10/17/08


Ang hirap kapag mahal mo ang isang tao pero hindi naman niya ikaw pinaniniwalaan... lahat na lang ginawa mo pero still she doesn't even believe a single word you say... Paano ko ma-eexpress yung pag mamahal ko sa kanya? Ano ang gagawin ko if tila ba nag bibingihan siya sa buwat pununuyo ko sa kanya? I know action speaks louder than words pero what if tanging words lang ang paraan para kayo magkausap... what I mean is that how can you let them know that you love that person if malayo kayo sa isa't-isa? 'Di na bago ang ganitong eksena sa mundo ng pag mamahalan.... yung "long distance relationships" Most of you wouldn't agree to this kind of set up... mahirap kasi... Pero I myself wouldn't accept that excuse... eh ano kung mahirap... nagiging mahirap lang ang isang bagay if hindi mo ibibigay yung best mo... diba pag ayaw madaming dahilan pero pag gusto... madaming paraan... pero anong paraan? I know I'm not making any sense here... It's just that I'm starting to fall for this person who I haven't seen before... in short 'di pa kami nagkikita... pero hindi yun hindrance para mag stop ako sa pag mamahal sa kanya... patuloy ko pa rin siyang mamahalin kahit na 'di pa kami nagkikita... patuloy ko pa rin siyang bibigyan ng importansya... Hindi ko ide-deny na naging malaki ang parte niya kung bakit buhay pa ako ngayon... kundi dahil sa pag mamahal niya sa akin... siguro matagal na akong patay, kundi dahil sa kanyang pag aalala sa akin hindi na siguro ako gaganahang ipag patuloy itong laro ng buhay... kundi dahil sa kanyang pag uunawa siguro sinawaan na ako... siyas ang nag mistulang angel ko dito sa lupa. Siya ang sandalan ko, sa kanya ako humuhugot ng lakas pag pinanghihinaan ako ng loob... kaya tell me, how can I let go of her if sya ang "reason" ng lahat ng "why's" ko. Alam ko medyo madrama na ito pero what the heck!!! BLOG ko ito and I will continue to write whatever feelings I have... Mahal ko siya pero malayo siya sa akin, mahal ko siya pero 'di pa kami totally nagkikita, mahal ko siya kahit 'di siya naniniwala sa mga sinasabi ko... kahit isang bundok pa ang dahilan para layuan ko siya at itigil ang pangangarap ko na maging kami... hindi ako susuko... Bakit kamo? simple lang.... kasi mahal ko siya... at patuloy pa rin ako sa pag mamahal ko sa kanya... siya ang angel ko dito sa magulong mundo ko...

0 comments

 


Blogger Template By LawnyDesignz