bye

8/11/09

video
Hmmm heto na ulit ako at magsusulat ulit sa huling pag kakataon... una sa lahat pasensya na if nawala ako, pangalawa para sa mga nag dududa if totoo ba ang mga nasa blog ko wala kayong pakialam hindi ako tanga para gumawa lang ng mga storya kaya pwede tigilan niyo na ako.

Wala na kami ng gf ko after 8 months at kahit sandali lang kami naibuhos ko sa kanya ang lahat lahat ng pag mamahal ko. Hindi ko akalain na matatapos din ito na akala ko pang habang buhay, sobrang mahal na mahal kita at napaka sakit sa akin na sa ganito kami natapos... sa isang text lang... pero dahil mahal ko siya pumayag ako pero umaasa pa din akong magkaayos kami.

Honey,

Una sa lahat gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong mali sa iyo kung meron man, alam mo simula nung nawala ka sa buhay ko tila ba ang hirap ng gumising sa umaga o kahit matulog sa gabi... naging parte ka na ng systema ko. Mahal na mahal talaga kita... actually nahihirap na ako... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.... ayaw kong umuwi sa bahay kasi punong puno ng mga memories mo ang bahay ko.... at sa tuwing iniisip ko yun parang gusto kong mag breakdown at umiyak na lang ng umiyak.... Hon kailangan kita sa buhay ko, sabi nila madaming isda sa dagat in short hindi ka lang daw ang nag iisang babae sa mundo... oo inaamin kong hindi ikaw lang ang babae sa mundo pero nag iisa ka lang... Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sumusulat sa iyo kasi alam ko naman na ayaw mo na... alam mo honey sana binigyan mo ako ng pag kakataon para ipaglaban kita at itong nararamdaman ko... di ko talaga kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko... kahit anung gawin ko o kahit saan ako mag punta puro alala mo ang nakatatak dun... sa sta. lcia, sa mcdo, sa bench natin sa 3rd floor, sa jeep, sa tikling, pag tatawid ka... yung mga tawanan natin, mga kulitan, mga times na nagtutulungan tayo gumawa ng mga assignments mo, pag nag iinternet tayo, pag nag luluto ako ng adobo at susubuan kita,, yung sinasabi mong adobong hotdog at sinigang na hotdog na di ko ma imagine ang lasa nun, yung pag sundo ko sa iyo this past 8 months sa school, pag kukulitan natin pag wednesday, mga libo libong text natin sa isa't isa.... LAHAT yun ma mimiss ko... sana lang di ka sumuko... bakit? bakit mo ako iniwan?

Honey alam ko may nag sabing makipag date ako sa iba pero di kaya ng konsensya ko yun kasi nag promise ako sa iyo na di ako mag loloko sa iyo kahit wala na tayo kasi forever kitang mamahlin, alam mo iniisip ko if nahihirapan ka ba or masaya ka dahil wala na tayo? Honey i love you ... at hindi ako mag sasawang mahalin ka... patawad.... sana wag kang sumuko... wag mo akong isuko... sa iyo lang ako nakadama ng ganitong klaseng saya... at never akong nag sisi na ikaw ang minahal ko at patuloy ko pang mamahlin, thankful ako dahil naging tayo... honey wag mo naman isara ang pintuan mo sa akin... kailangan kita.... mahal kita.... pwede pa ba akong bumalik sa iyo as your khizmhet?please i'm begging


MAHAL NA MAHAL KITA...



Para sa lahat na nagtataas kilay at pinag dududahan ang mga storya ko... wag kayong mag alala... iiwan ko na ang blogsphere... wala na kayong pag didiskitahan.Wala na ang saul krisna villanueva na blogger as of today. Wala na!!!! salamat sa lahat ng blogmates ko.... LORD, kosa, marco, patola, chase, kryk, at sa lahat... salamat at paalam na.... nag sasawa na akong magsulat puro batikos na lang inaabot ko dito sa blogsphere at isa pa wala na din akong reason para magstay dahil wala na kami....at sa lahat ng nagtataka bout sa pics ng gf ko... may permiso yun at gf ko mismo at nag sabing itapal ko sa blog yung pics niya...paalam na sa lahat


HONEY I LOVE YOU

8/7/09


"Ang tao parang kahoy..kahit balutan mo ng kahit anung kolorete,pinturahan mo man yan at pakinisin mo ng liha...di mo maitatago ang tunay na saloobin nito..darating ang panahon susuko yan sa anay,rurupok,mabubulok,at tuluyang mawawala...gaya ko...lahat tayo may hangganan dito sa mundo."

"Magsuot ka man ng napaka daming maskara, punuin mo man ang mukha mo ng make up o itago mo ang iyong mukha sa likod ng sombrero... di mo pa rin mapepeke ang tunay mong nadarama... lilitaw at lilitaw ang katotohanan dahil magawa man nating mag sinungaling at sabihing okay tayo pero ang mga mata natin ay mananatiling totoo"

"Minsan hindi gamot ang kailangan ng isang may sakit.... kadalasan nag hahanap lang sila ng importansya na nanggagaling sa kanilang minamahal... Iparamdam natin na sila'y importante din bago mahuli pa ang lahat... Mahirap mag bigay importansya sa minamahal natin kung sila'y nakabaon sa ilalim ng lupa"

"Mahirap mamatay dahil sa isang sakit pero mas mahirap kung buhay ka nga pero unti unti kang pinapatay ng puso mong ang tangin kasalanan ay ang mahalin ka"





*Love you honey

8/6/09


PANAWAGAN

Kanina lang ay mag kasama kami ng gf ko at nag palamig muna sa loob ng isang mall habang nag papatila kami ng ulan... hmmmm actually hindi tungkol sa date namin ang ikukwento ko... it's about sa sinabi niya sa akin habang pauwi na kami.... sabi niya:

Gf:"Honey alam mo may hinihintay akong 3 bagay na dati mo pa dapat naibigay....
Ako: "Huh? Anu yun? Nakuha mo na nga ang aking katawan eh(joke... hindi yun ang sinabi ko)
Gf: "Basta 3 bagay yun na dapat nung 1st monthsary pa lang natin ay ibinigay mo na saakin."
Ako: "Anu nga yun? pinasasakit mo naman lalo ang ulo ko eh... siret na ako!"
Gf: "Basta pag naibigay mo na yung mga hinihingi ko masasabi kong kumpleto na yung pakiramdam ko na gf mo ako."
Ako: "Ano? Kukumpleto saiyo? Anu ba kasi yun?"


Ang Mga Clues!!!

  • Yung isa ay edible, that means nakakain.(Pero anak ng jueteng eh isang katerba ang pag kain sa mundo... anu dun?)
  • Yung dalawa naman ay di daw nakakain...(Mas mahirap ito kasi ang daming bagay na di pwedeng kainin...tulad ng ref, TV, Washing machine, papel, etc.)
  • Yung isang bagay pwede daw mahaba,pwededin maigsi
  • Yung isa naman ay soft daw.....
  • One last clue...lahat daw ito ibinibigay ng mga bf sa gf....

Ang sakit na ng ulo ko sa kaka isip...pero di ako susuko.... kasi pag daw naibigay ko daw yun ay magigng happy daw siya.... so help me please.....

8/4/09


Because of you I have the whole new meaning of the word L♥VE..

L♥VE is YOU..

YOU.. Mr. Saul Krisna E. Villanueva..


I DO L♥VE YOU SO MUCH..


Your love has made me a better person. You made me complete. You have loved me and still loving me with me all your heart and even more than your life.



Honey Qu..mahal na mahal po talaga kita. Nagpapasalamat ako kay GOD dahil ikaw yung binigay niya sa akin na boyfriend. I’m so thankful to have you in my life. For me ikaw na talaga yung dream guy ko. Kaw yung first boyfriend ko na nagpakilala sa akin sa daddy mo, relatives, chuchmates, and friends mo. Thankful ako sa love at loyalty mo sa akin. YOU’RE THE BEST BOYFRIEND I EVER HAD IN THIS WHOLE WIDE WORLD.



Hon.. sorry if sometimes I do not appreciate you as my boyfriend/partner and I always taking you for granted.. I’M REALLY SORRY.



For this past few days maraming trial na dumarating sa atin and sorry [again] sa nasabi ko last Friday [August 31] na I can’t stay with you… pero narealiza ko that I REALLY CAN’T LIVE WITHOUT YOU CO’Z YOU HAVE CHANGE MY LIFE, YOU’RE THE AIR THAT I BREATHE, YOU’RE MY EVERYTHING.


I will not let anybody end our relationship. Kung hindi ko narealize na dapat ako mag-stay with you, hindi ko alam kung ano magyayari sa akin/ sa atin.


I’M REALLY SORRY FOR ALL THE BAD THINGS THAT I’VE DONE..


Honey qu.. one thing is for sure..

I WILL STAY WITH YOU.. FOREVER..TILL ETERNITY..


Lagi ko din ilalagay sa isip ko yiung triangle ang yung mag good memories ko with you.


ALWAYS PUT GOD IN THE MIDDLE OF OUR RELATIONSHIP.


I L♥VE YOU SO MUCH AND I’M SORRY

>> I just don’t know how it started

The love of you I was so addicted

Now, it is hard to forget

The LOVE OF YOU MADE ME COMPLETE ..



♥ YOU’RE MY LIFE ♥


by: _+mHiz -yHeL +_

8/2/09


Ang blogging para sa akin ay isang BISYO na mahirap talikuran at tuluyang iwan o ibaon sa limot, pati na din ang mga tao dito sa bl0gsphere sadyang mahirap iwan... kaya after two days na pag kawala ay nagising ako sa bangungot at nag balik na ako.... PERMANENTLY!

Anu na mga ba ang nangyari sa akin or should I say sa amin? Hmmm ganito yun if my memory serves me right... Friday ako nag paalam sa inyo dahil sa... teka alam niyo naman kung bakit di ba? Okay okay okay para sa mga hindi pa nakakalam or naguguluhan pa din... maghihiwalay na kami ng girlfriend ko at ikinadurog yun ng puso ko... Kung mapapansin niyo medyo nag evolve na ako from being an EMO at mula nung nakilala ko na siya nag bago ako at naging masiyahin... kaya when she said na ayaw na niya dahil sa isang reason na di ko pwedeng sabihin(Secret!) bigla akong nawalan ng ganang magsulat or kahit mabuhay... pero dahil binago niya ako di ko na magawang mag anu(alam mo na yung pareng kosa,amor at Lord Cm)...

Dahil sa bad news na yun nag sinmulang sumpungin na naman ako ng sakit ko... nag request ako sa gf ko na puntahan niya ako at mag papaalam ako sa kanya ng harapan kasi ayaw ko thru text message kami mag papaalam(Pangit ka yung ganun di ba?) So nag punta siya sa amin nung Friday after lunch at ayun nag simula na ang pinakamadramang episode ng relationship namin.... akalain niyo bang iniyakan ko siya from 1pm to 3:30pm... Takte naubos na yata ang luha ko sa mga mata ko... at nung mga 3pm nangyari na yata ang isa sa pinaka sweet moments namin... as I lay sa kama ko at nagdidiliryo dahil yung heart ko ay parang sinawaan ng tumibok... she hug me and embraced me at sabi

Girlfriend ko: "hon! Gumising ka! Wag kang matutulog baka di ka na bumalik sa akin..."
Girlfriend ko: "honey! Anu ba! Wag mo akong takutin! HIndi ko kayang mawala ka... sorry please be okay na"
Ako: "wala akong imik dahil nga nag didilryo ako
Daddy ko: "Dalin na ba kita sa emergency?"
Ako: "Kaya ko pa"
Daddy ko: "Kaya mo pa eh tignan mo itsura mo para kang balyena na nag didiliryo...magpapayat ka nga!"(sweet talaga ng tatay ko di ba? ma mamatay na nga ako eh yung katabaan ko pa ang napansin)

Iniwan na kami ng daddy at kumuha ng gamot

Girlfriend ko: "Honey patawad.... pwede pa ba akong bumalik sa iyo?"Please wag mo akong iwan!(Sabay halik sa mga labi ko ng sobrang tagal)

Anak ng jueteng naman oh! Bigla akong tinayuan ng balahibo sa mga sinabi niya at yung pag halik niya sa akin...(kilig kilig naman ako)After nun parang isang miracle yung ginawa niya sa akin dahil parang bumalik yung kulay sa katawan ko at nanumbalik yung will kong mabuhay... at dahil yun sa halik at pag hingi niya ng sorry sa akin.

So in short naging kami na ulit at buong maghapon niya akong binantayan at di siya tumigil sa pag aalaga sa akin... habang nakayakap siya sa akin bigla ko siyang niyayang mag dasal at sinimulan na namin mag pasalamat sa papa LORD namin dahil 'di kami pinag hiway at binigyan pa kami ng isang pag kakataon para alagaan namin ang bawat isa. After mag dasal naisip namin na ilagay si papa LORD sa gitna namin para siya ang humawak sa mga munting buhay namin...


Kahapon Monthsari namin at kahit medyo nahihirapan pa ako eh sinundo ko siya sa may Sta. Lucia(Mall yun dito sa amin) para sabay kaming mag lunch sa Jollibee at sabay kaming uuwi sa bahay namin este bahay ko pala para mag pahinga(HOY!!!! May sakit pa ako kaya wag kayong mag iisip ng kung anu-ano). Kahit wala naman kaming ginawang special kahapon dahil umupo lang kami sa isang bench sa mall ng 2 oras at kumain ng 1 at kalhating oras at samahan mo na din ng 3 oras sa kwarto ko(parang short time lang ah... 3 hours) (hahaha) Naging masaya kami kahapon at naging memorable ang araw na yun.... I just hope magtagal na kami this time.... tulad niya, hindi ko kakayin pag nawala siyang muli.

(Remember this picture honey?)


Happy 8th Monthsari honey
I love you

 


Blogger Template By LawnyDesignz