5/13/09

.. Wala daw akong kwenta. .kaya sinabi ko ang lahat ng galit ko sa kanila… mga hinanakit ko sa mga ginagawa nila sa akin… yung mga bagay na sinasabi nila sa akin na akala nila na hindi ako nasasaktan. .na nag seselos ako sa mga kapatid ko dahil they are giving them more attention at pag mamahal na kahit kailan ‘di ko naramdaman sa kanila. . hinihintay ko na nga lang na sabihin nila na ampon ako dahil ‘di pantay yung pag trato nila sa akin”

Ito sinabi ng girlfriend ko sa akin kanina nung tinanong ko kung bakit parang problemado siya palagi… And to be honest medyo na iinis ako sa mga magulang niya o kahit sinong magulang na hindi patas ang pag trato sa mga anak nila... Hindi ba pwedeng parehas ang pag trato nila sa mga anak nila? Hindi ba pwedeng iwasan yung salitang “favoritism”

Hindi ko alam if ano ang estado mo sa pamilya mo right now… maaaring ikaw ang favorite or baka ikaw naman yung laging di pinapansin. Actually naguguluhan ako sa mga ganung magulang… Oo nga at sabi nila hindi daw maiiwasan yung pag kakaroon ng paboritong anak pero hindi ba naisip ng mga magulang na minsan parang sobra na yung binibigay na attention at pag mamahal sa paborito niya at panu naman yung iba pa niyang anak?

Tinanong ko ang girlfriend ko kung bakit ba ganun ang trato ng mga magulang niya sa kanya… at ito ang sinabi daw ng nanay niya sa kanya nung tinanong niya kung bakit sila ganun… “inexplain niya kung bakit ganun sila sa kakambal ko.. dahil daw nung first 2 years ng kakambal ko ay ‘di sa amin siya limaki, kaya daw ngayon nila pinupunan yung pag kukulang nila…”

Nung mabasa ko ang dahilan daw ng magulang niya bigla na naman nag isip ang munti kong utak.. EH ano if hindi sa kanila lumaki ang anak nila… kasalanan ba ng gf ko if ganun ang nangyari sa kakambal niya? Fault ng mga magulang yun… Oo nga at kailangan nilang mag make up para sa mga pag kukulang nila dun sa kakambal ng gf ko pero sana naman wag naman balewalain yung isa. Mabuti if matinong anak yung kakambal niya eh the last time I heard ay nag lahong parang bula yung tao after niya makuha yung pang tuition niya and guess what…. Inubos niya lang yung pera tapos todo sila sa pag hahanap dun sa anak nilang sira ang tuktok… Bigla ko lang na alala yung sinabi ng gf ko before… sabi daw ng nanay niya na pag ang gf ko ang nawala pababayaan na lang daw nila ito at ‘di hahanapin… ANAK NG TINAPA!!!! Sagot ba yun ng matinong ina at kahit biro yun… hindi yun nakakatawa.

Parang unfair ‘di ba? I’m sure hindi lang ang girlfriend ko ang nakakadanas ng ganitong treatment ng mga magulang… I myself ay napag daanan ko na ito… siguro ikaw din. Hindi ko lang talaga makuha ang punto ng mga ganung magulang. Bakit nila kailangan mag karoon ng paborito eh lahat naman ng anak ay galing kay GOD. Hindi pa ako isang magulang pero kahit kalian hindi ako mag kaka paborito.

Ikaw paborito ka ba ng magulang mo?

8 comments:

eMPi said...

yon ang problema ng ibang magulang... hindi nila napapansin na may nasasaktan na pala... at minsan naman hindi nila maiintindihan kung bakit ang anak nila nagiging salbahe dahil na rin sa pakikitungo ng mga magulang sa mga ito... dapat nga naman pantay pantay ang pagtingin nila sa bawat anak nila para magiging maayos ang lahat.

May 13, 2009 at 3:53 PM
Deth said...

mahirap talaga ang mapunta sa ganyang sitwason...may mga kaibigan din ako na ganyan, pero napansin ko lang...yung mga anak na di paborito,usually sila yung mas nagiging independent at mas kayang mgdala ng buhay nila...so i think you should tell your gf to be strong and look at the brighter side of it...

May 13, 2009 at 4:02 PM

Nakakaasar naman yung mga ganoong magulang. Sa totoo lang, may point yung sinabi mo na lahat naman ng anak ay galing kay GOD.

Naiinis ako. Kaming magkakapatid, pantay-pantay lang lahat ng turing sa amin ng Mama ko at masaya ako sa ganun.

Naaawa ako sa girlfriend mo. Sa tingin ko naman, mabuting anak naman siya at nag-aaral ng mabuti pero bakit hindi pa 'rin nila maapreciate yon?

Nakakaloka yung mga ganung magulang. Hay ewan ko ba!!!!

May 13, 2009 at 6:11 PM
Hari ng sablay said...

hndi na maiiwasan sa pamilya yang gnyang scenario,kadalasan bunso ang paborito,buti nalang at hindi ko napapansin sa mga magulang ko ang gnyang trato,at mahalaga na lang siguro mahalin natin ang ating mga magulang kulang man o labis ang knilang binibigay sa atin,after all kahit balibaliktarin mo pa ang mundo,hindi natin kayang bayaran ang mga ginawa nila sa atin.sana may sense sinabi ko,hehe

May 13, 2009 at 7:34 PM
jhosel said...

hmm.. i really don't know. i still believe kasi na lahat ng parents kahit pano e mahal ang kanilang anak coz its their own flesh and blood.. as to favoritism, its sad na merong mga ganun.. di ko lam sa parents ng gf mo kung anong prob nila sa kanya.. pero sometimes may mga parents who SEEM to neglect a certain daughter/son kasi they believe na that daughter/son can already stand by his/her own, on which at most times di yon nakikita ng mga anak kasi they think that they are not loved.. di ko alam kung ganon ang case ng gf mo kaya i cant say.. well, i think the best thing for her to do is kausapin ang parents nia.. parang heart to heart talk.. tapos sabihin nia lahat ng nararamdaman nia and maybe then her parents have an explanation.. after all PAMILYA sila. :)

May 13, 2009 at 7:52 PM
Kosa said...

lima kaming magkakapatid...
pangatlo ako..
nasa Gitna..
pero ni Minsan, hindi ko inisip na may paborito ang aming mga magulang.

ang ate ko(panganay) ang pinakamatalino sa amin... lahat ng gusto nya binibili nila.

ang Kuya ko(pangalawa) medyo engot..basagulero... hindi nag-aral kaya naman para lang mag-aral nun binilhan nila sya ng motorsiklo... pinapasok sa paaralan na gusto nya..
binili HALOS(hindi lahat) lahat ng luo nya...
kase Kulang sya sa Pansin...
kailangan nya yun..

ako wala lang...
hehehe
hindi naman sa isa akong ulirang anak awardee pero kung tutuusin my mga bagay-bagay kaseng nangangailangan ng espesyal na atensyon...
kung sino ang nangangailangan, sya ang dapat tinutulungan...

sabi nga Nila, HINDI MO MAGIGISING ANG TAONG GISING!

ang dalawang sumunod sa akin, wag nyo ng itanung.. ok naman sila, parang yung ate at kuya ko lang din..hehehe

May 13, 2009 at 10:40 PM
Algene said...

talaga? may mga magulang pala na ganun? sad naman. dapat they have the same treatment sa mga anak nila para fair..

thank God pantay ang trato sa amin (me and my li'l bro) ng mom and dad ko..

May 13, 2009 at 11:31 PM
Love said...

naku minsan talaga may ganun sa loob ng bahay...

cguro try to prove to them na mali sila...


(^^,)

May 15, 2009 at 11:26 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz