ka agad mamamatay dahil masasamang damo tayu... joke lang... haaaaayyyy...
sino si blanco?

July 18, 2009 at 5:05 PM
Superjaid said...

haha Ü sabagay matagal tagal pa nga yun,ahihihi uhm,sino si blanco?uhm..secret kuya!Ü joke!sya ung nagkamaling mahalin ako,haha ^_^

July 18, 2009 at 5:39 PM
Anonymous said...

natatakot tuloy ako. :(( huhu.
anu ba yan?! ganyan pa naman ako, laging "bukas na lang" hayyy..

July 18, 2009 at 6:46 PM
pau : ) said...

ako mtutuwa p pag nangyre un..
para la n pronlema db?

July 18, 2009 at 6:53 PM
RaYe said...

hmmnn. kakainin ko lahat ng gusto ko..
ipagluluto ko lahat ng taong mahal ko (read: family)..

higit sa lahat, magpaparamdam ako dun sa mga nakaaway ko.. ehehe

July 18, 2009 at 9:58 PM
Joel said...

24 hours? kulang sakin to parekoi. pwede bang mga 25 hours? hehe

hindi ko talaga alam kung pano ko mapagkakasya ang mga gusto kong gawin in that small period of time, balak ko pa kasing mag artista eh hehe..

pero honestly, kung gusto kong maihingi lahat ng tawad ang mga kasalanan ko sa mga taong nakasamaan ko ng loob, talagang kulang ang isang araw, kaya tama ka siguro na dapat ngayon pa lang ay gawin na natin ang dapat nating gawain.. napanuod ko din yang pelikulang yan, masyadong malungkot ang ending..

July 19, 2009 at 12:18 AM
Hari ng sablay said...

kung ako 24 hrs nalang ang itatagal sa mundo, tatambay ako sa kalye, mag-aabang ng mamahaling sasakyan at pag natipuhan sabay lipat ng daan,magpapa-sagasa ako,haha

o dba libre na ang burol at may iiwan pakong pamanang kayamanan sa mga magulang ko,lols

July 19, 2009 at 12:30 AM
cyndirellaz said...

hi!!!

siguro kung ako ay may 24 hrs to live na lang, eto ang mga gagawin ko:
-magsasabi na ako ng totoo, pati yung mga kasinungalingan ko dati, siguro magso sorry na din sa lahat ng nagawa kong masama, magsosorry sa mga taong alam kong nasaktan ko

-gusto ko din makasama lahat ng mahal ko sa buhay

-mag la last post d2 sa blog! ehehe!!!

-and i would spread more love here on earth! charing!! ^__^

July 19, 2009 at 1:26 AM
Patz said...

ganda naman po ng post niyo. :D Nakakatouch yung part na gusto niyo pong makasama girlfriend niyo, talagang mahal na mahal niyo po siya.

:D

July 19, 2009 at 11:33 AM
saul krisna said...

@ superjaid
hahaha si blanco pala si bf galing naman... may bf na si buso.... aba takte ka mag aral ka muna... hahahahahaha

@kox
hala wag ganun sis... dapat wag ipag pa bukas ang mga gagawin mo....

@pau
naku pau wag ka ganyan.... masarap magkaproblema... hehehehe

July 19, 2009 at 4:50 PM
ACRYLIQUE said...

Hmm. kung mamatay ako now na? Kakain ako. kakainin ko lahat ng bawal sa akin. haha

July 19, 2009 at 5:29 PM
R&R Wedding said...

ako una kong gagawin
-30mins hihingi ako ng tawad sa mga kasalanan ko kay lord

-30mins tatanggapin ko sa sarili ko na mamamatay na ko

-10hrs iipunin ko lahat ng barkada ko
at magyayaya ako na mag inuman at sasabihin ko saknila na walang iyakan after 24hrs

-10hrs sa family ko . . . . sa starcity kami pupunta sasakyan ko lahat ng rides para ma try ko naman kasi takot talaga q sa mga rides pero sana sa pag sakay q di ako mapaaga sa pagpanaw hehehe

-2hrs akong mag dodota

-1hr akong magppray hanggang malagutan ng hininga ^^

July 19, 2009 at 7:40 PM
eMPi said...

kiss ko lahat ng taong gusto kong ikiss... hahahaha!

July 20, 2009 at 7:39 AM
Anonymous said...

magdadasal ako at magpapasalamat sa lahat. hihingi din ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko.

tapos...magpaparty with all my friends and the people i love. spend my remaining minutes with them diba..

July 20, 2009 at 12:33 PM
icesee said...

Sa totoo ang hirap sagutin niyan. Hmm. Kaya naniniwala talaga ako sa kasabihang "Live this day as if it the last." Malaman mo mang mamamatay ka na bukas, wala kang pagsisisi dahil ginawa mo ang tama. :D

July 20, 2009 at 7:42 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz