2/24/09


Whew! Sa wakas nakabalik na din ako sa mundo ng blogsphere…. I know madaming nagtataka if ano ba talaga ang nangyari sa akin kung bakit bigla akong nawala nang pagkatagal-tagal… Pero before ko isulat ang real story kung bakit ako nawala, gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng mga dumalaw at nag post ng comment sa post ni AISA about why I am absent for quite some time, thank you din sa mga nagdasal…

Anyway, bakit nga ba ako nawala? Ahhhh bakit nga ba?(joke) Sorry if I can’t tell exactly what happened to me… wait… bigla ko na alala yung rules ko sa pag ba-BLOG… “No secrets and No lies” so I guess I would kinda be unfair pag ‘di ko sinulat yung story behind why I am absent... Well here it goes...

Let’s just say that my time is running out… yup! You read it right… Ewan ko ba kung bakit ba nag kakaganito ako this past few weeks, parang lahat yata ng sakit sa mundo eh nakuha ko… it is as if nangongolekta ako ng iba’t ibang uri ng sakit(lolz). Anyway, now I know kung bakit lagi akong may:

  • Fevers and night sweats.
  • Frequent or unusual infections.
  • Weakness and fatigue.
  • Headaches.
  • Bruising of the skin and bleeding from the gums
  • Bone pain.
  • Joint pain.
  • Swelling in the belly or pain on the left side of the belly or in the left shoulder from a swollen spleen.
  • Swollen lymph nodes in the armpit, neck, or groin.
  • Decreased appetite and weight loss because you feel full and don't want to eat

May slight case daw ako ng L_uk_m_a… I don’t kung bakit pero sabi ng doctor ko nakuha ko daw yun sa mommy ko… Haaay sa dami ng pwedeng ma mana sa nanay ko eh bakit yung sakit pa niya ang na mana ko. Oh! ‘Wag kang mag alala kasi curable naman daw yun at buti na lang nalaman ko agad na may ganoong sakit ako. The other day habang papauwi ako galling sa hospital, I was staring blankly sa window ng FX na sinasakyan ko… parang unti-unti kong na re-realize na may possibility pala akong mamatay, actually wala akong alam sa sakit ko… all I know is that may possibility na umiksi ang buhay ko… HALA! Kinakabahan na ako ah, peste!

Death / deth’/ [OE] n 1 act or instance of dying; 2 state of being dead; 3 destruction, extinction or “END”.

Yan ang meaning ng death sabi ni pareng Webster, Sabi daw, destruction, extinction or “END” Alam naman natin na lahat tayo ay makikipag appointment kay kamatayan sooner or later pero to be honest with you guys natatakot ako sa araw na yun(if ever na dadating yung moment na yun). I’m scared hindi dahil hindi ko alam kung saan ako tutungo(WOW! Lalim nun ah) after I die, no it’s not that… natatakot ako kasi maiiwan ko yung mga mahal ko sa buhay. Ewan ko sa inyo pero ako kasi yung tipo ng tao na hindi marunong mang miwan and thinking about that day sends shivers down to my spine. Paano na ang Girlfriend ko? Paano na ang mga kaibigan ko? Paano na ang family ko(kayo yun) Haaay… And ever since I knew that I have this… this… ahh disease, parang nahihirapan na akong matulog sa gabi. Parang tuwing pipikit ako na iisip ko yung mga wrong things na nagawa ko in the past, Peste! ‘di ba sa pelikula lang nangyayari yung nag fla-flashback lahat ng mga ginawa mo in the past… at ‘di ba usually bago mamatay yung bida tsaka lang nangyayari yun? Am I really gonna die kasi lahat ng bad things na ginawa ko in the past ay parang na aalala ko? Nakalimutan ko na kung sino ang nag sabi sa akin na “everything happens for a reason” Well tama sila

Anyway, meron din naman good side yung nangyayari sa akin… simula ng malaman ko yung sakit ko… parang mas nagiging appreciative ako sa lahat ng bagay… kahit nga mismong traffic sa EDSA nagiging thankful ako eh, yung mga times na magkasama kami ng GF ko, yung mga times na tumatawa ako, at kahit kayo mismo… sobrang thankful ako kasi nakilala ko kayo and although kahit hindi ko pa kayo nakikita in person I want you to know na thankful ako for having you… all of you as my friends. You’re all I’ve got, Mag mula kay KOSA, lord, PAJAY, marco, Diane, adik, kuletz, KHULETZ316, kryk, AISA, ate amy, dhenz, purple, MsdianeG, amorgatory, ORACLE, aian, MITCHY, pio, BAM, veta, jhosel, CANO, chazzel, marlon, mayyang, DANGEL, josh, riyah, yanah, kittykat, Ms. Donna, celine, kay lifeandrunaway, at sa lahat pa ng mga hindi ko na banggit pasensya na sa inyo...salamat… salamat talaga sa inyo… OH ‘wag kayong mag-isip ng kung anu-ano ha! ‘Di pa ako ma-mamatay… I’m just saying this habang may oras pa ako(joke) Pag pasensyahan niyo na ang post ko kung medyo mahaba ha. It’s just that parang ang dami ko lang gustong sabihin sa inyo… Medyo nagdadrama lang ako now(what’s new?) Habang sinusulat ko itong post na ito parang inuulan ako ng memories, mga memories ‘bout my childhood, my friends, my happy moments… peste ano na ba ang nangyayari sa akin? I don’t wanna die… kung kelan kuntento na ako sa buhay ko kasi I finally found the two things that I’ve been searching all my life tsaka naman ako nagkakaganito… wait maybe you’re wondering kung ano ba yung two things na matagal ko ng hinahanap… if matagal na kayong nagbabasa ng madramang blog na ito, I’m sure alam niyo na lagi akong naghahanap ng love at sense of belongingness and for your info… nahanap ko na yung two things na yun. Sa inyo ko nahanap yung two things na yun… Yup! Sa INYO and not to mention pati din sa gf ko. Salamat sa inyong mga blogmates ko kasi tinanggap niyo ako dito sa mundo ng blogphere, salamat sa walang ka sawa-sawang pag bibigay ng payo sa akin at pakikinig este pag babasa pala ng mga thoughts ko pag tila ba walang gusting making sa akin, salamat sa strength, salamat sa mga naging concern sa akin, salamat salamat salamat! At syempre sa girlfriend ko, thank you for loving me… and just like what I’ve told you a thousand times… NEVER akong titigil sa pag bibigay ng love sa iyo, loving you is what I do best kaya stop worrying na mawawala ako sa iyo. Just think of this… how can I leave you if sa IYO umiikot ang mundo ko… remember when I told you before na “when we first met parte ka lang ng buhay ko?” I’m sorry pero hindi ka na parte ng buhay ko…. IKAW na ang buhay ko… corny pero wala talaga akong maisip na right words to describe how much I love you.

I just hope that sana I have much more time and space dito para maisulat ko lahat ng mga gusto kong sabihin sa inyo... Peste bigla ko tuloy na alala yung sabi sa akin ng nurse ko... "Maiisip mo lang daw ang halaga ng buhay pag mamamatay ka na..." tama siya sa sinabi niya... teka nga muna... 'di pa naman ako mamatay ah... bakit parang iba na yung tono ng pananalita ko?(as if naman may tono ang mga letra)hahahaha. Anyway bago pa ako mag time dito sa computer shop, gusto ko lang sabihin na SUPER DUPER MISS KO NA KAYONG LAHAT at try to enjoy life kahit gaano pa ka panget ang buhay mo or kahit isang bundok ang mga problema niyo...



*it's nice to be back....

14 comments:

Anonymous said...

..hon..

..nice job for telling them what's happening to you...

..well..as always..naiiyak aqu habang binabasa to..

.auko mawala ka xkin..

..super love pfu kita..

..alagaan mo pu sarili moe..

..remember i'm always here for you..

..di kita iiwan..

..sobrang saya Qu lage pagmakasama tau..

..ILOVEYOU SOO MUCH HONEY QU..


0+krisCheLe+1

February 24, 2009 at 8:43 PM
Kosa said...

welcome back parekoy!

babasahi ko ang to mamaya..pero basta nice to see you again..heehe
matagal ka din na hindi nagparamdam eh...

February 25, 2009 at 12:48 AM
saul krisna said...

@ KOSA
tulad ng sabi nga nila... matagal mamatay ang masamang damo... hahahahaha

February 25, 2009 at 11:28 AM
Anonymous said...

hi kuya, thanks GOD u're quite ok now.. uhm, basta pray ka lang lage ahh.. hingi ka lage ng strength sa kanya.. don't wori, hinding hindi ka nia pababayaan.. andito rin kame mga kaibigan mu..

uhm, welcome home kuya.. it's really nice that you're back.. hehehe.. stay as you are.. take care alwayz..

*wink*
mwuahhugz...

February 25, 2009 at 2:17 PM
jhosel said...

aww. bro. im happy to know you're back. don't worry too much. God has His plans for you. keep your faith in Him.

yea. tama. everyone should enjoy life. so enjoy too and not think na mamatay ka na. coz i believe you wont. madami pa Siyang plans for you and for Michelle.

sabi ko nga kay kosa before. He gave you this challenge coz He knows you can face it. perhaps isang reason na din e para marealize mo ang worth mo tapos ang mga mistakes mo. but then again He gave you life para magumpisa muli. ahahay.

madami kaming nagdadasal for you bro. be happy. enjoy. :D

February 25, 2009 at 2:19 PM
Anonymous said...

gurl... same case pala tayo...

February 25, 2009 at 2:23 PM
saul krisna said...

@ chenelin

di poh ako gurl

February 25, 2009 at 2:32 PM
Anonymous said...

Aww.. think positive :) gagaling ka din, that's curable and thank god, maaga mo nalaman ang bagay na yan. I'll pray for you. Miss you.

February 25, 2009 at 6:53 PM
Celine said...

weLcum back . nakakamis an mga astig mu pong post . x] sana gumaLing ka . i'LL pray for you . magpapamisa pa ako. hehe sobra un . god bLess . :]

February 25, 2009 at 10:23 PM
msdianeg said...

I'm glad you're back! I'll pray na hindi naman masyadong maging grabe and case mo. Leukemia can still be treated naman and you'll have my prayers with you! Take care of yourself always! Marami pa ring nagmamahal sayo,na-meet mo man sa real world or in the blogosphere!

For now, welcome back!!! *hugs*

February 26, 2009 at 6:38 AM
Anonymous said...

WELCOME BACK! That's God you're okay na.

di ko na binasa lahat. kinalibutan ako kasi anemic ako. wala daw link to sa lukemia pero ilan sa mga tita ko ang nagkalukemia. grabe. scary.

February 26, 2009 at 12:05 PM
ORACLE said...

Sabi ng bolang krystal ko...

Hindi ka mawawala. Wag ka magalala!
Ang kina kailangan lang ay pahinga at mas matinding pag-ibig.

Lahat ng nangyayari ay may dahilan.
Naway matanto ang nais sabihin ng karamdaman na ito. Ang alagaan ang sarili at huwag sayangin ang oras na natitira sa ating mga buhay. Sumubok mangarap. Hanapin ang kasiyahan... =)

February 26, 2009 at 12:45 PM
saul krisna said...

@ celine

anung astig na post? hahahaha di nga ako magaling magsulat eh....(pahumble pa) hahahaha

@ aisa

tnx sa pag post ng FYI ko huh.... mwaaah

@ jhosel

musta ka na? na miss poh kita ahh

@ MsdianeG

thanks sa concern huh... talaga curable yun?

@ ish

sana binasa mo lahat... daya aman oh... heheheh gagaling ka din ish

@ Oracle

if inabutan mo ang batibot may oracle din dun... si manang bola.. hahahaha thanks huh...

@ candy blush

it's hard to be positive minsan pag isang bundok ang problema natin.... smile lang ang katapat nian

February 26, 2009 at 7:50 PM
Unknown said...

pasensya na ha...tinatamad kc ako lately...ska may prob lang konti...kaw pagaling ka ha...para samin lahat...

March 1, 2009 at 12:45 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz