11/20/08


Siguro if matagal ka ng nag babasa ng BLOG kong ito medyo mapapansin mo na parang kakaiba ako sa lahat ng mga taong nakilala niyo… well except for the fact na para akong emo kung magi sip… may mga paniniwala akong medyo di pang karaniwan or ‘di na uso… Gusto kong mag concentrate dun sa part ng pagiging emotional kong tao… or better yet yung pagiging negative thinker ko… Madami ang nagtatanong or nagtataka if bakit ba ganito tumakbo ang isip ko? Or bakit ba masyado akong malungkutin? Siguro yung tanong kung bakit ba ako laging malungkot ay nasagot ko na sa mga previous articles ko. Dun ako iikot sa pagiging negative ko….

Negative thinker… bakit nga ba ako nag ka ganito? Kailan ba ito nag simula? At sino ang may dahilan kung bakit ako nag ka ganito? Yan ang mga tanong na medyo nahihirapan pa akong sagutin up to now… siguro kaya ko nga sagutin ang mga tanong ko sa sarili ko its just that natatakot lang ako sa katotohanan…

Madami akong pwedeng ibigay na reason kung bakit ako nag ka ganito pero I could fit all of those reason sa isang phrase… “WALA AKONG CONFIDENCE” … siguro dala na din ng mga past experiences ko sa buhay kaya unti unting nawala yung tiwala ko sa sarili ko… for example… everytime I tried to get up para mag bago tsaka naman may dadating na 100 reason why I should feel bad ‘bout myself…gets mo ba? Sa totoo lang gusto ko na talagang mag bago pero how? Yan lagi ang tanong ko sa sarili ko…Paano ako mag babago if wala naman akong mahanap na reason why I should change… lagi na lang kasing may dadating na bad news or news na nakaka panghina kaya yung plano kong baguhin yung way of thinking ko napapako na lang madalas. Oo madaming taong nag sasabi na mahal nila ako pero…. Haay… pero ‘di naman talaga nila ako naiintindihan.

Pag uunawa at pasensya… yan minsan ang hinahanap ko sa mga taong nag sasabing mahal nila ako… I’m sorry nga pala sa mga kaibigan kong nag mamahal sa akin… It’s just that gusto ko lang i-explain why I’ve been acting kinda strange lately and sana ‘wag kayo mag-sawa sa akin. Gusto ko lang malaman niyo kung bakit ba ako negative thinker for you to understand me a little bit more.

Sa totoo lang gusto ko na talagang mag bago kaso natatakot lang ako ‘cause baka one day masaktan lang ulit ako… siguro you can call that as my greatest fear… TAKOT AKONG MASAKTAN ulit… pero we both know na normal lang sa buhay natin ang masaktan… YUN NGA ANG POINT KO EH!!! Bakit kailangan maging normal sa buhay natin yung pain and sufferings… nakakasawa na kasi eh… What? For we can learn something from our pains, for us to be strong emotionally, for us to be prepared sa mga darating na mas matitinding hirap? Dun ako naguguluhan…

Sana sa mga makakabasa nito… I hope that you could be one of my reasons kung bakit ko nanaising mag bago at ‘wag naman sana na maging another reason kayo ng pag stay ko as a negative person… please help… please try to understand me… I really do wanna change… IKAW!!! Yes you!!! Would you be that person na mag bibigay sa akin ng reason for me to quit or are that person who’ll pick me up and try to give me reasons why I should change…



11/16/08


Sorry again if I hadn't been writing this past few days(again) Anyway, I really don't know what to write.. correction, maybe I have an idea on what I'm suppose to write kaso natatakot ako isulat ito.... what the heck... here I go again.


Lahat tayo na inlove na di ba and for sure lahat tayo naka expirience na ng iba't-ibang klaseng relationships. May long distance, may "May-December-love-affair", yung iba nga may same sex relationships pa... pero na in-love ka na ba sa isang tao na pag aari na ng iba? I'm not talking about yung type of relationship na nain love ka sa gf ng friend mo or bf ng friend mo.... you got me all wrong... I was trying to explain if na in-love ka na sa isang taong may asawa na? Shocking right?

Madami akong nababasa at naririnig na mga ganitong kwento... for me it's kinda wrong... well, MALI pala dapat yung word na ginamit ko. But I can't blame them... 'coz na expirience ko na yun a few years back
when I was still confused and pretty messed up... I met this girl sa isang waiting shed sa Ortigas.. She's really pretty and kinda hot... and I found myself drawn to her by her beauty... we started dating and soon we really got close. Kaso this angelic girl has a secret... she's married and she's a battered wife.. lagi syang sinasaktan ng hubby nya, I really don't know what to say or even what to do after I heard her say that she's in love with me.... kaso may asawa na siya. Ang nag pagulo pa nun ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya... I know it's wrong but it felt son good... eventually naging kami... and to tell you the truth it was a bumpy ride for 8 long months.. until nag kahiwalay na kami kasi ako na rin yung umayaw... binatukan yata ako ng konsensya ko... ayokong makasira ng relationship... I have to let go of love kahit na I'm craving sa pag mamahal na kahit kailan 'di ko naramdaman...

Tuwing na iisip ko yung chapter ng buhay kong iyon natatawa na lang ako kasi ganon pala ako ka desperado sa pag hanap ng taong mag mamahal sa akin... well actually desperado pa rin naman ako eh... pero not that much...

