1/31/09

Kapag tayo nasaktan dahil sa isang failed relationship, para bang ang hirap mag move on… parang ang hirap makalimot, at ang pinaka mahirap ay magtiwala ulit. Hirap mag simula… yung tipo bang ‘di mo alam kung magmamahal ka ba ulit para lang makakalimot ka sa mga mapapaiit mong nakaraan o pababayaan mo na lang na maghilom ito ng kusa(sigurado akong aabutin yun ng siyam-siyam) at dahil doon, unti unti na akong nawalan ng tiwala sa sarili ko at sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Lagi na lang kasi akong nasasaktan kaya bakit pa ako magmamahal, natatakot na talaga akong magtiwala… natatakot na akong masaktan at muling mag mahal pero sabi nga nila “life must go on” Hindi lahat ng breakups ay para na lang palaging nag mimistulang katapusan ng lahat… it’s just another trick ng buhay para mag simula ka ulit ng panibagong chapter ng buhay mo.

But before ko ipagpatuloy ito ako nga pala si Michelle Bernardino… girlfriend ako ng may ari ng blog na ito. Napapansin ko kasi lately na laging ako ng lang ang topic ng boyfriend ko dito sa blog niya… maybe it’s time para siya naman yung maging bida. Sana hindi kayo ma bored sa pag babasa nitong sinulat ko for my boyfriend. Kung matagal na kayong nagbabasa nitong blog niya for sure alam niyo na may pagka “EMO” ang boyfriend ko… puro na lang heartaches, breakups at kung anu-ano pang mga ka EMOhan niya sa buhay. Tulad ng boyfriend ko isa din akong certified 100% EMO. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagging emo…

BACKGROUND CHECK:

Nakaka anim na akong boyfriends before I met him(Saul) at lahat nung mga ex bf’s ko puro pain at sakit ng ulo lang ang inabot ko..

*1st Bf ko – Nag break kami kasi dami kong kaagaw sa attention niya

*2nd Bf ko – Nag break kami kasi wala siya kwenta yung tipo bang nilalaro lang niya yung relationship naming

*3rd Bf ko – Nag break kami kasi sinabihan niya akong wala daw akong kwentang gf yun pala kaya siya nakipag break dahil liligawan lang pala niya yung crush niya kasi nalaman niya na hiwalay na sila nung bf niya (gets?)

* 4th Bf ko – Nakipag break siya dahil na in love daw siya accidentally sa bestfriend ko( siya yung reason ko kung bakit ako nag try mag suicide)

* 5th Bf ko – Siya yung pinaka matagal kong nagging bf(1yr & 24 days) halos binigay ko na ang lahat sa kanya that time and yet nakipag hiwalay siya dahil sabi niya na “fall out of love” daw siya sa akin pero ang totoong story ay nahuhulog nap ala siya sa “bestfriend” ko(siya rin yung bestfriend na tinutukoy ko sa 4th ex-bf ko)lupit ng bestfriend ko noh? I even caught them kissing… hindi ko alam ang gagawin ko that time… ‘di ko alam if tititigan ko ba sila at papalakpakan sa super gandang scene na nakita ko o iiyak ba ako.. I went home crying and sa sobrang tuliro ng utak ko I just picked up a razor and just like what I did before… nag try akong mag pakamatay. If hindi ako nakita ng mom ko sa floor bleeding to death for sure hindi ako nakilala ni Saul

* 6th Bf ko - I caught him courting this girl kahit “kami” na and take note… gamit niya yung cellphone ko sa pangliligaw niya sa girl nay un… Nalaman ko din na trip lang pala lahat… ang pangliligaw, ang pagsasabi ng I LOVE YOU sa akin… as in lahat ay isang malaking JOKE!
Bakit pagdating sa kanila parang ang dali nilang manakit… parang ang dali lang sa kanila yung saktan ako… ‘ni minsan hindi ko naisip na manakit ng tao pero bakit ganun sila.. siguro dahil alam nila na sanay na akong masaktan at sanay na ako sa mga pangakong ‘di natutupad.


Enough na nga yung past ko… Now I want to share the most important thing that ever happened to me… It’s when I met the author of this blog… my boyfriend, my khizmhet, my vampire, my honey, my bestfriend, asawa ko… he’s my everything… My one and only Saul Krisna Villanueva. I know nakwento na niya kung paano kami nagkakilala at kung paano kami nagging isang couple.

Simula nung nagging kami, sobrang nafefeel ko yung worth ko bilang isang tao which hindi ko naramdaman sa mga previous boyfriends ko. Ibang-iba yung yung love na pinaparamdam niya sa akin feeling ko nga siya yung first boyfriend ko, siya yung type ng boyfriend na lahat gagawin para lang ma-feel ko na mahal at importante ako sa kanya. Sobrang saya ko with him dahil super proud siya sa akin( kaunaunahang bf ko siya na nagging proud sa akin) One time ginawan niya ako ng video at nilagay niya yun sa you tube. Habang pinapanuod ko yun hindi ko napigilang umiyak that moment… sobrang na touch ako sa message nung video niya for me.. kulang na nga lang ipag sigawan niya na mahal na mahal niya ako. Na aappreciate ko yung ginagawa niyang pag sundo sa akin 3 times a week kahit sobrang hectic yung schedule niya sa work. PAg magkasama kami halos ayaw na naming maghiwalay, ang sarap niyang kakwentuhan, kakulitan, at kaasaran, sobrang lambing din niya sa akin.

I’m sure nabasa niyo na din yung article ‘bout sa 1st date naming at for me kahit simple lang yung ginawa naming(kumain,nagkwentuhan at kumain ulit) yet sobrang memorable nung araw nay un kasi siya yung 1st guy na humalik sa mga kamay at forehead ko(hahaha kilig-kilig ako ah) One more thing, siya ang kaunaunahang boyfriend ko na nagsabi sa mismong harapan ko na how much he loves me and how much he needs me sa life niya kaya everytime na sinasabihan niya ako ng mga sweet words nagiging speechless ako, ‘di ko din alam ang magiging reaction ko pero sa totoo lang kinikilig ako pag ginagawa niya yun sa akin. And lastly siya lang yung boyfriend ko na nag uusap kami ‘bout sa future naming dalawa. We even have a name na para sa magiging baby naming sa future… we’ll gonna name her “KRISCHELE” combination yun ng krisna at michele (oh dib a super bongganess). Ramdam na ramdam ko na siya na talaga yung right guy for me.


Dear Saul,

Kaw na talaga yung right guy for me, MR. Saul Krisna Villanueva, super duper love talaga kita.. And I swear hindi ito basta-basta love lang… Pangako hinding-hindi kita iiwan at hindi kita sasaktan kasi ikaw lang nagpapahalaga sa akin, ikaw lang nagmahal sa akin ng ganitong katindi, ikaw lang nagpatino sa akin. Alam mo ba honey na ikaw lang ang boyfriend ko na sumusunod ako? Promise hindi na ako magiinom, hinding hindi na ako mag aattempt mag pakamatay… mamahalin kita hanggang sa huli at gagawin ko lahat maramdaman mo lang yung love ko for you and how much I need you sa buhay ko.
Kaya kong mabuhay ng walang kaibigan o kahit sino pa man… mawala na silang lahat wag lang ikaw… hindi ko kakayanin pag nawala ka sa buhay ko. Hindi na ako gaganahang mabuhay pag mawawala ka sa akin. Mahal na mahal talaga kita at hanggang sa huli ikaw pa rin ang mamahalin ko.

MAHAL KITA HONEY KO….

1/29/09

Minsan may nag tanong sa akin kung ano daw sa dalawa ang pipiliin ko…

Kapag mamatay ka daw with the person you hold most dear, ano dito pipiliin mo?

*Ikaw ang mauunang mamatay or
*Siya ang mauunang mamatay?

Napaisip ako bigla sa tanong niya… ano nga ba? Sino ba ang kailangan mauna? Ako ba o ang taong pinaka mamahal ko? Tinanong ko sa kanya if pwedeng sabay na lang… sabi niya hindi daw pwedeng sabay, I only have to chose one sa mga choices… ang hirap ah! Peste dumudugo na ang utak ko pero napag pasyahan kong yung taong mahal ko ang maunang mawala/mamatay kaysa sa akin. Oops! Siguro madaming napataas ang kilay, kumunot ang noo at nagulauhan sa sinabi ko… After maubos at matuyo ang utak ko ito ang pinili ko kasi ganito yun…

Alam naman natin na sobrang sakit yung nararamdaman natin sa tuwing iniiwan tayo ng taong minamahal natin… what more pag alam mong habang buhay na siyang mawawala sa iyo… I just can’t imagine the pain knowing that the only person who trusted you, who cared for you, the only person who loves you is going to die… so, are you getting my point? Mahirap pag ikaw ang maiiwan… I’d rather feel that pain kaysa siya ang makaramdam nun. For me yung pain sa heart is far more greater intense kaysa sa physical pain. Ewan ko if may mag aagree sa mga sinasabi ko or am I the only one who’ll be choosing that option? Basta gusto ko lang i-point out yung sacrifice ko for the person I hold most dear, ayokong makakaramdam siya ng kahit anong klaseng pain at kung pwede nga lang angkinin ko lahat ng sakit na mararamdaman niya for the rest of her life… Masyado na ba akong martir? I don’t care if isang martir ang tingin niyo sa akin… what matters to me is how I can I show my love for that person…

Ikaw? Yes you! Ano ang pipiliin mo? Will you chose to die first and let her feel that awful pain or will you let her/him be the first one to die and have that pain in your heart…

1/24/09

Darkness, tears and pain;

There, the three things I was well aware of when you said that one painful word... "goodbye."


Tears... I felt the sudden dryness in my throat. My vision begun to blurred as I slowly bowed my head. "goodbye" was the only thing on my mind now. I didn't even bother listening to your pathetic excuse.
Since the beggining I had always known it was her. Yet I forced myself blindly. I was blinded by my love for you. I was hoping... believing that... I was the one you would choose...

I made myself believe to the point that I let my guard down for you to see the real me. The real person that I was. I showed it... only to you. You made me believe and live in a dreamland you had created... with all your promises. Do you even know how happy I was whenever you made a promise? Yet now... not one of them come true.

I had loved you far too much to realize the difference between of dreams and reality and it really hurts when reality itself slapped my face.


Pain. I slowly turned my back away from you; away from all the memories. You had given me far too much pain to bear. You know, I already blamed everyone I knew. You, Him and I; I even blamed my friends for not saving me from you,. I blamed everyone, yet the pain still burned inside me.

Anger and pain rolled into one. What had I done to deserve this? Why? WHY! I ran home like a frightened child. I didn't know whom to trust anymore. Am I really unworthy for you?
I compared myself to him. He could sing, dance and act a smart guy and everyone's favorite. BAMM!!! I punched my fist against the wall Crying like I'd never be okay again... I had realized that.... I AM UNWORTHY.

Darkness. It was pitch black. My hope and my everything was slowly slipping away from me. I really don't know what to do anymore. I hated my life Had I never done anything good? Iwas tired. I was exhausted. I wanted to die. I just fell in love and this was all I got broken, lonely and cold....



*this got nothing to do with my girlfriend.... sinulat ko lang yung feeling ng isang taong niloloko ng kanyang minamahal.... may tinamaan ba?

1/23/09

Pag kauwi ko kanina dumeretso ka agad ako sa harap ng computer ko at umupo.... pero bakit ganun? Walang pumapasok sa utak ko kundi yung pag alis at pag kikita namin ng girlfriend ko.... bakit up to now parang siya pa rin ang naiisip ko at yung mga tawanan namin? Pag pasensyahan niyo na if lately medyo nagiging.... ahhh puro about me being so in love with my girl ang mga pinag sususulat ko dito sa blog ko.... wag kayong mag taka kasi kahit ako mismo hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Paran bang wala akong ganang mag sulat ng mga sad stories or sad articles about sa pag-ibig...

Kanina sinundo ko ang girlfriend ko sa usual meeting place namin para sabay kaming umuwi... and I thought walang kakaibang mangyayari sa amin today.... I just thought na susunduin ko siya, sasakay sa jeep, magtatawanan habang nasa byahe at pag malapit na kami sa kanila mag papaalam na at sasabihing hanggang sa muli.... pero this day was different... We actually had our "first date" together... yup you read it right... siguro nagtataka na ba kayo kung ano ba talaga ang nangyari kanina at parang hindi ko ma-contain yung joy sa dibdib ko... sige sige.... pag bibigyan ko kayo...

Everything so perfect kanina habang nag uusap kami sa isa sa mga benches sa mall, she was seating beside me, her hand placed over my hand while her head is resting sa shoulders ko at kahit isang batallion na tao ang dumadaan sa harap namin pakiramdam namin kami lang ang tao sa buong mall... Actually wala naman kaming pinag usapan na masyadong mahalaga.... nag kulitan lang kami, tawanan sa mga corny kong jokes, nag asaran, kwentuhan lang talaga.... pero parang kakaiba talaga yung pakiramdam ko kanina lalo na yung part wherein I was sayin why I loved her at I can't seem to imagine myself pag nawala siya sa akin... habang sinasabi ko sa kanya yung 100 reasons why I love her parang unti-unti akong nakakalimot sa sarili ko at sa buong kapaligiran... hindi ko rin namalayan na pumapatak na pala ang luha ko(drama ko talaga) habang binabanggit ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at patuloy ko pa rin siyang mamahalin no matter what happens. Bigla na lang akong natauhan ng maramdaman kong humihigpit na yung pag hawak niya sa kamay ko at nang humarap ako sa kanya bigla na lang niya sinabing mahal niya ako... parang I couldn't ask for more.

Ewan ko ba kung bakit ito ang sinusulat ko now... kaya pag pasensyahan niyo na ako... I just wanna express my feelings towards her... Bago pa mag simulang mag kaiyakan kaming dalawa kanina... niyaya ko na siyang mag merienda sa best friend kong si Ronald McDonald.... after naming maubos yung 2 large fries, 2 large drinks, at 2 sundae we started to walk papuntang sakayan... and guess what... I didn't realize na hawak hawak pala niya yung kamay ko the whole time we were walking papuntang abangan ng jeep.... at nang makaupo na kami she or rather we hugged each other so tight until parang na ramdaman ko yung heartbeat niya againts mine...

I know hndi na bago sa akin lahat ng mga pinag gagagawa namin kanina dahil nakakailang relationship na din ako.... Pero parang it feels like the first time pa rin. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng bliss... Parang ngayon lang ako naka hawak ng kamay, parang ngayon lang ako niyakap ng isang tao, parang ngayon lang ako nakarinig na sinasabihan na mahal ako ng buong buo, parang ngayon lang ako nahulog ng sobra sobra sa isang tao. I know puro ka-cornihan na ito pero gusto ko lang ishare yung feeling ko right now.... ngayon lang kasi may nag mahal ng ganito sa akin... and as far as I know... siya lang ang nagpahalaga sa akin... kahit sarili kong ina hindi ako nayakap dati, kahit mismong mga ex gf's ko hindi ko narinig na sabihan ako ng " I love you", at kahit mga kaibigan ko hindi nila pinaramdam na importante ako.... siya lang talaga.

And like all dates sa isang pelikula... our day ended with one sweet kiss... and of course nothing beats the first "real" kiss... we sealed our day with a long and sweet kiss... After we kissed, we promised each other that we will love each other forever... we bid goodbye at habang papalayo na siya.... I silently said "i love you Michelle"



PS:

by the way first date ng gf ko yun kahit nakakailang relationship na siya... This day is full of "first"

"Biro Noon... Totoo na ngayon"


Sa isang biro nag simula ang lahat,
Isang biro na hindi inaasahang magkatotoo.
Na ang tanging intensyon ay mang asar,
Pero dahil sa birong ito ako'y
Tunay na nag mahal.

Ako'y nagpapsalamat sa Maykapal,
Dahil ika'y natagpuan sa dami ng sagabal
Sa dami ng aking minahal
Tanging ang iyong pangalan
ang di malimutan.

Sa tuwing ika'y aking pagmamasdan
Ako'y humahanga sa iyong kagandahan
Kahit inaasar o pinag titripan mo ako
Ayos lang kasi Mahal naman kita

Kapag tayo ay magkasama
Nais ko sanang patigilin ang ang oras.
Matinding traffic ang dinadasal sa Maykapal
Upang tayo'y 'di mag kahiwalay

May mga araw na ako'y nasasaktan
Na para bang walang sapat na dahilan
Ngunit kapag ika'y nag lambing na
Ang lahat ng sakit ay nawawala na

Sa iyo lamang ako nag kaganito
Para akong baliw sa kaka isip sa iyo
At sa mga problemang dumarating
Ano ba ang iyong ginagawa sa akin at ako'y nagtino.

May mga araw na ako'y nangangamba
Dahil ayaw kong ika'y mawala sa aking tabi
Ngunit kung ano man ang iyong desisyon
Aking tatanggapin dahil ganyan kita ka mahal


* Ano na ba ang nangyayari sa akin at medyo nasalinan ako ng dugong makata? hahahahaha.
Anyway feel ko lang talagang mag sulat ng mga tula.... inspired kasi ang hari ng kadramahan sa blogsphere eh... Alam niyo ba guys na mas magaling mag sulat ang gf ko kaysa akin ng mga short stories at poems? Hahahaha idol ko yun eh... Ako'y hahayo na at susunduin ko ang aking iniirog(lolz).Late na ako.... yari na naman ako nito sa kanya... hahaha

1/22/09


Heart of Stone


Once I had a heart of stone
For it had surely lost its home
It could not love or wanted too
But in my life, then came you.

The stones began to fall away
As happiness began to fill my day
A feeling so sweet and special too
Could this be love, I pray is true.

My heart now sings a song of love
For I know that it was sent from above
My heart is warm, there is no cold
Hard no more, but with wings of gold.

It soars above the sky so high
Sometimes I think of why and cry
My heart now sings a loving song
For the part of me I thought was gone.

The gift that you have given me
Is so important, can't you see
No more sadness or being alone
For now my heart returns to home.

1/21/09


"Only in my Dreams"


Only in my dreams can I touch your face,
And feel the warmth of thy sweet embrace;
Only in my dreams can I hold your hand,
As we both walk on grains of sand.

Only in my dreams can I feel you near,
As you whisper sweet words gently on my ears;
Only in my dreams can I hold you close,
To kiss your lips as red as rose.

Only in my dreams can I touch the sky,
With you around I know I can fly;
Only in my dreams can we be together,
To share a love that is forever.

Only in my dreams can I claim your love,
Something I know I can't really have;
Only in my dreams will you love me true,
As same as this love I feel for you.

Only in my dreams... not in reality,
Can we bound to share eternity;
Only in my dreams can all these be,
For we are not each others destiny.




*trip trip lang ito.... walang connect dito ang love life ko...


1/20/09

Dahil sa kahilingan ni Lord CM ito na yung article ko 'bout my girlfriend and how she means to me....
BABALA: ngayon lang ako susulat ng ganitong klaseng article kaya pag pasensyahan niyo na...

Siguro lahat naman tayo na in love na kahit isang bese sa ating buhay.... and if your gonna ask me kung ilang beses na akong na in love... hahahaha hindi ko na talaga mabilang sa dami... actually hindi ko nga alam if love ba yun or crush or maybe its just an ifatuation... pero this time I think I can boldly say that I am in love... Yup you read it right... ang hari ng kadramahan ng blogsphere ay "in love" kaya 'wag na kayo mag taka if madalang na akong mag post at lately naiiba na ang mga tema ng mga topics ko... hirap kasi akong mag sulat ng mga sad topics pag nasa ganitong state ako... you can blame my girlfriend for that(lolz)

Her name is Michelle Bernardino.... actually hindi ko alam kung paano kami nag kakilala... all I know is that sa friendster ko unang nakita yung mga ngiti niya na parang kayang tumunaw ng isang bundok na problema. Pasintabi sa mga taong hindi nakakarelate... November 05, 2008 ko siya unang nakita(sa friendster) and my first instinct is to befriend her so I may get her number which eventually binigay din niya sa akin... Nag start kami as mag kapatid... she called me her "kuya" and she's my baby sister... I really don't know kung paano ko nasabi sa kanya that time na mahal ko na "yata" siya... that time kasi broken pa rin ako at takot pa rin akong mag tiwala sa tao... Pero something happened to me... I let my guard down to her at nag simula na akong mahulog sa kanya.... after a few weeks of constant communication naging kami na din, that was last December 01, 2008. Pero hindi kung paano kami naging "kami" ang pag uusapan natin.... it's how she changed me completely.

You all know na sobrang negative talaga ako at parang lagi akong defensive mode sa lahat ng mga nakakasama kong tao, siguro dahil na din sa mga bad experiences na pinag-daanan ko kaya totally nawalan ako ng tiwala sa tao and sad to say pati din sa sarili ko.... pero ever since I met her unti unti niya akong binago, from the start pa lang lagi niya pinupuno ng love yung heart ko hanggang sa mawala yung empty space that I've been feeling this past few years... She taught me how to trust myself and eventually sa ibang tao din, she never failed to cheer me up pag tila ba isang bundok ang problema ko sa buhay, she always listens sa mga kadramahan ko sa buhay... and I am eternally grateful for having her as my girlfriend... Actually parang hindi lang girlfriend ang tingin ko sa kanya, she's also my bestfriend, my teacher, my pillow, ka asaran, kakulitan.... i know this may sound corny pero siya ang buhay ko...

Never I have felt this way sa isang tao, parang kahit saan ako tumingin siya pa rin ang nakikita ko, lahat ng fave things niya binibili ko at tinatago ko, it's like I'm collecting all her fave stuffs, kahit hindi ako nakikinig ng mga type ng music niya.... lately I found myself humming to her favorite songs, kahit pati sa mga fave colors niya... like pink, black, purple.... dati naman ayoko sa mga ganong kulay pero now, nagagandahan na ako sa pink.... I even painted my room's wall pink and nag pa-print ako ng mga pics niya size A4( 8x10.5 inches) at tinapal ko sa ceiling ko para pag naka higa ako siya pa rin ang nakikita ko.... Actually hindi ko alam if ano ba gusto kong ipoint sa mga sinasabi ko dito.... basta all I know is that I really love her and I don't think I can imagine my life right now if hindi siya yung taga pag-alaga ng puso ko... siguro I'm still broken at takot pa rin sa tao... Mahal na mahal ko talaga siya at lahat ibibigay ko wholly.... my time, effort, care, and of course pati yuntg love ko... sabi nila 'wag ko daw ibibigay lahat sa kanya kasi pag iniwan daw niya ako paano na lang ako makaka pag move on.... I replied, "wala akong pakialam if saktan niya ako.... ang mahalaga nagagawa ko yung part ko as her bf... at how can I say na minahal ko siya ng buong-buo if nag tira ako para sa sarili ko?"

Siya ang reason kung bakit nagugustuhan ko ng mabuhay, kung bakit nakakatawa na ako, kung bakit nag pupumilit akong maging positive thinker, siya ang sagot sa lahat ng tanong ko sa buhay...
She's my life and I swear hindi ako titigil sa pag bibigay ng love sa kanya.... utang ko sa kanya kasi ang buhay ko... kundi ko siya nakilala I'm sure patay na ako or matagal na akong sumuko sa buhay...
Her love is the only reason why I'm still holding on.... mahal na mahal ko talaga siya and sa tingin ko yung word na "mahal" is not even enough para idescribe yung feelings ko sa ka niya...




*Asawa ko(thats what we call each other), salamat sa lahat ng pag mamahal na binibigay mo sa akin... salamat talaga.... I LOVE YOU so MUCH!!!

1/18/09

What if ito na yung last day mo na mabubuhay ka…. Sino ang gusto mong makasama? Kanino ka hihingi ng kapatawaran? Ano ang gagawin mo sa last 24 hours ng buhay mo? Try to visualize this thing and try to put yourself sa lugar ng libo-libong tao na bilang na ang mga araw nila dito sa mundo. Nakakatakot ‘di ba? Habang binabasa mo ano ang naiisip mo? Imagine that we only have 24 hours para mabuhay anu-ano yung mga gusto mong gawin? I’m sure nadami kang gusto gawin, madami kang taong gusting makasama at madami kang dapat ihingi ng tawad sa mga nasaktan mo…. Naisip ko lang itong isulat dahil sa pesteng pelikukang “If Only”.

Parang hindi ko yata alam ang una kong gagawin if I only have a day to live… siguro hihingi muna ako ng tawad sa mga magulang ko sa lahat ng mga sakit ng ulo na naidulot ko sa kanila at mag papasalamat na din ako sa lahat ng mga ginawa nila sa akin… and about my mom… hahanapin ko siya at patatawarin ko na siya sa lahat ng pains na naibigay niya sa akin tapos yayakapin ko siya… gusto naman na kahit sa huling pag kakataon masabi ko sa mga magulang ko na mahal ko sila. Gusto maksama lahat ng mga kaibigan ko at mag spend ako ng kahit ilang oras with them, gusto ko mag pasalamat sa lahat ng mga ginawa nilang pag uunawa sa akin, sa walang kasawa-sawang pag bibigay ng payo sa akin, sa pag bibigay ng love at hope sa akin whenever I’m down. Siguro mag load ako ng madami sa cellphone ko at tatawagan ko lahat ng mga kaibigan ko pati na din sa mga kaaway ko para humingi ako ng sorry and hopefully mapatawad nila ako. Lastly, I wanna spend my remaining days ditto sa mundo with my girlfriend, I want to tell her how happy I am for having her as my girl, mag papasalamat ako sa kanya for teaching me to trust again… for teaching me how to love again. I wanna tell her na because of her nag bago ako… I’m not the saul I used to be… dati hindi mo ako makikitang tumatawa or kahit ngumiti man lang pero ever since I met her biglang nagbago lahat, gusto ko siyang yakapin ng matagal just for her to feel my heart beating for her… She’s the answer sa lahat ng mga tanong ko sa buhay…

Masyado yatang malakas ang imagination ko kasi tumutulo na ang luha ko habang sinusulat ko ito… I really don’t know what’s happening to me kung bakit ako nag kakaganito… Dati-dati wala akong paki alam sa buhay… at para sa mga hindi nakaka alam 9 times na akong nag try mag pakamatay(4 na laslas, 2 overdose ng gamot, at 3 times na pinag sabay ko yung pag lalaslas at pag inom ng isang boteng sleeping pills) and yet I’m still here. I don’t value my life before pero hindi ko talaga alam if anong nangyari at bigla akong nagkakaganito. Siguro dahil nga sa pesteng movie nay un kaya ako nag kakaganito.

Madami pa akong gusting gawin before my 24 hour deadline ends pero siguro enough na yung makahingi ako ng tawad, makasama yung mga minamahal ko sa buhay at makasama ko ang girlfriend ko ‘till my last breath.

Ikaw? Ano gagawin mo if you only have 24 hours to live? Will you say sorry sa mga naka away mo, will you hug your family? Will you spend your remaining hours with your special someone? Kung iisipin natin parang masyado natin nababalewala ang bawat araw na dumadaan sa atin… madalas sinasabi natin na “ bukas na lang ako makikipag bati… or bukas ko na lang gagawin yun” pero what if wala ng bukas na dumating sa iyo… what if last day mo na ito? Ipagpapaliban mo pa ba yung pag sasabi ng mahal mo siya, ipagpapabukas mo pa ba yung pag tawag sa magulang mo at hihingi ka ng tawad, hihintayin mo pa ba yung bukas para lang maparamdam mo sa mahal mo how much you love them?

Sa tingin ko lang we should live our lives na para bang wala ng bukas… tulad ng post ko dati… hindi natin hawak ang oras natin… pwedeng ito na nga yung last day natin so I suggest that you stop wasting your time and start spending time with your loved ones, start saying sorry’s sa lahat ng mga naka away mo at start expressing your love sa mga taong importante sa iyo…. Time is running out…

1/17/09

If you keep doing what you’ve always done, you’ll always get what you always got so the logic is when you want something you’ve never had, you’ve got to do something you’ve never done before… makes prefect sense right? Ilang beses ka na bang nag ka problema na para bang pa ulit-ulit na lang… para bang hindi ka na makaalis sa ganoong klaseng problema… actually aminin mo man o hindi ganito din ang dinadanas mo ngayon… pa ulit ulit na lang ‘di ba? Same damn problem the only difference is that mag kakaiba lang ang mga taong involve pero same problem pa rin… ewan ko sa inyo pero ako ganito ang pinag dadaanan ko palagi. Hindi ko maisip dati if bakit ba ganito na lang palagi ang problema ko… parang replays palagi…

Someone told me before na ang problema para lang daw yang grade level sa school… pag hindi ka natuto sa level na yun… hindi ka makaka alis at for sure mag re-repeat ka…

Tama ‘di ba? Pag nga hindi natin nalagpasan ang isang pag subok at pilit natin tinatakasan ito…. Tiyak yun hindi tayo tatantanan ng problemang iyon.

Ewan ko ba pero parang tama nga sila… lagi na lang kasi paulit ulit na lang ang mga problema natin... matapos man ang problema natin ngayon for sure babalik yan if hindi mo pa rin natutunan yung dapat mong matutunan. Madaming nag sasabi na "every things happens for a reason" pero ever wonder bakit nga ba? Hmmm for me lahat yun part yun ng life para ituro sa atin yung mga dapat natin matutunan sa buhay, para maging matatag tayo sa mga susunod pang mga problemang makakaharap natin, at para makatulong tayo sa mga kapwa natin na dumadanas ng kaparehong problema natin...


Naisulat ko ito kasi mukhang natutunan ko na yung pilit tinuturo ng buhay sa akin for the past 8 years... i must let go and try to be positive about life itself kahit feeling ko nag iisa ako which is not true.... I am not alone... i have all of you guys... and of course my girlfriend...

Ina

1/14/09

Siguro madami na ang nag tatanong or nag tataka if nasaan ba talaga ang family ko? Medyo this past few days lagi na lang kasing about sa family ko yung topic ng mga entries ko and I’m pretty sure your wondering kung bakit ba parang napaka bitter ko when it comes sa usapang pamilya… Matagal kong pinag isipan if isusulat ko ba yung totoong nangyari sa akin or hindi… and I’ve decided na isulat ko na lang para matigil na itong issue ‘bout my family… hahaha… wala naman mawawala ‘di ba?

Galing ako sa isang broken family at alam naman natin na once nasira ang isang pamilya usually ang mga na aapektuhan ay yung mga anak… well, tama sila dun. Nakakahiya man sabihin pero dahil sa nangyaring pag hihiwalay na parents ko nag simula na akong mag loko… ewan side effect yata yun ng mga anak pag naghihiwalay ang mga magulang. Nag simula na akong manigarilyo, magi nom, at maging rebeldeng anak. After umalis ang dad ko sa bahay at sa buhay namin medyo nawalan ako ng kakampi. And guess what, few weeks lang may dinalang guy ang mom ko sa bahay namin at sabi niya siya daw ang…. Boyfriend niya(damn her).

Doon nag simula ang mala-telenovela kong buhay… that time kahit wala na ang dad ko sa amin patuloy pa rin siyang sumosoporta sa pag-aaral namin magkakapatid. Every month siya kung magpadala ng sustento sa amin thru my mom’s ATM… pero 2 weeks before mag start ang classes naming sa school… my F@^&!NG mom told me na I would have to stop….


“WHAT ?!? BAKIT ? Hindi na ba nagpapadala ng pera ang daddy?”

“NO! Nagpadala siya kaya lang natalo sa sugal ang step dad mo kaya kinailangan niya na gamitin muna ang pang tuition mo… next year ka na lang mag aral”

Parang biglang gumuho ang mundo ko nung narinig kong hindi na daw ako mag-aaral. Okay lang sana if dahil sa nawalan kami ng pera kaya ‘di muna ako makakapasok… eh kaya lang ginawang pambayad utang sa sugal ang pang tuition ko… After that day nag simula ng kumulo ang dugo ko tuwing makikita ko ang mom at step dad ko. Nagagalit ako sa mom ko dahil mas pinili pa niya yung boyfriend niya kaysa sa anak niya at sa tuwing malalasing ang yung step dad ko parang nag mistulang punching bag ang katawan ko dahil halos every other day akong binubugbog…. If you could only see my body now… wala kayong makikita kundi scars na nakuha ko sa dami ng hampas ng dos por dos sa katawan ko, mga paso na nakuha ko sa tuwing papatayin niya ang sindi ng sigarilyo niya, peklat dito peklat doon yan lang ang makikita mo sa loob ng pants at

T-shirt ko…

Nagtiis ako sa loob ng dalawang taon na laging ganun na lang ang nangyayari, pag nalalasing… bubugbugin ako, pag high sa drugs… bubugbugin ako at pag may mali akong ginawa… bubugbugin ulit… I was starting to hate my life that time… mas gusto ko pang mamatay kaysa maramdaman ulit yung pain na binubugbog ka ng step dad mo at makikita mo ang mom mo na naka tulala at pinag mamasdan ka lang na tila ba balewala sa kanya yung ginagawa sa akin ng halimaw niyang boyfriend.

Hindi lang sa kamay ng boyfriend ng mom ko ako nasasaktan… pati sa mismo kong ina din...

HOUSE RULES:

  • Bawal gumamit ng kahit anong gamit sa bahay na gumagamit ng kuryente
  • Bawa lumabas ng “Selda 14”(yan ang tawag ko sa room ko kasi ang pinto ko ay gate na yari sa bakal… yung parang pang kulungan) pag may sikat pa ang araw(baka daw kasi may makakita sa mga pasa ko)
  • 3 Timba lang ng tubig ang pwede kong gamitin everyday
  • Kakain lang ako pag tapos na silang kumain.(Kung ano ang matirang pag kain yun lang ang madalas kong kainin… minsan kanin lang, hahaha minsan ulam lang at walang kanin at malas pag kapatid ko ang nag luto… tiyak yun simot ang kaldero kaya diet ako madalas nung mga panahong iyon)
  • Bawal mag sumbong sa kahit kanino ‘bout sa nangyayari sa akin.

Bigla ko tuloy na alala one time sobrang napuno na ako kaya sumagot ako sa kanya and guess what ang ginawa niya sa akin… she spit on my face… Sobra talaga ang galit ko sa kanila. Alam ko hindi na kayo makapaniwala sa mga sinasabi ko pero lahat ito tunay at walang halong lokohan. Sinusulat ko lang ito kasi masyadong matagal ko na itong tinatago sa loob ko and sabi nga ng girlfriend ko dapat matuto daw akong mag let go kasi sarili ko lang yung pinahihirapan ko pag ‘di ako nakapag release ng mga hinanakit ko sa family ko and that’s why I’m writing it here sa blog ko.

Oo nga at nag hilom na ang mga sugat ko at naging scars na lang ito… pero deep within me non-stop pa rin yung pain na naidulot nila sa akin… All my physical wounds have all healed but not my heart… it’s constantly bleeding pa rin… Patuloy pa rin ako sa pag hahanap ng pagmamahal na kahit kailan hindi ko nakita sa nanay ko, pag kalinga na di ko man lang naranasan, yakap na kahit kailan ‘di ko naramdaman at pag sasabi na mahal ako na kahit kailan ay ‘di ko narinig. Kaya wag kayo mag taka if saan talaga ba ako humuhugot ng mga idea sa pag susulat ko… lahat ito galing sa puso ko…

Kaya sana if kumpleto pa kayo ng family mo whether nasa ibang bansa ka or hindi… learn to appreciate them kasi kung ikaw nababalewala mo sila…. you better think twice kasi ilang libong katulad ko ang nangangarap makaramdam ng pag mamahal na ng isang ina… mapalad ka…

1/9/09


Nitong mga nakalipas na mga araw since I got out sa hospital parang lagi ko na lang natatagpuan ang sarilin kong tulala… I don’t know kung dahil ba sa isang timbang gamot ang naiturok sa akin or dahil sa isang drum ng dextrose ang pumasok sa katawan ko… pero everytime I looked back sa nangyari sa akin para bang may nag bago sa akin…. Parang lagi na lang akong may hinahanap na isang bagay and I don’t know what it is… hmmm siguro alam ko pero nag bubulag-bulagan lang ako… Na iinggit ako sa “inyo”


“Na iinggit?” You read it right… I know medyo malabo sa inyo itong mga sinasabi ko, pero sa ito talaga ang pakiramdam ko pag may nakikita akong isang family na masaya at mag kakasama, na iinggit ako sa mga taong may nakakaramay sa kanila pag tila ba parang guguho na ang mundo nila sa dami ng problema, na iinggit ako sa mga anak na laging suportado ng mga magulang nila… Ever since that incident na muntik na akong mawala… parang first time kong nag hanap ng pag mamahal na galing sa isang pamilya. Usually kasi basta’t kasama ko ang mga kaibigan ko ayus lang or pag kasama ko ang girlfriend ko solve na ako. Pero this time parang iba yung hinahanap ko eh. Parang naghahanap ako ng love galing sa sarili kong family which sad to say wala na akong family. Parang I don’t belong to anyone yan lagi ang nararamdaman ko.


Maybe you’re asking now kung nasaan ba talaga ang family ko… hmmm actually I really don’t know kung na saan sila especially my mom and my two sibling… Almost 8 years ko na silang ‘di na kikita… Ooops! Correction! Nag kita nga pala kami ng kapatid kong girl at yung bunso namin nung October sa burol ng lola ko and sad to say hindi na ako ma-mukhaan ng bunso namin… nasaktan talaga ako that time ‘cause ako ang nag palaki sa kanya until nag 5 years old siya,. Ako ang nag kakanaw ng gatas niya, nag papalit ng diapers niya, ako nag papaligo, nag papatulog sa kanya at ako din ang nag turo sa kanyang mag basa, sumulat at kumanta ng A-B-C’s niya. Pero looked at him now, first year high school na siya and if my memory serves me right incoming grade 1 lang siya nung huli kaming nag kita. Hindi talaga ako showy sa feelings ko pero nung nag kita kami hindi ko mapigilan yakapin siya at laking gulat ko nung tinutulak niya ako papalayo sa kanya… I asked him if he still remembers me…. And he replied with just a single word… NO!!!! Para akong sinampal nun sa mukha… hindi na talaga niya ako maalala. It is as if para na lang akong isang stranger sa sarili kong kapatid.Later that night I cried myself to sleep… and since that day I told myself na mukhang I am destined to be alone…


Akala ko hindi ko na hahanapin yung ganung klaseng pag mamahal na nang gagaling sa isang pamilya pero I spoke too soon, nung nakahiga ako sa bed ko at pinag mamasdan ko yung mga katabi kong nag papagaling din… inggit na inggit ako sa kanila kasi may dumadalaw sa kanila… may kumakamusta, may nag dadasal na nawa ay gumaling na yung mahal nila sa buhay at may nag babantay na kamag anak, pamilya, o kaibigan sa kanila tuwing gabi…. Pero poor me…. ‘ni isang dalaw wala ako. Hindi ko ma-explain yung pain every time I see them happy at nag tatawanan.


May mga pag kakataon na nababalewala natin yung mga pamilya natin, kaibigan o kahit sinong nag papahalaga sa atin dahil araw-araw naman natin sila nakikita o nakakasama… hindi natin na aappreciate yung pag sesermon ng mga nanay natin dahil sa ayaw natin napapagalitan tayo, ‘di natin ma-appreciate yung mga pag babawal sa atin ng mga magulang natin kasi pakiramdam natin sobrang higpit nila sa atin at nasasakal na tayo pero take it from me… mamiMISS mo rin lahat yung mga sermon nila pag nawala sila sa buhay mo. Minsan ‘di din natin makuhang mag pasalamat sa mga kaibigan natin tuwing may maitutulong sila sa atin at kahit mismong mga ka relasyon natin madalas nababalewala natin kasi nga alam natin na mahal na mahal nila tayo kya alam natin na hindi nila tayo iiwan kaya madalas ‘di natin sila nabibigyan ng enough love, care at time… Lumaki akong hindi ako open sa mga magulang ko at hindi uso sa amin yung pagiging sweet kaya medyo nag karoon ako ng gap sa kanila… pero nung nag start na silang mag laho isa-isa sa buhay ko… lagi ko na iisip na sana bago kami nag kahiwa-hiwalay sana nasabi ko man lang na mahal ko sila at thankful ako for having them kahit laging sermon ang abot ko sa kanila. Hindi man lang ako nakapg pasalamat sa mga ginawa nila sa akin…. Sana nakapag-thank you man lang ako sa kanila… ‘ni hindi ko nga maalala if nayakap ko ba sila at nahalikan kahit sa pingi lang before sila nawala sa akin…


Right now I’m still trying to find a place sa heart ng kahit sino… gusto ko man lang mag karoon ng family or friends na mamahalin ako ng totoo na para bang tunay nila akong kapamilya... will you adopt me?




*salamat sa girlfriend ko for showing me na hindi ako nag iisa at dahil sa kanya ramdam ko that somehow importante din ako... khizmhet salamat kasi tulad ng sinasabi ko sayo palagi kung hindi dahil sa iyo siguro i'm still broken inside out. Ikaw na lang ang nag papasaya sa akin kaya i swear i won't do any foolish things para iwan mo ako. Salamat sa love, sa care, sa time at effort para iparamdam mo sa akin na hindi na ako mag iisa kahit kailan kasi tulad ng sabi mo sa akin dati... hindi mo ako iiwan... i love you


Diane, Ate Amy, Khuletz316, dangel, marco, lordCM, pajay, dhemz, lizzie, cyndirellaz, veta, kosa, yanah at sa lahat ng blog mates ko... kahit wala pa akong nakikita sa inyong lahat at kahit bago pa lang ako dito... still pinaramdam niyo na tanggap niyo ako... kayo ang family ko...


1/4/09


“Life is too short” yun ang sabi nila and kahapon ko lang na realize na tama nga sila… I was confined sa hospital for some reason I can’t tell… Basta I was burning hot for 36 hours… I was so hot that they said they can actually cook an egg sa forehead ko, I vomit every 5 minutes, they found some infections sa blood ko, I also have this “gastritis” thing… I was so sick that I couldn’t stand on my own without falling and the worst part is nung mag 50/50 ako… they check my BP and they were shock when it reads 60/20… hindi ko alam na muntik na pala akong mamatay… my heart was hardly beating that time and if tumagal pa daw ng kahit another 2 minutes yung ganung BP ko… they are sure that I won’t make it but luckily gumaling din ako…

Pero while I was lying at my bed fighting for my life, I witnessed 3 other patients dying right in front of my eyes at medyo natauhan ako sa mga nangyari sa kanila at syempre sa nangyari din sa akin… Ang bilis ng pala matapos ang buhay… After that moment I just sat there in my bed thinking ‘bout my life… ano na ba ang nagawa kong tama habang nabubuhay pa ako? Parang wala… I kept on thinking until my head hurt… Then I saw the dead guy’s loved ones… umiiyak sila at pakiramdam ko naging mabuting tao yung namatay kasi todo ang pag iyak ng mga iniwan niyang mahal sa buhay… Sa akin kaya may iiyak ba pag namatay ako? May makaka-miss ba sa akin? May dadalaw ba sa libing ko? Siguro meron pero I’m pretty sure na pakitang tao lang yung gagawin nila kasi ngayong buhay ako eh hindi nila maipakita na mahal nila ako much more kung patay na ako… how can you show love if patay na yung pag bibigyan mo ng pag mamahal. Sabi nga nila “aanhin mo pa ang damo if patay na ang kabayo?” May point sila dun…

Anyway… kahit tila ba walang makaka miss sa akin I decided to write this letter para sa dalawang taong maiiwan ko at naging part ng buhay ko kung sakaling mawala ako…


Michelle – Salamat sa lahat lahat ng ginawa mo para sa akin, salamat sa love, sa time, sa effort, sa pag alala mo sa akin…. Mahal na mahal kita at never kitang makakalimutan… at kahit medyo madami tayong trials lately I want you to know na hanggang sa huli hindi pa rin ako susuko… Salamat kasi kung hindi dahil sa iyo I’m sure matagal na akong sinukuan sa dami ng problems ko… Maraming salamat talaga and probably I didn’t say this to you before pero ikaw ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko… and I’m thankful for having you as my girlfriend… I’m so sorry for all those times na naging pasaway ako sa iyo… patawad if madalas akong nagiging malungkutin lately… Actually medyo madami pa sana akong sasabihin pero parang kukulangin itong blog ko para masabi ko lang sa iyo how much you mean to me… I will always love you at kahit kailan hindi mababawasan yung love ko for you but instead mas titindi pa ito…

I love you khizmhet.


Dae – Ilang taon na ba tayong mag ka kilala? 3 or 4 years na ba? Anyway gusto ko lang magpasalamat sa iyo sa 3 or 4 years na magkasama tayo as mag kapatid, salamat talaga at natupad yung wish kong mag karoon ng kapatid na babae… Ever since pa lang nung una kitang makausap I know that mag tatagal ang friendship natin at hindi nga ako nga kamali… look at us now, still going strong… Thank you for all the times na pina tahan mo ako sa pag iyak dahil sa mga ka dramahan ko sa buhay, thank you sa mga munti mong letters sa akin… up to now tinatago ko pa yun… Patawad if medyo mas mauuna ako sa iyo ha… hindi ko pa yata ito nasasabi sa iyo ng harapan and I guess never ng mangyayari yun… I want you to know that sobrang mahal na mahal kita as my ‘lil sister… I know nararamdaman mo naman yun di ba? Mag-iingat ka palagi at wag ka masyadong kikay(lol) and ‘bout sa suitor mo… hinay-hinay lang ha… take your time…

I love you baby Dae.


Sila lang yata ang makaka-miss sa akin pag nawala ako… mahal na mahal ko silang dalawa… Well, enough of this mushy stuff… gusto ko lang talagang malaman nila what they mean to me… Kasi malay natin after I wrote this letter and the moment I step out of this computer shop bigla akong mamatay… we will never know what lies 5, 10, 15 minutes from now kaya ako nakapag sulat ng ganito… I hope I didn’t bore you… So kayo, what are you waiting for? Tell your love ones how much you love them… before it’s too late



*P.S

Daddy I’m sorry if hindi ko nasabi sa iyo how much I love you and how much I am blessed to have you as my dad… maraming salamat at patawad sa pagiging suwail kong anak sa iyo… I love you


 


Blogger Template By LawnyDesignz