5/10/09


Last night habang bumibili ako ng gamot sa Mercury Drug sa may amin nakasalubong ko ang mga batchmates ko nung high school… laking gulat ko nung makita ko sila kasi it’s been quite a while na since I last saw them… The last time I saw them was nung umaakyat ako ng entablado para kunin yung diploma ko at yung kaisa isang medal ko (super loyalty award) hahahaha mula kasi pre school up to 4th year high school sa TUMCS ako nag aral…

Anyway nung nakita ko sila binate naman nila ako pero kakaiba na sila… may mga putting buhok na ang ilan sa kanila at may mga wrinkles na(signs of old age)hahaha… As usual umulan ng kamustahan, batian at asaran… Somehow na miss ko sila… Biglang tinanong ako nung isang classmate ko if may asawa na daw ako… sabi ko WALA pa at nagtawanan silang lahat…. “Teka anong masama if wala pa akong asawa”… What the heck I’m just 25 at maaga pa for me yung mga ganung bagay… Lahat kasi sila ay may mga asawa at anak na… Hmmm ano ba problema nila sa buhay at pati ba naman yung pag aasawa ko ay pinakikialaman nila..

Makalipas ang ilang siopao, mami at malamig na sofdrinks nag paalam na ako sa kanila, habang nag lalakad ako pauwi hindi ma alis alis yung sinabi nung mokong kong kaklase… “bakit ‘di ka pa nag aasawa?” Bakit nga ba? Dahil ba hindi pa ako ready sa commitment? Dahil ba takot pa ako? Dahil ba masyadong maaga pa para mag asawa ako?

Actually maaga akong namulat sa kahirapan, nakita kong madalas nag aaway ang mga magulang ko dahil sa pera at sa kung anu-anong bagay… Kaya siguro medyo may takot pa ako… Don’t get me wrong ‘di ako takot mag asawa… takot akong danasin ng magiging pamilya ko yung dinanas kong hirap sa buhay… Ayokong mararanasan nilang matutulog ng walang laman ang sikmura nila, ayokong danasin nila yung isang kahig isang tuka, ayokong maghirap sila… Yun ang dahilan ko.

þ Gusto ko pag mag aasawa na ako may sariling House and Lot na ako kahit walang kotse basta may bahay. Mahirap kasing mag apartment.

þ Gusto ko may maipundar akong hanap buhay kahit maliit lang basta meron. Para naman may pag kukunan kami na pang gastos sa pang araw-araw.

þ Gusto ko may permanente na akong work mahirap kasi pag hindi ako regular sa trabaho tapos mag aasawa ako… Hirap kasi ditto sa pinas dahil uso now yung contractual lang pero buti na lang ako at Provi na ako sa pinag tatrabahuhan ko.

þ Gusto ko makapag tapos ako ng pag aaral ko(kahit na medyo matanda na ako para mag college ulit). Hirap kasi pag wala akong diploma pero pwede na din yung diploma na gawa sa recto. Hahahaha.

Madaling mag asawa pero mahirap maging asawa… Hindi biro for me ang pag aasawa… dapat pinag paplanuhan yun ng matagal… sabi nga ng tatay ko

“hindi nakakabusog ang pag ibig…” Mag aasawa din ako pero not now… siguro 5 to 6 years from now at pag 21 na ang gf ko…. Sabi niya sa akin yun… Huwaw!!! Naka sched na ang kasal naming ng jowa ko este girlfriend pala… Pwede pa bang maging flower girl si “dhi”? or ring bearer si “kosa”? hahahaha

13 comments:

soberfruitcake said...

hndi nga biro.pag isipan mong mbuti. tama nman ksi ang tatay mo. hndi nga nkakabusog ang pag ibig. kaya wag padalos2.hehe

May 10, 2009 at 5:26 PM

Alam mo bilib talaga ako sa'yo. Ikaw yung taong may paninindigan sa buhay at napakaselfless mo. Gusto mo unahin yung ibang tao kesa sarili mo. Tama ka talaga! :)

Alam mo, nasa right age ka na para mag-asawa pero yung mahal mo, masyado pang maaga. Dapat nga makapagtapos muna siya ng pag-aaral at ikaw din.

Saludo ako sa'yo! Tingin ko, magiging isang mabuti kang haligi ng iyong tahanan.

May 10, 2009 at 8:07 PM
2ngaw said...

Minsan ang buhay di kelangan planuhin, mas maganda ang nagiging resulta kapag nangyari ito ng biglaan...

Wag mo na ako tanungin kung bakit, gagawan ko ng entry yan pag may time ako

May 10, 2009 at 9:33 PM
cyndirellaz said...

tama, wag tutulad sa akin, hahaha! hirap ng kalagayan ng may asawa lalo na kung napaka immature pa ng asawa mo. at isa pa dapat hindi lang isa ang foundation nito, dapat pareho niyong paghihirapan yun, dapat mutual...

May 10, 2009 at 10:00 PM
eMPi said...

ang pag-aasawa ay hindi tulad ng kanin na pwedeng iluwa kung napaso... hindi ako ang nagsabi nyan ha... sabi lang nila yon. hehehe!

hindi biro ang mag-asawa lalo na sa panahon ngayon... kung marami ka nang pera... oo pwede ka nang mag-asawa pero kung wala kang pera o naipundar... wag mo nang ituloy ang balak mo... kawawa ang mga kids... :)

May 11, 2009 at 9:33 AM
Dhianz said...
This comment has been removed by the author. May 11, 2009 at 12:09 PM
Dhianz said...

Madaling mag asawa pero mahirap maging asawa… --->tumpak!

nde naman minamadali yan... at kapag nag-asawa ka nah iba na ang priorities moh sa buhay... family moh nah.. enjoy moh muna ang single life... gawin moh ang mga bagay na gusto mong gawin.... puntahan moh ang mga places na gusto mong puntahan.... well... once 'ur married eh limited na ang puwede mong gawin...

people always have somethin' to say... pero ang desisyon eh nasa sau... kung gusto mong mag-asawa nah eh dahil desisyon moh 'un.. nde dahil sinabi nilah... or na-pressure kah cuz lahat nang nasa paligid nyoh eh ayon ang ginagawa...

yeah gandang goals yan... awa ni God magawa moh before u settle down... enjoy nyo lang khizmet for now ang single life...

teka akoh bah yang dhi dyan? akoh bah 'ung flower girl? har har har...kakatawa naman... wehe...

ingatz lagi kayo nang mahal moh. Godbless! -di

May 11, 2009 at 12:10 PM
saul krisna said...

@ sober fruitcake

hahaha hindi pa ako mag aasawa ate

@ Chaze

huwaw bilib ang sis ko sa akin ahhh... thanks poh sis

@ Lord..

hmmm parang may ibig sabihin ka sa commento mo mi amigo ah... anyway ako kasi yung taong lahat pinaplano at naka schedule lahat... masira lang ang isa lagi akong may back up plan... ewan pero nakuha ko yata yun sa kaka panuod ng mga spy movies... basta ginagalang ko yung punto mo lord... iba iba lang talaga ang tao..

@ cynderrelaz

teka asawa? hahahaha parang now ko lang nalaman na may asawa ka na ahhh.... akala ko jowa mo pa lang siya... God bless sa inyong dalawa

@ marco

wow... galing galing naman ng sinabi mo.... tama tama... mag ipon muna bago mag asawa diba diba diba?

@ sa pinaka cute kong kapatid sa blog DHIANZ(as if naman na nakita na kita hahahaha)

hmmm di pa ako mag aasawa sis.... naisip ko lang yung bagay na yun kahapon eh.....

yup yup yup
kaw ang flower girl namin if magkatuluyan kami...


PARA SA LAHAT!!!!!

HINDI PA AKO MAG AASAWA!!!!

AYAW KO PAH!!!!!

WALA PA AKONG GAANONG IPON!!!!

WAG MUNA !!!!

May 11, 2009 at 6:23 PM
pau : ) said...

wow pareho tau ng gs2..
auko din mag-aswa hnggt d p kme handa.. kc gnun dn nging dhilan ng mga mgulang ko kya cla nghwalay e..

dhil s pera..un nga lang hnd dhil s kulang kme s pera.. nghiwly cla kc nainsecure ung tatay ko kc mas mlaking pera ung pinapasok ng nanay ko s bhy nmen.. hay.. mga lalake tlga.. pride lagi ang pinapairal..

May 11, 2009 at 10:05 PM
Kosa said...

ako gusto ko na din ang mag-asawa pero wala pa akong nabibiling mapapangasawa...lols

sabi kase nila, masmaganda yung bibili ka ng sarili mo para sayung-sayu..lols

sige p[arekoy.. apiiiiiir ako sa ga punto mo... astig!

May 11, 2009 at 10:40 PM
Amorgatory said...

take ur time bro, enjoy being single with gf lols..dadating lang ung time na magiging ready dn tayowng lahat di lang kaw , mahal ang gatas mahal na ang kuryente, tubig bigas, damit pagkain , etc lol..

May 12, 2009 at 5:07 PM
Hari ng sablay said...

halos mgkasing edad lang tayo,gusto ko na din mgasawa kaso walang aasawanin saka wala pang kayamanan, naiisip ko dn kasi tumatanda na tayo,aykong pgdating ng panahon e uugud ugod nako magdedebut pa lang ang anak ko.

May 12, 2009 at 5:29 PM
saul krisna said...

PAU

hmmm wawa tyo noh... laging pera ang pinag mumulan ng away ng mga magulang natin... tsk tsk tsk

KOSA

parekoy may ibebenta ako sa iyong asawa... hahahahaha joke... tanda na natin noh? teka mas matanda nga pala ako sa iyo ng isang taon diba? teen ager pa tayo diba? twenteen five palang ako hahahahaha

AMOR

tama tama tama ka amor... apiiiiir tayo!!!!! mahal talaga ang bilihin.;.... mahal mag asawa...

at HARI NG SABLAY

hmmmmm tinamaan ako sa sinabi mo ahhh.... napaisip akong bigla.... tanda na pala natin... haaaay... gusto ko pag nag kaanak ako maging kabarkada ko siya at hindi mag mistulang lolo ang dating

May 12, 2009 at 6:49 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz