7/7/09


Maaga akong gumising kanina para sunduin ang jowa ko sa skul nila para gumawa ng assignment niya at bantayan yung mokong na si "ALGEON"(kontrabida siya sa amin ng jowa ko), swimming class kasi ng jowa ko kaya naka swim suit siya... yung mokong na yun laging umeepal sa gf ko(sarap gilitan ng leeg). Takte!!! anak ng jueteng 12 pa pala ang uwian nila at.... at... at 8:25 pa lang ng umaga(excited) hahahahaha anyway habang nag lalakad lakad ako dito sa Marikina biglang kumalam ang sikmura ko.... di pa pala ako nag aalmusal.... habang nag hahanap ako ng makakainan dito sa palengke biglang may naamoy ang munti kong ilong.... takte ADOBO yun ah!!! Dali dali akong umupo at umorder ng isang Adobo at ng makasubo na ako bigla ko naalala yung dati kong niluto para sa jowa ko.... "adobo".

Maagang umuwi kasi ang jowa ko that day at mula 10 am 'till 5 pm nag kulitan lang kami(mga utak niyo huh... ayan na naman kayo!) Wala talaga akong maisip na madaling iluto kaya adobo na lang ang napag tripan kong iluto para sa kanya...(first time ko mag luto para sa isang gf)

Hinanda ko na yung mga sangkap at sinimulan ko na ang mala cooking show na pag luluto kasi katabi ko ang jowa ko.


Adobo Ingredients:

  • 1/2 kilong baboy cut into cubes(cubes at HINDI mala giniling sa liit ng hiwa)
  • 1 heas ng garlic(pang taboy sa mga aswang at pati gf ko lalayo pag di ako nag toothbrush after kumain ng garlic)
  • 1 toyo(datu puti huh.... yung nasa pouch para tipid)
  • 1/2 suka(hindi yung galing sa kilili huh.... di natural yun dapat datu puti din)
  • 2 cups ng water(mineral daw sabi ni gf)
  • 1 teaspoon ng paprika(anu yun?nakakain ba yun?)
  • 5 dahon ng laurel leaves
  • mantika
  • 2 tablespoon ng cornstarch(pang papalapot)
  • salt and pepper to taste(wow parang cooking show lang talaga ah)

Adobo Cooking Instructions:

  • In a big sauce pan, heat 2 tablespoons of oil then sauté(anu yung sauté?) the minced garlic and onions(teka parang di ko nalagyan ng onions yung ingridients ah, basta lagyan niyo na lang para masaya)

  • Ilagay ang pork sa pan. Add 2 cups of water, soy sauce, vinegar, paprika and the bay leaves. Pakuluin(iba ang pakuluin sa tuyuin!). Takpan for 30 minutes hanggang sa lumambot.Kaya habang pinakukuluan ko yung baboy balik ulit kami sa kama ni jowa at...... nagkwentuhan ulit(hmmm utak niyo ang dumi ah!)

  • Makalipas ang 30 minutes na pag aanuhan este pag lalambingan balik ulit ako sa kusina this time kasama na si gf... pag malambot na yung baboy ihiwalay yung natitirang sauce at buhusan ng mantika yung kawali at iprito ang baboy until maging brown...Alam niyo ba yung iprito? Iba ang iprito sa sunugin!

  • Ater ng ilang minutong pag iiwas sa mga talsik ng mantika ihalo na ang natitirang sauce sa baboy na naprito niyo at mag lagay ng cornstarch para medyo lumapot ang natitirang sauce.

  • Add salt and/or pepper para mas masarap... samahan na din ng isang mahigpit na yakap at sweet na halik ni jowa....

  • Pakuluin ulit hanggang lumapot na ang sauce... kaya habang hinihintay namin lumapot ang natitirang sauce balik sa lambingan kami ng gf ko... hahahahaha
  • Ihain kasama ng mainit na kanin at malamig na ice tea... yung nestea huh..


Kakain na sana kami ng biglang nakaramdam ng pagod si gf kaya ihiniga ko muna siya.... at ayun... nakatulog na siya ng hindi nakakain yung adobo ko.... so no choice kaya tinabihan ko na lang siya sa kama at......natulog kami...hahahahaha. Pagkagising niya kinain na din namin sa wakas yung niluto ko....

Haaaaay isa yun sa mga pinaka magagandang memories ko with her... takte ang tagal mag 12 huhuhuhu....

25 comments:

2ngaw said...

Hehehe :D Tagal ko na gusto subukan magluto ng adobo dahil yan ang pinakamadali kaso nahihiya pa ako sa mga kasama ko sa barracks :D ... baka kantyawan ako

July 7, 2009 at 10:04 AM
Deth said...

chicken adobo ang baon ko ngayon at dahil sa pic na pinost mo ayan nagugutom na ako...hehehe

July 7, 2009 at 10:14 AM
Jez said...

kami sa pampanga kulay puti ang adobo namin, walang toyo..masarap din yun...

hayyy..tagal ngang mag 12, nakakagutom

July 7, 2009 at 10:18 AM
Amorgatory said...

ay takteng adobo yan, eh kakagicing kow lang at nakta ko agad shets im sooo dedz hungry kapatid hahaha!!akow na gigilit sa leeg nun epal na sinu ba yun?hahahha

July 7, 2009 at 10:23 AM
Jules said...

Alam koh yun yung adobong puti na walang toyo..Nagluluto rin ang mama koh ng ganun hehehe. Nagutom tuloy ako sa post moh. Ayos ka tlga magkwento, nakakaaliw. Kumpleto rekado. Kelan koh kaya mababasa na magkasama na kayo ng gf moh sa iisang bubong? hahaha Mang-intriga ba..Hanggang sa susunod.=D

July 7, 2009 at 10:38 AM
eMPi said...

pengeng ulam... :)

July 7, 2009 at 10:54 AM
saul krisna said...

@pareng LORD

oh bakit ka nahihiya? tara kain na tayo.... sino ba kasama mo jan sa barracks?

@deth
hehehe takaw mo yata.... sino nag luto ng adobo mo?

@sis jez
teka adobo sa suka yata yung sinasabi mo eh... wow kapangpangan ka pala... sarap ka ba mag luto?

@amor
hahaha gigilitan mo na ba yung si mokong? teka bakit now ka lang nagising?

@summer
hahaha matagal pa yung sinasabi mo.... mga 5 years pa... pero parang kami na nga eh kasi araw araw siya sa house namin....

@marco
ulam? wala na ubos na... hahahaha nahuli ka ng hingi

July 7, 2009 at 11:09 AM

kaka-miss naman ang adobo... nagutom tuloy ako bigla!

kain na nga lang ko ng adobong mani... waaahhhh!!

July 7, 2009 at 12:55 PM
pau : ) said...

kua saul,,musta na? : )
tgal kong d nkpag net e..hehhehe
my sun n nga pla ako ulit.. e2 number ko.. 09223772590
ingatz kua.. : )
inadd nga pla ko ni gf mu s fs..
la lang.. share ko lang..: )

July 7, 2009 at 1:02 PM
Joel said...

nakapag luto na din ako ng adobo minsan, ngayon ang kinahihiligan kong lutuin ay sisig, mahilig kasi ako dun..

sa susunod kare kare naman ang ibigay mo sa aming instrcution uh.. nagutom talaga ako, takte kang saul ka hehehe

July 7, 2009 at 1:13 PM
RaYe said...

awts.. parang namiss ko yung ganung ulam.. puro gulay ngayon dito sa house e... lol..

July 7, 2009 at 2:16 PM
Joni Rei said...

wow. ahaha. talgang my free tutorial pa on how to cook adobe. este adobo.LOLs.

July 7, 2009 at 2:25 PM
Unknown said...

Wuwaaaaaaaaaaaa..Nagutom ako..hahaha
Penge nman. O baka nman para kay lovidu lang yan? hehehe

July 7, 2009 at 2:37 PM
Niqabi said...

pork adobo...waaaah nakalimutan ko na ata lasa ng pork! diet ako sa pork more than a year na kasi bawal rito.. namiss ko tuloy..lalo na inihaw yum yum..

July 7, 2009 at 5:33 PM
Reagan D said...

ay sarap naman niyan, peborit ko yang adobong piggy eh!

masarap yan lalo na pag tumagal na sa ref ng ilang araw at lalong sumasarap...kapit na kapit ang ingredients! yumm!

July 7, 2009 at 7:29 PM

..hi hon.. :P
..sarap ng niluto mong adobo walang wala ung niluto ko na white adobo na nging ordinary n lang n adobo dhil nsunog..hehe [well, its not my fault..clazm8 qu my ksalanan..hehe nanisi pa]

..the best na adobo na ntikman ko..mas mgling ka pa magluto xkin.. ilove you honey..hugz en kisses :*

July 7, 2009 at 8:07 PM
Superjaid said...

yum yum..adobo..never pa akong nagluto ng adobo..kaya masubukan ko ngang magluto tamad kasi akong gumalaw sa kusina kahit na hrm student ako..hahaha salamat sa recipe kuya saul..^__^

July 7, 2009 at 8:18 PM
Kosa said...

talagang may procedure pa ohhhh..
astig ka!

pero maiba tayo parekoy.. diko alam kung saan nanggagaling yung tugtog sa blog mo... nahihilo ako sa maingay eh..lols
peace:D

July 7, 2009 at 11:27 PM
Jepoy said...

Gusto ko rin ng adobo...

Sure ka natulog lang kayo ni GF?! tapos kumain ng adobo pag gising? Woi woi woi ang dumi ng isip mo hindi un ang point ng question ko. Ahahahaha

July 8, 2009 at 6:45 AM
Anonymous said...

nagugutom ako!!!!

sarap naman nyan..

July 8, 2009 at 9:15 AM
jhosel said...

kakagutom naman ng adobong yan! tsk tsk.

July 8, 2009 at 3:04 PM
Krisha said...

haha kuya marunong ka pala magluto.
im back to blogging, tapos na finally mga exams ko wohooo..

na miss kita ;)

July 9, 2009 at 7:36 AM
Hari ng sablay said...

kuya chef ka pala? hindi ako mahilig sa adobo pro ok na din pag walang ulam,haha

pero pinakagusto ko tlgang ulam eh yung luto ng Diyos,lols

July 9, 2009 at 3:37 PM
Jerick said...

ok yun ah. tanong lang, di ba pwedeng pampalapot din yung liver spread instead na cornstarch?

July 9, 2009 at 9:20 PM
Muffie Shannen said...

wahhh! yan lang ang ulam na alam kong lutuin!

July 12, 2009 at 12:13 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz