3/1/09

Hmmmm medyo naging malaking impact pala ang ginawa kong ka abnormalan the other day dito sa blogsphere at actually nahihiya na akong mag post dito sa blog ko... hindi ko alam if titigil na ako for good or what.... ewan.... okay na ako now at unti-unti na akong nag ta-try baguhin ang pesteng pag uugali ko... I guess wala palang nakakaintindi sa akin dito... hehehehe ayos lang yun... I'm not really expecting na may makakaintindi sa akin dito. Na alala ko pa nung una akong nag blog dito... iniisip ko kung bakit ba ako mag susulat, hindi naman ako isang manunulat at hindi mataba ang utak ko. Naisip ko lang na medyo makaka alis ng stress ang pag susulat... and it really helps. I've been writing stories, poems, songs at diary since God knows when... I really love to write pero dahil sa katangahan ko nung isang araw parang tinamad at the same time natatakot na akong ipahayag(WOW!!!! Lalim nun ah) yung nararamdaman ko. Medyo napalakas ang mga tama sa akin ng mga batok niyo eh... heheheh... Natauhan, nasaktan at nalungkot ako sa mga comments niyo... Ooops I forgot to tell you guys na natutuwa ako kasi dinagukan niyo ako at nagising ako sa kahibangan kong ito.... Thank you talaga. You know what, I'm happy kasi walang nakakaunawa sa akin sa mga pinag dadaanan ko kasi if nagkataon na may nakaunawa sa akin that means naranasan niyo na yung pinag dadaanan ko and AYOKONG nahihirapan kayo. Kahit hindi ko kayo kakilala or nakikita somehow napamahal na kayo sa akin at it would really break my heart pag nakikita ko kayong nagkakaproblema. Aaminin kong mahina ako at walang tiwala sa sarili. Matagal ng nawala yun dahil sa mga experiences ko sa buhay, maaga akong pinabayaan ng mga magulang ko at nung nag hiwalay sila at napadpad ako sa nanay ko mas tumindi ang kalbaryo ko... araw araw akong binubugbog ng step dad ko at ng nanay ko, kinailangan kong mag trabaho para lang may ipang sugal sila, I'm sure naranasan niyo ng murahin ng magulang niyo pero ewan ko lang if naranasan niyo ng duraan ng sarili niyong ina sa mismong mukha niyo dahil wala kayong na iuwing perang pang sugal nila.... Lumaki akong nag iisa at kahit may mga kapatid ako... pakiramdam ko ginagawa lang nila akong utusan at punching bag... at nang mag high school na ako nakilala ko ang kaisa-isang taong nag pahalaga sa akin that time... lagi niya akong pinapayuhan tulad ng ginagawa niyo sa akin... pero sadyang pang telenovela ang buhay ko.... maaga siyang kinuha and it's my fault... she died in my own arms that night.

Aaminin kong wala na akog tiwala sa lahat at lately pa lang ako nag ta-try mag bago ng mga pananaw, hindi madali pero nagsusumikap akong mag bago... Kaya nang mabasa ko ang mga comment niyo at yung post ng ibang taong nagmamalasakit sa akin hindi ko alam ang gagawin ko... pakiramdam ko wala ng may gustong makipag kaibigan sa akin dito... I know nasabi niyo lang yun dahil nag aalala lang kayo sa akin at gusto niyo akong mag bago... tama ako 'di ba? Pero I really didn't expect na ganun ang mga sasabihin niyo.... don't get me wrong I'm not mad 'ni hindi nga sumagi sa utak kong magalit sa inyo... Tama lang kayo sa mga sinabi niyo sa akin, masakit pero yun lang ang way para matauhan ako.

Pag pasensyahan niyo na itong post ko if medyo mahaba, gusto ko lang sulitin itong time na ito para ilabas lahat ng mga nararamdaman ko. Kanina habang binabasa ko ang post ng isang kaibigan ko 'bout me, 'di ko maiwasan masaktan, matuwa at ma dissappoint sa mga sinabi niya... Alam kong lahat tayo may problema pero siguro ang pag kaka iba lang natin... may nakakaramay kayo, may mga magulang at pamilya kayo, may mga kaibigan kayo at naging medyo maganda ang mga experiences mo sa life... Tama lahat yung mga sinabi niyo sa akin.

Gusto ko lang mag pasalamat sa inyong lahat sa mga payo at mga words of encouragement sa akin, salamat kay AMOR at Oracle.... Saqlamat din kay MITCHY sa nakaka touch na comment mo sa akin, pajay, kosa at lord pasensya na kayo sa mga kadramahan ko... at sa lahat sorry talaga... After this post hindi ko alam if ipag papatuloy ko pa itong pag susulat ko... what do you think? mag susulat pa ba ako? Para kasing biglang nag bago na ang lahat eh... ahhh ewan... salamat salamat salamat sa inyong lahat.

24 comments:

2ngaw said...

Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat brod, marami kaming naghihintay ng mga entries mo...

Hindi tutuong hindi ka nmin naiintindihan brod, naiintindihan namin kung ano pinagdadaanan mo, di lang kami sang ayon sa solusyon mong katangahan...kahit sino brod magagalit o sesermunan ka pag ganyan ka mag isip...marami mas magandang solusyon sa lahat ng problema at hindi kasama dun ang pagpapakamatay...

Wag mong isiping galit ang lahat ng nag react sa post mo, mahal ka lang nila bilang isang blogero kaya di sila sang ayon sa iniisip mo...

March 1, 2009 at 11:55 AM
Anonymous said...

Wag kang tumigil sa pag-blog noh. Tingnan mo 'yung nangyari sa iyo. Kung wala 'yung mga bloggers na sumuporta sa iyo e di baka may masamang nangyari sa iyo. Just use this hobby to help you ease your suffering and express your feelings.

March 1, 2009 at 12:24 PM
veta said...

saul naman..ipagpatuloy mo lang...ingat:-)

March 1, 2009 at 2:29 PM
PaJAY said...

walang galit sayo parekoy!...normal yan sa mga taong itinuring ka bilang kapatid sa blogosperyo...ibahin mo ang Concerned sa Galit...magkaiba yun..

tuloy tuloy sa pagsulat parekoy!..

March 1, 2009 at 3:46 PM
Kosa said...

Keep on writing parekoy...
walang nagbabawal sayo...
ako din Hindi ko na maalala kung anu yung naging komento ko sa nakaraang post mo at ganun din dun sa Post ni Amor...

sa totoo lang parekoy,
sobrang laki ng Paghanga ko sayo...
tingin ko nga, sa dami ng mga napagdaanan mo eh dapat sintibay ka na ng dyamante ngayun...
nasa sayo lang nman un parekoy eh.. ikaw mismo an tutulong at pruprutekta sa sarili mo bago mo asahan ang iba na tulungan at protektahan ka...

KAYANG KAYA mo yan.. ikaw pa...
tumingin ka sa mga bandang masasaya(imposibleng wala) sa buhay mo... wag mong seryosohin ang mga Problema mo.. sabihan mo ang arili mong maging matatag at matapang...

kaya mo yan!
mag-set ka ng limitasyon sa mga bagay na nagbibigay sayo ng sakit.
tulad nga nung sabi sa akin ng isang kaibigan, HINDI MO TLAGA MATATAKASAN ANG SAKIT PERO MINSAN< NASASANAY KA NA....HANGGANG SA DI MO NA INIINDA.... yun yun

sige parekoy..
i hope na mabasa ko pa ang mdami mo pang mga akda.. isa ka sa mga HINAHANGAAN kong blogero..

kiatkits

March 1, 2009 at 4:05 PM
cyndirellaz said...

matagal tagal din akong di nakapunta d2 ah! i think 1 week pa lang naman pero sa pag kabasa ko nito masasabi ko na dapat ay ipag patuloy mo lang ang nasimulan mo na. ngayon ka pa ba gi- give up? gud luck!! ^^

March 1, 2009 at 5:32 PM
michy said...

sometimes when you feel like you've done something stupid you feel so embarassed you just want to crawl under a rock and hide from the world's judging eyes...

that's what cowards do...

but you're not one anymore right? or at least you're trying...

so if you walk away now and stop what you love doing then that means you've put up your white flag and admitted defeat... and besides you said it yourself you feel like you have no one to turn to---no family, no friends...but you have an enormous support group of bloggers right here who helped you get thru your recent ordeal...

if you've fallen just pick yourself up, dust it off and try again =)

March 2, 2009 at 12:38 AM
eMPi said...

no... hindi naman sa hindi ka namin naunawaan... naintindihan namin ang iyong mga naranasan sa buhay pero dapat maging matatag ka... wag kang panghinaan ng loob just trust HIM bro... malalagpasan mo rin yan... :)

ingat lagi

March 2, 2009 at 8:57 AM
eMPi said...

teka, magsulat ka pa rin... marami namang nagbabasa sa mga post mo e... at im sure marami ring nakaka-relate... kung sa pagsusulat mo lang ma-express ang mga hinanaing mo sa buhay... then why stop writing di ba?

March 2, 2009 at 8:58 AM
Amorgatory said...

TULOY ANG BUHAY TULOY ANG LIGAYA TULOY ANG PAGSUSULAT, WLANG MAGBABAGOW SA PAGKKAIBIGAN, LAHAT LAHAT TAYOW AY MAY SARILING KARANASAN, UNG IBA NAIISIWALAT NA UNG IBA PATAGO,MINSAN LANG MERONG MGA BAGAY BAGAY NA NO NEED NANG ISULAT SA PAGKAT IF ISUSULAT KO PA TO,MAWWENDANG ANG MUNDOW KO,HAHAHHA..AYUS LANG YAN PARE, WLANG GALIT AT POOT SA AKING PUSOW AT ISIPAN..GSTO KOW LANG MARAMDAMAN MOW NA MAY MGA KAIBGAN KANG TOTOO , KASI SILA YUNG TALGANG BBATOK SAYOW..MADALAS DIN AKOW SERMONAN AT IWANAN NANG MGA TAO DATI NA MAHAL KOW DAHIL SA KAGAGAHAN KOW, PERO DAHIL DUN AKOY NATUTOW..NUNG BIGAT MAN YANG PROB MOW, MAY MAKAUNAWA O WLA ,IMPORTANTE GINAWAN MOW PARAAN AT DI KA SUMUKOW.. BASTA AKOW DI KITA HINUSGAHAN, BINATUKAN LANG KITA LIGHT LANG YUN,HAHAHAH...NAGPAKATOTOOW KALANG AT WALA KANG DAPAT IKAHIYA , PEACE YO!GODBLESS AT GUDLUCK..

March 2, 2009 at 12:07 PM
jhosel said...

bro. move forward. wag susuko. wala namang galit sayo dito. concerned lang kami lahat sayo. kung may nasabi man ako/kami to offend you we're sorry. pero its for your own good naman eh.

basta dont give up blogging. kung sabi mo nga dito ka nakakalabas ng emotions then wag mong istop ang pagbloblog.

madaming umaabang ng mga next posts mo. and im one of them.

god bless bro!

March 2, 2009 at 6:35 PM
Anonymous said...

kumaway... kapit ka lang... :) ismayl!

March 4, 2009 at 8:56 AM
Anonymous said...

Magsulat ka lang.
Walanamang pumipigil sa'yo. Itutulak ka pa namin, kasi ito ang isang bagay o paraan para mailbas mo ang totoong ikaw, ang gusto mong sabihin na hindi mo naman basta masabi sa mga taong nakapaligid sa'yo.

Ngayon pa na mas natutulungan ka ng mga ka-blog mong magising.

Normal lang na magalit o batukan ka nila dito, ibig sabihin, totoong tao at kaibigan sila.

Let it all out, wag mongisipin kung anung sasabihin nila sa'yo, ang mahalaga na-express mo ang sarili mo. Pakatotoo ka lang. Okay lang maging tao, at hindi kahinaan ang maglabas ng totoongnararamdaman, okay?!

cheers bro!

March 4, 2009 at 2:48 PM
Violet Manila said...

dude nabasa ko 'yung tatlo sa recent entries mo including this one... and gusto ko umepal... sana basahin mo 'to ^_^

UNA... naniniwala ako sa kondisyong tinatawag na "Suicidal Tendencies." Aminin nating iba-iba talaga ang personalidad at mentalidad ng bawat indibidwal, and i respect that.

Pero, eto ang sasabihin ko sa'yo bro... sa'yo na mismo nanggaling na makailang ulit mo nang tinangkang kit'lin ang iyong hininga sa 'di na mabilang na pamamaraan... pero heto ka pa rin, kasama naming humihinga ng iisang hangin! Buhay ka pa rin! --Hindi ba't ang ibig lamang ipahiwatig niyan e hindi ka ganoon ka-desididong mamatay... kasi kung talagang sinukuan mo na ang mga hamon ng buhay ay nagtagumpay ka na sa pagsu-suicide.

Para sa akin bro e mas matimbang pa rin sa iyo ang mabuhay at magpatuloy kaysa sumuko... at mainam iyan!

Ang tunay na matapang... ang tunay na astig... ay yaong mga kaluluwang pinipiling lumaban... yaong mga kaluluwang pinipiling harapin ang hamon ng mahirap na buhay! Napakadaling magpakamatay kung tutuusin... mas mahirap mabuhay, kaya nga sabi nila e "it takes true courage to live."

Alam kong isa ka sa mga matapang at astig dahil buhay ka pa kasama ng milyun-milyong mga astig sa mundo na humihinga at lumalaban!

PANGALAWA... issue kung magpapatuloy ka pa sa pag-sulat o kung ititigil mo na.

Sa'yo na rin nanggaling na hindi mo mahingahan ng sama ng loob at problema ang iyong mga magulang... nabanggit mo ring back-stabbers ang mga so-called friends mo... nabanggit mo ring sa blog ka lamang nakakapag-bukas ng kalooban, at sa mga kapwa blogista at blogisto mo lamang ikaw nakakahanap ng masasandalan.

Kung tunay ngang pinapalaya ka in a way ng blog --ng palagiang pagsusulat... bakit ka titigil, hindi ba?

Hindi mahalaga ang pintas at negatibong mga panghuhusga ng mga nagpapanggap na "tao"... ang mga judgemental na tao ay magagaling lang naman mang-husga pero wala namang mga respeto... para silang mga buwitreng naka-abang ng naka-abang sa gagawing "mali" ng kapwa nila... ang hindi nila alam, sila ang may mga kakulangan --kakulangan sa pang-unawa, sa respeto, at sa talino!

Ang mahalaga ay kilala mo ang sarili mo --kung mayroon mang lubos na makakaunawa sa'yo, kung mayroon mang lubos na tatanggap sa'yo bilang isang natatanging indibidwal -- IKAW iyon! Kaya suportahan mo ang iyong sarili, alagaan mo at pahalagahan... huwag na huwag mong pababayaan! Mahalin ang sarili at i-respeto... iyan ang isa sa pinaka-magandang regalong matatanggap ng iyong kaluluwa ^_^

Masarap ang mabuhay at ang magsulat dude... alam kong alam na alam mo iyan! Kaya ipagpatuloy mo ang mabuhay, ipagpatuloy mo ang pagsusulat!

--violet ng "Silip..."

March 5, 2009 at 11:03 AM
Anonymous said...

.hMm.. actally first time qu lan mgpost ng comment d2.. grabeh.. n touch tlga aqu dn sa mga sinusulat m.. kEEp up da good work.. alm m.. plg qu bnabasa ang mga gnagawa m.. sa 22o lan.. naiintindihn k nmn kng anoh pnagdadaan m.. "lhat ng problema my solusyon.." kea kaya m yn.. gnyan tlga ang bhay.. klangan lan mgng matatag tau.. sana po pgpa2loy m ang pgsusulat m.. gud luck xeu.. and get well soon..

March 5, 2009 at 11:57 PM
Anonymous said...

tuloy mu lang, sayang naman na ung naumpisahan mu.. keep on fighting..

we're all here for you kuya.. ganyan tlga ang buhay.. hindi lahat puro saya..

March 6, 2009 at 10:02 AM
kuletz said...

kuya saul ipagpatuloy mo ang pagsusulat mo... nde lang ikaw ang natututo smin kundi kami din maraming natutu2nan syo...
just keep praying lang kuya saul... nde pagpapakamatay ang makakasolb ng problema mo ok?

wer here for you!!! maraming nakasuporta sa blog mo!!

godblessyou kuya saul

March 7, 2009 at 6:35 PM
Bogcess said...

Tama sila, continue writing.

E-Pera

March 8, 2009 at 10:53 PM
Anonymous said...

ayan, nabasa ko na except dun sa isa na di ko tinapos. di ko talaga kaya. anyway, di ka naman nag-iisa. di tayo magkapareho ng sitwasyon but I see those stuffs happened sa harapan ko - di dun sa tv lang as in live. it's hard. but yun nga, we have to deal with it. ganyan talaga ang life. may ups and downs din ako and I'm still in the process of knowing myself and purpose in this world too. again, part talaga to ng life.

Ituloy mo ang pagsulat. Helpful siya sa pinagdadaanan. Kaso asa iyo yun kung private or public post ang gagawin mo. Basta sumulat ka. Sumulat ka para sa sarili at di dahil sinabi lang namin ng mga readers mo na sumulat ka. Basta, andito lang ako at sila. Bisita ka lang sa blog ko if you need something.

Remember, it's okay to be sad, angry or whatever that emotion is. Tao ka. Di ka perfect. You don't have to be perfect. Ganyan talaga parang ang gulo. Ayos lang din na lumapit sa professional therapist or counselor, if you have too. Don't wait na tipong maging down na down ka na. May sulusyon sa mga ganito - di ka man totally magiging 100% sadness/depression free pero at least you know what to do if it strike again diba?

