5/20/09

Maaga akong nagising kaninang umaga kasi dadalawin ko yung isa kong kinakapatid… medyo matagal tagal ko ng hindi nadadalaw yun kaya naisipang kong pasyalan siya sa bahay nila..

Tok Tok Tok!!!! Tao poh…

“Nandyan po ba si Mikah?” pasigaw kong sinabi sa nanay niyang may pag kabingi.

“Oh Saul, buti na lang at dumaan ka(hikbi hikbi hikbi)” sabi ng nanay niya.

“Bakit po? Ano pong nangyari?

“Si Mikah.. nag tanan kasama ang boyfriend niya” humahagulgol na sabi ng nanay ni Mikah

After ng ilang oras na pag papakalma sa nanay niya ako’y umuwi na at habang naglalakad ako… biglang pumasok sa utak ko… “What if kami ng jowa este gf ko ang mag tanan… mag kano kaya ang gagastusin ko?” Dahil hindi ako mapakali sa kakaisip kung mag kano ba talaga ang gagastusin napag desisyunan ko na pumunta sa kapit bahay kong mall na SM City Taytay(walking distance lang sa amin yung mall kasi eh)

Pag pasok ko(hmmm lamig) pumunta ako agad sa Abenson at iba’t ibang mga appliance center at ako ay nawindang sa mahal ng mga gamit… hahahahaha

Plantsa: 500(standard…(tatak standard… tibay standard)

2 Electricfan: 600/pc(Fukuda)

Refrigerator: 10,000

5 Plato, 5 Baso, 5 pares ng kutsara at tinidor, 3 Mangkok, mga Platito,at kung anu-ano pa: 650

1 Normal size na Cabinet: 450

Sala Set: 8,000

Dining Set: 4,000

Television: 6,500

Radio: 1,200

1 Queen Size bed w/ 4 Pillows at isang malaking Kumot: 9,500

Gas range at Tangke ng Gas: 500(double burner) + 1,250 (Tangke ng gas)

Toilettries: 200

Apartment: Base ito sa mga available apartments dito sa may amin…

4,000 monthly kaso dapat 2 months Deposit at 2 month Advance so that means: 16,000(grabe ang mahal)

Budget para sa pag kain for the next 6 months: 150/day x 30 days x 6 months:27,000

Kuryente for the next 6 months: ipag palagay natin na 600/ months x 6 = 3,600

Tubig for the next 6 months: 21 pesos/ cu meter... ang isang cu meter ay katumabas ng 5 drum: 504 pesos

TOTAL: tumataginting na 91,054... pinag palagay ko na 6 months kasi alangan naman na after a week lang eh tag hirap na kami agad... dyahe yun...

Grabe!!! Ayoko ng mag tanan or kahit mag asawa(joke lang)… hahahaha.Naku wag na lang... hintayin ko na lang yung right time... mag iipon muna ako tapos ... GO!!!!! joke lang...

19 comments:

Marlon Celso said...

Bakit ba naman kasi bigla kang nainggit sa tanan ng kinakapatid mo? hahaha, magandang ideya pala ang pagpunta sa isang appliance center kapag naiisipan mong magtanan. Biglang magbabago isip mo.

May 20, 2009 at 10:35 PM
EǝʞsuǝJ said...

ehehe...
natawa naman ako sa breakdown mo...
hehehe...
grabe..ang mahal na talaga ng bilihin sa Pinas
oh well, same lang din naman dito pero hindi masyadong ramdam...

eto lang ang tandaan mo...
"madaling mag-asawa, pero mahirap magtayo at magtaguyod ng isang pamilya"..:)

May 20, 2009 at 10:49 PM
anney said...

hehehe! Kaw talaga balak mo pang makigaya sa pagtatanan. Buti na lang nawindang ka sa mahal ng gastusin! ipon muna talaga ang kailangan.

May 20, 2009 at 11:08 PM
2ngaw said...

Kasi naman brod, ang pagtatanan hindi pinaplano...biglaang desisyon yan brod...

May 21, 2009 at 7:25 AM
eMPi said...

Bro, hindi na pagtatanan nyan... pag-aasawa na yan talaga... akalain mong nag-canvass ka pa talaga ng mga gamit ha... ayos! ipagpatuloy parekoy... mag-ipon muna bago mag-asawa... okie dokie?! hehehe

May 21, 2009 at 8:41 AM
Deth said...

ayus, dapat pala pag may nagyayaya ng tanan, dalhin kagad sa abensons...

May 21, 2009 at 11:25 AM

Kuya Saul! :D

Talagang kinuwenta mo ah. Hehe. Wag mo muna iisipin yan, naku... Kailangan talagang super magbanat ka ng buto para diyan.

May 21, 2009 at 11:34 AM
Unknown said...

ui..buti nalang..saved by the appliance center..

wag kana magtanan..mag-inuman nlang tayo para sa mga alalahanin sa buhay..

mas mura yun kesa sa magtanan..

May 21, 2009 at 4:02 PM
saul krisna said...

TO ALL:

HINDI ako mag tatanan... joke lang yun... napag tripan ko lang isulat yun dahil sa kinakapatid ko... hahahaha

May 21, 2009 at 7:27 PM
saul krisna said...

@ marlon

naku akala nga ng mga saleslady dun bibili talaga ako kasi may hawak pa akong calculator at papel/ballpen

@jenskee

hahaha aba may bago ata akong dalaw sa munti kong blog... salamat salamat... ganda ba ng break down ng mga bibilhin ko? hahahaha mahal talaga dito....

@ anney

di pa naman talaga ako mag tatanan eh hahahaha

@ pareng LORD

ui musta na? long time no visit ah... akala ko limot mo na si ako... ahuhuhuhuhu

@ Marco

hahaha ipon? naku puro ipon na nga lang inaatupad ko pero mabagsik talaga ang gastusin dito sa bahay... ako kasi ang haligi at ilaw ng tahanan namin eh...

@ Ate Deth

tama tama tama.... abenson ang pinaka maganda sa amin... hahaha

May 21, 2009 at 7:32 PM
saul krisna said...

@ ang pinaka cute kong kapatid CHASE

ano kamo? mag banat ng buto? naku kuba na nga ang kuya mo sa kaka trabaho eh...

@ vanvan

inuman? hahahaha good idea... saan? kelan? ako ang gunner....

May 21, 2009 at 7:33 PM
Dhianz said...

hahaha... natuwa naman akoh sau big bro... nawindang sa presyo... biglang ayaw na mag-asawa... yeah... wait His right time... at least nde kayo gano mahirapan laterz... okz? hwag ka ren magtanan kc baka makapag bigay pa kme nang gifts sa wedding nyoh.... naks! ingatz lagi... Godbless! -lil sis di

May 22, 2009 at 6:04 AM
Unknown said...

hahha....mahal talaga ngaun...minsan nga kahit madami na ipon ndi enough eh...tip lang...pwede rin naman unti-unti bili nga mga gamit before mag settle down...like for example this month...bili ng electric fan, next t.v...nakakatuwa un...lalo pag share kayo ng gf mo...talagang save kayo pra mabili isang appliances..try nio un...kmi ganun...first nabili namin sofa, next tv, ska dvd player...prang ganun..

May 22, 2009 at 9:05 AM
saul krisna said...

@ lil sis dhianz

hmmm nakaka windang talaga yung mga price sis... pero di naman talaga ako mag tatanan eh... bad yun kasi... tsaka panu na yung mga gifts na ibibigay ng mga ka blogs ko? hahahaha sis gusto ko ng home theater huh.. with BOSE speakers yung 5.1 huh... mga 48 thou lang yun... jike

@ khuletz316
hmmmm aba aba aba musta ka na sis? tagl mong nawala ah... na miss kita... bakit ngayon ka lang?

May 22, 2009 at 9:18 AM
Dhianz said...

hahaha... ayos... may advance request... 48 thou kamo... pag-ipunan naten yan... hehe... teka akoh na lang ata magtatanan... para nde na akoh magregalo sa inyo... wehehe...lolz... haha... natawa pa ren akoh ahh... ang lufet... 48 thou lang palah eh... tsk! lolz... puwedeng speakers na lang ibigay koh sau... kayo na lagn ni khizmet ang rest... lolz... yeah hwag magtanan... dapat wedding para may blessing ni Bro sa taas... okz... ingatz lagi bro.. ingatz kayo lagi ni ms. khizmet... Godbless! -di

May 22, 2009 at 2:24 PM
pau : ) said...

hahaha
adik.. ingetero nmn to.. nkrinig lang ng ngtanan nainggit k nmn.hehehe
mag ipon ka muna.. tska d mganda mkipagtanan noh..
mas mganda pag ksal kau at pinyagan kau ng mgulang nio..

May 23, 2009 at 9:30 AM
saul krisna said...

@ pau

hahaha di ako adik.... praning lang

May 23, 2009 at 10:13 AM
krykie said...

ahahah :D

kaya ayaw ko mag tanan ehh.

magastos LoL Ü

saka maayos naman buhay bakit guguluhin.

:D

true love waits!

'naman :DD

May 23, 2009 at 9:59 PM
Niqabi said...

hahaha kuletz pala netong saul na to...natawa talaga ako..

teka teka add mo pa 999 internet bill para sa pagbablog at internet addiction.. ay di pa pala kasama jan bill ng telepono!

June 7, 2009 at 5:26 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz