7/30/09


Ayun sa WAKAS at nakapag Blog na din after 3 days sa hospital at another 3 days na pahinga sa kama kong punong puno ng memories(ayan na naman kayo huh... mga utak niyo! ! !) Pero mabalik ako sa kwento ko, dahil wala akong maisip na topic para sa pagbabalik ko dahil nalunod ang katawan ko sa ilang bag ng dextrose ikukwento ko na lang kung bakit ako muntik ng makipag appointment kay kamatayan.

Ganito yun....

Nung Saturday ng hapon may isang pangyayari na ikinasama ng loob ko sa isang tao dahil sa isang rason na di ko pwedeng sabihin dito (basta secret!!!) At dahil sa ginawa niya para bang umiikot bigla ang paningin ko at nag chill ako agad... at parang pag iniikot ko ang mga mata ko eh nasusuka ako dahil sa hilo. Isinugod ako ng butihin tatay ko sa pagamutan at doon napag alaman kung ano ba talaga ang nangyari sa akin....

LOW BLOOD daw ako dahil sa sobrang depression at medyo slight nervous breakdown. Habang pinag papraktisan ako ng ilang nag o-OJT sa hospital at nagtatalo kung sira ba yung gamit nilang thermometer o sadyang mga mangmang lang sila....

Nurse 1: "uy bakit ganun? Parang sira yung thermometer natin?"
Nurse 2: "Bakit ano problema?
Nurse 1: "Eh kasi yung paseyente natin parang di na tumutibok ang heart niya"
Nurse 2: "Tignan ko nga! Hmmmm ou nga noh? Ano gagawin natin baka mamatay sya eh 1st day pa lang ng duty ko dito sa Hospital"
Doctor: "Oh ano yang pinag tatalunan niyo?
Nurse 2: "Sir parang may sira yung thermometer natin"
Doctor: "akin na nga yan! Anak kayo ng tokwa! Mamamatay na pasyente niyo, di niyo pa ako tinawag aba'y 90/30 na ang BP niya!!!!

Kaya ayun ang mga mokong na mga nurse pinagtalunan pa kung sira ang gamit nila pero sa totoo lang sila ang may mga sira(hehehehe). Sa totoo lang aside sa pagka hilo at pag susuka parang ayus naman ako at di ko man lang namalayan na muntik na akong pumirma sa kasunduan ni kamatayan... Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? Hmmm siguro next time ko na lang sasabihin pag ready na ako...

Kaya pala before my birthday may ilang post ako tungkol sa kamatayan
... hala! Nagpaparamdam yata si kamatayan sa akin kaya ako nag sulat ng mga ganun... Anyway okay na ako now at kailangan magpahinga daw ako... in short ang gagawin ko lang for the next 1 week ay Matulog, kumain, mag basa ng mga books, at sabi wag ko daw kakalimutan yung kisspirin at yakapsule at least every other day daw(Naks naman!!!) O pano ako'y mag take na ng yakap sule at kisspirin ko now.... ingat kayo at salamat sa mga dumalaw nung nawala ako....

P.S

hindi para sa mga bloggers ito... hehehehe

Corinthians 13:4-7:

Love is patient and kind.

Love is not jealous or boastful or proud or rude.

It does not demand its own way.

It is not irritable, and it keeps no record of being wronged.

It does not rejoice about injustice but rejoices whenever the truth wins out.

Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance.


Love is patient and kind daw kaya maghihintay ako hanggang maging okay na ang lahat

Love is Love is not jealous or boastful or proud or rude daw kaya nga minsan lang ako magselos(aba tao din ako at nagseselos din,pero never akong naging boastful

It is not irritable, and it keeps no record of being wronged... hmmmm minsan guilty ako sa part na ito... I forgive but sometimes it's so hard to forget

It does not rejoice about injustice but rejoices whenever the truth wins out... i'm sure alam mo where do I stand kaya whatever happens di talaga ako papayag dun

Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance.... that's why di ako susuko or susukuan sa atin dalaw... patuloy pa rin akong mangangarap na magiging okay na ang lahat.

Basta I want you to know na okay na ako and I already forgiven you.... I love you so much... Alam mo naman na UNCONDITIONAL YUNG TYPE NG LOVE KO FOR YOU... LOVE me or HATE me ... still I will continue to love you

11 comments:

Hari ng sablay said...

mabuti naman at ok kana pare, yung mga nars na may sira kung magaganda sila hayaan mo na, pero kung hindi sila msyadong nabiyayaan sana sinermon mo,haha biro lang ang sama eh noh,

July 30, 2009 at 12:26 PM
2ngaw said...

Buti naman pre at okey ka na, baka nasobrahan ka lang sa ano...kaya ka na low blood lolzz

Masarap ang pakiramdam kung mapatawad mo ang isang tao ng dahil sa pagmamahal, di ko lang alam kung anong pakiramdam kung sa susunod na pagpapatawad ay ang nakaraang pagkakamali NA NAMAN ang dahilan...masarap pa rin kaya?

July 30, 2009 at 2:06 PM

buti at ok na ikaw ngayon...hirap magkasakit at maospital ha..magastos din yan...

wow!ang sweet mo naman sa pinakamamahal mo! kahit inaasar mo sya dahil sa ilong nya... ^_^

July 30, 2009 at 2:22 PM
Joni Rei said...

wooah. nadaig mo ko. low blood din kasi ako. dhil s sobrang pgpu2yat. inaabot lng ng 60/100 yung bp ko. hindi umaabot s gnyan. thank God okay k na. ingat lagi. ^_^

July 30, 2009 at 3:19 PM
Kosa said...

happy birthday!
kelan ba yun?
taena.. huli man ang late.. late pa rin..hehe

bakit anu ba ang nangyari? sobrang dami mong mga sikreto.. ilabas na yan! lalo kang puputok at mai-stress nyan!

basta ang Love eh may kanya kanya tayung interpretasyon nyan.. Pero ang tunay daw na definition ng Love eh, katangahan... NAGMAMAHAL TAYO NG WALANG ANU MANG DAHILAN AT RASON.

July 30, 2009 at 3:46 PM
RaYe said...

awts.. alagaan ang sarili.. :D

July 30, 2009 at 4:06 PM
patola said...

wahahaha.. nakakatawa naman yung mga nurse.. hihihi.. kabado siguro kaya ganun.. hayaan mo nalang.. at least buhay ka pa... yehey!!!! weee.... hehehehe...

and you are so sweet.. grabe... parang love is in the air... wehehehehe.. keep safe huh? mahirap na magkasakit... :)

July 30, 2009 at 10:05 PM
eMPi said...

sana ok ka na bro... ingats!

July 31, 2009 at 7:47 AM
Superjaid said...

pahinga ka ng mabuti kuya,ung mga nurse hayaan mo na lang, ganun talaga kapag first time,kabado..Ü hehe uhm,low blood din ako, pero di pa naman ako nakaranas ng ganyan..ibang sakit nakakapagospital sa akin eh,haha

anyway..tama sila, masarap sa pakiramdam kapag nagpatawad ka at wala ka ng dinadalang mabigat, matutong magpatawad para di pumangit agad..hahaha Ü

July 31, 2009 at 8:03 AM
saul krisna said...

@hari ng sablay
hahaha maganda naman sila kaso parang mga super kabado.... muntik na akong mamatay sa magagandang kamay nila... hehehehe

July 31, 2009 at 8:54 AM
Anonymous said...

aw. ang late ko na ata mag comment,,, :( pero mabuti nman at ok kn! hinay hinay sa yakapsule at kisspirin kuya saul, baka ma over! hahaha :) dapat binato mu ng unan ung mga nag o-ojt! haha

July 31, 2009 at 8:59 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz