Wag kayong magulat at hindi ako maligno at lalong di ko kayo minumulto... whew!!! akala ko nakalimutan ko na yung password ko dito sa blogsphere :)
Anyway di na ako aasang may mag babasa nito sa tagal ba naman na nawala ako eh...anyway ano ba ang bago sa akin ngayon? Hmmm aside sa new work, new life, at new friends wala naman pinag bago...
Siguro naman hindi lang naman ako yung nakakaranas ng mga pag babago sa buhay, nakakaranas ng magandang nangyayari sa munting buhay nila, at lalong napaka imposibleng ako lang yung may dapat ipag pasalamat kay papa JESUS...
Kung wala kang maiip na dapat ipag pasalamat sa Kanya aba!!! umayos ka at subukan mong silipin ulit ang buhay mo at mag hanap ka ng dapat iag pasalamat sa Kanya... Buhay ka ngayon at isa na yun sa dapat ipagpasalamat...
Tutal napadpad na din lamang ako sa usapang "buhay"... nais ko lang ikwento sa inyo yung karanasan ng isang taong nakilala ko dito sa cyberspace(wow tunog sossy)
Itago na lang natin siya sa pangalang DEWIE, wala akong gaanong alam sa buhay niya kasi di naman kami close masyado but still may pumukaw sa akin sa isa sa mga karanasan niya sa buhay... May BF siya at sa tingin ko naman masaya sila before na mamatay yung guy sa mismong monthsary nila...
Naisip ko lang na maiksi pala ang buhay, di mo alam if magigising ka pa kinabukasan para sabihin sa mahal mo kung gaano mo siya kamahal. Baka di ka na din magising bukas para kumain ng mainit na pandesal at sardinas(peyborit ko yun walang pakialaman) ahahaha. Baka wala ka na din time para humingi ng sorry sa taong nasaktan mo...
So kung buhay ka ngayon dapat ipagpasalamat mo kay GOD sa panibagong araw na ipinag kaloob niya sa iyo... isa na din yung way Niya para sabihin na "anak oh ayan may isa ka na naman araw para ituwid lahat ng pag kakamali mo... wag kang pasaway anak"
BELATED HAPPY 25th MONTHSARY nay(bagong tawagan namin ni gerlpren) i love you po... nay salamat sa lahat ng pag mamahal na pinaramdam mo sa akin... na aappreciate talaga kita pati yung small and simple things na ginagawa mo for me... at kahit small lang yun(tulad mo) joke ... big deal sa akin yun kasi mahal kita
"Ang tao parang kahoy..kahit balutan mo ng kahit anung kolorete,pinturahan mo man yan at pakinisin mo ng liha...di mo maitatago ang tunay na saloobin nito..darating ang panahon susuko yan sa anay,rurupok,mabubulok,at tuluyang mawawala...gaya ko...lahat tayo may hangganan dito sa mundo."
"Magsuot ka man ng napaka daming maskara, punuin mo man ang mukha mo ng make up o itago mo ang iyong mukha sa likod ng sombrero... di mo pa rin mapepeke ang tunay mong nadarama... lilitaw at lilitaw ang katotohanan dahil magawa man nating mag sinungaling at sabihing okay tayo pero ang mga mata natin ay mananatiling totoo"
"Minsan hindi gamot ang kailangan ng isang may sakit.... kadalasan nag hahanap lang sila ng importansya na nanggagaling sa kanilang minamahal... Iparamdam natin na sila'y importante din bago mahuli pa ang lahat... Mahirap mag bigay importansya sa minamahal natin kung sila'y nakabaon sa ilalim ng lupa"
"Mahirap mamatay dahil sa isang sakit pero mas mahirap kung buhay ka nga pero unti unti kang pinapatay ng puso mong ang tangin kasalanan ay ang mahalin ka"
Dahil malapit na ang ISANG MINUTONG SMILE bigla kong naisipang kong sumalat tungkol sa batgong pinag kakaabalahan ko ngayon kasama ang aking ama at ang aking butihing may bahay este gerlpren lang pala.
Mag dadalawang buawan na din ng una kaming maki bakas sa munting proyekto ng aking ama...
Wala kasi kami magawa ng gf ko sa bahay... lagi na lang kasing puro pag tulog ang pinag kakaabalahan namin nung mga panahong iyon pag nasa bahay kami, kaya ayun dahil boring eh sumama kami sa feeding program ng aking ama.
AKO: Deh malayo ba yung pinupuntahan mo sa feeding program mo? sama kamni michelle ala magawa dito eh. DEH: ah malapit lang yun, sa may taas lang nitong subdivision natin. AKO: ah sige sama kami... DEH: buti pa nga at ng may magawa kayo ni michelle kesa puro tulog ginagawa niyo dyan sa kama mo.
Alas 2 nung umalis kami at di ko akalaing malalaman ko na napaka palad ko kesa sa ibang mga kapatid natin sa bundok.
Malayo pa ba deh? Malapit na... ahm mga 2 bundok pa at 2 ilog na lang at nandun na tayo sa falls. Akala ko nag bibiro lang siya pero nang malaman ko kung saan kami pupunta eh ayun nanglumo ako kasi may bitbit akong isang kahon na pag kain na tumitimbang ng 15 kils (naks ng jueteng ginawa pa akong kargador) ahahahaha
Makalipas namin akyatin ang 2 bundok at 2 ilog nakarating na kami sa paroroonan namin... Namangha at nalungkot ako sa nakita ko, mga bahay na yari sa pinag tagpi tagping yero, mga ply wood na luma, mga bato, mga lona, etc. Wala akong makitang maayos na bahay at ang mga bata dun grabe nakakaawa ang sitwasyon, mga suot nila ay tila ba mga basahan, punit-punit at kadalasan wala pang saplot. Nasa Pilipinas pa ba ako?
Sinimulan na ni gf ang pag luluto ng lugaw na galing sa states salamat na din sa pakikipag tulungan ng KIDS AGAINTS HUNGER na isang organization na tumutulong sa pag papataba ng mga batang malnourish sa buong mundo. At ng matapos na ang pag luluto ay sinimulan na namin magpakain sa mga bata, nakakatawa at nakakatuwa kasi may batang sumisigaw ng "KAKAIN NA!!! NANDITO NA SI PASTOR!!!"
Di nagtagal nagsimulang humaba na ang pila ng mga bata dala dala nila ang mga mangkok,plato,platito,baso at kahit tabo may dala din. Bakas sa mga mukha nila ang kasabikang makakain ng lugaw namin. Lahat sila nakangiti at tila ba isang maagang pamasko ang dala namin, bakas sa mga mukha nila na kahit gaano kahirap ang situasyon nila eh hindi sila nag papaapekto.
Bakit sila nakakangiti eh simpleng lugaw lang ang dala namin, bakit kung titingnan ko sila eh parang wala silang problema? Bakit? Tayong mga matatanda este kayo lang pala ang matanda ... bata pa ako eh twenteen six palang ako eh, bakit tayo di natin sila magaya na pag may problema o na ppressure sa dami ng iniisip, napahiya lang ako sa sarili ko habang iniisip ko yung mga bagay na yun... oo nga't wala silang pera, bahay na matino, o kahit pagkain lang na sasapat sa 3 beses isang araw pero heto sila at abot tenga ang mga ngiti nila.
May nakilala kaming dalawang magkapatid, si mac-mac at ron-ron... maagang nilisan sila ng ina nila, at ang napaka bait nilang ama eh walang ginawa kundi ang mag inom ng mag inom pero ng lumapit sila sa amin para iabot ang dala nilang plato para humingi ng pagkain eh bakas na bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan... wala silang tsinelas, maduduming mga damit na tila basahan ang suot nila pero bakit ganun nakangiti pa din. Nakatuwaan ni gf na bigyan ng cloud 9 yung si macmac at ayun tuwang tuwa na tila ngayon lang nakakain ng chocolate... at ng dumating ang kapatid niya eh hindi siya nag dalawang isip na hatian niya si ronron... kakatuwa talaga yung dalawang bata na yun... di mo mababakas ang kahirapan nila sa buhay dahil sa mga ngiti nila... bakit di natin sila tularan... alam kong mas nakaka angat tayo sa kanila, kumpleto ang mga damit at may mga brand pa, 5 beses nakakakain sa isang araw, may laman ang mga wallet, pero bakit di natin magawang ngumiti....
gayahin natin sila na pag may problema eh tinatawanan lang at nginingitian lang...
smile na kayo bawal naka simangot dito sa blogsphere....
isa lang ako simpleng tao na may simpleng pangarap.... gusto kong manalo ng 100M sa lotto!!! hahahahaha about me ba? enjoy lang kayo sa mga walang kwentang storya ng buhay ko at ng lablayp ko....