10/6/08


Maybe your wondering if bakit ganito yung mga articles ko.. siguro madami lang akong napag daanan na hindi gaanong kaganda... sa tuwing makikita ko itong picture na ito lagi ko na aalala ang mom ko. Maybe your wondering what's the connection? Let me show you a glimpse of my past:


When my parents broke up I was left in my mom's custody and I thought every things gonna be alright between me and my mom but I spoke too soon.. The heaven that I was expecting turned out to be HELL. My life since then become miserable. Akala ko magiging mas maayos ang buhay ko pero I was wrong. Nag simula lahat nung unang araw ko nahuli ang mom ko with this man... I won't tell you what I saw but I guess parang gets mo na di ba? Anyway dun nag simula yun... sa pang lalaki ng mom ko. Lahat ng sustento ng dad ko for us ay ginagastos ng mom ko dun sa bf nya. Even my tuition fee was been used up dahil dun sa pesteng lalaki nya. Dahil sa mga pangyayaring iyon naging rebelde ako. At sino naman ang hindi magrerebelde sa sitwasyon ko. Nahinto ako sa pag aaral because of my mom's bf and dun na nag simula ang impyerno ng buhay ko. Tell me sino ba ang nasa matinong pag iisip na patigilin ang anak nya dahil sa kabit nya? I begun to fight back, nag rebelde ako, nag simula na din ako mag kabisyo. Nung napapansin ng mom ko ang pag babago ko instead of breaking up with her bf mas lalong pinag higpitan ako. Hindi na ako nakakalabas ng bahay, and to make matters worst lumipat na sa bahay namin yung guy at pag nalalasing sya sa hospital ang bagsak ko dahil madalas ginagawa akong punching bag ng lalaking iyon. Sobrang na aawa ako sa sarili ko palagi, parang wala ng katapusan ang pahirap sa akin, madalas hindi nila ako tinitiran ng pag kain,kinukulong ako sa "selda 14" yan ang tawag ko sa room ko dahil I'm a prisoner of my own room. BAWAL LUMABAS! yan ang batas sa bahay. Kakain ka lang if tapos na silang kumain at maswerte ka if may matitira sayo na ulam madalas kasi kanin lang ang kinakain ko. I wasn't aloud to use the phone for their fear na mag susumbong ako sa ibang tao. Madalas ginagawang ash tray ang likod ko ng bwisit na taong yun.. when that happens wala akong mahingan ng tulong. I don't have friends... All I have was myself. I really wish I would die during one of those beatings sa akin ng bf nya... siguro you would say that sa telenovela lang yun nangyayari pero sad to say it really happened to me and how I wished that sana isang bangungot lang yun ng buhay ko... na kahit anong oras pwede akong gumising at sabihin sa sarili na " panaginip lang pala yun"

0 comments

 


Blogger Template By LawnyDesignz