Habang nag mumuni ako kanina bigla akong napatingin sa kalendaryo… haaay dalawang taon na pala ang nakakalipas mula nung mangyari yung bagay na nakapag pabago sa paniniwala ko…
Nag tatrabaho ako that time sa Yellow Cab Pizza Co. sa Robinson Galleria nung panahon na nangyari yun, pang gabi ang pasok ko that time(1pm to 10pm ang duty ko)… Late na ako as usual kaya napag isipan kong mag G-Liner na lang papuntang trabaho… nung ako’y makasakay sa bus pumili ako agad sa may parting unahan kasi nakakahiya man aminin pero mahihiluhin talaga ako pag nakasakay ako sa de aircon na sasakyan(hahahaha) nakakahiya noh? Anyway mabalik tayo sa kwento ko, makalipas ang ilang minute may sumakay na isang Nursing student. Huwaw! Nakakatunaw siya sa ganda…pasintabi poh sa jowa ko…(Honey dati pa yun kaya wag na mag worry huh). Siya yung typical na nursing student, madaming dalang libro, may dalang parang tool box na puno ng mga benda at mga first aid kit at paying dahil mainit… Dahil wala akong jowa that time at likas na madaldal talaga ako… nilakasan ko ang loob ko at kinausap ko siya… “Mis anong oras na? Wala kasi akong orasan eh…” Bumenta sa kanya yung style ko ng pagtatanong kaya ayun dun na nag simula yung pag kukwentuhan namin…
Analyn Cruz ang pangalan niya at mabilis kaming nag kagaanan ng loob… kwentuhan doon… kwentuhan dito… Pauwi na daw siya that time kasi nag duty daw siya. Sa maiksing panahon madami na akong nalaman sa kanya… pati yung pangarap niya na makapunta sa ibang bansa para maiahon sa hirap ang pamilya niya… Saludo ako sa kanya… ang bata bata pa niya pero yun ka agad ang pangarap niya sa buhay… Makalipas ang ilang minuto at palitan ng mga numero ng cellphone nag paalam na siya kasi bababa na daw siya… Habang pababa, lumingon pa siyang muli para ngumiti at mag paalam… tumango ako at ngumiti din… “Ang ganda niya grabe….” Hindi natatapos yung sinabi ko ng bigla may marinig akong tunog na parang nadudurog na bagay… Ako’y lumingon at nakita ko yung katabi naming ng mixer ng semento na gumegewang… “flat yata” sabi ko sa sarili ko…
Pero laking gulat ko nung sinilip ko ng mabuti yung gulong ng truck…. Nakita ko yung payong ni Analyn… kasunod nun ay yung duguan na katawan niya… $%!+ !!! Nagulungan pala siya ng truck… after kong Makita siya or whats left of her bigla akong nasuka at biglang nanginig yung mga tuhod ko… Sa isang iglap nag laho siya na parang bula at kasabay nun ay yung pag asa ng pamilya niya na umahon sa hirap… Hanggang ngayon tandang tanda ko pa yung pangyayari na yun at mukhang din a siya ma aalis sa isip ko…
Ganun kabilis ang buhay… today okay ka pero hindi natin alam if hanggang kailan tayo magiging okay at mamamalagi dito sa mundo… Hindi natin alam if hanggang mamaya na lang tayo o magtatagal pa tayo para tuparin ang mga pangarap natin… Live your life as if it is your last day dito sa mundo… say I LOVE YOU sa much as you want, make them realize na mahal mo sila and be thankful kay God kasi buhay pa tayo…
*in memory of my seatmate sa bus Analyn
11 comments:
Kung sa akin din mangyari ang ganyan, di na maaalis sa isipan ko ung girl at saka ung pangyayare...
May 15, 2009 at 8:45 PMKaya bawat minuto enjoy na lang...
Ok na ba kayo ng GF mo pre?
OMG...shocks,siguro kung saken nangyari to hindi ako makakatulog ng matagal...waaaahhh...
May 15, 2009 at 9:31 PMhindi ka mo ba sya napapanaginipan?
haaay, korek ka dyan bro. walang nakakaalam kung kelan natin lilisanin ang mundo that's why we have to make the most out of it.
oo nga..life is so short.
May 15, 2009 at 9:37 PM*sigh
correct ka dyan parekoy!
May 15, 2009 at 9:54 PMkung oras mo oras mo na talaga.. di mapipigilan yun!
tulad ng lagi kong sinasabi at hinihiram na salita; MASAYA ANG MABUHAY KAYA; MABUHAY KA NG MASAYA!
haay, ako rin katatapos ko lang magsulat about sa brod kong namatay... may they rest in peace... :(
May 15, 2009 at 11:28 PMawts grabe kung ako un baka di ko kayanin.. hayy.. life is so short talaga.. may she rest in peace...
May 16, 2009 at 10:31 AM@ lord CM
May 16, 2009 at 11:00 AMhindi ko pa alam if talagang ayus na kami ng gf ko... naguguluhan pa din ako at super nawiwindang ako sa mga dahilan niya kung bakit niya nagawa yun... haaaay
@ DETH
3 times ko pa lang siya napapanaginipan sis... kaso kahit gising ako naiisip ko siya eh pati yung tunog ng mga butong nadudurog parang umaalingawngaw sa mga tenga ko up to now
@ batang nars
hmmmm musta na? buti at napadalaw ka dito... tama tama life is short talaga
@ KOSA
AYUN OHHH!!!!!! nabuhay ulit ang pinaka mabangis na manunulat sa mundo ng blogger... hahaha musta bro? ako medyo hindi maganda ang pakiramdam ko... mag kakasakit yata ako eh.
@ leaves of tarkong
yehey dinalaw ulit ako.... musta na? okay ka na ba? ahhh may itatanong nga pala ako sa iyo mya...
@ joie33
huwa!!! may bago akong bisita!!!! musta na? napadaan ako sa blog mo ah... ganda talaga...
omg! sigurado akong nightmare talaga yun kuya saul! grabe! grabe! grabe! sayang talaga yung mga pangarap niya para sa pamilya niya. :( nakakalungkot na nakakatrauma. hindi mo inaasahan, pero biglang mangyayari ang masasamang bagay.
May 16, 2009 at 11:35 AM@ CHASE
May 16, 2009 at 12:02 PMui sis napadalaw ka pala... hmmm talagang nakaka trauma yun... haaaay
ang sweet naman ng scenario nna yun
May 16, 2009 at 12:42 PMi never had a chance na makausap ang mga nakakatabi ko sa bus
thanks for sharing that and its nice to be here in your blog
have a great day and happy bloggin
naka2awa nman.. =( life is short live momentously. Cliche but true
May 25, 2009 at 6:26 PMPost a Comment