7/21/09


Haaaay bukas na ang kaarawan ko pero bakit parang ganun? Parang 'di ako excited? Ahh ewan I just hope maging maganda ang araw ko bukas... Habang nag papaikot-ikot ako dito sa blogsphere at nag iisip kung ano ba ang magandang maisulat bigla ko na lang na alala yung isang taon nakalipas... ano ba ang nangyari sa akin? Ano ba ang mga kapalpalakan na nagawa ko na ikinabago ng buhay ko? Ano ba yung mga bagay o tao na nagpaligaya sa akin?

Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon biglang pumasok sa maliit na kokote ko yung mga unforgettable moments ng buhay ko at maniwala kayo oh hindi walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung mga taong namatay sa harap ko... 'di naman ako weird, sadyang laman lang ako ng kalsada at natsatsambahan ko lang makakita ng mga taong namamatay sa harap ko mismo...

Tulad na lang nung last time kong sinundo ang butihing girlfriend ko, na aksidente ako along with 7 other people sa isang banggaan ng jeep at truck... at guess what kung ano ang una kong nakita pag baba ng jeep? Isang buntis na duguan ang tumambad sa akin... patay na siya at hindi na nagawang isalba yung buhay niya... gustuhin ko mang huwag siyang tignan pero di ko magawa ... para bang natulala ako sa itsura niya... sa tingin ko mga 23 to 28 years old lang siya at parang bagong kasal lang. Habang pinag mamasdan ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin bigla akong napaisip sa mga taong naiwan niya? Naisip ko yung sanggol niya na hindi man lang nasinagan ng araw o nakaramdam ng yakap ng kanyang mga magulang, naisip ko din if niyakap ba niya ang asawa niya bago siya umalis ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto bigla na lang akong nagulat ng may sumigaw na lalaki sa likod ko...

"Mary bakit ka tumawid? Bakit mo ako iniwan? Bakit!!!!! Hindi ko man lang nasabi sa iyo kung gaano kita ka mahal"

Sa pag kakadinig ko sa kanya, may alitan pala sila ng asawa niya at bigla na lang tumawid ang babae dahil sa inis sa lalaki.

Ang bilis ng buhay... Sabi nung lalaki 'di man lang niya na sabi na mahal na mahal niya yung babaeng nakahandusay sa harap ko... Bakit parang madalas binabalewala natin ang mga importanteng tao sa buhay natin... Bakit laging kailangan pang mawala sila bago natin ma-appreciate ang worth nila...

"Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo" yan ang sabi nila at sang ayon ako dito, bakit kapag wala na sila tsaka natin sila iniiyakan, tsaka tayo mag so-sorry, tsaka natin sasabihin na MAHAL natin sila? Hindi ba pwedeng sabihin ito habang kasama pa natin sila? Hindi ba pwedeng iparamdam natin kung gaano sila kahalaga at kung gaano natin sila ka mahal habang katabi pa natin sila at nakakausap?

Pero sadyang ganyan ang buhay, kung kelan wala na sila at di na natin makakausap tsaka natin maiisip iparamdam na importante sila.
Ikaw, ano pa ang hinihintay mo at nakaupo ka pa dyan sa harap ng monitor.... mag text,tumawag o sumulat ka na sa mahal mo at sabihing importante at mahal mo sila bago pa mahuli ang lahat...



*Bakit ba ganito ang post ko? Aba malay ko? Wala akong maisip eh... hahahahaha



14 comments:

RaYe said...

una sa lahat, advance hapi burpday... ehehe

now, kawawa naman yung buntis...
babies are blessings...
mga away talaga...

moral lesson:
wag mag-aaway sa kalsada para walang mangyaring biglang tawid...
(ganyan kasi nangyari sa unang bf kong namatay e...)

July 21, 2009 at 2:14 PM
Deth said...

kinilabutan ako sa post na yun ah...haaayyy wala naman kase makakapagsabi kung kelan tayo mawawala kay dapat parati nating ipakita sa mahal natin na mahal natin sila, pero di naman ganun kadali yun eh...

at dahil birthday mo bukas, kakantahan kita...
happy birthday bukas
happy birthday bukas
happy birthday, happy birthday
happy birthday...BUUUUKAAAASSSS!

lol!

July 21, 2009 at 2:43 PM
Hari ng sablay said...

wala ako load eh pashare muna ng matext ko mga mahal ko,hehe

hapi bday pre,tumanda kana nnman ng isang taon,haha

July 21, 2009 at 3:04 PM
eMPi said...

tsk tsk tsk...

anyway, hapi birthday sayo...:)

July 21, 2009 at 3:11 PM
Anonymous said...

happy birthday saul!

kapraning naman post mo ngaun. kawawa naman ung buntis. kawawa naman ung magiging anak nya. hayy..

ambilis lang talaga ng buhay ng tao.

July 21, 2009 at 3:44 PM
2ngaw said...

May handaan ba dito bukas? lolzzz

Happy Birthday pre :)

July 21, 2009 at 5:33 PM
saul krisna said...

@rwetha
anu kamo? namatay si ex mo dahil tumawid? haaaay wawa

@deth
uy ate gaganda ng mga kuha mong pictures ahh... naks salamat sa kanta... hehehehe sana may gift ka kahit chocnut

@hari ng tambay este sablay pala
hoy di tumatanda ang mga masasamang damo... hehehehe... na iintriga ako sa last post mo bout sa anak mo este di pala natuloy... bakit anu nangyari?

@marco
gift ko? nasaan na? bakit wala pa? hahahahaha

@sis chikletz
mabilis talaga ang buhay kaya dapat ibigay mo na yung gift ko... hehehehehe

@Lord CM
hmmmm pag iisipan ko if mag hahanda ako dito... wala naman handaan ... lalabas lang kami ni gf at pupunta ng luneta park... di pa ako nakakpunta doon eh

July 21, 2009 at 5:50 PM
Kosa said...

marami pang satsat!

tagay naaaa!

happy birthday parekoy!

July 21, 2009 at 10:29 PM
Jepoy said...

Maligayang kaarawan Saul wag kang mananawa sa pag blog-bloghop isa ka kasi sa tatlong mambabasa ng Pluma ni Jepoy lol...

I really like the message ng entry mo na'to parang gusto kong itxt ang mga mahal sa buhay at mag sabi ng ayabyu kaso lang naputulan ako ng line I so hate globe! :-D

Teka parang naging entry ko na'to. Happy Burthdey ulit at napakatragic naman nung accident experience mo baka ako pag ganun hindi na ko ulit mag byahe...

God Bless

July 21, 2009 at 11:32 PM
Niqabi said...

OO nga! Ewan ko nga ba bakit kelangan pa mawala ang isang tao bago natin makita ang worth nila?.. kakakilabot kwento mo kuya parang nangyayari lang sa telenovela.

ay wala akong gift sayo e kantahan na lang kita..

sana helwa yagamil
sana helwa yagamil
sana helwa sana helwa
sana helwa yagamil..

wish you all the best.. :)

July 22, 2009 at 4:01 AM
Anonymous said...

Ganun talaga, may mga taong hinahayaan lang lumipas ang panahon na ikakaregret nila.

LIve life and enjoy, life is short. God bless

HAPPY BIRTHDAY Dude!

July 22, 2009 at 8:38 AM
Unknown said...

Nagtatanong kapa kung bkit ganyan ang post moh? Eh ikaw ang pumili nyan hahaha.. Tama ka dun, dapat habang katabi lang natin sila sa pagtulog at sa araw araw na pamumuhay eh bigyan na natin sila ng halaga. At iparamdam kung gaano natin sila kamahal.;D Nice post friend. ;D
Happy birthday. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

July 22, 2009 at 3:20 PM
Anonymous said...

hapi bertdey!!!! hehehe.. :) ingats lage :)

kawawa man sila pero siguro ayun ung paraan ni bro para kunin ung buhay nya. baka may dahilan, lhat ng bagay may dahilan. :))

July 22, 2009 at 7:00 PM

kakatakot naman pic ng post. anyway, tara, kumain ka na lng ng maraming karne at seafood. sarap kaya. check out my food blog... http://finelifeonabudget.weebly.com/blog.html

July 29, 2009 at 11:00 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz