12/26/09


Maligayang PASKO sa ating LAHAT... ayun nakalipas na naman ang isang pasko at guess what kung sino ka date ko? Aba syempre si gf... OHA!!! Last four years kasi puro na lang si Ronald McDonald or si jabi ang ka date ko tuwing sasapit ang bisperas ng pasko at ng bagong taon... pero this time naging GooD Boy daw ako sabi ni papa Jesus kaya ayun hinayaang magkasama kami that day...

Umaga pa lang kasi ng December 25 eh nangangatog na ang mga tuhod sa takot
kasi di ako nakapag withdraw sa Atm ko kaya poor ako that day... hinu-hunting na kasi ako ng 2 kong inaanak. Si Camille at si Gerald na parehas 16 years ko ng di nabibigyan ng kahit anung gift... laging ang katuwiran ko... "kapag ikakasal ka na ,ako na ang sasagot sa handaan"(kuripot ko talaga). So ayun sinara ko lahat ng bintana ng bahay namin at nagtiis na di mag bukas ng computer sa takot na baka sumilip ang mga inaanak ko at makitang bukas ang monitor at mabibisto ako na nasa bahay lang pala at nag tatago...

Buti nalang nag text ang aking gerlpren at sinabing gusto niyang gumala... Nag isip ako bigla... nagpapahiwatig ba si gf sa akin na gusto niyang mag date kami? aba syempre wala ng patumpik-tumpik pa at sinabi ko na magkita kami ng mga after lunch.

Dahil pasko eh madatung si gerlpren kaya siguro nag yayang mag date at di ako nagkamali, ilang papel na ubod ng lutong at nakita ko sa wallet niya(namasko pa yata siya... parang overage na yata yun ah) so ayun dahil wala kaming maisip puntahan... napag tripan naming pumunta na lang ng Megamall at nag shopping sa St. Francis sa likod ng mall(bumili siya ng sapatos at nag hanap kami ng spongebob na t-shirt)

After mag gala, kumain lang kami ng tig isang 1 piece chickenpizza, pasta pero dahil ubod ng lakas kumain ng gf ko(sa kabaligtaran) ako na din umubos ng chicken niya at 2 kanin at nung matapos akong kumain parang 3 months preggy sa laki ng tyan ko(BUSOG!!!!) ayun nagulat na lang kami na gabi na pala kaya dali dali kong nilunok na lang yung pag kain ko at umuwi na kami pero dahil pasko super hirap sumakay ng jeep papauwi... kaya after ng isang oras ng kakahabol ng jeep eh pinalad din kaming makasakay...







All in all naging masaya ang pasko ko, first pasko namin na magkasama at first time kong mag pasko na may taong kasama at hindi isang statwa(tama ba spelling... na bobo na naman ako sa spelling eh) ok fine statue na lang. Isang masayang pasko ito para sa akin...

*kosa nasaan na yung regalo ko? daya mo ah... narecieve mo na ba yung load mo na trenta pesos? hahahaha

12/21/09


Naku ilang araw na lang at mag papasko na pero wala pa din akong regalo para sa dalawang inaanak ko… sabi ko nga sa pinsan kong si Camille… pag mag aasaawa na siya ako sasagot sa handaan(kuripot talaga ako eh). Anyway wala naman akong maikukwento sa inyo… actually mag tatanong lang ako sa inyong lahat kaya sana… sana lang paki sagot…

“Ano ba ang magandang gawin para sa 1st anniversary naming ni gerlpren sa darating na January 16 2010?”

Wala talaga akong maisip eh, patulong naman oh.

Anyway, tutal puro regalo naman ang pinag uusapan natin… ,may 3 bagay lang ako na gusting gusto kong matanggap ngayong darating na pasko

· Isang tsinelas(panu ba naman kasi ang paa ko di ko malaman kung saan yari kasi ang lifespan ng sapatos sa akin at tsinelas eh maximum 3 months… Laging napupudpod at nabubutas… parang kumakain ng sapatos at tsinelas ang paa ko.... kahit alpombra pwede na yun sa akin... alam niyo ba yung alpombra? yun yung tsinelas na walang kana at kaliwa...)


· Cap(Gusto ko ng pagpahingahin yung sombrero ko kasi parang 6 na taon na siyang nakasuot sa ulo ko… ako kasi yung tipo ng tao na hindi lumalabas ng bahay pag naka sombrero, pakiramdam ko kasi nakahubad ako pag walang suot na ganun… hehehehe)Nasaa na ang regalo ko?


· Bracelet(Ayoko ng silver,ginto o kahit anung mamahaling bracelet… ayos na sa akin yung tig 20 pesos… )

Cheap ba ako? Kasi napapansin ko sa ibang bloggero at bloggera ang mamahal ng mga wish list nila…. Simple lang naman kasi akong tao at kahit dito sa 3 bagay na ito eh mapapasaya niyo na ako.




*love you honey ko... anu regalo mo sa akin?hehehe

12/16/09

Ano kaya magiging reaksyon ni Rizal sa mundo natin ngayon?

*affected lang ako sa nakita ko kanina sa tulay sa may Marcos hi-way kaya ganito post ko...


Pero syempre papadaig ba ako sa nakita ko... syempre hindi... happy ako now kasi ayun 11th monthsary namin ni gerlpren today at magkasama kami the whole day(12/16/09)... next time na lang ako mag post ng matino... masakit katawan ko kasi(sakit sa tuhod at bewang lolz) .... ahhh secret... basta masakit tapos... period... wag mag isip ng kung anu ano huh....



12/12/09

Medyo matagal na yung last post ko 'bout sa mga pagkain na niluluto namin ni gerlpren tuwing dadalaw siya sa munti kong tahanan(wag kayo mag isip ng kung anu ano... dalaw lang talaga kaya siya nag pupunta dito... wag masyadong berde lolz)

Kanina napag diskitahan namin ni gerlpren na magluto na lang dito sa bahay kaysa kumain sa peyborit namin fastfood na si mcdo(para daw tipid... magpapasko na kasi kaya dapat tipid tipid na lang muna). So ayun sinundo ko siya sa may Sta. Lucia mall sa cainta para mag grocery at bilin yung mga ingridients na kailangan sa iluluto namin ulam. Siguro atat na kayo kung anu iluluto namin noh? Heto na!!!!!

TADAAAAN!

CHICKEN TEMPURA



Mga kailangan bilin:
  • 1/2 kilong chicken fillet(putek ang mahal na pala ng manok 170 per kilo na)
  • 2 itlog(yung tig li-limang piso para medyo malaki-laki)
  • 1 basong malamig na tubig(gagamitin daw yun sabi ni gerlpren sa batter, para daw mas malutong yung manok pag pirito na)
  • cooking oil(aba syempre kailangan mo yun... teka saan mo ba balak iprito yun? sa tubig?Adik!)
  • salt and pepper to taste(ahaha parang cooking show lang talaga ah)
  • Harina(mga halagang sampung piso lang)
Procedure sa pag luluto:
  • Hiwain yung chicken fillet sa mga bite size(yung magkakasya sa bibig niyo ah... baka kasing laki ng palad ko yung gawin niyo)
  • Pagkatapos hiwain ang mga manok, pakuluan ito ng 3 minuto para ma pre cook na ito(at habang nagpapakulo syempre lambingan muna kami... aba tagal din nung limang minuto ah)
  • Makalipas ang limang minuto at isang katerbang lambingan sa kusina i-set aside muna ang manok at simulan ng batihin ang itlog hanggang maging stiff(di ko alam yung term na yun basta sabi ni grlpren stiff daw... ang alam ko lang stiff eh yung sa stiff neck eh)

  • Pag nagsawa na kayong magbati ng itlog, simulan niyo ng ihalo ang paminta at asin sa harina para dun daw isasawsaw yung manok.
  • Nagyon tapos na lahat ang mga dapat gawin simulan na ang pag gawa ng TEMPURA natin.
  • Isawsaw ang pinakuluang chicken fillet sa harina at pagkatapos isawisaw na ito sa binating itlog at pagkatapos gawin yun ay itapon at prituhin ito sa kumukulong mantika hanggang sa ito'y magkulay brown.


At matapos ang ilang minutong pag pi-prito at isang daang *mwah* ayan tapos na ang simple pero masarap na tanghalian. Pero syempre mawawala ba ang malamig na ice tea at panghimagas na chocolate.


P.S
Isa pang dahilan kung bakit masaya ako kasi may bago akong pet....


boo-boo
ang name niya and I named it after sa kaunaunahang pet ni gf na pinatay niya este namatay lang pala...

12/8/09


Pag pasensyahan niyo na kung di ako nakapag post ng matino lately kasi kina career ko ang trabaho ko at si gerlpren pero teka anung petsa na ba? Di ba December 8 na? Ano nga pala meron ngayon? Ah yung ISANG MINUTONG SMILE... mamaya na nga pala yun... makakahabol pa yata ako wala pa naman alas otso eh..

Pero bago ang lahat halos dalawang linggo din akong di nakaka ngiti... naku kaw kaya makangiti if namamaga ang gums mo dahil sa pinag tripan ng dentista ang ngipin mo.OH kitams ang hirap mag smile di ba?

Pero mabalik tayo sa usapang ngitian...

Nung isang araw lang napadaan ako sa isang tulay sa may amin, napansin at napatulala ako sa mga batang naglalaro sa gilid ng kalasada...madudungis at nanglilimahid(Tila ba di sila naliligo ng mga ilang linggo na). Sa totoo lang di sila kanaisnais tignan kasi nga madudumi sila pero may nakita ako sa kanila na wala sa mga karamihan ng tao... Ang ngumiti.

Sabi ng nanay ko dati pera lang ang tanging source ng kasiyahan pero bakit sila(yung mga bata) masaya at puro tawanan lang ang madidinig mo. Tila ba para silang walang problema, tila ba di nila inaalintana ang mainit na semento sa ilalim ng talapakan nila dahil wala silang mga tsinelas na suot, bakit nakukuha nilang magsaya habang kumakalam ang mga sikmura nila? Ano ba ang sekreto sa likod ng mga ngiti nila?



Sa totoo lang di ko alam kung gaano ako katagal nakatunganga sa kanila at napapangiti na din ako habang pinag mamasdan ko silang maglaro ng... teka anu nga pala tawag dun sa .... ahhh wait alam ko na... nilalaro nila eh yung piko. Parang nakakahawa yung mga ngiti nila at kahit wala naman reason eh napapatawa na din ako(mukha lang akong tanga ngingiti sabay tawa habang nakatayo sa kalasada)

Lahat tayo may mga problema tulad ng mga musmos na batang nakita ko at sa tingin ko mas grabe pa problema nila kaysa sa atin pero matuto sana tayong tawanan at ngitian ang mga problema sa buhay... matuto tayong maghanap ng iba't ibang reason para ngumiti. I'm sure lahat tayo may happy memories na pwedeng alalahanin sa tuwing binabagyo tayo ng kamalasan at problema. Mag papadaig ka ba sa mga batang langsangan na nakita ko?

"NGITIAN mo lang ang bawat problema dadating sa buhay mo..."

*pasensya na wala akong pics alam niyo naman na saksakan ako ng hiya sa harap ng camera.

12/4/09


Dapat masaya ako ngayon dahil birthday ko at ng bestfriend ko. pero hindi, sa halip, nandito ako at nalulumbay, di ko pa rin matanggap ang nangyari noon.

Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari isang taon na ang nakaraan.

Mas matanda ako kay Baby ng ilang taon. Kitang kita ko pa nga nang ipinanganak siya. Cute siya sa kanyang mamula mulang kutis at matatabang pisngi. Pero syempre, mas cute ako. Hindi yata ako papayag na mas cute siya sa akin.

Madalas kaming maglaro ni Baby. Kahit sa paliligo, sabay din kaming maligong dalawa. Para talaga kaming kambal tuko. Madalas kaming niloloko na kaming dalawa ang magkakatuluyan, pero napka imposible yung sinasabi nila kasi kapatid ang turingan naming dalawa.

Minsan isang araw, isinama ako ng nanay ko para magsimba sa Baclaran. Gusto ko nga isama si Baby kasi birthday naming dalawa, kaso lang, ayaw ni tatay. Baka daw mawala lang si Baby doon at saka dagdag lang daw siya sa abala.

Pagkatapos ng misa, hiniling ko kay inay na huwag muna kaming umuwi. Ipinagdasal ko kay papa JESUS na sana'y di na kami magkahiwalay. Mahal na mahal ko siya kaya kahit masakit na ang tuhod ko, sige pa din ako sa pag luhod at pagdadasal.

Pagdating namin ni inay sa bahay, nagulat ako dahil napaka daming tao sa bakuran namin. Kaya pala ako pinipilit ni inay na magsimba, may ihahanda pala siyang party. Nandoon lahat ng kaibigan namin ni Baby. Pero nagtataka ako dahil hindi ko mahagilap si Baby.

Pinuntahan ko siya sa paborito naming silong sa likod ng bahay at doon ko nakit ang ebidensiya ng malagim na katotohanan. Nilapitan ko ang mesa ng mga handang pagkain at doon ko nakita ang krimeng ginawa ng aking tatay.

Wala na si Baby, patay na siya. Pinatay siya ng tatay ko! Huli na ang lahat, kinatay na ni tatay si Baby.

Wala na ang BESTFRIEND ko...

Wala na rin kaming baboy.....

Huhuhuhuhu....
 


Blogger Template By LawnyDesignz