2/17/11


Wag kayong magulat at hindi ako maligno at lalong di ko kayo minumulto... whew!!! akala ko nakalimutan ko na yung password ko dito sa blogsphere :)

Anyway di na ako aasang may mag babasa nito sa tagal ba naman na nawala ako eh...anyway ano ba ang bago sa akin ngayon? Hmmm aside sa new work, new life, at new friends wala naman pinag bago...

Siguro naman hindi lang naman ako yung nakakaranas ng mga pag babago sa buhay, nakakaranas ng magandang nangyayari sa munting buhay nila, at lalong napaka imposibleng ako lang yung may dapat ipag pasalamat kay papa JESUS...

Kung wala kang maiip na dapat ipag pasalamat sa Kanya aba!!! umayos ka at subukan mong silipin ulit ang buhay mo at mag hanap ka ng dapat iag pasalamat sa Kanya... Buhay ka ngayon at isa na yun sa dapat ipagpasalamat...

Tutal napadpad na din lamang ako sa usapang "buhay"... nais ko lang ikwento sa inyo yung karanasan ng isang taong nakilala ko dito sa cyberspace(wow tunog sossy)

Itago na lang natin siya sa pangalang DEWIE, wala akong gaanong alam sa buhay niya kasi di naman kami close masyado but still may pumukaw sa akin sa isa sa mga karanasan niya sa buhay... May BF siya at sa tingin ko naman masaya sila before na mamatay yung guy sa mismong monthsary nila...

Naisip ko lang na maiksi pala ang buhay, di mo alam if magigising ka pa kinabukasan para sabihin sa mahal mo kung gaano mo siya kamahal. Baka di ka na din magising bukas para kumain ng mainit na pandesal at sardinas(peyborit ko yun walang pakialaman) ahahaha. Baka wala ka na din time para humingi ng sorry sa taong nasaktan mo...

So kung buhay ka ngayon dapat ipagpasalamat mo kay GOD sa panibagong araw na ipinag kaloob niya sa iyo... isa na din yung way Niya para sabihin na "anak oh ayan may isa ka na naman araw para ituwid lahat ng pag kakamali mo... wag kang pasaway anak"


BELATED HAPPY 25th MONTHSARY nay(bagong tawagan namin ni gerlpren) i love you po... nay salamat sa lahat ng pag mamahal na pinaramdam mo sa akin... na aappreciate talaga kita pati yung small and simple things na ginagawa mo for me... at kahit small lang yun(tulad mo) joke ... big deal sa akin yun kasi mahal kita

7 comments:

♥superjaid♥ said...

akala ko di ka na babalik dito sa bahay mo kuya eh hehehe =) welcome back!

February 18, 2011 at 6:21 PM
iya_khin said...

uy nagbalik ka!!! musta naman si gelpren?!!!

February 19, 2011 at 4:03 AM
Jag said...

Tama ka parekoy! Life is short kaya dapat gumawa n tayo ng nararapat at siyempre ang magpasalamat sa lahat ng blessings na ating natanggap sa ating Panginoon...

Same pla tayo. May new work na din...nasa adjusting stage hehehe...

Musta?welkembek!

February 20, 2011 at 2:51 PM
saul krisna said...

@sis jaid
syempre babalik ako hehehe di ko matiis kayo eh salmat sa pag dalaw

February 22, 2011 at 6:42 PM
saul krisna said...

@iya
ui hehehe salamat sa pag dalaw sis... musta ka na?

February 22, 2011 at 6:43 PM
saul krisna said...

@jag
good luck sa ating bagong trabaho... teka anu ba trabaho mo?

February 22, 2011 at 6:44 PM

uy nagbalik ka!!! musta naman si gelpren?!!!

totaly good think

escorts in kanpur

May 25, 2012 at 7:37 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz