Nung isang araw may nag regalo sa akin ng 7 polo shirt na iba't iba ang kulay... at dahil dun ako'y natuwa at dali dali akong nag punta sa kwarto ko at sinukat ang pink na damit at nang maipasok ko na yung ulo ko sa damit at nung inilapat ko yung damit ko sa katawan ko..... ANAK NG JUETENG naman oh!!!! 'Di kasya sa akin!!! Takte di ko malaman kung may sira ba yun o sadyang tumataba na naman ako. Nag mukha akong suman na kikay dahil kulay pink.
Dahil sa sama ng loob ko dahil minsan na nga lang may mag regalo sa akin at MINSAN na lang ako mag karoon ng bagong damit ito pa ang mapapala ko(huhuhuhu). Nag punta ako sa banyo namin para tignan sa salamin yung katawan ko... peste!!! kahit sa salamin namin di na mag kasya katawan ko...ganun na ba ako kataba?(sabay tingin sa katawan ko)... Hmm okay okay medyo mataba nga ako at di ko ipag kakaila na may abs ako, yun nga lang pahalang ang itsura... parang 3 french bread na itinapal sa tiyan ko.
'Di naman talaga ako matakaw sadyang mabilis lang akong tumaba, 3 beses lang akong kumakain kada araw...
Almusal:
- Kadalasan 20 pan de sal ang kinakain ko at kalhating bote ng peanut butter or isang latang sardinas(yung pula at dapat LIGO sardines para malasa)
- Mga 3 basong juice
- Dahil dalawa lang kami ng tatay ko sa bahay konti lang ang sinasaing kong bigas... usually 3 gatang lang ang niluluto ko...(yung 1/2 na gatang ng bigas sa tatay ko at yung 2 and a half sa akin)
- Mga kalhating kilo ng karne ang usually niluluto ko para tipid(Takte mahal na ang karne dito, 180 per kilo na!!!)
So far tatlong araw na akong nagda-diet at parang pinapatay ko lang ang sarili ko dahil di na ako nakakakain ng mga paborito kong pag kain tulad ng Adobo(yung maraming mantika), Kare-Kare(yung saksakan ng creamy yung sauce), mga tsokolate. Sabi din ng gf ko dapat kumain daw ako ng gulay... di kasi ako kumakain nun dahil di yun tatanggapin ng systema ko at mag kakasakit ako(joke lang). Pero pwera biro, kumakain naman akong gulay ah... at naisip kong gumawa ng list ng mga gulay na kinakain ko:
- Patatas
- Potatoes
- French Fries(dapat Mcdo)
- Potato Chips
- Hash Browns
- Mashed Potatoes
- Mojos(sa shakeys)
17 comments:
Nyahahaha...Ganun ba! Pero tama ang butihin mong gf. Pati sa kapatid koh yun ang dati nyang ginagwa. Yun bang pagkatapos mag 6 pm di na kakain ng kanin..=D Kya moh yan..hehehe Alang alang sa iyong kaarawan.=D
July 16, 2009 at 2:31 PMWala yan sa akin dati... sinabihan kasi ako ng ex ko na "sebong naglalakad". Kaya hayun dalawang buwan payat na uli ako.
July 16, 2009 at 2:35 PMSecret sa pagpapayat. Daanin sa tubig ang bawat pagkain. Basta tandaan small serving lang lagi pero dapat bawat subo inom ng tubig para busog agad. Wag gutumin ang sarili kaya pag gutom subukang kumain ng konti saka daanin sa tubig. Then ang pinakamahalaga exercise.
Effective yan sa akin, sana sa iyo rin
Ingat
Drake
Wuehehe..Uiy mag-diet kana nga. Ang ganda ng gf moh, tas ikaw nagpapakataba ka?! Mahiya k nman! Peace out! ;D Sabagay yung kay Drake ok din, try moh lang para sayo rin nman yan. Mahirap ang mazadong tumataba. May atake yan friend..;D Diet ka with exercise.;D Good luck. Happy birthday.
July 16, 2009 at 2:58 PM@summer
July 16, 2009 at 5:17 PMparang ang hirap di kumain ng rice... hahahhha pero kayang kaya yan
@drake
ayun oh bagong dalaw sa blog ko... heheheheh hello pareng drake... nice nme ah.... dalaw ka ulit add kita mya
@solo
pasaway ang gf ko... gustong gusto yung chubby ako..... para daw unan na may kasamang kama...
try mo gumamit ng chopstick kapag kumakain ka ng kanin...
July 16, 2009 at 5:25 PMbasta try mo...ewan ko lang, ahahaha
@deth
July 16, 2009 at 5:38 PMchopsticks? tatamarin talaga akong kumain nun... hahahahaha
natawa ako sa Listahan mo ng guLay. haha . yung kpatid ko super taba dati. tas ang sLim na ngayon. gumigising siya ng 5am araw araw para magbasketbaLL . try mo rin. haha . kaso baka busy ka . kaya after 6 diet na Lang paLa. nvm. haha.
July 16, 2009 at 6:50 PMhmnn.. after6 na diet, effective daw yun.
July 16, 2009 at 7:14 PMpero kung tipong madali kang magutom, try mo yung 6small meals.
every 2hours, kakaen ka pero 1/3 lang ng usual mong kain..
it goes well daw kung you're doing exercise.. :D
tama sila kuya saul,effective talaga ung 6 small meals at tama puro dapat tubig,inom ka ng 3baso ng tubig bago ka kumain para madali kang mabusog at di na matempt pa na kumaen pa..
July 16, 2009 at 8:27 PMgo,go,go fight kuya saul!Ü para sayo din yan,para iwas sakit,lalo na sa high blood at heart disease..Ü
ahehe..hon..try mo un..malay mo effective,,hehe :p
July 16, 2009 at 9:21 PMi love you po..mas guz2 ko chubby..hehe
yung after 6 effective sya... :) tnry ng friend ko dati and nakita ko talaga yung results... ^^
July 16, 2009 at 9:50 PMhitting the gym will be good din for you... your muscles will be toned pa! :)
pero ok lang naman na di na magdiet... di naman important kung mataba man or payat... nasa kung anong klaseng tao ka lang yan... ^^
Change topic please lol...Guilty ako dyan
July 16, 2009 at 11:49 PMMasarap ang buhay kumain tayo ng kumain :-D Walang diet diet wag lang din sobrang dami yung tipong steady lang mga 3 galong ice cream, 5 mcwings, 3 french fries large mga ganun lang dapat ahahaha
effective ung after 6 diet..ako nun naglose from 52 kgs-43 kgs in a matter of 2 months dahil jan hehehe.
July 17, 2009 at 5:30 AMPero dapat yung rice half lang, and yeah wag ka papagutom, small frequent feeding will do.
At higit sa lahat, napatunayan ko effective talagang panlose ng weight ang break up hahaha akalain mo blessing in disguise pala yun? but that I don't recommend you.. :P
sinubukan ko after 6 diet dati kaya lang di ko kaya..haha..takaw e.
July 17, 2009 at 5:58 AMdisiplina lang yata talaga. kaya mo yan :)
hahha.. hindi ka pa matakaw nyan kuya saul ha?! hahaha.. :) after 6 cups! lols. tawa ko ng tawa d2.
July 17, 2009 at 7:55 AMwag na mag diet, diet diet pa.. masama yun! hahaha.. ako nga gusto ko tumaba eh, ayaw naman ng taba sken! :( kahit matakaw ako :((
halos lahat naman yata ng pagda diet eh nagiging effective...basta natutuloy tuloy...at isa pang payo...pag nagda diet ka wag mong sasabayan ng inum ng alcohol..hindi tumatalab,hehehe
July 17, 2009 at 8:01 PMnapadaan lang po at nag enjoy ako sa pagbabasa!
salamat sa tips guys. napadaan lang din ako. naghahanap ng solution sa problema ko.
April 1, 2017 at 9:55 AMsa lahat ng nabasa kong tips yung uminum ng 3 glass water bago kumain, I think yan ang kaya kong gawin at siguro hopefully sa tulong ng Ab Glider na kabibili ko lang sa Lazada hahaha babalik na ang dating mala-Daniel Padilla kong katawan. :D :D :D peace...
Post a Comment