11/12/08


Sorry if I hadn't been writing this past few days... well i'm not that busy.. it's just that madami lang akong iniisip... Ano iniisip ko? MADAMI!!!! mostly about how my heart acts kinda weird this couple of weeks...

Well what to write?... hmmm

You know what it's kinda sucks pag yung kaisa-isang tao sa buhay mo na nagpapasaya sa iyo ay unti unting lumalayo... (hey I know your reading this) Actually hindi naman totally lumalayo... siguro unti-unti ng nawawalan siya ng time for me... I promised before that I'm not gonna use the first person perspective here sa blog ko but what the heck...

Anyway lahat tayo may mga pinag kukunan ng lakas to overcome each and every damn obstacle sa buhay natin... yung tipo bang sa kanya tayo lumalapit pag nalulungkot tayo or nangangailangan ng taong makikinig sa atin at mga walang kwentang problema natin, sa kanya tayo humuhugot ng lakas para mabuhay, sa kanya tayo yumayakap pag tila ba tinalikuran tayo ng mundo and we always expect that may maibibigay siyang payo or comforting words sa atin each time we run to our "lifesavers" pero what if yung taong iyon ay unti-unting nawawalan ng time sayo... hindi siya lumalayo pero hindi mo na rin siya maramdaman.. gets mo? Buti ka pa gets mo kasi ako HINDI!!!! All I want is to have someone to hold on pag nanghihina ako, someone who will love me, someone who I can call"mine". Would it be nice to have that kind of "someone"? Everyday parang nararamdaman ko na nawawala na yung taong pinaka mamahal ko... mahal ko siya... and I know that she loves me too... I hope bumalik na siya... I really miss the old "her"



*
paki usap bawal ka mag comment if alam mo na ikaw yung tinutukoy ko and for the rest of the readers you can make your comments here...
just text me...

11/5/08


I really hate it somebody leaves me... hindi ko ma-explain yung pain and heaviness within me... I know all of us are afraid to wake up one day knowing that our friends, families and even our special someones are going to leave us... that really sucks... take it from me.. halos lahat yata ng nakilala ko at pinahalagahan ko ay kinukuha sa akin agad. I don't know why but it feels like I'm destined to be all alone for the rest of my existence... Maybe your wondering kung bakit ako nag kakaganito... actually hindi ko din alam.. Maybe it's just that medyo madami na naman ang umiiwan sa akin... specially my friends... ewan ba, kasi kapag ako nag pahalaga sa tao I make sure that I won't give them any reson to leave me pero bakit nangyayari ito(ulit) sa akin? Hindi ba ako naging mabait sa kanila? Hindi ko ba naibigay ang lahat-lahat ko?

I just wish that someday maiiba naman yung takbo ng buhay ko... nakakapagod na kasi na laging iniiwan at binabaleawala ka ng taong kahit kailan ay 'di mo binalewala... I know I'm not making any sense her.. All I want you to know guys is that before you leave somone behind... isipin mo man lang yung mga good memories niyo... yung mga pinag daanan niyo... kasi it's painful pag lagi ka na lang iniiwan...

11/3/08


Trust.... Mahirap pag ito ang nawala... mahirap mawalan ng tiwala sa sarili... sa mga kaibigan... sa pamilya... at sa taong pinaka mamahal mo...

Pero bakit ba tayo nawawalan ng tiwala sa mga taong pinaka mamahal natin? Ewan... siguro it's just that may ginawa silang 'di maganda sa'yo at ang resulta ay pagkawala ng tiwala mo sa kanila... lahat tayo ay may mga ganitong situwasyon... siguro nasaktan ka ng kaibigan mo, ng magulang mo or worst nasaktan ka ng taong pinaka mamahal mo...

For me ito na yata yung pinaka worst... just imagine na that person taught you how to trust.. how to love and yet in the end siya din pala ang sisira ng tiwala mo and not to mention pati yung puso mo.. I don't know kung paano niya sinira yung tiwala mo sa kanya... siguro naging two timer siya at naging unfaithful, nag sinungaling siya sayo about something, or may binali siyang pangako sayo pero isipin mo ito... kahit in the end eh magka hiwalay kayo... hindi na maibabalik yung tiwala mo sa sarili mo at sa mga taong nakapaligid sayo... feeling mo lahat sila is out there to hurt you... siguro thats why may mga man haters at woman haters.. I can't blame them... Biktima lang sila ng mga mapaglarong tao...

Anyway, matagal bago mabuo ulit yung trust sa sarili natin at sa mga taong nakapaligid sa atin... it takes time... and a great deal of love... one time in their life may dadating na bagong tao na willing na mahalin ka pero... may problem... nahihirapan kang magtiwala... I don't know if ano ba talaga ang tawag dun... phobia ba? At kahit alam mong that person is true at mahal ka nga niyang talaga... 'di mo magawang magtiwala... Effect yun ng past expiriences mo thats why you find it hard to trust again... your afraid that isa na naman siya sa mga taong mang loloko sayo... I know takot ka pero how can someone love you if hindi mo sila papapasukin sa buhay mo... life's a gamble... pero if lagi ka na lang mag play safe dahil your afraid... you won't get that far... learn to trust, forgive and forget... And maybe... dahil sa takot mong masaktan ulit... 'di mo na mamalayan na pinalalagpas mo na yung true love mo....
 


Blogger Template By LawnyDesignz