Lastly, tulad nga ng sabi ni AiAi dun sa Ang Tanging Ina niyong lahat - Ang problema ay may sulusyon; kapag walang sulusyon eh wag problemahin. :) totoo yan. Continue believing to HIM.

March 11, 2009 at 11:14 AM
batang narS said...

ipagpatuloy mo yng pagsusulat mo..kahit baguhan lamang pa ako dito, marami na akong natuthan sa yong mga posts.:)smaayl dyan..God will not give u somthng u cant handle!!aja!
*may ibibgay akong award sa u..punta ka lng sa aking blog..and pls let me know if nakuha mo na:)

March 15, 2009 at 11:12 AM
Kosa said...

nangungumusta lang...

nawawala ka parekoy... Hinahanap ka namin kung saan saan...
bumalik ka na..

sige sige kitakits

March 17, 2009 at 7:55 AM
Dhianz said...

hmmmm... musta nah big bro saul krisna? ngaun lang muli akoh nakadalaw sa page moh... mejo nawala kc akoh nang buong month nang feb.. actually more like palitaw... so dehinz koh madaanan lahat... ngaun lang akoh mejo naging active uletz but i might take some break ulet... eniweiz.. hmmm.. wala akong idea kung anong nangyari sa mga past post moh... so nde koh alam gano ka-drama 'un... pero hayz... minsan nde tayo dapat mag-depend sa lahat nang tao...true they cared for us... but they can't please us all d' time... there are times na masasaktan tayo sa mga sasabihin nilah... minsan naman nde nilah sinasadya... pero 'un nga naapektuhan tayoh... if we depend so much on them na maintindihan tayoh eh nde mangyayari 'un... cuz they won't.. i mean not all d' time... lahat may problema.. lahat may pinagdadaanan sa buhay... nabanggit koh na ren sau noon devah pero not in details nga lang... may pinagdaanan den akoh sa buhay...not exactly d' same thing na pinagdaanan moh.. somethin' else... pero masakit den... but God is my strenght... still goin' through sometimes... at ganonz.. upz and downs pa ren ang buhay... pero kumakapit lang kay God.. kung meron mang tao na makakaintindi tlgah sau eh nde kme yon... si God lang... sya lang tlgah... never kah Nyah ididisappoint.. alam Nyah lahat lahat nang pinagdaanan moh sa buhay... willing sya makinig sau... at never Kah nyang iiwan.. as in never... okei d2 sa mundong blogsphere...you can write stuff about 'ur life... 'ung emotion moh for d' day and so on... difference nga lang naten... oh yah i write some stuff pero limited... parang sa artista... medyo showbiz ang blog koh... nde koh tlgah kinukuwento ang buhay koh... parang maliit na mundo lang toh na crineate koh outside my real world... don't really post 'ung sobrang personal stuff... 'ung mga part na 'un eh kay God lang... and sometimes yeah own personal journal koh but lately tinamad akoh sulatan...wala akong karapatan sau kung anong dapat gawin moh or ano pa man kc itz ur life... pero sana... try to... nde madali eh focus on d' positive... focus instead on His blessings... maganda ang buhay... true you've been through a lot.. pero honestly...marami pang tao out there na mas matindi ang pinagdaanan nilah sa buhay... but they chose to smile, let go d' burdens kay God at chose to trust Him na lang... naalala koh lang noon bago pa akoh sa page moh... humanga tlgah akoh sa mga post moh... dahil naramdaman koh mga sakit nang post koh... halos wala pa ngang nagkokoment non.. at akoh sometimes nakikibasa na lang... pero nung dumami nang reader moh.. i guess naapektuhan ka sa ibang sinabi nilah.... hwag moh na lang seryosohin...lahat may sari-sariling opinion...eniweiz... nde ka naman namen mapipilit na bumalik or nde... desisyon moh naman yan devah... pero sana magbalik kah...kung nde man eh for sure we'll miss yah... take good care of urself... prayerz lang lagi...and trust Him all d' time... He loves you... Godbless! -'ur lil sis di =)

March 30, 2009 at 4:28 PM
Anonymous said...

kaya mo yan pag subok lng yan, may magandang plano sayu si GOD trust lng.. take care olweiz GODBLESS

March 31, 2009 at 10:43 PM
Anonymous said...

just been here today :)

i know late na tong mensahe ko sau pero nakikisama ako sa knilang lahat!... were here for you! walang nagalit sau..nawindang lang kami sau nung una...hehehe

Keep fighting! God is with us all the time :)

April 23, 2009 at 10:21 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz